Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

CHAPTER 3: Tseke

RYLENE

Nanlumo kami pero mas lalo na si ashley dahil siya ang may kailangan sa pera, paano na ung kapatid niya? Lumabas sa bangko si ashley.

“ teka saan ka pupunta??”

“ babalik ako sa lugar na iyon!” namumula siya sa galit.

“ rylene kailangan ko ung pera! Kahit takot ako ginawa ko!” tumulo na ung luha niya.

“ okay sige, balikan natin ung lugar” tumango na siya at pumara na kami ng taxi.

Nagulat ako sa pinuntahan namin, hindi ko expect na dito sila kasi ung lugar na ito pang VIP lang. Kumbaga reservation only walang walk in kaya tahimik at walang palya dito

“ reservation?” bungad saamin.

“ andito lang ako kagabi, ung lalaking kasama ko kilala niyo ba?” tanong ni ashley.

“ no information to be leak… sorry” napapikit ng inis si ashley.

“ kailangan kong makita ung lalaking iyon?! Sige na kahit pangalan lang” pakiusap niya.

“ again… no information to be leak, please leave or were going to carry you outside” napa tapik ng mesa si ashley at inis na umalis.

“ paano na?” tanong ko.

“ maghihintay ako dito, babalik iyon” sabi niya.

“ seryoso---” tumunog ang phone niya.

“ hello?” ung mukha niya hindi maipinta, pumara ng taxi at kahit hindi ko alam sumama ako sakanya.

Papunta pala kami sa hospital kung nasaan ang kanyang kapatid, dali dali naming hinanap kung saan ung kapatid niya.

“ steve”

“ ate ayoko pa mamatay” iyak na sabi ng kapatid niya.

“ hindi ka mamamatay” naawa ako kay steve, simula ng iniwan sila dito na siya tumira sa hospital dahil sa sakit niya. Bilib nga ako kay ashley kasi nakakaya niya ang gastusin tapos nag aaral pa siya, mabuti na lang talaga ay scholar pa siya.

“steve! Steve!!!” Nangisay ai steve, tinawag ko ung nurse at doktor. Dali dali silang dumating at kinuha si steve, pinahintay na lang muna kami sa labas.

“ magiging okay siya ash” tumango siya, nag hintay kami ng mga ilang oras at lumabas na ung doktor.

“ his okay but his brain is already dead”

“ Pag ganitong case, mag lalast siguro ng days, weeks or months and kung palarin siguro a year pero kapag ganun ginigive up na ng pamilya dahil alam niyo na” paliwanag ng doktor.

“ all we have for now is god, kami andiyan lang pero ang god lang ang makaka pag bigay ng himala” nanlumo si ashley.

“ kung may problema at tanong, hanapin niyo lang ako” nag lakad na siya palayo, napa upo naman si ashley.

Inilipat na si steve, nag paalam na muna ako para kumuha ng makakain. Naka bili na ako ng makakain kaya bumalik na ako ng naabutan kong kausap ni ashley si steve, andami nilang mga bilin hanggang nag yakapan sila.

“ ate rylene ikaw na bahala kay ate, please paki ingatan siya” tumAngo ako at lumapit para yakapin siya ng may ibinulong hanggang nApa bitaw na siya.

“ steve??” tinignan ko at naka pikit na siya, humagolhol na ng iyak si ashley. Tumulo na din ang luha ko, ung akala namin na makakasama pa namin siya pero hindi na pala.

Tinulungan ko si ashley na asikasuhin ang mga dapat gawin, nabayaran na namin ung bill. Naka utang naman kami para sa funeral package ni steve kaya wala ng problema. Naka schedule bukas ng umaga ang pagsusunog kay steve.

Ayaw kasi si steve na ganun siyang ilibing, mahal man pero ginawa parin ni ashley para daw kahit sa uli naibigay niya ang gusto niya kasi ung hiling niyang ayaw niyang mamatay ay hindi naibigay ni ashley.

Kami lang dito sa may memorial chapel, wala naman kasi silang kamag anak dito kundi nasa ibat ibang lugar. Tinimplahan ko siya ng kape, tinabihan.

“ andito pa ako ashley” ngumiti siya pero kita mo ang lungkot.

“ iniwan na nila akong lahat, sana naman rylene huwag mo akong iwan”

“ hindi kita iiwan maski mag asawa ka pa” sagot ko.

“ kapag honeymoon niyo meron ako” natawa siya.

“ baliw”

“ Kaya mo ashley kahit wala si steve, kayang kaya natin to? Tapusin natin ang pag aaral natin para kay steve” tumango siya.

Ilang araw lang namin binantayan si steve at inilibinh na din siya, hindi na din kasi namin kaya at may pasok pa kami. After nga ng libing pumasok pa kami sa school, kahit pagod at walang tulog.

“ kain na muna tayo” pumunta kami sa may harap ng school para kumain.

“Uy naka pag send kana ng resume”

“ paano ba ito? Ang hirap”

“ ang dali dali lang”

“ Dalian niyo hanggang bukas na lang ang magsesend ng CV” mga naririnig namin.

“ ashley bakit hindi ka mag apply lalo pat matalino ka baka pasok ka”

“ O kaya ikaw rylene” turan saamin.

“ ano ba iyan?” tanong ko.

“ hiring ng graduating student ang A5 company” nanlaki ang mata ko.

“ a5 company?!” tanong ni ashley.

“ ashley ung pinag uuspan natin noon na kung natin balak mag trabaho?” napa isip siya tapos nanlaki ang mata niya.

“ Asan ung hiring?” tinignan niya ung naka post.

“ dali rylene gumawa tayo ng resume!” ung pagod at gutom namin nawala na at nag focus na kami sa pag gawa ng CV, pangarap kasi ng mga tulad namin na maka pasok doon.

Mabuti na lang mahaba ang vacant namin at naka gawa kami ng resume namin, nag submit na kami at kumita pa nga kami kasi nag pagawa sila ng mga resume nila kaya natuwa kami ni ashley. Bumalik na uli kami sa room dahil may klase pa kami tapos after neto ay uuwi na kami.

Kinabukasan may nakuha kaming email na interview na daw namin kaya heto kami naghahanap ng isusuot namin, halos nailabas na namin ung laman ng drawer namin pero wala parin kaming mahanap na masusuot.

“ paano na?” tanong ni ashley

“ mag tahi ka kaya” tinignan niya ung oras.

“ pwede naman kung uumpisahan ko na ngayon” may sewing machine kasi siya, iyon ang pamana ng lola niya sakanya kaya kahit anong gipit hindi niya ibebenta iyon.

Chương trướcChương sau