ASHLEY
“Wooohoooooo!!!! HAPPY GRADUATION!!!!!!!” sigaw namin ni rylene, sa wakas naka pag tapos kami kahit hirap kami sa mga baon namin.
Q“ mama thank you” sabi ni rylene.
“ thank you din po tita” hindi siya nag pakita ng masama saakin kahit minsan wala ako maiabot sakanya, minsan binibigyan pa ako ng baon kaya maswerte ako dahil hindi siya nagkait saakin
“ ano ba kayo, ako nga dapat mag thank you dahil kung hindi dahil sainyo baka patay na ako” umiyak na siya, niyakap namin siya.
“ salamat dahil andiyan ka saamin mama kahit hirap ka” sabi ni rylene, nginitian ko siya na mas lalong nag paiyak sakanya.
“ Proud na proud ako sainyo” sabi niya, napapa iyak na din ako.
“ oyyy bakit ikaw umiiyak na din?!” sita ni rylene.
“ ngayon lang ako nasabihan ng ganun” umiyak na din si rylene.
“ ano ba yan… bakit kayo umiiiyak” reklamo niya, natatawa na lang tuloy kami.
“ tara na nga at umuwi na tayo, magluluto pa ako ng handa niyo”
“ Ma may handa kami?” tumango siya.
“ may pinalengke ako at may biniling cake” sagot niya.
“ yehey! Tara uwi na” sabi ni rylene.
RYLENE
Umuwi na kami at tumulong sa pagluluto, sabi ni mama nagtatabi siya ng pakunti kunti sa pagtitinda niya para may pang handa siya para sa gradiation namin. Hindi naman daw pwede na hindi daw siya magluto kaya nagpapasalamat kami dahil naisip niya pa iyon kahit hirap siya.
Knock knock
“ ASHLEY!!! Paki buksan” mas malapit kasi siya pero busy sa pag rorolyo para sa shianghai.
“ helo po” sumilip ako, kabisado ko ung boses na iyon.
“ tim?! Pasok ka iho” pumasok na siya, may dala dalang pagkain at bulaklak.
“ congratulation sainyo” ibinigay kay ashley ung isa tapos saakin ung isa.
“ himala at dumalaw ka”
“ hehe hindi ako busy, eto pala pandagdag” sabi niya, iniabot na ni mama ung mga pagkain.
“ wala si axe??” tanong niya.
“ bakit naman iyon pupunta dito?” tanong ko
“ sabagay…. Baka busy sa chicks niya” napansin kong lumingon si tim kay ashley.
“ oyyy… ano yan ah, huwag mong bini bridge yang isa diyan sa iniisip mong yan” tutul ko.
“ hehe… alam agad ah” sabi ni tim.
“ hmp…. huwag si ashley, hayaan nating matupad niya muna ang pangarap niya” seryoso kong sabi ayokong biguin ang yumao niyang kapatid
“ okay… tulungan na kita” sumeryoso naman si tim.
Nag patuloy kami hanggang naka luto, may mga bisita na konti at masaya na kami doon. Nag kantahan pa nga kami para mas masaya, etong si ashley napakanta dahil sa request ni mama.
“ oh diba maganda ang boses niya” sabi ni mama.
“ paano niyo nalaman?” tanong ko.
“ kapag naglalaba siya kumakanta” sagot ni mama.
Si tim napapakanta na din, paano ba naman naki inom sa mga bisita namin tqpos halos babae. Pambihira din ito, naki sabay na din kami ni ashley kasi minsan lang naman ito.
“ mauuna na ako matulog, hindi ko na kaya” sabi ni mama, lasing na kasi
“ sige po” kami na lang tatlo ang natira, si ashley papikit na at pinipilit na maging okay.
“ ashley kaya pa?” tumango siya.
“ kayo ba kaya pa??” tanong niya.
“ oo naman….” Maski si tim hindi na din kaya, mga mahihinang nilalalang.
“ saan tayo mag tra-trabaho?” tanong ni ashley.
“ kung gusto niyo saakin na lang” sabi ni tim
“ ayaw na naming maging call girl” sagot ko.
“ hindi naman ganun, office work” sabi niya.
“ haha.. baliw ka?? May kompany ka ba para pag pasukan kami ng office work???” sabi ko, natahimik siya.
“ kung sa agency mo lang din, huwag na oy” dagdag ko.
“ mabuti nga at hindi kana magiging call girl na rylene, ako kasi ganun parin” nalungkot ako bigla.
“ tatlong gabi, taltlo lang naman ashley…kaya mo yan” sabi ko.
“ tatlong gabing pagtitiis…. Dibale kakayanin ko ito, kasalanan ko din naman kung bakit ganun ang nangyari” sagot niya.
“ bakit kasi nag ganun pa iyon, sa yaman nong lalaking iyon parang walang kapera pera sa pag dedeal niya” singit ni tim.
“ mayaman ba iyon?” tanong ko
“ sobrang yaman non” sagot ni tim.
“ bakit talbog tseke niya?”
“ Haha baka naman hindi marunong ung teller, never magiging talbog tseke non pero ewan ko lang kung sinadya niya pero sa ugali ni axe malabo” sabi ni tim.
“ dami nagkakagusto doon pero walang sineseryoso, tatanda atang single” dagdag niya.
“ sabi mo busy sa chicks” nagulat ako, bigla bigla na lang sumisigaw si ashley
“ oo… iyon naman ang gawain niya, busy sa mga chicks niya. Wala namang gagawin kundi ganun, may mga empleyado siya para mag trabaho para sakanya kaya no need to work”
“ Mmm… sakanya ba talaga ung—”
“ ung kompanya na glass lahat ang labas??? Oo sakanya” so mayaman nga.
“ bakit andami mong alam sakanya?! Stalker ka no!” singit ni ashley, natawa na lang ako kasi talagang lasing na siya.
“ oyy… hindi ah, kilala kasing tao kaya alam ang nangyayari sakanya” sagot ni tim
“ ahhh… kala ko bakla ka” natawa uli ako, ung reaksyon naman ni tim hindi mo alam kung gulat o maiinis.
“ lasing kana… itulog muna yan” sabi ni tim.
“ bakit mo ako pinapatulog??? Para masolo si rylene???!!! Di mo pa kasi sabihin na gusto mo ung tao kaysa sumegwey ka pa” napa tingin saakin si tim.
“ o siya… iwan ko kayo” tumayo si ashley tapos pumunta lang sa kabilang upuan, natatawa na lang ako sa pinag gagawa ni ashley.
“ lakas mang trip, iiwan daw tayo eh lumipat lang naman ng pwesto” sabi ni tim.
“ hayaan mo siya, lasing na yan” nilagyan ko ung inumin ko ng alak
“ tama… sobra na ininom niyo” umiling ako
“ hindi pa ako lasing, kayo lasing na” sagot ko
“ okay… last na” maka pag bawal akala mo jowa ko, nilingon ko siya.
“ oyyy… naku tim sinasabi ko sayo, huwag ako… huwag ako gugustuhin mo” agad kong sabi, galawan pa lang niya eh nagets ko na.