Chapter 5 Date

Bumangon ito sa pagkakahiga sa hita niya saka umupo sa kanyang tabi. Kinuha nito ang gitara na itinabi nito kanina at marahang kinaskas.

Nang bumaling ito sa kanya ay may sinusupil itong ngiti.

“You really like playing guitar?” she asked, amusement dancing in her eyes. She loves guitar and she wants to play. Pero ni minsan ay hindi siya nabigyan ng pagkakataong makatugtog dahil wala siyang sariling gitara. Tanging sa school lang siya nagkakaroon ng pagkakataong tumugtog dahil doon na rin siya natuto pero hindi siya gaanong kagalingan.

“Yes. And now, I want to sing you this song. Matagal ko nang kinikimkim to, simula noong inamin ko sa sarili ko na gusto kita. I did my own version, sana magustuhan mo.” Nahihiyang amin ni Jevy.

He then slowly strum the guitar string while looking at her intently. Swallowing all of her. His eyes were full of emotions that Issay can see right through the glistening lights of the garden.

Matamis na ngiti ang iginawad niya sa binata bilang sagot sa sinabi nito. Kay gaan ng pakiramdam niya.

Bahagyang kinaskas ni Jevy ang gitara bago ito nagsimulang tumugtog at kumanta. Nabigit ni Issay ang hininga nang marinig ang napaka-soothing nitong boses. Ang ganda ng boses niya! Hindi niya mapigilang komento sa isip.

“I saw you on a Sunday in a café

And all you did was look my way

And my heart started to race

And my hands started to shake, yeah

Napangiti si Issay at buong pagmamahal na nakatitig lang kay Jevy habang kumakanta ang huli. He really have a very soothing voice. Deep, calm and baritone. Bagay na bagay sa boses nito ang napiling kanta na ginawa nitong acoustic.

Matiim ang pagkatitig ni Jevy sa kanya at Damang-dama nito ang bawat kataga ng inaawit.

Issay feel loved. Hindi niya akalaing magkapareho sila ng nararamdaman ng binata. Ang tagal-tagal na niyang hinintay na pansinin siya ni Jevy. Ngayong magkasama na sila nito ay araw-araw niyang ipapadama rito ang pagmamahal niya para sa binata.

I get a little bit nervous around you

Hindi niya mapigilang halikan ito sa pisngi habang patuloy ito sa pagkanta. Seeing him singing and strumming the guitar makes her heart fluttter. Kaya hindi niya napigilang halikan ito na ikinangiti ng kasintahan at kinindatan siya na ikinangiti niya ng malapad.

“You like it?” kapagkuwan ay tanong nito matapos kumanta.

Nangingiting tumango siya habang sinusupil ang kilig na nararamdaman saka masuyong hinaplos ang pisngi nito.

“So, you felt nervous when you are with me?” she teased.

Nahihiya itong tumango saka kagat ang labing sumulyap sa kanya.

“Yes, Issay. That’s what you do to me. Every time you’re near, I’m nervous and my heart just keeps on beating so fast.”

Tumuwid siya ng upo saka napahalukipkip.

“So that’s why you bullied me?”

Nakataas ang kilay niyang tanong habang seryosong nakatingin dito.

His face fell.

“Issay. That’s all in the past. And I just did it to get your attention. Hoping that you will notice me,” may kaba sa boses na sagot nito.

Tumikhim siya upang itago ang ngiting nais kumawala.

“By bullying me? You think I will fall for you when you bully me?”

“Aren’t you? Fell for me?” nag-aalangang tanong nito.

Pinatili niyang kaswal ang bakas ng mukha at ‘di sumagot.

“Issay?”

She stays silent.

“Issay naman eh…” nakikiusap na ang boses nito at nababadha ang kaba sa mga mata nito.

Mabilis siyang dumukwang at kaagad itong dinampian ng halik sa labi saka malapad ang ngiting tumitig dito.

“Gotcha!” malawak ang ngiting sigaw niya rito.

Hindi makapaniwalang tumitig ito sa kanya dahil sa pagbibiro niya. Kapagkuwan ay mahinang napatawa.

“So, you’re teasing me? Hmm?” mababa ang boses na wika nito. Tumiim ang titig nito bago inilapit sa kanya ang mukha. “You like me even though I keep on bullying you, isn’t it?”

Nakangiti siyang tumango.

“Yes, Jevy. I like you when you’re still bullying me, but I like you more when you confessed to me. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Gusto kita at ‘di mababago ‘yon ng pangbu-bully mo sa’kin.”

Nakahinga ito nang maluwang dahil sa sinabi niya.

“I thought you’re mad at me because of what I did,” nakalabing wika nito.

Mabilis niya itong dinampian ng halik sa labi at masuyong hinaplos ang mukha.

“That will never happen. Remember that,” aniya saka siya na ang kusang yumakap dito.

Gumanti ito ng yakap saka masuyong hinalikan ang buhok niya.

Elyssa can’t contain the happiness that she felt. She’d been dreaming of this since the first time she met Jevy. Ang akala niya ay hindi siya nito pagtutuunan ng pansin kaya ibinuhos niya ang atensyon sa pag-aaral.

At ngayong nakapagtapos na siya at makakapagtrabaho na ay binigyang laya na niya ang puso na magmahal. Sana lang ay hindi ito kaagad masaktan, dahil hindi niya alam kung paano mendahan ang puso kung ito ang masugatan.

“Care for a dance?” maya-maya’y untag ni Jevy saka inalalayan siyang tumayo.

“Sure. I would like to have a first dance with you!” aniya saka umayos ng tayo.

He kissed her quickly before ushering her to the dance floor in the front garden of their house.

Hindi na namalayan ni Elyssa si Julie, pero alam niyang nag-eenjoy ito.

Buong gabing magkasama sina Elyssa at Jevy na labis na ikinasiya ng dalaga. Walang sawa silang sumayaw at paminsan-minsang uminom ng wine, na hindi na niya namalayang nalalasing na pala siya. Kaya naman bago pa lumalim ang gabi ay nagpahatid na siya kay Jevy na buong puso naman nitong sinang-ayunan.

She enjoyed tonight and she was hoping na magtatagal itong kasiyahan niyang nadarama. With Jevy as her boyfriend and the new job that she wished for.