Chapter 14
Ilang beses ko na bang nahila ang palda ko pababa? Kasalanan ito ni Tina. Nakapantalon lang
ako kanina nung sinundo nila pero ngayon naka leather skirt na ako na kulay black na hapit na
hapit sa akin. Dyosko, kahit sa simpleng paglalakad ay parang masisilipan na yata ako. Napaka
iksi ng palada kung kaya lumitaw ang bilog na bilog at mapuputi kong mga legs. Naka backless
din ako ng damit na kita ang aking pusod. Ano ba naman ito, hindi kaya ako nito kabagan?
"Friendship, baka naman masira na yang suot mo kakahila mo pababa. " puna sa kanya ni Tina
habang naghahanap sila ng upuan sa loob ng bar.
" Ang iksi naman kasi . Hindi ako sanay eh " katwiran ko dito." Pwes masanay ka na. At saka isa pa, look at you, mygod, tinalo mo pa yung model na
napapanood ko sa tv. Ang Perfect ng katawan, pak na pak. " papuri nito sa akin . Napapailing
na lamang ako sa mga pinag sasabi nito. Paano ba naman ako tataba nito, eh mahirap lang
ang buhay namin. Madalas na isang beses lang ang kain sa maghapon.
" Tina, dito tayo sa gilid. " tawag sa amin ng isa naming kasama. Sabay sabay kaming lumapit
doon at agad na umupo. Napaka ingay at medyo madilim sa pwesto namin.
" Let's go, magwala na tayo. " yaya ni Tina sa mga kasama namin. Excited na tumayo ang mga
ito at mabilis na naglakad papunta sa dancefloor. Mamaya na ako, hindi pa ako sanay at para
akong nahihilo dahil sa mga iba ibang ilaw.
Tatayo na sana ako upang sumunod sa dance floor ng biglang may mahagip ang aking mata.
Hindi. Erase. Ipinikit ko ang aking mata at baka nagkakamali lang ako pero pagmulat ko ay mas
lalong naging malinaw sa paningin ko ang taong iyon.
Si Tyger, ang aking asawa. Kasama ang babae sa restaurant at masaya habang magkayakap
silang dalawa. Para akong biglang nanghina kung kaya muli akong napaupo at napayuko. Ang
sakit, bakit ang sakit. Oo, mag asawa kami pero kontrata lamang ang lahat.
" You're here, Pia.. right?" Napaangat ako ng mukha at napatingin sa taong nagsalita sa tabi ko.
Si Russell.
" Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo kong tanong dito.
" Katulad mo, nagpapalipas ng gabi " wika nito sabay inum sa basong hawak nito. " mag isa ka
yata ngayon?"
" Nagsasayaw na ang mga kasama ko. Hindi kasi ako marunong " pagdadahilan ko dito.
" Kung ganun pareho pala tayo. " nakangiting wika nito sa akin. Nagulat pa ako ng tumayo ito at
ilahad sa akin ang kanang kamay nito.
" Bakit ?" Tanong ko dito.
" Let's dance? " yaya nito sa akin. Umiling lamang ako dito. Siguradong mapapansin kami ni
Tyger kapag nagsayaw kami sa dance floor.
" Hindi ako marunong eh. Nakakahiya naman" pagtanggi ko dito.
" Common, pareho lang naman tayo eh. Let's just enjoy the night. Alangan naman sila lang ang
nag eenjoy at happy diba?" Makahulugang wika nito sa akin sabay tingin sa gawi nina Tyger.
Napatingin din ako doon at sakto naman na naglalambingan ang dalawa. Mabilis kong inabot
ang kamay ni Russel at nakangiting niyaya ito sa dance floor.
" Ang galing mo naman palang sumayaw Pia " hinihingal na wika ni Russell habang
sumasayaw.
" Hindi naman " nakatawang sagot ko dito. Enjoy din pala ang ganito. Ngunit hindi pa nagtatagal
ay bigla na lamang nagbago ang music.
" Oh? " gulat na wika ko. Narinig kong tumawa si Russel at pagkatapos ay bahagyang lumapit
sa akin.
" Shall we?" Tanong nito sa akin, bigla kong naalala si Tyger. Ayaw nito na makipag usap ako
kay Russell. Pero siya naman ok lang makipag usap kahit kanino. Bahala siya, ang feeling
naman nya magbawal sa akin.
" Sure " sagot ko kay Russell at agad nitong inilagay ang mga kamay sa aking baywang at
inilagay ko naman sa kanyang magkabilang balikat ang mga braso ko. Ang sweet naman, pero
mas maganda siguro kung ang asawa ko ang kasayaw ko ngayon. Enjoy kausap si Russell at hindi ko namamalayang napapatawa na pala ako nito. Kasalukuyan
itong nagkukwento ng bigla na lamang itong bumagsak. Sa bilis ng mga pangyayari ay pareho
naming hindi nakita kung sino ang dahilan niyon. Hindi ko alam ang gagawin ko at bago pa ako
makalapit kay Russell ay may malakas nang mga kamay ang humablot sa akin.
" Ano ba? Bitawan mo nga ako " sigaw ko sa hindi nakikilalang lalaki.
" Let's Go " anang seryoso at galit ba bosee mula sa aking likuran. Bigla ang pagragasa ng
kaba sa aking dibdib. Si Tyger, ang aking asawa.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay iwinaksi ko ang mga kamay nito na nakahawak sa akin.
" Pwede ba, bitawan mo ako. May kasama ako, hindi mo ba nakikita?" Masungit kong tugon
dito.
" I don't care Pia. Let's go." Muling yaya nito sa akin.
" No "
" Sasama ka ng kusa o gusto mong buhatin pa kita hanggang kotse ko? Choose!" Galit pa rin
na tanong nito sa akin. Galit akong humarap dito at mariin itong tinitigan. Kung magalit akala mo
walang kasamang ibang babae. Galit ko itong inirapan at mabilis na lumabas ng bar na iyon.
Hindi ko na alam pa kung ano ang nangyari kay Russell. Nagulat pa ako ng maunahan pa ako
ni Tyger sa paglalakad papunta sa kotse nito.
" Get inside " utos pa rin nito ng pagbuksan ako nito ng pinto ng kotse. Himala naman ang lolo
nyo.