Chapter 12
"Kasama mo na naman ba si Russel?" Napatitig ako sa mukha nito. Paano naman napasok sa
usapan si Russel?
" Isang beses lang kami nagkita ni Russel sa party. " mahinahon kong sagot dito. Hinugasan ko
ang ginamit kong baso at lumabas ng kusina.
" Really?" Hindi naniniwalang sagot nito sa akin. Ano bang problema nito, sya nga itong
nakikipagdate kahit may asawa na.
Humarap ako dito bago muling nagsalita "Ano bang problema mo? Akala ko ba wala tayong
pakialamanan?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito.
Hindi kaagad ito nakasagot sa akin. Mabilis akong pumasok sa silid nito upang kunin ang
ginagamit kong kumot at unan.
" I told you already, ayokong sumasama ka sa kung sinong lalaki, especially Russel" si Russel
na naman. May galit yata ito doon.
" Hindi nga si Russel ang kasama ko eh " napataas na rin ang boses ko dito. Lumapit ito ng
isang hakbang sa akin.
" Iba na naman ang kasama mo? I told you also wag mong dudumihan ang pangalan ko"
sumbat nito sa akin. Aba, anong palagay nya sa akin, maruming babae at kung sino sino ang
kasama." Excuse me, hindi ko yan nakakalimutan kaya hindi mo kailangan paulit ulit na sabihin yan sa
akin. Hindi ako bingi. Ikaw nga itong palaging may kasamang kung sinong babae." Ano ba yan,
nadulas na naman ako. Galit itong humarap sa akin at muling lumapit.
" Don't ever talk to her like that. Hindi sya kung sino mang babae katulad ng akala mo. " galit
nitong wika sa akin. At talagang pinagtatanggol pa nito ang babaeng yun.
" Bakit hindi kayo ang nagpakasal, sya naman pala ang gusto mo. " hindi ko narin napigilan na
sagutin ito.
" None of your business " tipid na sagot nito sa akin.
" None of your business din kung sino ang kasama ko at saan ako galing. " nakakagigil hah,
sino ba ito para kausapin ako ng ganito.
" Asawa kita, always remember that " naniningkit na ang mga mata nito dahil sumasagot talaga
ako dito. Alangan magpatalo ako dito.
" Huh. Asawa mo ako, always remember that. Sa sarili mo dapat sinasabi yan. Wala akong
ginagawang masama. Hindi katulad mo kung saan saan ka nakikita kasama ang babae mo" sa
sinabi kong iyon ay agad ako nitong hinawakan ng isang kamay lamang sa aking pisngi. Napa
Diin ang hawak nito at nasasaktan ako.
" Never. Ever. Talk. About. Via. Like. That " gigil na wika nito sa akin. " wag mo syang igaya
sayo, magkaiba kayo. "
Nasasaktan man ako sa paghawak nito sa akin ay mas masakit ang mga sinasabi nito sa akin.
" Na - nasasaktan ako " mahina kong wika dito. Para naman itong natauhan at agad akong
binitawan. Tiningnan ko ito ng masama bago ako pumunta sa sofa at humiga. Nagbalot ako ng
kumot at doon ay tahimik akong umiyak. Bakit ba nangyayari ito sa akin. Ilang sandali lang at
naramdaman ko na itong pumasok sa kanyang silid. Ibinaba ko ang aking kumot, at muli,
tahimik akong umiyak. Kung gusto naman pala nila ang isa't isa, bakit hindi sila ang nagpakasal.
Hindi yung makikita siya kung saan saan kasama ang babaeng yun.
Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising lamang ako ng tumunog ang aking
alarm. Hindi na ako nag abala pang magluto ng agahan. Wala ako sa mood. Agad akong
dumiretso sa banyo at mabilis na umalis ng condo. Natutulog pa ito ng umalis ako, bahala sya
sa buhay niya. Mabuti na lang at maghapon ako sa trabaho. Balak ko rin mag overtime sa
trabaho para pagdating ko ay hihiga na lamang ako. At ganoon nga ang ginagawa ko ng mga
sumunod na araw. Hindi na ako nag aalmusal sa condo at maaga akong umaalis doon. At sa
gabi naman ay alas otso na ako nakakarating at naglilinis na lang ako ng katawan at matutulog
na. Nauuna pa rin akong umuwi kay Tyger, at nagkukunwari na lang akong tulog kapag
dumarating ito. Pero hindi ng araw na iyon. Nagulat pa ako ng pagdating ko ay nakaboxer short
na ito at nakasando.
" You're here " seryosong bungad nito sa akin, pero hindi naman galit. Tumango lang ako dito at
saglit na umupo sa sofa. Overtime na naman ako, at napakaraming tao ngayon sa bookstore.
Dumagdag pa ang traffic kaya past eight na ako nakauwi.
Akma na sana akong tatayo at pupunta sa kwarto niya ng muli itong magsalita.
" Let's eat " nagulat pa ako sa sinabi nito. Nabibingi na yata ako at kung ano anong naririnig ko
dito.
" Busog pa ako " mahina kong sagot dito at muling naglakad ngunit mabilis nitong nahawakan
ang isa kong kamay." Please… " napatingin ako sa mga mata nito. Wow, anong meron. Ano kayang nakain nito at
parang ang bait naman yata. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito at pumunta sa
kusina. Wow ulit, may nakahanda ng pagkain. Pasimple akong napangiti habang nakatalikod
ako dito.
Umupo ako sa naroong upuan at tumabi ito sa akin.
" Ikaw ba ang nagluto?" Tanong ko dito. Mukhang maganda ang mood nito kaya
sasamantalahin ko na.
" Yes. How was it?" Nakangiti ng tanong nito sa akin. Sumubo muna ako ng kaunting ulam bago
tumango tango.
" hmmm, pwede na." Biro ko dito. Sabay kaming kumain at ito na rin ang naghugas ng
pinagkainan namin. Ano kayang meron at good mood ang lolo nyo, mukhang may gagawin na
naman na kasalanan.
Nang makapaglinis ng kusina ay nagyaya itong manood ng movie sa living room, hindi pa
kaagad ako nakapag react, nakakagulat na ang masungit kong asawa ay niyayaya akong
manood ng movie. Pumayag na rin ako dito, tamang tama at day off ko bukas.
" Ano gusto mong panoorin?" Tanong ni Tyger sa akin habang nakabukas ang screen ng tv sa
netflix.
" Hindi ko alam kung anong maganda, bahala ka na" sagot ko naman dito. Mahilig ako sa mga
drama, kdrama, cdrama at turkishdrama. Nakakahiya naman kung yun ang sasabihin ko.
" Romance or Drama?" Tanong ulit nito at lumingon na sa akin. Tumango na lamang ako at
nagulat pa ako ng Turkish Drama ang pinanood namin.
" Nanonood ka rin pala nyan?" Tanong ko dito habang nakatutok na ang mga mata sa
pinapanood.
" Not really, narinig ko lang na gusto daw ng mga babae ang ganito, so… " kibit balikat na sagot
nito sa akin. Siguro sa gf nya nalaman ang ganun. Hmp
" Ah - " napalingon ako dito ng magsalita ito. " May pasok ka bukas?"
Nagtataka man ay sinagot ko pa rin ito. " Day off ko bukas, bakit? "
" Ah- " hindi ito mapakali at nagkakamot pa ng kanyang ulo. Nakakatawa ang itsura nito. "
Pwede ba tayong lumabas bukas?"