KABANATA 7:
I AM PLANNING to tell him my real name and how I felt towards him. Ilang beses ko pang pinag-isipan iyon kahapon pero ang masaklap, hindi ko na yata magagawa…
“Let’s go home Sera.”
I was completely shocked when I saw Kuya Gideon go inside the room. Huling-huli niya ako sa akto at wala akong ibang nasabi kundi…
“P-paano ka nakapasok?” I asked, my eyes widened.
“Get up, Navillera Sera. You need to go home,” mariing dagdag niya pa.
Agad bumaba ang tingin ko kay Tres na mahimbing pa ang tulog sa kama. Hindi ko alam ang gagawin. Gusto ko siyang gisingin, but then if I wake him up, he’ll find out that my brother sneaked into his private resort.
Tumalikod si Kuya nang bumangon ako mula sa higaan. Mabilis na dinampot ko ang mga damit sa sahig at saka iyon isa-isang isinuot.
“I’ll wait outside, say goodbye to your boyfriend,” he said.
Tuluyan siyang lumabas ng kwarto at isinara ang pinto. Napabuntong-hininga ako dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Now I realized what I did the whole month. Umalis ako sa Manila para magtago dahil pagod na ako sa buhay ko at nang narito na ako, si Tres ang kasama ko sa buong pagtatago ko. All we did was enjoy each other's bodies…
Matapos kong magbihis, naupo ako sa kama at tinitigan pa nang husto ang kanyang mukha. If I wake him up right now, I should tell him about myself. About my exhausting life that he might not want to intervene. Who would love a woman who's always on her work, and has no time for romance.
“Thank you…” I whispered then kissed him on his lips.
Saglit ko pa siyang tinitigan bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Kuya Gideon held my hand and we walked outside the house.
Ilang beses akong nag-alangang umalis. Ilang beses kong inisip na kailangan kong bumalik at ipaalam sa kanya ang tungkol sa akin dahil gusto ko pa siyang makasama. But then I realized that he was my greatest memory. That for the whole month of being with him, all of those were true. My memories with him will be forever engraved with me. At ayaw kong masira lang iyon sa oras na malaman niya ako, bilang Navillera Sera Ibarra.
—
“Ate Sera, your Shine Wine is starting to shine!” Matias clapped his hand right after I entered his office.
Malawak naman ang ngiting isinalubong ko sa kanya. Nang tawagin ako ng secretary ko para sabihing pinatatawag ako ni Matias, na-excite ako. I know that my project is successful! Ang daming magagandang reviews ay feedbacks ng mga sikat na influencers nang i-review nila ang Shine Wine.
“Thank you!”
Agad na naglakad ako palapit sa sofa na kinauupuan niya. Inabutan niya ako ng baso at sinalinan iyon ng Shine Wine na ngayon ay patok na patok na sa market.
“I know that you’re capable of doing this. Nang dahil sa project mo, mas nakilala pa ang Iba Winery,” he said. “We’ll celebrate together with your team later—”
“Naku, huwag na! I know that they’re all exhausted after all their sacrifices, I should let them rest.”
Matias smirked and then shook his head. “You’re still the same Ate Sera I know, workaholic at hindi alam ang lasa ng alak. What has happened to you since the last two years? Mas lalo ka pang naghigpit sa sarili mo.”
Ngumiti na lamang ako sa kanya bago ako sumimsim sa baso ng wine. Hindi ko masagot ang tanong na iyan sa tuwing itatanong nila sa akin. Si Kuya Gideon lang ang may alam sa nangyari sa akin dahil kahit na tanungin din nila ang nahuli niya, hindi siya nagsasalita. I am thankful that Kuya Gideon was the one who caught me. If it were Kuya Vito or Matias, it will be a disaster.
“Sumama ka na mamaya? Ikaw ang head pero ayaw mo… o gusto mo sa Linggo na lang?”
I nodded. “Sa Linggo na lang.”
His eyes widened and then he smirked. “Hay salamat naman! Promise na ‘yan, magkakaroon ng celebration ngayong Linggo.”
Sa loob ng dalawang taon, nagtayo si Matias ng sarili niyang kompanya. That company was founded by him and I choose to join him to lessen my stress. Mas less stress ako sa kompanya niya dahil ang kailangan ko lang namang i-impress ay si Matias na mas nakababata kong kapatid. Hindi kagaya ng kompanya ni Dad na maging sina Kuya Gideon at Kuya Vito ay dapat na i-impress. Strikto pa man din si Kuya Vito kahit na hindi na siya ang CEO. Si Kuya Gideon naman, nakakahiyang pumalpak sa kanya dahil nasobrahan sa bait.
“Anyway, have you seen the email from Rhumirez Corporation?” he asked.
Umangat ang kilay ko nang marinig ang tanong niya. Rhumirez Corporation is one of the largest liquor company in the Philippines. Sikat sila sa mga alak na whiskey, beer at wine. Iyon nga lang ay may kamahalan na ang mga wine nila.
“Hindi pa, bakit? Is there any problem?” I asked.
“Well, as you can see we become their competitor now and I can feel that they want to buy us,” he said.
“Buy us?”
He nodded. “Yes, our Shine Wine to be exact. Makikipagkita sa iyo ang director ng kompanya nila. Kung ayos lang sa iyo. Kung hindi na kaya ng schedule mo, I can ask someone to do it.”
“No, I’ll meet him. Ako ang makikipag-usap sa kanya. Paano kung pumayag ang ipapadala mo roon na bilhin ang Shine Wine?” I rolled my eyes. “Our Shine Wine has a lot of potential, we couldn’t loose that.”
“I know, Ate. That’s why you should go.”
“When is it, then?”
“Next week, Friday. Set your schedule by then,” he replied. “But if ever they offer a big opportunity for us, you’ll accept it.”
“What kind of opportunity?” I raised my brow.
“Like if they want to invest…” He shrugged.
“Fine, basta ako na ang bahala.”
Lumabas na ako ng office ni Matias at bumalik sa opisina ko. Hinayaan ko lang ang tungkol sa bagay na iyon. Alam ko naman na ang gagawin ko sa oras na magkita kami ng director. I will directly decline the offer if they offer to buy it. Hindi ko iyon masyadong inisip, basta ini-schedule ko na lang. That’s why when Friday came, I wasn’t ready enough when I saw who’s the man I am meeting…
The man in front of me now was the same man I used to be in the same bed last two years…