Chapter Nineteen
“KITH?” Tawag ni Theron sa papalayong si Kith. Hinahabol siya nito. Hindi nito alam na nag-aarte lamang siya. Sa totoo lang ay na-disappointed talaga siya. Hindi siya lumingon kay Theron na nagreklamong humabol sa kaniya. Anito na hihintayin niya raw ito. Hell, he cares. “Ano ba?” Patuloy na reklamo nito at mas lalo mabilis ang paglalakad niya.
Hahayaan niyang hahabulin siya nito para romantiko naman ang araw niya, sa kagubatan nga lang. Natawa ang kalooban niya sa murang kaartehan niya. Cheap flirt. Lumingon siya ng hindi na niya muling narinig ang boses nito mula sa kaniyang likuran. Wala na ito. At kung iniisip nitong hahanapin niya ito ay nagkamali ito.
His hands were on his waist and his eyebrows knitted together habang ibinalik ang atensiyon sa kaniyang dinaraanan. Patuloy siya sa paglalakad pero sa paglipas ng ilang minuto ay naging hindi pamilyar sa kaniya ang daan at paligid.
Tama ba ang direksiyon niya? O naligaw siya. Nasapo niya ang kaniyang ulo at pinag-aralan kung nasaan siya. He was in the middle of nowhere. Alam niyang hindi ‘yon ang daan na dinaraanan nila kanina nang pumunta sila sa sapa. Ang akala niya kasi ay patuloy siyang sinundan ni Theron.
Now, he was alone in the wild not knowing how to get out of the hell jungle. Nasaan si Theron? Hahayaan lang ba siya nito. Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong pero parang nahiya siya sa ganong klaseng isipin. It was the consequence of his kaartehan kanina.
Ano ang gagawin niya at paano siya makalabas roon. Pinahid niya ang pinawisang noo at pag-aralan kung nasaan siya. West? East? North—The fuck he wasn’t good in studying direction. Kahit may compass pa siya. Iyon ay bunga ng hindi pagkikinig sa guro niya noong elementarya na nagtuturo ng araling pang direksiyon.
Sinabunot ni Kith ang sariling buhok at biglang may narinig siyang humahalakhak sa likuran niya. Hindi siya natakot. Alam niyang hindi ‘yon nakakatakot na nilalang or a ghost. Ghost cannot be in a jungle and wanders during the day. At bakit naman siya matatakot kung alam niyang boses ‘yon ni, Theron. Ang pag-aarte niya kanina ay nag-backfire sa kaniya. Humarap siya rito na nakasimangot. Kitang-kita niya ang pang-uuyam sa mukha nito. Tumatawa ito.
Not funny motherfucker
“Walang nakakatawa, Okay?” Inis na sambit niya at umupo. Lumapit ito sa kaniya at pinagmasdan ang di maipintang aura niya.
“Kawawa ka naman, ano?”
“Eh, bakit naman?”
Tumawa muna ito bago nakuhang sumagot. “Well, Mr. Sylvester, ang cute mo. Alam mo ba ‘yon? Sana hindi na lang ako magpakita sayo kanina at maligaw ka tuloy sa gubat na ‘to. Ah, balak pala kitang ligawin kaysa iligaw.” Pinisil nito ang pisngi niya. “Ngumiti ka naman.” Dagdag nito.
You cannot make me smile, dick.
“To begin with, walang nakakatawa at hindi ako maliligaw noh, maliligaw dito sa maliit na gubat na ito?” Tumawa siya at nagpatuloy. “I don’t give a single fuck. I can survive and save myself naman. Isa pa hindi naman ito Amazon,”
Umupo ito sa tabi niya at ipinatong nito ang ulo sa balikat niya. Hindi siya nag-reklamo at hinayaan lamang ito. Gusto niya rin kasi ‘yon dahil may nakabuo ng desisyon sa utak niya at kailangan niyang sulitin ang araw at oras na makasama pa ito. He will miss him. Pero ginagawa niya lamang ang bagay na nakabuo sa kaniyang isipan ay dahil alam niyang nakakabuti ‘yon sa kaniya.
“Si Gael at Tim?” Tanong niya.
“Why? Huwag mo na hanapin ang ibang tao. Nandito naman ako diba, baby?”
“Baby my ass,” Kith said, smirking.
“Ayaw mo?” Kaswal na tanong nito then he wrapped his arms into Kith’s body.
Hindi siya sumagot. Wala siyang alam na isagot sa tanong nito. Oo at hindi lang naman ang maaring sagot sa tanong nito. He knows everything right from the start. A script, fake, job, temporary, and money. Hindi ba’t ‘yon ang rason why he’s romantic lately. He might understand now his role’s. Aware si Kith sa bagay na ‘yon at ayaw na niyang isipin pa ‘yon. Kaya desido siyang umaatras at ayaw na niyang malala pa ‘yon.
Nagpadala na lamang siya sa emosyon niya. He must be crazy but he wants Theron. He wants Theron’s touch and embrace. He wants Theron’s Kiss, kahit pagkukunwari ay sapat na ‘yon. He feels satisfied with the fake relationship they have. For the last few days and hours ‘yon lamang ang bagay na ninais niya. He just want him to cuddle with him for the nights.
“In love which part do we consider a mistake?” Tanong niya rito. “Sa tingin mo may mali ba sa pagmamahal?” Dagdag na tanong niya. Nararamdaman niya ang bahagyang paghahaplos nito sa likuran niya.
“I don’t think so. Love has no rules. So we can freely love kung sino man ang gusto natin. It cannot be a mistake lalo na kapag siya ay Mr. right or perfect girl na for you.” Ngiting sagot nito at patuloy na hinagod ang likod ni Kith.
“So my biggest mistake was falling in love with you,” He said painfully. “The perfect mistakes, To fell in love and at the end, I’m wounded and broken. You’re the sweetest mistake” uminit ang sulok ng mata niya at gusto niyang umiyak as the past raced in his mind. Maraming bagay ang mula sa nakaraan ang naglalaro sa kaniyang isipan. Pawang mga bagay na nagbibigay hapdi sa nasugatang puso niya. He made a mistake and that was falling in love with his best friend na nagiging rason kung bakit nasira ang pagkakaibigan nila.
“If your heart still dwells in the past you cannot ever feel genuine happiness, Kith. Whatever happened in the past we have to move on and focus on the present. If we miss something from the past we can build it in the present. Ilang ulit ko ng sinabi ‘yon diba. We have to move on. Galit ako sayo noon at pinangkong hindi ko malilimutan ang pagtataksil mo. Pero nangyari na ‘yon at hindi na maibalik pa ang panahon para itama ang mga nagawa nating mali,” huminga ito ng malalim at nagpatuloy. “ You already know that we cannot get back to being best friends,” Dagdag nito. May punto nga ito. Hindi ba’t strong na siya ngayon at iba ang karakter niya sa nakaraan. He was too different from Kith in the present. He wasn’t a nerd anymore. He’s more seductive now. Ibang Kith ang kilala nito noon.
Tumango siya at tumayo sumunod naman ito. Nagsuhetisyon itong bubuhatin siya nito dahil nakikita raw nito ang pagod sa mukha niya. He was not refuse Theron’s offer and he gently climb on his back. Theron began to walk ni hindi ito nag-reklamo sa kabigatan niya. Pumikit siya habang buhat siya nito hanggang sa nakatulog siya sa balikat ni Theron na patuloy sa paglalakad.
MAINGAT niyang ihiga ang walang malay na si Kith sa malambot na kama. Nakatulog ito sa kaniyang likuran kanina. Alam niyang pagod ang katawan nito. Hinubad niya ang suot nitong T-shirt para kahit papano ay makaramdam ng lamig ang katawan nito. Sigurado siyang tumaas ang temperatura ng katawan nito dahil sa init at layo ng nilalakad nila kanina.
Inilayo niya ang sarili kay Kith nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Gael. Hindi niya alam kung anong gusto nito. Tumayo siya at matamang pinagmasdan ang walang pang-itaas na si Kith. Para itong anghel na natutulog. Muli siyang yumuko para haplusin ang basang katawan at noo nito dahil sa pawis.
Nang matapos ang ginagawa niya ay humakbang na siya palabas ng silid at kinabig ‘yon pasara.
“Bakit?” Iyon ang tanong na lumabas sa bibig niya nang makaharap si Gael sa isang upuan sa labas ng bahay. Nagtatanong ito kung ano ang tunay na relasyon niya kay Kith.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko,” anito at nagbukas ng beer. Kanina ay niyaya siya nitong uminom. Noong una ay tumanggi siya dahil alas singko pa lang ng dapithapon. Pero pinilit siya nito kaya wala siyang magawa. Hindi pa gising si Kith at doon na sila matutulog at hindi muna uuwi ng Barangay Casipo.
“Kaibigan,” matipid na sagot niya at nagbukas din ng beer.
“Weeh?” tanong nitong tila hindi naniniwala.
He just shrugged.
“Kung bibigyan ka ng tsansang mahalin siya gagawin mo ba ‘yon?”
Tumango siya. “Hindi naman mahirap mahalin si, Kith,” aniya. He said the same thing kay Kith pero hindi ito naniniwala sa kaniya. He can love him easily and he is sure of it. But it seems no one believes in him kahit si Kith pa.
Napatingin siya kay Gael na tumungga ng beer. Hindi niya alam kung ang pag-usisa nito ay nangangahulugang pag-uunawa. Alam niyang mahirap sa isang lipunan ang kalagayang magmahal ng kapwa’t lalaki. At kung mamahalin niya si Kith ay magiging smooth sailing ba ang takbo ng relasyon nila. Teka mahal na ba niya si Kith? Mahal na ba niya ito at tinanggap ang nararamdaman nito sa kaniya? Maybe he has a feeling all along pero nagbulagbulagan lamang siya. Pero hindi siya sigurado minsan kasi ay pabagobago ang takbo ng utak niya.