Chapter Seventeen
Nang magkaharap na umupo sa mesa ang dalawa upang kumain ay panay ang sulyap ni Kith kay Theron na walang imik na kumain. Tinolang manok ang ulam na naihanda ni Mang Romano para sa kanila. Hindi pa siya kumain ng kanin, ang manok at sabaw ng tinola lang ang lasahin niya kanina.
Nilalaro niya ang ilang piraso ng papaya at ilang slice ng native chicken sa ibabaw ng kaniyang plato. Nilalaro niya ‘yon gamit ang kutsara at tinidor na hawak niya. Lumikha siya ng ingay para makuha ang atensiyon nito. Halatang ini-enjoy nito ang pagkain. Hindi rin niya maikaila na masarap ‘yon. Masarap talaga magluto si mang Romano. Masarap ‘yon sa kaniya dahil noon lang siya nakakain ng tinola. Kahit hindi pa niya ‘yon nakain dati ay pamilyar naman siya sa tinola dahil alam niyang pagkain o ulam Pilipino ‘yon at parte ng kulturang Pilipino.
Patuloy siyang lumikha ng ingay. Tumigil lang siya nang nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Napadako rin ang tingin nito sa plato niya at muling ibinalik ang tingin sa mukha niya. Alam niyang tatanungin siya nito kung bakit hindi pa siya kumain. Kung bakit hindi pa siya kumuha ng kanin. Nilalaro niya ang sabaw na nasa kaniyang plato gamit ang tinidor. Hindi niya alam kung ano namang kalokohang ‘yon na biglang nabubuhay sa kaniya. Malamang tanga lamang ang gumawa ng ganon at hindi isang matinong tao.
“Gusto mong kumuha ng sabaw at gamit ang tinidor?” Tanong nito sa kaniya. He seems questioning Kith’s foolishness. And what was he supposed to say? He’s plain stupid, too different from a well-behaved Kith. A storybook, a nerd, a bright and cheerful guy who studied at Humprey International School. A well-behaved soul who was very interested in collecting books, from poetry, romance, tragic stories to all genres. Napailing siya at ipinagtuloy ang ginagawa niyang pagkuha ng sabaw gamit ang tinidor.
“Wala ka bang balak kumain? Ahm, Just tell me kung hindi mo gusto ang tinola.” Bahagyang umayos ito ng upo. “Kung hindi ka kakain hindi ko na problema kung magugutom ka. Walang fast food dito kung ‘yon ang gusto mong maarte ka! Ah, total bilyonaryo ka at CEO, sige ako na nga ang tumahimik,” sabi nitong muling inabala ang sarili sa pagkain.
Hindi siya umimik. He slowly placed down the fork and spoon followed by his deep and long sigh.
Tumigil ito sa pagkain at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. “How can I make you eat? Ah, gusto mo subuan? Matandang sanggol,” sarkastikong sambit ni Theron. “Here,” inilapit nito sa kaniya ang kutsarang may pagkain. “Open your mouth” Ibinuka nga ni Kith ang bibig. “That’s it, chew it. Batang ito ginagawa akong caregiver.” Tawang dagdag nito. Napaisip ito. “Caregiver? Siguro gusto mo naman ‘yon noh,” nanguuyam ang mukha nito.
“I’m looking for something,” nagpa-cute siyang tumingin dito na ikinatatawa nito. Hell, hindi siya nakipaglandi kung ‘yon ang iniisip nito. Kung makipaglandi man siya rito ay baba siya sa ilalim ng mesa at gagapangin ito. He can do the mouth and tongue service under the table. He can play with his balls. Pero hindi niya ‘yon magawa. Siyempre may respeto siya rito. Pero kung papayag at bibigay ito why not. Go siya at makipag-espadahan ang kalibugan laban sa baston ni, Theron. Pero lahat ng ‘yon ay nakadepende kay, Theron. Kumbaga si Theron ang tumatayong boss sa trabahong ‘yon. Sana noon ang alok niya ay kidnapin si Theron hindi ‘yung siya ang kidnapin nito. Para kahit paano ay malaya niyang gawin ang gusto niya.
What was he thinking. He did not dare to think of something that only can make his manhood alive. Hell, he can’t.
“Ano ‘yon?” May kuryosidad ang tono nito. “Kung ulam na nagbibigay ng putting likido ang hinahanap mo for Pete’s sake wala ‘yon dito.”
Sinasabi nito? The nerve na akala mo kung sino bulong niya sa sarili. Palibhasa ay ayaw mong patirikin ko ang mata mo dagdag na bulong niya sa sarili.
“Nakain mo na ata,” aniya na nagkukunwaring malungkot at nagtatampo.
“Ano nga, batukan kita diyan mamaya makita mo, pa suspense ka pa,” angil nito.
“Atay ng manok,” aniya na binasa ang mga labi gamit ang dila. “Baka sinalvage mo na,” dagdag niyang may lungkot sa mukha.
Tinawanan siya nito. Seryoso ang mukha niyang nakatingin dito. Nothing was funny. So ano ang nakakatawa roon na hinanap niya ang atay ng native chicken na ‘yon. Para sa kaniya ‘yon ang masarap na parte ng manok. Paborito niya ‘yon.
Tumawa pa rin ito habang hinahanap nito ang gusto niya. “Ah, billionaire na takaw sa atay ng manok,” he burst into laughter again.
“Oh, takaw? To fuck of term. Paborito ko ‘yon.” Depensa niya. Theron used the wrong term but it doesn’t offend him. He was just reacting. Oh, yes hindi siya tumigil hangga’t hindi niya makita ang gusto niya. Hinahanap naman ‘yon ni Theron sa lalagyan ng tinola. His face lighted up habang nakangiti itong inilagay ang atay ng manok sa plato niya.
“Siguro kakain ka na niyan?” He said, smirking.
“Yesss,” aniyang puno ng kaligayahan.
“Mas lalo kang maging bakla niyan. You know na ang atay ng manok can make you matakutin?”
“Bakla, my ass. Titirahin kita ng patayo, bastard,” angil niya. Totoo ba ang sinabi nito na ang atay ng manok can make him more matakutin? Ano naman ang binabase nitong teorya? Teka was Theron telling him the truth or was he just making fun of his favorite. What a Jerk!
“Bakla ka naman eh,” wala sa loob na sambit nito.
“Just shut the fuck up bastard or I’ll cut your throat,” he threatened him. Para siyang isang mabangis na tigreng noon lamang nakakita ng makakain. Pero hindi naman siya totoong galit. He was just raising his voice and pretended to be mad. Theron was just shrugging his shoulders. Being mad doesn’t suit Kith’s perfect face. He has perfect expression and fierce has no place in his handsome face.
“Mas lalo ka palang naging cute kapag nagkukunwaring galit. Hmm, you’re just tempting me to pinch your cheeks.” Tumawa ito sa huling sinabi nito.
Really? Theron wanted to pinch Kith’s cheeks? Was he being too damn cute to tempt this guy, Theron? Alam niyang cute siya. He’s hot and handsome too. Theron of course knows that. Pero hindi niya alam na natukso ito ng sobrang pag-cute niya.
“Pero totoo naman, Kiddo. Atay ng manok can make you more matakutin. I learned it from my Grandma. Diba ang manok ay matakutin sila?” Nilagyan nito ng kanin ang plato niya. Napangiti na lamang siya. Actually ay ayaw niya ng rice pero dahil nakuha na niya ang paborito niya ay ipinakita na niya ang mabuting bersiyon niya.
“No way, ang sarap kaya or you just want to save it for yourself?” Pang-uuyam niya tapos may naalala. “Wait, si mang Romano? Hindi siya sumabay sa atin?”
“I’m inviting him a while ago to join us for lunch. Pero tinanggi ng matanda. Pero don’t worry. Just fill your stomach we have to explore the farm later. Call?”
“Yes,” he smiled.
“Kaya bilisan mo na kumain. After natin magpahinga ay go na tayo.”
Napangiti siya at ipinakita rito na masunurin siya. Pinalakpakan naman siya nito nang napansing marami ang nakain niya.
Napatigil siya sa pagkain ng naglanding ang kamay nito sa mukha niya at nilinis nito ang sulok ng bibig niya gamit ang hintuturo nito. Nagkalat pala ang maliit na piraso ng atay ng manok sa sulok ng bibig niya he thinks of him as a romantic fake boyfriend but he didn’t know if that was romantic for Theron too. It seems it is not or he has a twist plot that this guy tempts him, well palagi naman siya nitong tinukso, he always finds ways to tempt him. Kaya minsan nakita niya ang sarili na sabik at gustong hagkan ito dahil ‘yon sa pagtukso nito sa kaniya. Feeling niya ay nabubuhay sila sa isang nobela and his heart hope na sana may magandang epilogue ang nakalaan para sa kanila.
Kith of course was aware that expecting too much can kill him. May nakabuo na rin sa kaniyang isipan. Hindi pa niya alam kung itutuloy ang planong ‘yon. Alam niyang kapag gawin niya ‘yon the world will be blown up for him but he will be good and healed later or sooner. Who knows.
Binawi ni Theron ang kamay ng makitang nakatulala si, Kith. Napalabi at napalunok ito. Nagsalin ito ng tubig para sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang biglang naisip nito. Dahil kahit magkakilala sila ay ang utak at isipan nila naman ang estranghero sa isa’t-isa.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga sila at siya ring pagpasok ni mang Romano may bitbit itong basket na may lamang prutas at malamig na inumin at pang-meryenda. Ipinahanda ‘yon ni Theron kanina para mamaya sa pagmamasyal o paglilibot nila ng farm.
“So? Shall we go now?” He said twenty minutes later.
Tumango siya bilang tugon sa sinabi nito. Napangiti naman si mang Romano at hindi nakapag-pigil ang matanda at muling tinanong ang dalawa kung magkaibigan nga ba sila o higit pa sa pagkakaibigan. Gusto niyang matawa sa tanong nitong ‘yon ni Mang Romano. But Kith appreciates his sense of humor.
“Hindi nyu’ naman kailangan itago kung mayron man kayong nararamdaman sa isa’t-isa. Tandaan na ang pagmamahal ay walang kinikilalang kasarian. At kung kayo man ay nagmamahalan na, yaring tandaan na kailangang mahal nyu’ ang isa’t-isa dahil walang tuntunin ang pagmamahal.” Ngiting sambit nito habang inayos ang basket na ipinadala sa kanila.
“Eh—”
“Wag mo ng ipagkaila, Hijo,” putol nito sa sinabi ni, Kith. “Kitang-kita ko naman sa mga mata mo ang pagmamahal mo kay, Theron. Bumaling ito kay Theron. “Siyanga sina Tim at Gael ay kasalukuyang nasa kubo sa manggahan at binabantay ang mga tanim na mangga hitik na rin ‘yon sa bunga at sa susunod na linggo ay ang araw ng pag-aani. Alam na nila na narito ka. Maari kayong pumunta roon,” dagdag na sambit ng matanda
“Opo, Mang Romano.” Magalang na sagot ni, Theron.
“Maglalakad na lang ba kayo o kailangan nyu ng motorsiklo. Maari mong gamitin ang motor ni Tim, Hijo”
“Maglalakad na lang po kami. Malapit lang naman ang manggahan dito.” Ngiting sagot ni, Theron.
“Sige mabuti naman kung ganon baka madisgrasya pa kayo kung mag-motor pa kayo.”
“Maiwan po namin kayo ng saglit,” ngiting pamalaam ni, Kith.
“Sige, Hijo”
Marami siyang naitanong habang naglalakad silang dalawa sa gitna ng niyogan patungo sa manggahan. Magiliw namang sinagot ‘yon ni Theron. ‘Yun nga lang sa bawat paglipas ng minuto ay naging sarkastiko si, Kith. Pero tiniis naman ‘yon ng binata. Theron have the ability to adapt and adjust at ‘yon ang qualities na gusto niya sa binata. Pero aminin niya na missed na rin niya ang pagiging bad boy nito. He’s a tough, bad, and cold guy. Until now he was clueless about how to keep his cold heart warm. But he never expected again.
Pero maya maya ay tumahimik na lamang siyang sumunod dito. Si Theron ang nagdala ng basket. Nag-iba ito ng direksiyon, kumaliwa si Theron. Sa kanan dapat ang daan patungo sa manggahan. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng binata. Iniisip niyang baka may gawin ito sa kaniya. Parang gusto niya ang bagay na nasa kaniyang isipan. Sumunod na lang siya rito na hindi umimik. Nababasa na rin ng pawis ang likod niya pero hindi na siya nag-reklamo.
“Ganon ka ba?” Huminto ito at lumingon sa kaniya upang itanong nito ang katanungang ‘yon.
“Ibig mong sabihin?” Balik tanong naman niya. Theron was not being specific. What is he supposed to answer? He was not being direct to the point. Para itong gurong pagpasok pa lamang sa loob ng silid paaralan ay nag-quiz na agad na akala mo naman ay alam ng estudyante lalo na kung hindi pa nagpapaliwanag. Fool Theron.
“Kapag dalhin ka sa isang di pamilyar na lugar. Hindi ka magreklamo. Walang tanong? Or gusto mo? Halata namang tumatalon ang puso mo lalo na kung lalaki ang magdadala sayo. Take the chances.”
Galit ba ito? Bulong niya. Kung makapagsalita naman ito akala mo kung sino.
“The point is?” Hindi pa rin niya nakuha ang ibig nitong sabihin. Gusto niya itong batukan.
“Malay mo may gagawin sayo and you are not aware kasi at the first place hindi ka nagtatanong. Di ba?”
He cared he thought and his heart danced.
Tumawa siya. “The point is baka kidnapin ako, baka may gawin silang masama sa kain?” He confirms it.
He smiled. “Exactly.”
“May kidnapper bang mag-update sa abductee. Like, ito pupunta tayo sa lugar na ito dahil kikidnapin kita o patayin. Dahil kung gagawin ng kidnapper ‘yon, of course, the target will flee for his life.” He said thinking of himself very wise and he continue. “Wait, ikaw lang naman ang unang taong nagdadala sa akin sa isang hindi pamilyar na lugar. Look, we are in the middle of nowhere. Coconut plantation here, Mangga roon. Badly need a drone. Compass will do di ba Mr. Abductor?”
He shrugged. “And you think na may gagawin ako sayo?”
“Up to you. Sabagay wala namang tao.”
“Kung sasakalin kaya kita?”
Was he serious?
“Bullshits. Nasaan ba tayo. Mang Romano told us na sa manggahan tayo pupunta. Teka balak mo ba akong iligaw hah? Kaya ka nagtanong ng ganoong tanong kanina? Hey, bro this is not a foreign City, and if you leave me here. Hell, I cannot survive. At kung gagawin mo ‘yon mananagot ka sa batas.” May balak ba talaga itong iligaw siya. Hindi maari. Alam niyang may ahas doon. May mga wild animals dahil maraming damo at puno ng kahoy.
Lumapit ito sa kaniya at ginulo nito ang buhok niya. “Talking too much as if alam mo ang lugar na ito. Iligaw kita? Hmm, bakit ko naman ‘yon gagawin mas mabuting liligawan ka rather than iligaw ka sa lugar na ito.” He smiled. A smile that fondle his core. A smile that gently touched Kith’s heart.
Hindi makatakas sa pandinig niya ang huling linya nito at kung pwedi lang na bigyan niya ng lugar ‘yon sa puso niya ay gagawin niya ‘yon. Mas mabuting liligawan ka rather than iligaw ka sa lugar na ito The repetition of the line thundered in his mind. Nagdudulot ‘yon ng pagkapula ng mga pisngi niya.
Theron tapped his shoulder three times. “Too cute again with that two red apples on your cheeks.”
“Stop teasing me,” he complained para itago ang kilig na nadarama. His heart just fooled again.
“Okay, my abductee cutie,” anito at muling ibinalik ang tingin sa dinaraanan nila.
Pagkatapos ng halos ilang minutong paglalakad nila ay naka-abot sila sa isang sapa na may malinaw na tubig. Fantasy is the right word for the place lovely with green scenery. A numbers of huge rocks and a rainbow reflection on the drop of waters from small falls. Kith look around, it was so beautiful. He stretched his body and arms with a satisfied smile on his lips.
“I do fucking love the place,” he said shouting in the air.
“And I love you too,”
Kakaibang kilig naman ang nararamdaman niya sa sinabi nitong ‘yon. Hindi niya alam kung bakit nakikilig siya kahit alam niyang tukso at biro lang ‘yon ni, Theron. But as usual kahit biro lang ‘yon ay makaramdam siya ng saya. They live in lies and Kith himself brings all the lies in truth even though it hurt him the most for sure.
“Why you take me here?” Seryosong tanong niya ng magkatabi silang umupo, ang mga paa nila ay inilubog nila sa umaagos na tubig. Napakalamig ng tubig and give them the relaxation they wanted.
Nagbuga ito ng malalim na buntong hininga at tumingala. Hindi ang payapang kalangitan ang unang sumalubong sa paningin nito but treetops and the edge of bamboo tree. Maririnig din ang huni ng mga ibon. Napakalamyos ng musika ng kalikasan. Iginagalaw ni Kith ang mga paang nakalubog sa tubig. Ginagaya niya ang sa sirenang nakikita niya sa isang pelikula noong siya ay bata pa. “It’s my favorite spot. Only special person lang ang dinala ko rito”
Special person? So I’m special for you too? Umaasa ang puso niya.
Pero ilang espesyal na tao na ba ang dinala nito sa lugar na ‘yon. Hindi na niya ‘yon iniisip dahil wala naman siyang ideya.
“Believe me or not pero ikaw lang ang unang taong dinala ko sa lugar na ‘to.” He sounds so sincere
Ang sinabi nito ay gumuhit ng ngiti sa kaniyang mga labi. Naniniwala naman siya dahil may sinseridad sa tono ng pananalita nito. Ipinatong niya ang ulo sa balikat nito. Hindi nito idinistansya ang sarili sa halip ay hinahagod-hagod nito ang likod niya at hahayaan siya nitong matulog sa balikat nito. Pero hindi naman siya matutulog even the sounds of the environment lull his soul to sleep. Takot siya baka sa paggising niya ay wala na ito at iiwan siya sa lugar na ‘yon.
“Am I special?” Pabulong na tanong niya.
Ginulo at nilalaro nito ang buhok niya then Theron kissed his hair and head. “Why not,”
Why not? Kith asked himself. What kind of answer was that. Why won’t he tell him if Yes or Hell No? Ngunit hindi na siya mag-usisa pa.
“Do you love me?” Kith asked that same question this morning. Ano ang inaasahan niyang sasabihin nito. Hindi nito sinagot ang tanong niyang ‘yon kaninang umaga.
“I do,” halos pabulong na sagot nito.
Tumalon ang puso niya sa tuwa. Pero dagli rin niyang naalala na lahat ng ‘yon ay isang pagkukunwari at parte lang ng trabaho nito.
“Hindi ka naman mahirap mahalin, Kiddo.” He said at muling hinagod nito ang likod niya.
Even Kith felt love there’s part of him aware that Theron acts that way because of his responsibility and Job. Ang ngiti niya kanina ay unti-unting naging mapait at hindi na maipinta. Hindi siya naniniwala. Kahit na ang puso niya ay nagpakatanga pero ang utak niya ay tumatayo sa katwiran na kailaman hindi siya nito kayang mahalim. No, he cannot believe in his words that Theron can love him easily. Maybe easy in the name of Kith’s offer. Tanda pa niya na ang panahong umamin siya ay hinayaan lang siya nito that even catching his first tears ay hindi nito magawa.
“Gusto kong maligo pero wala akong maisuot pauwi.” Sambit niya na iniba na ang paksa. Bumangon siya mula sa pagkapahiga sa balikat nito.
“Okay lang. You can swim naked naman. Wala naman akong balak na gahasain ka.”
Hindi siya sumagot tumayo siya at naghubad ng damit niya. Wala siyang naitirang saplot sa katawan niya. Lumingon siya rito at napansin niya itong nakatingin ito sa maputi at makinis niyang katawan. Isang kindat ang ibinigay niya rito bago niya inilubog ang sarili sa tubig.