Chapter Fifteen
"Kith? Please, nagmamakaawa ako. Wag mong gawin yan, Please"
Nanginginig ang mga paang dahan-dahang humakbang sa kinatatayuan ni, Kith. Wala siyang ideya kung bakit bigla itong nagkaganon. Para itong baliw na matalim siya nitong tinitigan. May hawak itong baril he pulled the trigger and point it straight to Theron's chest. Hindi niya maintindihan kung bakit dumating ito sa puntong gusto siya nitong patayin.
Bahagya itong ngumiti ng mapait. Hindi ito ang Kith na nakilala niya. Bakit napakasama nito at gusto nitong kitilin ang buhay niya. Gayunpaman ay hindi siya tumakbo patuloy ang paghakbang niya hanggang sa mapalapit ito sa kinatatayuan ni, Kith.
"I'm asking you, na hindi mo kailangan gawin ito."
Hindi siya nito pinakinggan mas lalo pa nitong itinaya ang baril sa dibdib ni, Theron.
"Please,"
"Pagod na ako, pagod na ako sa lahat. Pagod na ako sa kamamahal sa'yo pero kailanman ay hindi mo kayang suklian kahit konti man lang."
Umiyak itong itinutok ang baril sa sariling ulo. No, hindi nito maaring gawin ang bagay na nasa isipan nito. Nararamdaman niya ang sakit sa kaniyang dibdib habang minamasdan ang pagpatak ng ilang butil ng luha nito mula sa mga mata nito. Pakiwari niya ay binagsakan siya ng lupa at langit at noon lamang natauhan sa sobrang pagmamahal na inialay ni, Kith. Noon niya lang na realized kung gaano siya nito kamahal.
"Please"
Patuloy siyang nagmamakaawa pero pailing-iling lamang si Kith at umiiyak. Paano ba siya makalapit at punasin ang basang pisngi nito. Gusto niyang hilain ito sa katawan niya at yakapin ng mahigpit. Gusto niyang ibulong dito na napaka-importante nito sa kaniya. Pero paano? Dahil hindi niya ito malapitan dahil kung hahakbang pa siya ay sigurado siyang babarilin nito ang sarili nito.
"Ther, please just step back and let me do it calmly. In death there's a rest, pagod na kasi ako magmahal at kailanman di minahal."
There's a pain in every word he uttered and he feels it right to his heart. Hindi na niya kaya ito sa kalagayang itinutok ang baril sa ulo habang patuloy ang pagbaha ng mga luha sa mga mata nito. Hindi na niya kayang makita ang dating kaibigan sa ganoong sitwasyon kaya kahit labag sa kalooban ay humakbang siya at biglang umalingawngaw ang putok ng baril.
The bloody gun slowly fell kasunod ang katawan ni, Kith. Nanatili siyang nakatayo sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa duguang walang buhay na katawan ni, Kith. Gusto niya ang sumaklolo, gusto niya ng sumigaw pero wala siyang lakas at parang walang boses ang lumabas sa kaniyang bibig.
Lumuhod siya sa duguang katawan ni Kith at niyakap niya ang walang buhay na si Kith ng mahigpit. He never expected this in his entire life. It was a scene that badly hurt him the most. Ang makita na wala ng buhay ang dating kaibigan at kanlong ang katawan nito ay siyang pinaka-masakit sa lahat. He bites his lips in agony while his hear beating so fast painfully.
"Kithhh.. K-kith..." Sigaw niya na kasabay ng pagdilat ng kaniyang mga mata. Mabilis pa rin ang tahip ng kaniyang dibdib habang nag-angat ng tingin. Humihingal siya na parang may naghahabol sa kaniya. Inilibot niya ang paningin niya sa buong silid at nagpakawala ng isang buntong hininga. Akala niya totoo ang lahat ay panaginip lang pala. Pero hinuha niya 'yon ay may ipinahiwatig sa kaniya. Theron is not an old-fashioned pero dahil sa panaginip niya ay nabuhayan siya ng kuryosidad na subukan basahin kung ano man ang mensahe niyon sa kaniya.
Ang panaginip niyang iyon ay nag-iwan ng kaba at sakit sa kaniyang pagkatao. Ayaw niyang bigyan ng tsansang maging totoo 'yon. He gave a long profound sigh at dahan-dahang bumangon. Wala na si Kith sa tabi niya. Hindi niya alam kung nasaan ito. Pero may parte ng pagkatao niya ang natakot na magising isang umaga at wala na ito sa tabi niya. Dahil sa panaginip na 'yon ay parang gusto niyang protektahin si, Kith. He wanted to protect him the way he protect the weak Kith a few years ago.
Pagkatapos niyang maisuot ang damit niya ay tumingin siya sa salamin. Inayos niya ang magulo niyang buhok at ngumiti. Hindi na niya matandaan ang nangyari kagabi. Ang alam lang niya ay itinaboy siya ni Kith kaya naglalakad siya papunta sa isang inuman at uminom. Hindi na niya iniisip ang mga sumusunod na nangyari dahil may naamoy siya. Lumabas siya ng silid at dumiretso sa kusina. Natagpuan niyang busy sa pagluluto si, Kith. Napangiti siya at lumapit dito at yumakap sa likuran ni Kith na ikinagugulat nito. Napapikit niyang ipinatong ang ulo sa balikat ni, Kith.
"Good morning," bati nito at patuloy sa pagluluto. He's frying eggs and sausage. "Teka lang," natawang sambit nito ng hinigpitan niya ang pagyakap sa likuran nito. "I feel it," Kith said referring to Theron's manhood that was alive. It's normal for boys in the morning. Hindi na nagtataka si Kith dahil normal lang 'yon pero hindi ito komportable dahil nakatutok iyon sa pwetan niya.
"I'm so sorry," aniya na hindi niya alam kung para saan 'yon. But he's still thinking sa kaniyang napaniginipan kanina. "Sorry I couldn't protect you, I couldn't make you safe even just in my dream."
Isang malaking tandang pananong ang nakaguhit sa mukha ni, Kith. Hindi nito alam kung ano ang sinasabi ni, Theron. Pero hindi nito 'yon pinansin. Gusto nito ang posisyon nila. Ang pagyakap ni Theron sa kay Kith ay pumapawi sa pagod at negatibong isipin na naglalaro sa utak nito. Parang natukso si Kith na sabihin na mahal na mahal nito si, Theron. Hindi rin nito maipaliwanag kung bakit naging romantiko si, Theron.
Naalala ni Kith ang nangyari kagabi noong hinalikan siya ni, Theron. May halong pagmamahal ang halik ni Theron. Kung hindi siya nagkakamali ay ginagawa nito ang bagay na 'yon dahil sa pagkabanggit ni Kith ng salitang 'boyfriend' sana tama ang hinuha nito na may pagtingin din si Theron sa pagmamahal nito sa kaniya. Pero halos dalawang taon na nitong hinahawakan ang isiping iyon at minsan ay sama lang ng loob ang dulot niyon kay, Kith. Pero bakit si Theron pa rin, si Theron pa rin kahit kahit nakakadurog, kahit ang puso nito'y halos di na tumibok, si Theron pa rin kahit ang utak nito'y nais kalimutan ang binata. Puso nito'y nanatiling tumibok kay Theron.
Isang mapait na ngiti gumuhit sa manipis nitong labi. Pagod na si Kith. Nakakapagod din pala ang magmahal at natutunan na rin nito ang makinig sa mga suhetisyon ng utak nito. Pero bakit si Theron pa rin kahit mahapdi na ang sugat ng puso nito. Si Theron pa rin ang nakikita nito kahit subukan nitong magmahal ng iba.
"Don't leave me tulad ng sa panaginip ko," halos pabulong na sambit niya sa likod ng tainga ni, Kith. Malungkot ang boses niya. Hindi niya alam na kahit panaginip lamang 'yon ay nagdudulot ng sakit sa kaniyang dibdib. Nagmulat siya ng mga mata. "Kith, promise me,"
Kith turned to Theron and his lips were too close to him and yet, he manage to speak. "Promise," Kith smiled and he want to kiss him pero nahihiya itong binawi na lamang ang gusto nitong 'yon.
Si Theron na ang kusang humalik kay, Kith. Inangkin niya ang labi nito habang yakap niya ito. Gusto niyang ipadama na mahalaga ito sa kaniya. Gusto niyang ipadama kay Kith na habang naghahalikan sila ay tumitibok ang puso niya rito. Lumalim ang halik niya ng bumuka ang bibig nito. A contentment and satisfaction reflected in his smiling eyes as he owned the lips of, Kith. Kissing him so romantic. He kissed him while he wrapped his arms around Kith's waist. Isinayaw niya ito habang patuloy silang naghahalikan.
Pero maya maya ay nagdistansiya ito at ngumiti. "Sorry, naamoy kong masusunog ang niluluto ko," tawang hinging paumanhin ni, Kith.
Napangiti siya at umupo sa isang mesa. Inoobserba niya ito habang nag-aabala ito sa pagserved ng breakfast sa kaniya. He's not just a perfect dinner companion, but a perfect husband too, the woman who gets him is lucky. Smart Kith, successful, gentle, cheerful, and expert to make a person want to come home and stay. Too lucky for the person who takes him. He whispered while observing Kith.
You love me Kith. There's no doubt of that my old friend. Time will take of everything. Love is a tender thing I have known so far. Theron talked to himself inaudibly.
Kinindatan siya nito habang naglagay ng fried egg sa plato niya. Napailing at napangiti si, Theron. Hindi pa siya baliw, hindi pa. Kung baliw man siya ay hiling niya na sana si Kith ang dahilan. What makes him to fell in love in an unexpected way? He wasn't sure of it, hindi siya sigurado sa nararamdaman niyang 'yon. Naguguluhanan man ay ngumingiti na lang siya. Isa pa ay ayaw niyang maging totoo ang napanaginipan niya.
Hindi niya alam kung awa ba o pagmamahal ang pwersang tumulak sa kaniya kanina. Pero may kakaiba siyang nararamdaman he cannot tell whether it is a feeling's for his old friend or just sympathy. He was feeling foolish. Theron couldn't help but smile. He's a fool. May mga katanungang naglalaro sa kaniyang utak at hindi pa niya alam kung paano sagutin ang mga tanong na 'yon. Blanko ang isipan niya at pawang puting ilaw ang kaniyang nasilayan.
Wala siyang magawa kundi ibaba ang tingin niya. Pero ganon parin ang pagbilis ng tibok ng puso niya at mag-isa niyang pinakinggan iyon. Sana mahanap niya ang kasagutan sa mga tanong niya sa madaling panahon. Napangiti na lamang siya sa sarili at sinubukan ang luto nito. Masarap magluto si Kith at pakiramdam ni Theron ay biglang tumaba ang puso niya. The one who gets him is lucky indeed.