CHAPTER 9
Hindi niya natiis kung kaya muli niyang binuksa ang pintuan at mabilis na hinablot papasok ang dalaga sa kanyang silid. “Bakit ba hindi ka pa umalis? Pinagsabihan ko na ang lahat na pabayaan kang makaalis,” tanong niya.
“Hindi ko kayang umalis, diba pagmamay-ari mo na ako?” tanong ni Xianna, habang kita niya ang pamumugto ng mga mata nito.
“Hindi, umalis ka na, hindi ko kayang ibigay ang hinihiling mo, hindi ko kayang magbago!” Umiwas siya ng tingin sa dalaga. Hindi niya kayang makita na umiiyak ito.
Ngunit muling yumakap ang dalaga mula sa kanyang likuran, “Maghihintay ako, makakaya ko namang maghintay, hanggang sa magawa mo, mahal kita at nais kong initindihin ka, pero patuloy kong ipagdarasal na sana ay magbago na pamamaraan mo para mabuhay, delikado kasi iyon, at maari ka ring mapahamak,” nag-aalalang sambit ni Xianna.
Nagulat nga sila ng makaranig sila ng ilang malalakas na putok ng baril mula sa labas. “Ano iyon?” natatakot na tanong ni Xianna. Siya man ay nakadama ng pangamba para sa kanilang dalawa ng dalaga.
Mabilis siyang sumilip sa beranda, nakita niya ang mga naglalakihang mga sasakyan na may lulang armadong mga kalalakihan.
“Boss! Nire-rade tayo ng mga kapwa natin sindikato! Nagkaroon yata ng anomalya si Hunyo! Pinahamak niya tayo!” sigaw ng isa samga tapat niyang tauhang si Lucio.
“Lucio! Madali ka ihanda mo ang sasakyan para sa pagtakas!” mabilis niyang hinawakan si Xianna, at nagmamadali silang tumakbo palabas ng silid, sa lihim na lagusan ng mansiyon sila dumaan.
“Sakay na Boss!” tawag ni Philipe. Agad naman silang sumakay dala niya ang ilang malalaking sandata, mga baril at isang malaking bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera.
Ngunit ng makasakay naman sila, hindi nila alam na nasundan na pala sila ng ilang mga tauhan ng mga kalaban. Pinaputukan sila ng baril, mabuti na lang at naka dapa kaagad si Xianna, sa loob ng sasakyan, hindi naman siya natamaan, ngunit napatay ng mga iyon si Philipe.
“Xianna! Ayos ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong kay Xianna.
“Oo ayos lang ako! Ikaw ba?” ganting tanong ni Xianna.
“Patay na si Philipe, magtago ka lang at maaring may mga kalaban pa.” Muli niyang binaril ang isang lalaking nakita niyang papalapit sa kinaroroonan nila.
“Boss sige na tumakas na kayo, ako na ang bahala rito, Boss gawin mo na ang gusto ng babaeng mahal mo, mamatay ka na bilang France, at mabuhay bilang Marcus!” sabi ni Lucio.
“Lucio! Hindi ko makakalimutan ang bagay na ito na ginawa mo para sa amin!” sambit pa niya sa kanyang tauhan. Mabilis na niyang pinaandar ang makina ng sasakyang sila na lang ang sakay. At umalis sa lugar na iyon.
“Boss dalin mo ang Philipe, sa dulo ng susunod na rest house mayroong isa pang sasakyang nakaabang na doon. Inihanda ko Boss, iwan mo ang bangkay ni Philipe, at isuot mo ang maskara sa kanyang mukha, sa gano’n ay akalain nilang patay kana,” habilin pa ni Lucio sa kanya. Mariin naman siyang tumango sa tauhan at nagpaalam na.
Malayo na ang binabagtas ng kanilang sasakyan, at natitiyak nilang nakalayo na sila, doon niya narealized na delikadong buhay nga talaga ang maibibigay niya sa babaeng mahal niya kung hindi siya magbabago ng paraan ng pamumuhay. Napayakap na lang siya kay Xianna na noo’y nasa tabi na niya. Yumakap din ito habang nagmamaneho siya.
“France saan na tayo pupunta?” tanong naman ni Xianna.
“Aalis na tayo, magbabago na tayo ng buhay,” sagot niya sabay hubad ng maskarang suot niya. At humantad ngang muli ang gwapong mukha niya sa harapan ni Xianna.
Isinuot niya ang maskara sa katawan ng driver nilang si Phelipe, upang ito na ang mapagkamalang siya, at sila ay muling sumakay sa ibang sasakyan. At umalis na muna sa lugar na iyon.
MAKALIPAS ang tatlong taon, isang g’wapong billionaryo ang namamayagpag sa mundo ng pagnenegosyo, mabilis na sumikat si Marcus Alegre bilang bilionaryong may mabuting puso, mabait at matulungin sa mga taong nangangailangan.
Kasabay ng kanyang pamamayagpag ay ang pagtatayo naman niya ng mga bagong bahay ampunan para sa mga batang ulila, at pagbibigay pa ng mga donasyon sa iba’t ibang klaseng foundation, na tumutulong din sa mga nangangailangan.
Siya si Marcus Alegre, kasama ang kanyang pinakamamahal na si Xianna Valencia Alegre ay namuhay ng matiwasay sa america at ngayon ay nagbalik na sa kanilang tunay na bansa.
Maraming proyekto ka agad ang sinimulan nila upang hindi masayang ang panahon, maagap rin silang nakikipag tulungan sa ilang sangay ng gobyerno patungkol sa mga kawawang mga bata na walang matutuluyan. Tumutulong rin silang humanap ng mga mayayamang pamilya na may kakayahan at pagnanais na mag-ampon ng mga batang walang magulang. Iyon ang isang adhikaing sinimulan nilang mag-asawa.
Pareho kasi silang ulila na at lumaking walang mga magulang sa magkaibang sitwasyon ng buhay.
Iniisip rin agad ni Marcus na mas makapag-invest sa iba’t ibang klaseng nagosyo para mas marami pa silang matulungang nangangailangan. Kasalukuyan siyang nakatayo malapit sa may bintana habang kausap ang isang investor para sa bagong project na bubuksan niya.
“Okay Mr. Dale Cruz…. we will have a meeting tomorrow…okay.” Tapos ay pinindot na niya ang cellphone na hawak upang matigil ang komunikasyon niya sa kanyang kausap nang magpaalam na ito. Napangiti siya ng makita ang asawa niya na pumasok sa loob ng kanyang opisina kasama ang dalawang anak niyang kambal na babae.
“Mahal, magpahinga ka muna, baka ka naman magkasakit niyan, simula ng dumating tayo sa dito sa Pilipinas ay naging abala ka na sa lahat ng mga bagong proyekto mo,” nakangiting paalala ni Xianna sa asawa.
“Masaya ka ba sa ating pagbabalik Mahal ko?” nakangiting tanong si Marcus sa asawa.
“Oo naman. Lalo na ngayong okay na ang lahat, at kasama natin ang ating mga anak na sina Princess at si Francia,” Muling umangkla ang mga kamay ni Xianna sa kanyag leeg, para halikan siya.
Ngunit may mga mata palang nasa likuran nila, “Mama…what are you doing to my Papa?” tanong ni Princess, habang nakatingin lang si Farncia at nagtataka ang mga inusenteng mukha ng kamabal nilang anak.
“Yes, mga anak…I just want to kiss your Papa,” nakangiting sagot ni Xianna sa dalawang anak.
“Me too… Papa, I want to kiss you!” si Francia naman ay mabilis ring tumakbo patungo sa ama.
“Yesss! My beloved daughters….” at isa-isa nga niyang kinarga ang nag-uunahan niyang mga anak, upang halikan ang mga pisngi ng mga ito.
NANG makatakas sila may tatlong taon na ang nakararaan, isang kaibigan ang tumulong sa kanila, isa sa mga kaibigang matalik ni France Marcus, isa rin itong dating mafia na ngayon ay pinili na nga ring magbagong buhay.
Alam niyang ito lamang ang makakatulong sa kanya para magawa nilang makatakas sa mga sindikatong humahabol sa kanila. Inayos nito ang lahat ng mga dapat ayusin upang ligtas silang makarating ng ibang bansa. Hindi naman gaanong nagkaproblema si France dahil sa hindi naman kilala ng mga kalabang sindikato ang tunay na mukha niya, ilang pagkakakilanlan lang ang kanilang kinailangang baguhin, at para makuha na rin nila ang lahat ng pera niya.
Ngunit bago nila gawin iyon ay sinigurado rin nilang makakalaya na ang lahat ng taong dating may pagkakautang sa kanya na ibinayad lang namang tulad ni Xianna, at sinigurado rin nilang mahuhuli ang mga kriminal at sindikatong lumusob sa mansiyon niya.
Maging si Hunyo na nagtraydor sa kanya ay tiniyak niyang mapaparusahan. Sa tulong ng kanyang kaibigan ay nahuli ito ng mga pulis maging ang mga sindikatong kinaaniban nito.
Sa kasalukayan ay marami nang natutulungang tao si Marcus sa tulong na rin ng kanyang mabuting asawa na si Xianna. Si Xianna na nagturo sa kanya ng mga bagay na noon mahirap gawin para sa kanya.
Ang akala niya ay walang magmamahal sa pangit niyang mukha, at sa magulong buhay na mayroon siya. Ngunit ng dahil sa kabutihan ng puso nito, at wagas na pagmamahal ay nabago ang buhay niya.
Mula sa pagiging masamang Mafia Boss siya ngayon ay isan nang mabuting bilyonaryo na nakakatulong sa iba.
“Mahal ko, anong iniisip mo?” nakangiting tanong ni Xianna sa kanya. Lumapit pa ito ng husto sa kanya at umunan sa kanang braso niya.
“Ha…w-wala, inaalala ko lang ang mga nangyari nong nakaraang tatlong taon sa buhay ko,” nakangiti rin niyang sagot sa asawa sabay himas sa braso nito.
“Bakit naman Mahal ko? Naalala mo ba ang mga malulungkot mong karanasan?”
“M-minsan, pero hindi iyon ang naalala ko, ang naalala ko ay iyong dumating ang isang babae sa bahay ko, isa siyang inosenteng babae, na hindi yata alam ang salitang kinatatakutan, masamang tao, at hindi alam ang salitang MAFIA BOSS….” tugon niya sa asawa.
“Ummm! Ano na naman ang ibig mong sabihin?” nakataas ang isang kilay ni Xianna na nakatitig ng masama sa kanya. Ngunit nangingiti naman habang tinititigan niya.
“Wala naman, namamangha lang ako dahil may isang inosenteng babae na tulad mo, at dahil sa kainosentehang iyon, nabago ang buhay ng isang masamang tao.”
“Basta ang naalala ko lang, may isang lalaking may malulungkot na mga mata noon, alam kong hindi siya tunay na masama, alam kong mamahalin niya ako,” ngumiti ng matamis si Xianna sa asawa na niya ngayon.
Ang lalaking dating Mafia Boss. Na ngayon ay isang nang mabuting Bilyonaryo.
Wakas.
BUT WAIT THERE’S MORE! PLEASE CONTINUE TO READ THE SECOND STORY!