CHAPTER 3
Muli siyang tumingin sa binatang Mafia Boss, ngumiti muna siya bago sumagot, "Dahil natutuwa ako, kahit na paano ay may nakikita akong pag-asa. Ang sabi ng iba halos lahat raw ng kinukuha niyo ay hindi na nakakabalik ng buhay, pinapatay niyo po ba sila?" lakas loob na namang tanong nito sa kanya.
"Depende sa ikikilos nila, may iba kasing nagpupumilit na tumakas, kapag nabaril sila ng mga tauhan ko, wala na akong magagawa kundi ang ipaubaya sa mga ito ang bangkay, sila na ang bahalang tumapos, o kung anoman ang nais nilang gawin sa katawan ng namatay na iyon." Nagtataka naman ang lalaki sa sarili kung bakit nga ba tila sinasagot nitong lahat ang mga katanungan ng dalaga na para bang matagal na silang magkakilala.
Sa unang pagkakataon kasi ay nakatagpo ito sa katauhan niya ng isang kausap na hindi nito nararamdamang natatakot sa itsura niya. “kumain ka na sa kusina," utos nito sa kanya.
"Sandali lang po, naririnig ko rin ang kalam ng tiyan mo, hindi ka pa rin ba kumakain?" wala sa loob na tanong niya sa lalaki.
Nagtaka naman ang binata sa tanong niya, at napatingin ito sa kanya. "Hindi busog ako, bakit mo naman naisip na nagugutom ako?" tanong nito sa kanya.
Natanong niya iyon dahil sa paggala ng kanyang paningin, nakita niya ang pagkaing nasa may gilid na nakapatong sa maliit na lamesa. Dalawang set na ng mga pagkain ang nakapatong doon ngunit walang bawas. Naisip niyang marahil ay hindi na ito ginaganahang kumain dahil parati na lang itong nag-iisa.
"W-wala lang, saan po ba ako magtutungo para kumain?" kunawari niyang tugon. Alanganin siyang napapangiti pa nang magtanong niya sa lalaki kung saan siya dapat na magpunta para makakuha ng pagkain. Liban do’n ay nakadama rin siya ng awa para sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala. Alam niyang hindi naman dapat kaawaan ang tulad nitong sinasabi nga ng iba na malahalimaw ang ugali at mukha. Kaya lang hindi niya maiwasang maawa dahil alam niya na sa kabila ng lahat ng yaman nito ay nanatili itong malungkot at nag-iisa.
Alam niya ang pakiramdam ng maging mag-isa. Nang mawala ang mga magulang niya, naramdaman niya ang maging malungkot, sumaya man siya ng panandalian dahil sa kinuha nga siya ng tiyuhin niya na may pamilya na rin, naging magulo naman ang lahat buhat nang malulong ito sa bawal na gamot.
Parati na ring may sakit ang tiyahin niya ang anak nito. Kaya sa mura niyang edad napilitan siyang magtrabaho. Hindi na nakapag-aral pa. Alam din niya na hindi lang ito kinatatakutan kundi pinandidirihan din na animo'y may sakit na nakakahawa.
"Sir, o dikaya ay Boss ang itatawag ko sa iyo?" inosente na naman niyang naitanong.
Dinampot ng Mafia Boss ang awditibo upang makausap ang mga namamahala sa kusina, upang masabi sa mga ito na bababa na siya para kumain. Humarap ito sa kanya at muling tumitig, "Ano bang nais mong itawag sa akin?" tanonmg nito sa kanya.
"A-ano po bang pangalan niyo Sir?" tanong niya.
"Ilang taon ka na ba?" tanong naman ng lalaki sa kanya.
"Ako, twenty years old na ako," sagot naman niya sa lalaki, "Ikaw?" dugton pa niya ng mapansing natigilan ito.
"Huwag mo nang itanong, basta matagal na akong Mafia Boss, ako ang limang saling lahi ng aming angkan, kaya ang yaman ko, hindi ko lahat kagagawan, ipinagpatuloy ko lang ang legacy na naiwan ng pamilya ko sa akin," sagot pa ng lalaking tatawagin na niyang Sir.
"Ganon po ba Sir, pero hindi niyo po sinagot ang tanong ko, anong pangalan mo?” makulit niyang tanong.
“France Marcus ang pangalan ko.” seryoso nitong sagot at naiinis nang tumingin sa kanya.
Napapalunok na man siya sa takot na kagalitan siya ng lalaki. “S-sige po aalis na muna ako, kasi gutom na gutom na po ako," sagot niya pa.
Tumayo siya at marahang lumakad. Ngunit napatigil siya at napalingon muli sa lalaki. May naisipan pa siyang itanong. "A--- Sir, hindi mo ba ako pababantayan? O pasasamahan katulad ng sa mga nababasa kong libro, o napapanood sa t. v ?" nakakunot ang noo niya at nakataas ang isang kilay.
Isang dahilan na naman para mapatawa na naman niya ang Mafia Boss. Nagugulat ito sa lahat ng mga ikinikilos at ginagawa niya sa harapan ng lalaki. Naiiling na lang na muling tumingin ito sa kanya, kumumpas ang isang kamay nito para paalisin na siya, habang patuloy pa ring natatatawa. Nagtatakapa rin siyang tumalikod na.
Ang akala niya kasi ganoon ang mangyayari, hindi siya hihiwalayan ng mga gwardiya dahil baka tumakas siya. Pero naisip niya ang sinabi nito kanina, ang tumakas at nababaril ay wala na itong magagawa pa.
Napiling-iling siyang inalis sa isipan niya ang salitang pagtakas, "Hindi ako tatakas dito! Tatapusin kong bayaran ang utang ni T'yong para maayos akong makaalis rito!" mariin at determinado niyang salita.
"Ano, imposible ang sinasabi mo! Sa laki ng utang mo rito, hindi ka na makakaalis pa," sabat naman ni Hunyo, ang lalaking naghatid sa kanya kanina sa harapan ng Mafia Boss.
"Bakit naman? Magkano ba ang sasahurin ko sa pagtatrabaho ko, para makabayad?" tumapang ang mukha niya nang magtanong sa lalaki.
"Alam mo, hindi mo naiintindihan, ikaw ay kolateral, at bayad na ang tiyuhin mo, ibig sabihin ikaw ay pagmamay-ari na ni Boss. Wala nang utang ang Tiyuhin mo kay Boss dahil ikaw ang ibinayad sa kanya. Kaya kung ako sa iyo, huwag ka nang umasa pang makakaalis ka rito kung hindi ka tatakas!" salita pa nito sa kanya.
Gumapang naman ang matinding hilakbot sa buong katawan ni Xianna, hindi niya akalaing ang lahat ng nasa isipan niya ay maling pagkakaunawalang pala. Malungkot siyang napatingin sa nakasaradong pintuan na pinanggalingan niya kanina, alam niyang naroon ang Mafia Boss.
Ganon pa man ay pilit niyang pinahinahon ang sarili niya, noon niya naalala ang habilin ng kanyang ama, at ina. "Anak, maging mahinahon ka sana palagi, kahit na sa pinaka mahirap na sitwasyon ng iyong buhay. Pag-iisipan mo kung tama o mali ang iyong mga ginagawa." maiksing panahon man niyang nakasama ng mga magulang, palagi naman niyang dala-dala ang payo nito at mabubuting halimbawa.