CHAPTER 5: PAST AND NIGHTMARE
Giana’s POV
Nagising ako dahil sumasakit ang tiyan ko sa sobrang gutom. Bumangon ako at nag-unat ng katawan pero mabilis akong natigilan nang mapansing wala ako sa kuwarto ni Xavier kundi sa mismong kuwarto ko.
Tumingin ako sa kanang bahagi ko at napasinghap ako nang makita si Xavier na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Napatulala ako sa kaniya habang inaalala ang nangyari kagabi at iniisip kung bakit kami nandito kaysa sa kuwarto niya.
Napailing ako. Mukhang nakatulog ako kagabi habang yakap-yakap niya ako.
I took this opportunity to look at him closely and memorize every part of his face without feeling nervous or shy. Hindi ko mapigilang mamangha sa kung gaano siya kaguwapo kahit tulog.
Biglang bumaba ang paningin ko sa labi niya. Napangiwi ako dahil tila ba mas mapula ang labi niya kaysa sa akin. I slowly brought my hand closer to his face and gently touched his eyebrow. Ilang minuto lang ay bumaba ang kamay ko sa pilik-mata niya at maingat kong pinaglandas ang mga daliri ko roon.
“I think the Moon Goddess blessed you too much. You’re too handsome,” I whispered.
“I know.”
Napatili ako nang marinig ko siyang magsalita. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya at pinanood siyang buksan ang mga mata niya.
He smiled at me. “Good morning,” he said with his raspy morning voice.
“You… Gaano ka na katagal na gising?”
A chuckle escaped his lips as he stared at my surprised face. “I woke up when I felt a spark when you touched me,” he said. “By the way, thanks for the compliment.”
Napairap ako nang kumindat siya sa akin. Pero sa totoo lang ay malapit na akong sumabog sa kahihiyan pero pinipigilan ko lang.
Tumikhim ako. “Why did we sleep here?”
“Because my room is a mess and I don’t want it to be the first thing you see when you wake up,” saad niya.
“And why did we sleep next to each other?” sunod kong tanong at natigilan siya.
“Well… After I brought you here and laid you on the bed, Tim begged me to sleep next to you. I tried to argue with him but he didn’t stop me with his nagging and tried to fight for control. Sa huli pinagbigyan ko na lang siya sa gusto niya dahil masyado akong pagod para makipag-away pa sa kaniya,” mahabang paliwanag niya.
“Tim… Is that your wolf’s name?” I asked and he nodded.
“I’m sorry if I slept next to you without your consent,” he apologized.
Tinitigan ko siya at nakita ko na sensiro siya sa sinabi. Siguro ay dahil sa nakita ko kagabi na kalagayan niya ay mabilis na gumaan ang loob ko sa kaniya. Nakatatawa lang dahil palagi kong sinasabi noon na ayaw kong makita ang mate ko pero ngayon na nahanap ko na siya ay gusto ko siyang kilalanin ng lubos.
“It’s okay,” sabi ko at nakita ko na nagliwanag ang mga mata niya.
I couldn’t help but smile because I couldn’t believe that I would see such a cute reaction from an Alpha King who is known for being powerful and ruthless. Para siyang isang maamong tuta sa harapan ko.
Pero hindi rin ako makapaniwala sa mga reaksyon o kilos ko habang kasama siya. Baka kapag nakita ako ni Zivara na mabait na nakikipag-usap kay Xavier ay pagtawanan niya ako. Tapos tatanungin niya ako ng, “Nasaan na ‘yong Giana na palaging sinasabi na ayaw niyang makilala ang mate niya?”.
“Then… Is it okay if we always sleep together from now on?” he asked.
Umiling ako at mabilis na bumagsak ang mga balikat niya.
“Let’s take things slowly for now, Xavier,” I said softly. “I’m just starting to accept the fact that I’ve found my mate and I need to get rid of the fear in my heart.” I stopped and looked directly into his eyes and continued. “Especially since I didn’t see any sign that you didn’t accept me as your… mate.”
Biglang naging seryoso ang mga mata niya at mataman akong tinitigan. Maya-maya ay lumambot ang mga ‘yon.
“Why did you think I wouldn’t accept you as my mate?”
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Siguro nga ay dapat ko nang ipaalam sa kaniya ngayon ang mga nangyari sa akin.
“Hindi ako ipinanganak na isang ganap na rogue,” panimula ko habang nakatingin sa bintana. “Dati akong miyembro ng Olive Pack. Masaya akong nabubuhay noon doon mas lalo na at si Dad ang Beta. Everything was fine but not until I turned sixteen.”
Ngumiti ako ng mapait nang maalala ko ang mga itsura nila noong maghating-gabi na ngunit hindi pa rin ako nag-shift. Lahat sila ay nagulat at nadismaya.
“Nagsimula na akong ikahiya ng sarili kong pamilya noong araw na ‘yon dahil sa lahat ng kasing-edad ko, ako lang ang hindi nag-shift.” Napatingin ako kay Xavier nang kinuha niya ang dalawang kamay ko at ikinulong iyon sa sariling mga kamay niya.
“And?” tanong niya. “Tell me everything. Makikinig ako.”
“They all abused me and threw hurtful words at me and I experienced that for a whole month before they decided to kick me out of the pack and leave me to die in the middle of the forest.”
I felt Xavier’s body tremble with anger as he quietly listened to me.
“Duguan ako noon at nanghihina dahil sa panglalatigo nila sa katawan ko kaya nawalan na ako ng pag-asa na mabubuhay pa ako ng matagal sa gitna ng kagubatan kung saan pakalat-kalat ang mga rogue. But Zivara found me and helped me that day. She’s the reason why I am still alive and why I have become a strong and brave woman.”
“Is that why you don’t want to see me? You’re afraid I’ll reject you when I find out you’re a rogue and not a shifter,” he said seriously.
I nodded. “You are also the Alpha King and the first thing that came to my mind when you said I was your mate was that I would experience the pain I experienced before again. Kaya ayaw kong sumama sayo dahil alam kong darating din ang araw na ire-reject mo ako.”
He shook his head. “I would never do that, Giana. You don’t know how I almost went crazy when I smelled your scent on Zadhler. Biglang sumakit ang puso at ulo ko noong oras na iyon na para bang gustong-gusto kitang makita dahil miss na kita kahit na hindi pa naman tayo nagtatagpo. I tried to go to the place where you saved him and ran everywhere to look for you but I failed in the end. There was a missing piece in my life but I found it when I saw you.”
Bigla siyang lumapit sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko. He let out a sigh of relief as if something heavy had been lifted from his chest.
“You’re my mate, Giana. Tanggap ko ang lahat-lahat sayo,” bulong niya at bigla niyang inilapit ang isang kamay ko sa bibig niya at hinalikan ang likod niyon.
Kumalabog ang puso ko sa narinig at sa ginawa niya. Bahagya ko siyang itinulak para umupo siya ng maayos at mabilis kong isinubsob ang mukha ko sa leeg niya. Ang mga braso niya ay mabilis niyang ipinulupot sa bewang ko. Bigla niya akong iniangat at maingat na pinaupo sa kandungan niya at hindi ako nagreklamo.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha na tumulo sa mga mata ko. Ewan ko ba kung bakit naging emosyonal ako ngayon samantalang hindi na ako umiyak simula pa noong huling araw ko sa Olive Pack. Siguro ay dahil malinaw na sa akin ngayon na kaya akong tanggapin ng mate ko sa kung ano o sino ako.
“Thank you, Xavier…” I whispered.
Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago hinaplos ang buhok ko. Mas humigpit ang yakap niya sa akin na para bang ayaw niya nang umalis ako sa kandungan niya.
“I will make you the happiest woman in the world, Giana. So from now on you can lean on me whenever you are tired or struggling. Let me help you remove that fear from your heart so you can love me freely.” He said softly. “I will accept no woman in my life but only you and no one else. Well… of course except for our future daughters.”
Pabiro ko siyang sinuntok sa balikat at malakas siyang natawa. Oh, Moon Goddess. ‘Yon na yata ang pinakamagandang tawa na narinig ko sa buong buhay ko.
“Nga pala, ngayon na may alam ka na tungkol sa akin, gusto ko rin malaman kung ano ang nangyayari sayo at ganoon ka kagabi.” Inilayo ko ang mukha sa kaniya ng hindi siya nakaimik. Nagtitigan kami sa isa’t-isa hanggang sa bumuntong-hininga siya at nagsimulang magsalita.
“I often have nightmares and it’s always the same. I don’t know but sometimes it seems like it’s not just a dream but a memory of someone.” He stated. “The faces of the people in my dreams are not clear but the scene is in the middle of the war there was a woman lying on the ground, lifeless. Kapag umaabot na ako sa parteng ‘yon ng panaginip ko ay nagigising na ako dahil sumasakit na ng matindi ang ulo at puso ko.”
Tahimik akong nakinig habang nagsasalita siya. Hindi ko inalis ang paningin sa kaniya ng kahit isang segundo lang dahil gusto kong makita ang lahat ng reaksyon na magagawa niya habang nagkukuwento.
“That was just a nightmare,” I said.
He smiled and nodded. “Yeah.”
Pagkatapos nang usapan namin ay bigla niya na naman akong niyakap. Maya-maya ay biglang gumawa ng malakas na tunog ang tiyan ko at mabilis akong pinamulahan ng mukha dahil alam kong narinig niya.
Nakahihiya ka, Morgiana Keyin Costello!
He chuckled. “The Queen’s stomach is angry.”
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.
“Tanggalin mo na ‘yang mga braso mo sa bewang ko at aalis na ako rito sa kandungan mo,” utos ko.
Ngumisi siya at umiling. “Ayaw.”
“Xavier,” bigkas ko sa pangalan niya sa seryosong boses.
He suddenly licked his lips. “Damn, I love the way you say my name. Say it again, please?”
“Ayaw,” panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
Matamaan niya akong tinitigan at tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Gutom na ako kaya paalisin mo na ako rito sa kandungan mo. Kapag hindi mo pa inalis ‘yang mga braso mo, sige ka, hindi kita kakausapin ng buong linggo.”
Ngumuso siya pero mabilis niya ring tinanggal ang mga braso mula sa pagkayayakap sa akin. Mabilis akong bumaba at nagtungo na palapit sa pintuan.
“How long will it take me before I lose my mind because of you?” bulong niya at hindi ko ‘yon narinig nang maayos.
“Ano ang sinasabi mo riyan?” tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
“Sabi ko, sabay tayong kumain,” sabi niya at alam kong hindi ‘yon ang sinabi niya pero hindi ko na siya kinulit tungkol doon.
Agad siyang sumunod sa akin at bumaba na kami papuntang dining room. Pagkarating namin doon ay nakita ko na nandoon sina Warren at Zivara, kumakain. Nang mapatingin sa gawi ko ang kaibigan ko ay napatulala siya dahil nasa likod ko si Xavier.
“What?” tanong ko sa kaniya at umiling siya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang isang ngisi na gumuhit sa labi niya bago siya sumubo.
“Halika na at kumain ka na, Giana. Isabay mo sa pagkain ng mga salitang sinabi mo noon,” biglang bigkas niya at malakas na natawa.
“Mabilaukan ka sana,” sabi ko at agad ngang nangyari ‘yon.
Dali-daling inabutan ni Warren ang mate niyang halos mamatay na kauubo. Ngayon ay ako naman ang tumatawang naglakad palapit sa isang upuan.
“Marami kang ikukuwento sa akin mamaya,” sabi niya pero kinawayan ko lang siya.