CHAPTER 19: TAYO PARIN

Lorrain P. O. V

NAPANGITI AKO ng may nakita akong isang tangkay na rosas sa may harap ng pintuan ko. Akala niya siguro hindi ko alam na siya ang naglalagay ng mga bulaklak rito kada umaga.

Lagi na kasi akong nakakatanggap ng bulaklak kaya medyo nakikicreepy na ako kaya inabangan ko kung sino ang lalaking maglalagay ng bulaklak dyan sa tapat ng pintuan ng bahay ko. And thats it!

Si Darius Jake Sanchez. Ang secret admirer ko.

Akala niya hindi ko alam na siya ang naglalagay ng isang tangkay ng rosas sa may hagdanan ng pintuan ko. Dati creepy pero ng malaman kung siya pala iyon ay kinikilig na ako tuwing nakikita ko yun kada umaga.

Bumili rin ako ng isang vase para dun ilagay ang kada tangkay ng rosas na bigay niya.

Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si Jordan. Nagbatian muna kami saka nagsimula ng maglakad. Hanggang sa makita ko sa di kalayuan si Darius nakatayo siya roon saka siya napangiti ng makita kami at lumapit samin.

Lagi rin siyang sumasabay sakin tuwing nag jojogging kaming dalawa ni Jordan minsan rin nagkakasalubong pa ang kilay niya pag nakita niya akong hawakan ni Jordan.

Naka jogging pants lang ako habang naka sport bra at may nakasalpak na headset sa tainga ko. Pero ang isa lang naman ang nakasalpak habang ang isa ay wala para marinig ko ang usapan nila.

"Saan ka nag tatrabaho, fafa D" hindi siya nagreklamo sa tawag ni Jordan sa kaniya. Kasi Jelly naman ang tawag niya rito. At tinatrato niyang parang babae si Jordan at masaya ako dahil hindi siya mapaghusga na tao. At sa tagal na naming kasama si Darius sa pag jojogging ay ngayon lang siya nagtanong tungkol diyan.

"Dun sa Sanchez Company" sagot ni Darius walang halong pagmamayabang.

"Janitor ka dun?"

Sabay kaming napatawa ni Darius kaya nag iwas nalang ako ng tingin at hindi sila pinansin.

"Anak ng owner"

"Mayaman ka pala"

"Yung parents ko lang" nakangiting sabi nito.

Tumingin ito sakin saka kumindat na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko. Pwede bang papahingahin niya naman ang puso kong tumibok ng mabilis?

Bigla nalang nag paalam si Jordan dahil pupuntahan niya daw muna ang jowa niya nakita raw nitong may kasama siyang iba kaya medyo nagselos raw ito. Kaya aamuhin niya muna ito.

"So babosh na! Para hindi na magtampo susubuin ko nalang ang sandata niya"

"Jordan!"

Rinig ko ang tawa ni Darius sa tabi ko. Saka niya ako inakbayan na ikinaigtad ko.

"Kailan ko kaya ulit mararanasan ang blow job na yan" pagpaparinig niya habang nakatingin sakin.

"Magaling akong mag blowjob" proud na sabi pa ni Jordan kaya sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya "Pero mas magaling mag blowjob yang si Lorrain"

"Alam ko" proud na sabi din ni Darius

Mukhang lahat ng dugo ko ay umakyat sa pisnge ko ng dahil sa sinabi ni Darius.

"Hindi lang sa blowjob. Pati narin sa kama lalo na yung ungol niya"

"Darius!" pinandilatan ko siya para tumigil na.

Kita ko ang gulat sa mukha ni Jordan na parang hindi makapaniwala sa narinig. Kung sana buhay ang lupang kinatatayuan ko bumuka ka sana at lamunin ako.

"Nag sex na kayo?" walang prenong tanong ni Jordan.

"Jordan! A-aalis kana diba?"

"May gagawin kayo?" may nakaukit na ngiti sa labi nito "Okay take your time. At ikaw naman babaita ka mag explain ka sa kin mamaya" saka siya nawala sa paningin namin.

Sinamaan ko ng tingin si Darius na ngayon ay nakangisi parin. Hinampas ko ang braso niya na ikinatawa niya. Nakakahiya yung ginawa niya.

"Bakit kaba nahihiya? Totoo naman ha!" nakangising sabi parin nito.

"Nakaraan na yun"

"Nakaraan na hindi ko kakalimutan. Kasi yun ang the best na nangyari sakin... Ikaw ang babaeng nagpasaya sakin nung araw na iyon" saka niya hinaplos ang pisnge ko

"At ikaw ang lalaking nanakit sakin nung araw na iyon" saka ko tinampal ang kamay niya.

"Bakit mo ba ako iniwan? Bakit bigla ka nalang umalis ng walang paalam? Alam mo ba kung gaano kahirap ang naranasan ko ng wala ka? Bakit ang dali lang sayong iwan ako? Bakit ang dali lang sayong paniwalaan ang sinasabi ng ibang tao? Mahirap ba akong pagkatiwalaan?" sunod sunod na tanong niya.

"Wala na tayo Darius kaya wala kang karapatang tanungin ako" dinuro ko siya.

"Sa pagkakaalam ko. Hindi ka nakipag hiwalay sakin. Kaya iniisip ko na baka gusto mo lang ng time and space. Binigay ko sayo. Kaya kahit ipagtabuyan mo pa ako palayo. Ako parin toh. Ang boyfriend mong iniwan mo ng walang paaalam" kita ko ang pagtatampo sa mga mata nito pero hindi ang galit.

Nakalimutan ko. Hindi pala ako nakipag hiwalay sa kaniya. Ngunit may pamilya na siya.

"Wag kang maniwala sa sinabi ni Nica" mukhang nabasa niya ang iniisip ko "Hindi ko siya na buntis. Habang wala akong time sayo. Nasa kompanya lang ako nun. Bumagsak ang kompanya ni Dad kaya kailangan kung makabawi. Malaking halaga ang nanakaw. Im sorry kung wala na akong sapat na oras sayo. Pero nung time na nagtungo ka sa Condo ko tapos na ang problema ko sa kompanya kaya mabibigay kuna ulit sayo ang time na hinihingi mo"

Sinuklay niya ang buhok ko habang nakangiti nakakahawa ang ngiti ngunit pinigilan ko ring mapangiti.

"Mahal na mahal kita alam mo yan. Ikaw lang ang babaeng bubuntisin ko. Sayo lang ako magkakaroon ng pamilya"

Bubuntisin?

Hindi kuna mapigilan ang pagdaloy ng luha ko. Na ikinataranta niya at agad pinahiran ito at pinatahan ako. Nasa Village naman kami at pauwi na kaya walang masyadong nakakita sa amin.

"H-hindi ako mabubuntis at hindi kita mabibigyan ng a-anak"

Bumagsak naman ang balikat niya saka nagpilit ng ngiti.

"As long as kasama kita. Wala na akong ibang hihilingin pa. Kahit na hindi mo ako mabigyan ng anak. Mamahalin parin kita. Ganun kita kamahal" hinaplos niya ang pisnge ko at pinahiran ang luha ko gamit ang thumb niya "At sana wag muna akong iwan ulit dahil lang dun. Mahal kita... Kung ano ka... Kahit na isa kapang manunulat na kinamumuhian ko"

Napaayos ako ng tayo at parang nakapusan ng hininga sa sinabi niya.

Alam niya?

"Hello BitterNovelWrites By the way im your boy version DJSanchez"

"H-hello... Mr. B-bitter"

"Next time ako na si Mr. Sanchez at ikaw na si Mrs. Sanchez" bulong niya sa tainga ko "Pero bago yun. Liligawan ulit kita. Mahal ko"