Chapter 4 Mother’s Debt

Stella's POV

I can’t believe what Sevi’s mommy told me earlier. Does she want me for her son? Kinikilig ako ng sobra. Ayoko lang ipahalata kanina.

"Stella, you can visit here anytime."

"Mom..." Sevi lowly groaned.

"What? She's not visting you. I'm the one she's going to visit here and not you. Right, Stella?"

Napalingon ako kay Sevi na nakatalikod ngayon sa gawi ng mom niya. He shook his head. He's signing me to say no.

"Sige po. I'll try Tita."

"Please don't just say, you'll try. Welcome na welcome ka dito sa bahay namin."

Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko parang gusto na akong durugin ngayon ni Sevi. He's consequently throwing glares at me right now. Tipid na lang akong ngumiti sa mom niya.

"Salamat po ulit sa dinner, Tita. Nabusog talaga ako sa napakasarap mong nilutong pagkain. I'll go ahead."

"Wait! Ihahatid ka ni Sevi sa bahay ninyo."

"Mom, why—" napalingon si Sevi sa kanya.

"Stella is a woman and it's late. Did you forget that she was hurt and injured because of you?" She crossed her arms and raised an eyebrow at Sevi.

"But her house is nearby and she can defend herself better than me. Kaya niyang umuwing mag-isa—"

"Huwag na po. I'm fine, Tita."

"No! Hindi ako papayag. Ihahatid ka ni Sevi."

She stared at Sevi seriously.

"Okay! Fine." Bumaling sa akin si Sevi at inirapan ako.

"Tara na, Stella." He added.

Nauna na si Sevi sa paglabas ng gate nila. I turned my gaze back to Tita with a smile on my lips.

"Oh, solong-solo mo na ang anak ko. Make sure na makakapag-usap kayo nang maayos."

"Po?"

"Sevi is just stubborn so you have to be patient. He hasn't become a man yet but I'm sure his heart will soften with you and he will be a real man. Trust me." She winked at me and waved.

Napamasayahin at madaldal ng mom ni Sevi. Baliktad sa ugali ng anak nito na halos kainin ako ng buhay sa tingin palang.

Nasa gilid na kami ngayon ng daan habang magkasabay na naglalakad.

"Sevi—"

"Stop! You don't need to thank me. Iniligtas mo ako kaya quits lang tayo." he put his two hands

I felt like he didn't want to talk to me so I just kept quiet. Baka makatanggap na naman ako ng singhal mula sa kaniya.

Makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang nagsalita.

"How did you learn that?"

"W-which one?"

"It's three guys against one girl. Those aren't normal guys yet. Gangsters who can do nothing but beat up someone they think is weaker than them. How did you learn those fighting skills?"

He turned his gaze to me for a moment before looking straight ahead again.

"Curious ka na sakin? So ibig sabihin nagkakaroon kana ng interes sa akin, Sebastian Fuentes?"

"Do you really think anyone will be interested in you?" Masungit niyang ani.

Napahawak ako sa dibdib. Grabe naman si Sevi. Tagos hanggang buto iyon. I just adjusted my jacket and took a deep breath.

"It was my cousin who incouraged me to take martial arts training. I've started at the age of 15. Gusto ko lang matutong ipaglaban ang sarili ko sa kahit sino."

"Self-defense? Is that so?"

"Yeah! That's it. Medyo kinakalawang na nga kasi hindi na ako nakapagtraining lately, haha."

Hindi ko na napansin nasa harap na pala kami ng bahay namin.

"Salamat sa paghatid sa akin. Ingat ka sa pag-uwi, Sevi."

Tipid akong ngumiti at tumalikod na upang dumeretso sa gate namin.

"Stella..."

I turned to him quickly.

"Yes?"

"I know you can defend yourself on your own. But don't repeat that. I don't need your help. Ayaw kong mapahamak ka o masaktan pa ulit nang dahil sa akin."

He turned around and started walking away. I thought he was going to leave but I was surprised when he suddenly stopped and turned to me.

"And t-thank you."

He can't look directly at me.

"Wait!"

Mabilis naman siyang naglakad. Malalaki ang bawat hakbang niya at hindi na ako nilingon pa. I chuckled a bit. Parang nahihiya siya sa akin at ang cute tingnan.

Pumasok na ako sa bahay namin at bumungad sa akin ang aking ina na nag-aabang.

"Anong oras na? Ganitong oras ba ang uwi ng matinong babae?"

"Hi, Mama!" I nervously laughed and waved.

Mabilis akong lumapit sa kanya at nagmano. 7pm na pala. Grabe, ang bilis talaga ng oras kapag kasama mo ang taong mahal mo. Just kidding.

"Sino yung kasama mo kanina? Iyon ba yung sinasabi mo na crush mo?"

"Opo. Gwapo diba?" Kinikilig kong sabi.

"Bakla naman."

"Alam mo, ma? Paano mo po nalaman?"

"Oo, obvious naman. Itigil mo yang pagkakagusto mo, Stella. Malabong magkainteres yun sayo. Sa kapatid mong si Roy Justine puwede pa." sambit niya at binatukan ako

"Mama naman, ang sakit eh!"

"Bakit? Huwag mong sabihin na gusto mo pa rin siya kahit alam mong bakla siya?"

Tumango ako.

"Opo."

"Grabeng pag-ibig iyan. Kahit na bakla papatulan mo basta guwapo. Hindi naman ako tutol pero magugustuhan ka ba niya? Tsk! Malabong mangyari."

"Grabe ka naman, ma. Parang hindi mo ako anak ah. Talagang imposible ba na mahulog sa akin si Sevi?" Nakasimangot kong sambit.

Nagkibit-balikat siya sakin.

"Huwag kang nega, ma. Basta po kapag naging kami ni Sevi babayaran mo yung utang mo na 1k sa akin. Ano po? Deal?"

Agad na napalingon si mama sakin at nanlalaki ang mga mata.

"Anong utang? 1k pa?"

"Wow, ma! May amnesia ka na? Noong nakaraang buwan pa iyon at hanggang ngayon hindi mo pa po nababayaran."

Mama looked up at our ceiling. I just don't know if she's trying to remember the debt she owes me or if she's thinking of an excuse for me.

"Stella Revihera! Noong bata ka pa ang hilig mong magpabili ng mga gusto mo. Noong may ambagan kayo sa school ay humingi ka pa ng pera sa akin. Yung may party kayo, ako pa ang gumastos para sa gown mo. Siningil ba kita sa lahat ng mga pagkain, damit at gamit na ibinigay ko sa iyo? Pati na ang mga gastos ko sa pagpapalaki ko sayo. Siningil ba kita? Ha!"

"Talo na naman ako. Hindi na nga kita sisingilin, ma. Tara na po at matulog na tayo." tumayo na ako at dumiretso sa hagdanan

"Mabuti naman. Ganyan dapat, Stella."

As I expected. Every time I charge my mother's debt to me, she also charges me for all my expenses when I was a child until now. I'm still upside down now. I can't do anything more.

Fully paid na si Mama sa lahat ng utang niya.