Chapter 9 SIYAM
Nagising ako sa kwarto ko. Paano ako nailipat dito? Sa sobrang pagod ko hindi yata napansin na naglalakad akong tulog. Imposible din naman yun. Ipinilig ko ang ulo para kalimutan ang pag-iisip.
Tumayo ako sa kama at mukhang paika-ika pa ako maglakad. Lecheng buhay talaga! Narating ko ang banyo kahit medyo nahihirapan ako. Binuhay ko ang shower at hinayaang pumatak ang tubig sa balat ko.
Sobrang relax sa katawan. Tumagal ako halos ng isang oras sa paliligo. Lumabas din ako na nakasuot ng robe. Naghalungkat ako ng susuotin ko.
"Okay, let's try some dress. Para maiba Naman." Mukha na akong tangang nagsasalita. Isinuot ko ito. Above the knee so visible ang legs ko pero di naman malaswa ito. Ipinares ko ang 3 inches silver heels ko.
Umikot ako sa malaking salamin. Mukha na akong timang siguro. Naglagay din ako ng nude lipstick at kaunting eyeliner. Naglagay din ako ng foundation pero di gaano makapal.
Hinanap ko yung sling bag. Yun gagamitin ko para matching. Bumaba na ako. Napapatingin yung mga tauhan ni Mayor at mga katulong. Ganun din si Joan.
"Anong meron?" Si Joan ang nagsalita. Ngumiti lang ako dito. Nahihiwagaan yata siya sa kabaliwan ko.
"Maganda ba?" Nagthumbs up pa ito. Umikot pa ako sa harapan niya.
"Who the hell are you? Joan, what's this?"
Boses niya yun. Napalingon ako dito.
"Are you out of your mind?! I'm going upstairs. Don't ever disturb me, understand?!"
Maling-mali yata ang ginawa ko talaga.
"Hayaan mo si Mayor. Let's go, total nakabihis ka naman. Libre ko Naman,"yaya ni Joan bigla. Hinila ako niya palabas. Lagot na Naman ako nito mamaya.
Habang nasa sasakyan, nagsasalita itong kasama ko.
"Alam mo, akala ko talaga hindi ka maalam sa tinatawag nilang fashion. Kinabog mo ako. Napahanga mo si Mayor. Kita mo naman sa kanyang reaksyon."
Napakadaldal niya talaga. Anong nakakahanga sa ginawa ko? Mukhang nagalit pa yata.
"Alam mo yan si Mayor, hindi siya vocal pagdating sa nararamdaman niya. Kunwaring galit pero ang katotohanan ay humahanga na siya."
Napapailing ako sa pinagsasabi nito. Dinala Niya ako sa isang mall. May mall pala dito? Hindi ko kasi nalibot ang lugar. Nasa taas ng building ang malaking karatula. "CHP SHOPPING MALL"
"Kay Mayor ito. Ang nag-iisang mall na pinatayo dito sa San Leonardo."
Hindi nga pala siya pulitiko lamang. Negosyante din. Nagsimula na kaming maglakad papasok. Malawak ang building at marami ding tao na namimili.
Dito pala sa ground floor makikita ang mga kids apparel at toy section. Sinabi sa akin ni Joan na kakain muna kami. Nasa second floor daw yun.
Pagdating namin sa ikalawang palapag bumungad sa amin ang iilang food stalls at restaurant. From korean cuisines, japanese at filipino foods.
Dinala ako nito sa isang korean restaurant. Kakain daw kami ng kimchi at samgyupsal. Nasubukan ko kumain sa Maynila nito.
"Mahal yata dito,"reklamo ko. Hindi natinag ang kasama ko. Dumiretso kami papasok. Nagbow sa amin ang staff. Nakisabay din ako.
Humanap kami ng pwesto namin . Nasa pinakadulo kami napunta. Dumating na ang order namin. Siya ang nagprisinta magluto ng samgyupsal.
Halos marami akong nakain din. Itong si Joan talaga tinotoo ang panlilibre. Bumili din kami ng milk tea.
"Oh, nga pala, ililibre pa kita. Round 1 palang yun."
"Ano?! Gusto mo ba ako sumabog sa kabusugan?"
"Hindi pagkain. Bibili kitang damit. Simula kasi ng dumating ka wala ka pang nabibili."
Niyakap ko siya. May bago akong of bestfriend sa katauhan niya bukod kay Rose.
"Bitaw na. Baka isipin nila tomboy ako." Natawa ako sa sinabi niya. Thankful lang naman ako. "4th floor tayo."
"Ilang floor ba 'to,"hindi ko maiwasang maitanong sa kanya.
"Five floors. The last floor is the party area. Usually may umuupa doon, like birthdays, family gatherings and business meetings."
Hindi na ako nagtanong ulit. Sumakay kami sa elevator para mapunta sa ikaapat na palapag.
Sumalubong sa amin ang nakahilerang damit, sapatos at marami pang mamahaling alahas. Binati kami ng staff.
"Hi, Jenny, pwede mo ba akong tulungan at ang kasama ko pumili ng damit?"
Pumayag ito at dinala kami sa nakahanger na mga dress at blouse. "Ano ba gusto niyo ma'am? Meron kaming mga dress for different ocassions."
"Uhm, maganda naman kasi lahat, nahihirapan akong pumili."
Sinisipat ko ang mga damit. Pinili ko yung kulay maroon dahil paborito ko talaga. Simple lang ang design nito. Spaghetti strap din ito. Sinukat ko ito sa fitting room.
Paglabas ko napalakpak si Joan. Baliw talaga. "Ang ganda mo talaga."
"Yan lang ba,"tanong niya sa akin. Tumango ako.
"Sandals Jenny, sàan ba?"
Pumasok ako ulit sa fitting room para magpalit. Paglabas ko may hawak na siyang dalawang sandals. Isang black heels at kulay brown.
Pinapili ako nito. Itinuro ko ang kulay brown. Napangiti naman ito.
"Sana naman wala ka nang naisipang bilhin sa akin."
"Meron pa. Make up set. Nasa third floor ang cosmetics."
Binayaran niya sa counter ang damit at sandals. Sumakay kami ng elevator papunta sa third floor. Pumasok kami sa loob. Lahat halos ng pampaganda andoon nga. Nalula ako sa dami. Mula ito lahat sa mamahaling brands.
"Pili na,"sabay tulak sa akin papunta sa mga ito. Bago ka bumili, pwede naman subukan muna. Nagsimula kaming mamili sa eyeshadow, sumunod din eyeliner, lipstick at foundation.
Halos lumuwa mata ko sa presyo nito pero nakangiti pa itong babaeng kasama ko. Paglabas namin, nakahinga din ako ng maluwag.
"Masusuot mo ang damit na yan, sa birthday ni Doc. Yung kapatid ni Mayor."
"Thank you talaga. Paano kita babayaran? Mahal ng pinamili mo para sa akin."
"Just pay me, by helping mayor."
Nagtaka ako sa sinabi nito. Sobrang yaman ng lalaking yun at anong mapapala niyang tulong sa akin.
"Halika na, baka mamatay ka sa kaiisip dyan."
Pinalo ko ito. Dami niyang kalokohan talaga. Sumakay na kami sa kotse at pinatakbo na agad. Narating namin ang mansyon ng di namamalayan.
Pagkababa ko pa lang sumalubong ang kapatid ni Mayor. "His not okay, can you please talk to him. May lagnat siya at sumusuka pa."
"Ako na bahala sa pinamili natin. Puntahan mo na."
Halos liparin ko paakyat ang hagdanan. Pagbukas ko sa kwarto niya, nakita ko itong nakaupo sa sahig at nagkalat ang suka niya.
Itinayo ko ito. Inakay ko siya para makaupo sa kama. Para na siyang lantang gulay ngayon. Isinandig ko ito sa headboard ng kama. Lumabas muna ako saglit.
"Maya, pakikuha ako ng pamunas sa sahig, bilisan mo na," mabilis itong umalis at kumuha ng pamunas.
"Is he okay?" Tanong ng kapatid niya.
"Doctor ka pero ako tinatanong mo? Hay, kumuha ka ng pampunas sa kanya."
Sumunod agad ito. Bumalik ako ulit sa loob. Nakita kong nakapikit na ang mukha nito. Napapansin ko ang namumulang leeg nito at kamay. May allergy yata ito.
Magkasunod na dumating si Maya at Calton. Nagsimula maglinis ang katulong. Nilagay ni Calton ang palangganang na may maligamgam na tubig at puting twalya.
"Huhubaran mo ba talaga siya?"
"Bakit? Paano ko siya pupunasan? Hindi ako rapist baka itong kapatid mo."
Tumawa pa ito. Nagsimula na akong tanggalin bawat butones. Tumambad sa akin ang matipunong dibdib nito. Parang pakiramdam ko namumula din ako.
"Sige, babalik nalang ako pag tapos na kayo." Makahulugang sabi ng kapatid Niya. Sipain ko kaya ang mukha.
Hindi ko na siya pinansin. Rinig ko nalang ang pagsarado ng pinto. Bumalik ako ulit paghuhubad ng damit nito.
Inilipat ko ang ulo niya sa unan at inayos ang pagkakahiga niya. Sinunod ko tanggalin ang sapatos nito at medyas. Ang pantalon lang niya ang hindi pa.
Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ang belt niya. Ano bang nangyayari sa akin? I see him naked already. Relax Shahara. Inhale. Exhale.
Natanggal ko na ang belt nito at binuksan ko na rin ang pants niya. Ibinaba ko ang zipper pero panay tingin ko sa taas. Lord, forgive me for I have sinned.
Nahubad ko din ito sa wakas. Bakit nakaumbok kahit may sakit siya? I ignore it. Nagsimula na akong punasan siya. Sobrang init nga niya. Pagtapos ko sa mukha nito, isinunod ko ang dibdib niya. Natitigilan ako minsan.
Sa may bandang puson niya, kitang-kita ko sa baba ang nakaumbok. Paano ko 'to matatapos? Mabalahibo ang legs nito. Natapos ko ito ng maayos.
Paano yung boxer niya?! Shit! Pumunta ako sa walk in closet niya. Naghanap ako ng pantulog na damit. At boxer na ipapalit.
I start to remove his boxer. Pero nakapikit ako. Konti lang. Naibaba ko na ito. Sumalubong sa akin ang alaga niyang nasa 5 inches. Napasok ba talaga ako nang sawa niya?
Isinuot ko din ang bagong boxer. Nagawa ko naman ito kahit medyo nabibigatan ako sa mga legs niya. Naisuot ko din ang damit pantulog sa kanya.
Hinawakan ko ang noo nito pero medyo bumaba na nga ang lagnat niya. Visible pa din ang pantal niya sa leeg.
Lumabas ako muna at tinawag ang kapatid niya.
"Hoy ikaw?! Pumasok ka dito,"sabay turo sa kanya. Umakyat na ito sa taas.
"Wow, napalitan mo siya ng damit."
Nilagyan niya ng thermometer sa bandang kili-kili nito.
"May allergy siya, tama ba?"
"Yeah. His allergic to crabs and shrimps. Sabi ng tauhan niya, he attend important meeting with someone. I don't know bakit siya kumain kahit alam niyang allergic siya dito."
"Bakit ang tigas ng ulo niya? Sarap niyang tuluyan talaga."
"He might hear you. Nag-imbestiga din ang mga tauhan niya para alamin ang dahilan. Don't worry his okay now. By the way, you look sexy."
"Tss."
Napahinga ako ng maluwag dahil okay na ito. May ilang gamot ang binigay ng kapatid para inumin. Naupo ako sa tabi niya. His sleeping like an angel. Kahit demonyo ugali niya.
Get well soon. Hinalikan ko ang noo nito bago lumabas. Kailangan ko din ng pahinga. Nakakabaliw ang araw na 'to.