Chapter 18 Labing-Walo

Tumunog ang cellphone ko habang busy ako sa pag-aayos ng papeles dito sa pribadong opisina niya. Pagkatingin ko sa screen si Rose tumatawag. Bigla akong nakaramdam ng kaba na di ko mawari. Dala lang siguro ng pagbubuntis ko. Sinagot ko agad ito.

"Hi, Rose, ku-----,"naputol ang sinabi ko ng nagsalita agad ito.

"Nasa ospital si Papa. Critical ang lagay niya. Anong gagawin ko pinsan?!"

"Ano?! Bakit daw,"nag-aalalang tanong ko dito. Halos sumabog ang puso ko dahil sa takot.

"Inatake sa puso si Papa pinsan. Alam ko, buntis ka at may obligasyon ka dyan pero pwede ka pumunta dito. Si Mama kasi, nahihirapan akong pakalmahin ito."

"Pupunta agad ako. Huwag kang mag-alala dahil mahal tayo ni Lord. Sige na, subukan mong kausapin si Mama ulit."

"Salamat pinsan."

Pinutol na nito ang komunikasyon namin. Agad-agad akong lumabas sa opisina at hinanap si Joan. Natagpuan ko itong kausap ang mga tauhan ni Mayor. Lumapit agad ako sa kanya.

"Joan, pwede tayo mag usap?"

"Hara, teka sandali, bakit ka namumutla dyan? Okay ka lang,"napayakap agad ako sa kanya.

"Yung tiyuhin ko, kase ano, nasa ospital siya Joan,"halos hindi ako makapagsalita dahil sa lungkot at kaba na nararamdaman.  Bumitaw na ako sa pagyakap sa kanya.

"Anong nangyari? Naaksidente ba siya?" Umiling ako.

"Nagka heart attack si Papa Joan. Kailangan ko umalis agad dahil baka di ko na ito maabutang buhay."

"He'll live Hara. Kailangan na kita ihatid sa sakayan."

Nagmadali kaming lumabas at pumasok agad sa kotse. Pinaharurot niya agad ito. Tanging dala ko lamang ay cellphone. Diyos ko! Ang pamasahe. Napakatanga para makalimutan ang pera. Kakapalan ko na ang mukhang ito kay Joan.

"Wala akong dalang pera para ipamasahe doon,"nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Huwag ka na mag-alala pa, bibigyan kita ng pera. Relax ka lang dyan at malapit na tayo," pagpapakalma nito sa akin. Nakaramdam ako ng kaluwagan sa dibdib.

Narating namin ang sakayan. Kinausap agad ni Joan ang isang konduktor para pasakayin agad ako. Katabi ko ang driver dahil kailangan kasi buntis ako. Habang bumibiyahe, panay check ko sa phone kung may bago na silang update pero wala pa rin. Tahimik akong nagdasal para sa kaligtasan ni Papa.

Mahabang oras din ang nilaan ko sa pagbibiyahe. Narating ko ang terminal sa Maynila na hindi ko napapansin dahil sa lalim ng iniisip ko.

Bumaba na ako. Naghahanap ng masasakyang taxi at maswerte ako dahil may nakuha agad ako. Pinasakay naman ako nito kaagad. Habang nakasakay, tinawagan ko si Rose.  Mabuti naman at agad niya itong nasagot.

"Rose, kumusta dyan," tanong ko agad.

"Nasa loob si Rose, magkasama sila Mama Rowela. Sàan ka na ngayon Sha," tanong ni Kevin. Ito ang nobyo niya.

"Papunta na ako dyan,"sabi ko agad dito. Natapos din ang tawag naming dalawa.

Ibinigay niya ang address ng ospital at sinabi ko agad sa taxi. Halos 30 minuto ang lumipas bago ko narating ang lugar.

Pagkatapos magbayad ay mabilis akong naglakad papasok. Pinagtanong ko ito sa front desk at mabuti sinabi niya agad. Naabutan ko sa labasan si Kevin habang nakaupo sa hilera ng upuan.

"Kevin,"tawag ko dito. Napalingon agad ito sa akin.

"Sha, nasa loob sila, at buntis ka diba?"

Tinanong pa talaga. Tumango naman ako rito.

"Sige Kevin, papasok muna ako sa loob."

Pagbukas ko ng pintuan nakita ko si Mama na nakahawak sa kamay ni Papa. May oxygen tank ito at oxygen mask. May nakatusok pa sa kamay nito. Kawawa ang kalagayan ni Papa. Hindi ko maiwasang masaktan. Napansin ako ni Rose. Dinamba ako nito at mahigpit na niyakap.

"Pinsan, si Papa."

Habang sinasabi niya ito ay umiiyak na. Hinaplos ko ang likod niya. Tulog pala si Mama. Napagod din siguro sa kakaiyak.

"Magiging ayos din si Papa. Alam ko, malakas siya kay Lord."

Bumitiw na kami sa isa't-isa.

Buong magdamag ako nanatili sa ospital. Nagkausap na din kami ni Mama. Umiiyak siya habang nagsasalita pero pinipilit ko itong pakalmahin.

Pinauwi ako nila kinaumagahan sa bahay at nakapagpahinga na din ako. Nagising ako sa isang tawag.

"Hello,"bungad ko sa tumawag.

"Why didn't tell me?! You almost kill me for being worried!"

"Sorry, it's an emergency. Baka may ginagawa ka kaya hindi na kita iniistorbo,"paliwanag ko sa kanya. Hindi ito sumagot pero rinig ko ang buntong-hininga. Nagpipigil yata magalit.

"It's okay if it's an emergency. I just wanted to know. Are you okay there?"

Napangiti ako ng palihim sa sinabi nito.

"I'm okay."

Pinutol na nito bigla ang tawag. Unpredictable niya talaga. Humiga ako ulit sa kama. Sana maging okay na si papa. Ayoko siyang mawala. Gusto ko pa makasama niya ang future apo nito.

Nagutom ako kaya naisipan kong pumunta sa kusina. Nagluto ako ng marami para may madala sa ospital. Paborito ito ni Papa. Halos mga isang oras ko ding inihanda ang chopsuey. Maganda ito kasi healthy para sa kanya.

Pagkatapos ko maiayos ang dadalhin ay nagpalit ako ng damit. Kay Rose ito at magkasukat lang kami. Nang nakuntento ako sa ayos at nagpara ako ng taxi para pumunta sa ospital.

Mga 30 minuto ang lumipas narating ko ang ospital. Diretso agad sa kwarto ni Papa. Masaya itong nakipagkwentuhan kay Mama at Rose. Wala na dito si Kevin.

"Papa!"

"Shang! Andito ka,"masayang sabi nito. Siya lang tumatawag nito sa akin.

"Miss na po kita papa. Nagdala ako ng paborito mong chopsuey."

"Salamat anak. May gusto ka bang sabihin sa amin ng mama mo?"

"Pag magaling na kayo. Sa ngayon, kumain muna kayo para maging malusog ulit kayo."

Pinakain ko siya ng niluto ko at pinuri naman ako nito. Lakas ni Papa mambola. Naging puno ng halakhakan ang kwarto. Sabi ng doktor pwede agad makalabas si Papa pero kailangan niya ng pahinga at kumain ng maayos. Kailangan din niya uminom ng gamot at magpacheck up ng regular.

Sa bawat problema na pinagdadaanan ko, maswerte pa rin ang tulad ko dahil may nag-alaga sa akin at pamilyang mapupuntahan. Kailangan ko ihanda anyg sarili para masabi sa kanila ang sitwasyon ko. Alam kong mahirap pero karapatan nila yun dahil sila na ang tumatayong magulang ko at kapatid.