Chapter 24
Katana's POV
WE ARE currently here in the jungle of Sorcerer Island to discover the disappearance of Sorceress.
“We need to split into two groups so we can quickly find the missing women.” Wika ni... ni ano na nga bang pangalan niya? Iyong anak ng namumuno sa Sorcerer Island—a basta bahala na nga.
“Almond, Em, Aw, Scarlet, they are together while me, Alvinno, Allaj and Katana.” Malamig na sabi ni Ash.
“Sa kabila na lang kaya ako, total mga babae naman sila dapat do’n talaga ako.” Protesta ko kay Ash, na ningkit naman ang kaniyang mga mata.
“What I said would be followed, so don't complain.” Pagkasabi niya n'on ay tumalikod na siya at nag-umpisa nang mag lakad kaya naiinis na nag lakad na rin ako.
That jerk! Tsk!
“Hey,” Bigla'y pumantay sa 'kin si... si Allan? Nakangiti siya at parang nahihiya kaya pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil sa inakto nito.
”Hmm?” Tugon ko sa kaniya, nakita ko namang napakamot siya sa batok.
“M-may... may kasintahan ka na ba?” Nahihiya niyang tanong na siyang dahilan para humagalpak ako ng tudo.
"Oh! HAHA You're so funny!” Napahawak pa ako sa tiyan, ewan ko ba pero natatawa ako sa kaniya, mukha siyang teenager na mayroong crush tapos nahihiyang umamin.
“Hey! May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Nagtataka niyang tanong habang ako nama'y hindi pa rin tumitigil sa kakatawa at pansin ko pang napapalingon sa ’kin si Alvinno.
“Yeah, ikaw
nakaka—” I was cut off by Ash's terrifying voice.
“Come near me Katana.” Madilim ang mukha niya ng sabihin niya 'yon at titig na titig sa akin.
“Bakit naman?” Taas kilay kong tanong kay Ash na naka kuyom ang kamay at naka-tiim bagang na ipinagtataka ko ng husto.
What is his problem?
“Just fucking follow me!” I blinked because of his sudden shout and when I didn't follow, he pulled me.
Napatingin naman ako sa mga braso niyang nakapulupot sa baywang ko.
Hmm... okay? What's going on? What the hell is wrong with him?
“Nangangamoy selos.” Kahit mahina lamang ang pagkakasabi n’on ni Alvinno ay hindi ’yon nakatakas sa pandinig ko. Selos? Sino? Bahala na nga sila!
Matapos n’on ay pinagpatuloy na namin ang paglalakad ng tahimik at walang nagsasalita.
“Kroook!” Natigil lang kami sa paglalakad ng marinig namin ang tunog na 'yon, nagkatinginan pa kami.
“What is it?” Nagtatakang tanong ni Alvinno.
I was about to speak when suddenly I saw a white light on my side and it was so bright and I felt like there was electricity around it.
“Fuck!” Bigla'y nag kagulo sila, humigpit ang hawak sa 'kin ni Ash at pakiramdam ko ay hinihigop ako ng puting liwanag na 'yon.
“Guys!” Naisigaw ko na lang ng nakabitaw na ako kay Ash at pilit pa niyang hinihila ang kamay ko, ang kalahating katawan ko naman ay nasa loob na ng puting liwanag. Kakaiba ang pakiramdam nangmamanhid ang kalahati ng katawan ko.
“Katana! Hold on!” He screamed in panic, the other also pulled me but the white light was so strong that they were about to release their grip on my hand.
“Ahh!” Napatili ako ng mabitawan na nila ako at tumalsik sila, nakaramdam naman ako ng hapdi sa buo kong katawan.
When I was completely swallowed by the white light, I felt so sleepy that my vision gradually darkened.
Austencia Farres
“Pahinga naman tayo! Napapagod na ako ih!” Reklamo ko sa kanila dahil kanina pa kami naglalakad-lakad at na sumasakit na rin ang mga paa ko.
“Sige, do’n oh.” Tinuro ni Almond ang malaking ugat ng puno kung saan maari naming upuan. Napahagikhik naman ako.
"Bakit kaya si Katana lang ang nag-iisang babaeng isinama ni Ashlohr sa grupong hinati niya?” Biglang tanong ni Em nang makaupo na kami sa malaking ugat ng puno.
“Syempre para ganahan si Ashlohr sa mission hihi!” Sagot ko sa kaniya saka humagikhik.
"Naiihi ako, girls pasama naman oh?” Biglang sabi naman ni Scarlet kaya sabay kaming napatingin sa kaniya ni Em.
Himala ay nag salita na ang babaeng maldita na 'yan at malambing pa ang boses, dati kasi ay kung mag salita man siya ay laging pagtataray lang ang lumalabas sa bibig kaya nakapaninibago.
“Ako na lang sasama sa ’yo, baby?” Singit naman ni Almond kaya naka-tanggap siya ng batok kay Scarlet.
“Siraulo ka ba? Maybe instead of just peeing, something else will happen! Thanks but no thanks. Titiisin ko na lang kaysa magpasama pa sa ’yo!” Singhal ni Scarlet at binigyan nang matatalim na tingin si Almond, ngumisi lang naman ito sa kaniya't hindi na pinansin pa ang sinabi ni Scarlet.
“Tara na nga, sasamahan ka namin ni Aw,” Naiiling-iling na wika ni Em saka tumayo kaya tumayo na rin ako.
“Kahit kailan talaga ang manyakis ng isang 'yon.” Dagdag pa niya.
Unbeknownst to her, I know that she likes Almond. Galing niya magpanggap na hindi, pero ako, hindi niya maloloko dahil alam ko namang mula mga bata pa kami ay lihim na siyang may gusto kay Almond, buti nga hindi niya kinakalbo ang mga babaeng nakikipag-flirt kay Almond hihi!
“Girls wha... what's that?” Natigil kami sa paglalakad dahil may tinuro si Scarlet.
“Huh, alin?” I was about to ask, then it stopped and my eyes widened when we saw a white light and we were slowly absorbed by it. Kumapit pa ’ko sa baging na nakita ko para hindi ako matangay pero sadyang napakalakas ng humihigop sa amin kaya napabitaw ako at nakita ko naman ang tumatakbong si Almond papunta sa amin.
“Tulong, Almond! Huhu!” Sigaw ko pero tuluyan na kaming nahigop at nawala na siya sa aming paningin.
“Girls, inaantok ako.” Scarlet said and she was right because I was also sleepy until my eyelids slowly folded and I couldn't see them anymore.
•••
“Ahh...” Daing ko saka iminulat ang mga mata at inilibot ang tingin sa lugar. Kumunot ang noo ko nang makitang nasa isang gubat pa rin ako ngunit kulay itim ang lahat ng puno't halaman.
Na saan na kaya sila?
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita sila Aw at Scarlet pati na rin si Katana nandito rin.
“Em!” Tawag ko sa kaniya at tinapik-tapik ang pisngi niya, nag mulat naman siya kaya napahagikhik ako.
“Argh! So noisy...” Nakapikit at kunot-noong wika ni Scarlet. Humahighik ulit ako dahil kung titingnan ay parang na sa kaniyang teritoryo lamang siya kasi maayos itong nakahiga.
“Aw?” Kinusot ni Em ang mga mata niya at nang mag mulat ay nginitian ko siya.
“Ohh! Shit! Where are we?" Gulat na gulat na tanong ni Scarlet, bahagya naman akong na tawa dahil nagising na siya sa katotohanang wala kami sa aming teritoryo.
“Ahh...” Napatingin kami kay Em. “Sinong gigising kay Katana?” Nag-a-alinlangang tanong ni Em kaya napatingin kami sa kaniya.
Ngek! Nakakatakot kayang gisingin si Katana lalo na mukhang masarap ang tulog niya, baka masunog lang ako kung ako ang gigising sa kaniya.
“Ayoko!” May halong takot kong sigaw, bumuntong-hininga naman si Em.
“Ayaw ko rin.” Pagkasabi n’on ni Em ay magkasabay kaming napatingin kay Scarlet na nakataas ang kilay.
“Don't look at me like that, girls,” Nanlalaki ang mga matang sabi ni Scarlet kaya napahagalpak na ako ng tawa. “Don't tell me...” Nabitin ang sasabihin niya ng magkasabay kaming tumango ni Em hababg nakangiti, umiling naman siya pero sa huli ay tumango na lang ng bagsak ang balikat.
Siguro ay natatakot rin siyang gisingin si Katana, unang beses kasi naming makitang ginising siya ay hindi maganda ang nangyari, nagkabasag-basag ang bintana no’ng ginising siya ng Maestro sa Physical Combat.
"OMG! G-girls si Katana. H-hindi siya... Hindi siya humihinga." Nauutal na sabi ni Scarlet nang makalapit na siya kay Katana, nagkatinginan kami ni Em at nanlaki ang mga mata.
Oh no!
~To Be Continued...