Chapter 22
Katana's POV
"WHAT?"
Gulat na tanong ko, tumango naman si Headmistress.
"Let's go back to our topic. Someone sent me a request from Sorcerer Island that there are missing female sorcerers and they suspect that they have been abducted, so tomorrow morning you will go to Sorcerer Island to do the mission to save the missing or kidnapped sorcerer women." Mahabang lintaya ni Headmistress tumangu-tango naman ako.
Yes! May bagong mission na naman, mas okay na rin 'tong kasama na ako sa grupo nila kaysa naman lihim ko na naman silang sundan at makasama silang tapusin ang mission sa katauhan ni MOON 'di ba? Pero paano naman kung mahalata nila na ako si MOON? Hmm... hindi naman siguro ano? Mag-iingat na lang ako.
Pagkatapos ng mga sinabi sa amin ni Headmistress ay nag tungo na kami sa kaniya-kaniyang kwarto namin para mag-empake ng mga gamit.
"Kahser, sasama ka sa mission?" Tanong ko sa matandang pusa na nakahiga
sa kama habang nakatingin sa 'kin, actually ngayon ko na lang ulit siya nakausap dahil naging busy ako sa mga lumipas na araw.
"Expect me to always be with you just like your father's order. He said to watch over you, have you forgotten?" Tumango-tango ako, oo nga pala't hinabilin ako ni Dad sa kaniya.
"Speaking of Dad, kumusta na kaya siya? Hmm, Kahser may paraan ba para malaman o makita ko man lang kung ano na ang kalagayan ni Dad?" Tanong ko sa kaniya, mga ilang segundo pa bago ito nag salita at mukhang nag-iisip pa yata. Sabagay matanda na siyang pusa kaya mabagal-bagal na ring mag-isip.
"Sa 'king pagkakaalam mayroon ngang paraan upang iyong malaman." Kumislap naman sa tuwa ang magaganda kong mata dahil sa sinabi nito.
"What is it?" Puno ng pag-asang tanong ko.
"Di ba pupunta kayo sa Sorcerer Island?" Tanong nito, kumunot naman ang noo ko. Ano naman ngayon kung pupunta kami? Anong connect?
"Pwede bang sabihin mo na lang? Ang dami mo pang pasikot-sikot." May halong iritasyon kong tanong sa kaniya dahil ang dami niyang tanong.
"Ang mga Sorcerer ay may kakayahang makakita ng mga nais mong makita kahit ano pa 'to ay magagawa nilang ipakita sa 'yo gamit ang kanilang mga mahiwagang kawa." Sabi niya saka pumikit na. Iyon lang? Buti na lang nag tanong ako sa kaniya, kapag na tapos na namin ang mission ay maari akong humingi ng tulong sa kanila para makita ko naman kung na sa mabuting kalagayan ba si Dad.
When the dawn came, I was still sleepy as I fixed myself. After I showered, I wear only a white longsleeve shirt and black jeans, I went out of my room with a luggage while carrying Kahser.
"Friend!"
Halos mapangiwi naman ako dahil sa sigaw ni Scarlet at saka kumapit pa ito sa braso ko. Eh? Kapit-tuko? Hays! Hindi ko alam na ganito pala ang babaeng 'to.
Napalingon naman ako sa dalawang boys na magkasabay na kinuha ang dala kong bagahe, nag tagisan pa ang mga ito nang tingin at natigil lang ang tagisan nila nang inagaw ni Ash ang bagahe ko at saka siya na ang nag dala n'on kahit dala rin nito ang sa kaniya.
"Isasama mo 'yang pusa mo?" Pasigaw at nagniningning pa ang mga matang tanong ni Aw habang naglalakad kami papunta sa portal.
"Ay, hindi." Sarkastiko kong sagot sa kaniya, napanguso naman ito dahil sa sinabi ko.
"Ih! Ikaw talaga! By the way what his name na ba again?" Nakakabinging tinig na tanong ni Aw, naka tanggap naman siya ng batok kay Em dahil sa sobrang ingay nito.
"Kahser," Tipid kong sagot.
"Ih! Bakit ka ba nambabatok? It's so hurt kaya." Nakangusong tanong niya kay Em.
"Eh kasi naman po ang ingay ng boses mo, nakalimutan mo yatang tulog na ang lahat." Inaantok pang sagot ni Em and me too, inaantok pa rin ako. Hindi na nag salita pa si Aw nang makarating na kami sa Portal.
"Sorcerer Island." Malamig na wika ni Ash sa portal upang pag pasok namin do'n ay sa Sorcerer Island kami dalhin.
Kakaiba rin sa mundong ito ah. Para ka lang nag sabi sa taxi driver kung saang lugar ka!
Naunang pumasok si Ash, sumunod si Alvinno, Almond, Scarlet, Em, Aw at ako ang panghuli. Ang natutulog na si Kahser nagising nang pumasok kami sa portal.
At nang makapasok na 'ko ay bumungad naman sa 'kin ang isang mataas na bundok.
"Don't tell me we'll climb that by walking, did we?" Maarteng tanong ni Scarlet na nakakapit-tuko na naman sa braso ko, pasimple ko ngang inaalis ngunit ayaw niyang bumitaw kaya hinayaan ko na lang.
"Alangan naman gapangin natin 'yan? Gusto mo ikaw nalang gapangin ko?" Biglang sabi ni Almond kay Scarlet bigla namang namula ang malditang ito.
"Hey, you jerk! Don't me!" Sigaw ni Scarlet pagkatapos mabawi sa pamumula.
"Enough! Let's start walking." Malamig na turan ni Ash saka nauna nang mag lakad, sumunod naman kami sa kaniya.
"Close na close na kayo ni Scarlet ah," Bulong sa 'kin ni Em nang bumitaw sa braso ko si Scarlet at nauna ng mag lakad at pagkabulong niya n'on ay nauna na ring mag lakad ito, napangiwi naman ako.
Hanggang sa may naisip ako. Oh! What a brilliant idea!
"Kahser, can you transform into a lion?" Malambing kong utos kay Kahser, tumalon naman ito mula sa balikat ko saka nag transform nga bilang isang liyon. Wala naman akong sinayang na oras at agad na sumampa ako sa likod nito.
"Hey, guys! See you later!" Sigaw ko saka tumakbo ng mabilis si Kahser, nakita kong nanlaki ang mga mata nila at narinig ko ang sinabi nila.
"Ayy! Ang daya mo naman Katanagirl ih!" Nakangusong sigaw ni Aw, inirapan ko lamang ito.
"Ang swerto mo naman may sasakyan ka!" Sigaw naman ni Alvinno na naka-ngiwi, marahil sa makapugtong-hiningang pagod pa nilang lalakarin.
"Sana all!" Napakunot-noo naman ako dahil alam pala nito ang “sana all”, usong-uso pa naman 'yong salita sa pilipinas.
"Hey, friend! Wait for me!" Sigaw ni Scarlet saka nawala na sa 'king paningin ang mga kasama ko.
•••
I waited a few more hours before I saw them from their long walk. They didn't even use their power to fly. Moron tsk!
"Tch! So tired!" Unang bungad sa 'kin ni Scarlet, napairap naman ako dahil do'n.
"Pwede naman kasi kayong lumipad." Walang gana kong wika, nanlaki naman ang mga mata ni Scarlet dahil sa sinabi ko.
"Oh! Shit!" Mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya ang dalawang girls.
"What happened?" Masakit sa taingang tanong ni Aw, nakita ko rin ang pag-aalala sa mga mata nila, binigyan ko lang sila ng walang habang tingin.
"We should have used our power to fly." May bakas ng panghihinayang sa boses ni Scarlet, nanlaki naman ang mata ng dalawa.
"Fuck! Oo nga 'no?!" Tumaas naman ang isang kilay ko nang marinig kong mag-cuss si Em.
"Ih! Ano ba 'yan? nagpakapagod kami mag lakad, pwede naman palang lumipad huhu!" Parang batang sabi ni Aw saka silang tatlo tumingin sa 'kin habang nakataas ang isang kilay.
"What?" Bored kong tugon sa kanila.
"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ni Em, umirap naman ako sa kanila saka natanawan ko na ang tatlong boys na papalapit na sa amin.
"You didn't ask." Walang gana ko pa ring sabi.
"What's going on here?" Tanong ni Almond kaya tumingin ang tatlong babae sa kanila.
"Si Katana kasi ih! Hindi sinabi na may kakayahan nga pala tayong lumipad gamit ang powers natin huhu, napagod tuloy ako ng sobra!" Nakakalising na pahayag ni Aw sa mga boys.
"WHAT?!" Gulat na gulat na sigaw ng dalawang boys na si Almond at Alvinno, syempre sila lang dalawa ano sa tingin niyo sisigaw ng ganiyan ang yelong si Ash eh dumb ang lalaking 'yan. Tss!