CHAPTER 17

Katana's POV

"KATANA, kumusta ka naman dito habang wala kami?" Tanong ni Em. Hmm, kasama niyo kaya ako kung alam niyo lang.

"Ayos naman," Pagsisinungaling ko dahil hindi ko naman maaring sabihin na kasama ko sila para talunin ang halimaw.

"Nakakapanibago lang kasi hindi kami tumagal ng isa o dalawang linggo sa mission namin ngayon." Wika naman ni Mr. Innocent. Yeah, and that's because of me!

"Dahil 'yon kay Moon! She's my idol na!" Masakit sa taingang sabi ni childish na talagang mababakas mo ang pag hanga sa tinig nito.

"Oo nga, pero alam niyo nakapagtataka lang kasi pwede naman siyang magpakilala, bakit kailangan pa na nakatago ang mukha niya?" Tanong naman ni Mr. Playboy, lihim ko namang naigulong ang aking mga mata.

"Baka chararat 'yong mukha." Pang-iinsulto ni Maldita. Sipain ko kaya ang isang 'to?

"Grabe ka naman makachararat, hindi naman siguro." Pagtatanggol naman ni Em kaya lihim akong napangiti.

"Maybe she just wants it, don't bother her." Walang ganang sabat ko, napatingin naman sa 'kin si Em at Mr. Grayish eyes na siyang kinakunot ng noo ko pero mayamaya pa'y nag iwas ang dalawa nang tingin. Hindi naman siguro nila alam na ako 'yon diba?

Emya is so smart, maybe she already knows it's me and Mr. Grayish eyes is very secretive and it's hard to guess what he's thinking based on his facial expression so it's not unlikely that he knows something.

Bahala na!

"Malapit na pala ang levelling 'no? I'm so excited kyaaaa!" Tili ni Aw—opps I remember her name! Buti naman parang ang sama naman na childish ang tawag ko sa kaniya.

"Levelling?" Walang gana ko paring tanong pero sa loob-loob ko ay curios na ako.

"Levelling is for you to know what level your power is and on this levelling, there is hope you will be transferred to the high section, If you have a changes in the level of your power." Paliwanag naman ni Almond tumangu-tango naman ako, so may chance naman palang mapunta ako sa mataas na section. May posibilidad kaya na mapasama ako sa Guardians? Pero mukhang malabo dahil lahat sila ay noble.

"What does that leveling do?" Wala pa ring ganang tanong ko, mukhang sanay na naman siya kaya okay lang.

"Ang ginagawa sa levelling ay bibigyan ka nila ng pag subok at iyon ay ang iyong kahinaan, kailangan mong manalo sa kung ano mang kahinaan 'yan at kapag nalampasan mo 'yon lalabas sa monitor ang level ng powers mo base na rin sa pinakita mong galing. Get ready Katana, because it's Friday." Paliwanag ni Em sa 'kin, tumangu-tango ulit ako.

So, gano’n lang pala 'yon.

Matapos ng maikling conversation na 'yon ay nag ayos na ako dahil may pasok pa 'ko. Kasabay ko pa ngang lumabas ng dorm ang Guardians kaya nama'y umaani na naman ako ng masasamang tingin sa mga kapwa ko mag-aaral. Hindi ko naman sila pinansin as long as hindi nila ginagalaw ni dulo o hibla ng buhok ko, it's fine with me.

"Katana!" Napalingon kaming lahat sa tumawag sa 'kin at napag-alaman kong si... Argh! Hindi ko matandaan ang pangalan niya basta 'yong lalaking tinulungan ko sa dagger na tatama sa kaniya.

"What do you want?" Madilim ang mukha ni Mr. Grayish eyes ng itanong niya 'yon kaya na tumaas ang isa kong kilay.

Aba! Ano naman problema niya, bakit sobrang dilim ng mukha nito? Mukhang papatay na a!

"Si Katana ang pakay ko, not you." Seryosong sabi naman n'ong lalaki.

"Nakikilala mo ba ang kausap mo?" Matalim na tingin ang pinupukol dito ni Almond—alam ko na pangalan niya?

"Of course, he's the prince of the Icy Kingdom." Deretsong sagot naman nito na hindi ko man lang na bakasan ng takot kahit Royalties ang kaniyang kaharap.

"What do you really need from her?" Kahit si Mr. Innocent ay madilim rin ang mukha. Nagtataka naman ako kung bakit gano’n ang mga inaasta nila.

"Ano bang pakialam niyo?" Naiinis na tanong na din n'ong lalaki. Hays! What is his name again? Bahala na nga!

"We care about her because my parents tell us to protect her, so that's it." Mr. Grayish eyes coldly said, and I was tormented because of what he said. Kaya ko ipagtanggol ang sarili ko!

Nagulat naman ako ng bigla akong hatakin ni Mr. Grayish eyes ngunit hindi ako nag pahalata na nagulat ako, maglalakad na sana kami palayo nang may humila rin sa kabilang braso ko at nang tingnan ko naman kung sino ay iyong lalaki pala.

"I'll take her to her class." Sabi pa nito saka hawak pa rin ang braso ko, napatingin naman ako sa mga estudyante dahil sabay-sabay sila suminghap at mga nagbubulungan habang nakatingin sa amin.

"No, we're going to take her to their class." Mr. Grayish eyes said coldly then pulled me but the man also didn't want to lose, and because of that, they ended up pulling me. I closed my eyes because of so much annoyance.

Ano ako laruan? Na hihila-hilahin lang!

Kaya malakas kong winaglit ang pagkakahawak nila sa braso ko at nag tagumpay naman ako saka masama ko silang tiningnan.

"WHAT IS YOUR PROBLEM? SA PAGKAKAALAM KO AY HINDI NAMAN AKO LUMPO PARA IHATID NIYO PA AKO SA CLASSROOM KO! AND I HAVE FEET SO I CAN WALK TO MY CLASSROOM WITHOUT YOUR HELP, SO GET AWAY FROM ME. DARN IT!" Sigaw ko saka mabilis na nag lakad paalis ro’n, hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa 'kin.

When I got to our classroom, all their eyes were focused on me, I just didn't pay attention to that and went to the end of the room.

Kita ko naman ang ngiting-ngiting bungad sa 'kin ni Li?—oh, it's Lincy! Mabuti naman natandaan ko na rin ang pangalan niya.

"What?" May halong iritasyon kong tanong sa kaniya dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako dahil sa mga lalaking 'yon. Hindi ko naman alam kung bakit sila nag kakagano’n.

Men are a real pain in the ass!

"Eh, kasi ang haba ng hair mo, girl!" Naningkit naman ang mga mata ko sa tinuran niya. Mahaba ang buhok ko? Mahaba naman talaga ang buhok ko ah.

"Ano ngayon kung mahaba ang buhok ko?" Kunot-noo kong tanong, napangiwi naman siya sa sinabi ko.

"Tch! hindi 'yon, what I mean is ang haba ng hair mo dahil pinag-aagawa ka ng mga lalaki! at hindi lang basta lalaki 'no, naggagwapuhan pa kyaaaa! Ikaw na talaga, girl!" Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Ako pinag-aagawan ng mga lalaki? And who are they?

"Sino namang mga lalaki 'yan?" Taas-kilay kong tanong, napanguso naman ito dahil sa tanong ko.

Eh, sa hindi ko alam!

"Eh, 'di sino pa? Walang iba kun'di si prince Ashlohr and si Ivvo, kyaa~ang gagwapo 'di ba?" Napatakip naman ako ng mag-kabilaang tainga dahil sa ingay niya.

"Kung anu-ano ang sinasabi mo." Walang ganang tugon ko. Ba't ba ang tagal ng Maestro? Sasakit na naman ang tainga ko sa babaeng 'to.

"Nga pala, bakit hindi ka pumasok kahapon at n'ong isang araw?" Bigla'y sumeryoso ang mukha n’ya.

Oo nga pala 'no, two days akong wala dahil sinundan ko ang guardians sa mission nila.

"Nagkasakit kasi ako." Walang gana kong sagot, tumangu-tango lang ito saka naman dumating na ang Maestro namin kaya tumahimik na ang lahat lalong-lalo na ang katabi ko. Tumitino talaga siya kapag dumadating na ang Maestro.