Chapter 6: In the Music Room

"This is the place where we've met. I'm happy that this place will also witness this moment."

Faith's POV

Humahangos akong napaupo sa likod ng pintuan ng kwartong napasukan ko. Siguro naman hindi na nila ako susundan pa dito.

Pinagpag ko ang damit ko dahilan para malaglag ang mga piraso ng spaghetti na nakadikit sa damit ko. Amoy spaghetti na ako.

Pangalawang palit ko na ito ng damit ngayong araw na ito. Buti nalang lagi akong may dalang extrang damit. Alam ko naman na araw-araw, iba-ibang bagay ang pwedeng itapon sa akin ni Zandra. Kung bakit ba kasi ako ang lagi niyang trip. Pero sanay na akong mabully. Ano naman ba kasing bago?

Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong napasukan ko. May mga musical note na nakadikit sa dingding. Ito siguro yung lumang music room. Mas nagagamit kasi yung bagong music room sa ground floor.

"... Yeah

Sunday morning, rain is falling

Steal some covers, share some skin...." agad akong napalingon sa kung saan. Tama bang may narinig akong kumanta?

Agad naman akong tumayo.

"Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in....." sinundan ko ito hanggang sa nakarating ako sa harap ng isang malaking pulang kurtina. Marahan ko itong hinawi. Pero nagulat ako nang wala naman akong nakitang tao. Tanging ang bukas lang na pintuan rito ang nakita ko.

Hindi ko naman ugaling matakot sa multo kaya hinayaan ko nalang. Akmang babalik na ako sa kaninang posisyon ko nang may makita akong bagay sa sahig. Nilapitan ko ito saka pinulot.

"Shua." mahinang basa ko sa salitang nakalagay sa bracelet na hawak ko. Pangalan ba to?

Pumunta ako sa nakabukas na pintuan at umaasang may makikita akong tao pero wala naman.

Muli kong tiningnan ang bracelet na hawak ko.

"Shua."

―--―--―--―

Joshua's POV

"Alam mo? Naiinis na ko jan sa prof natin ah. Halatang paborito tayo. Paboritong utusan." natawa nalang ako sa sinabing iyon ni Dk.

"Hayaan mo na. Bilisan na natin para makabalik tayo agad. Ano nga ulit yung kukunin natin?" tanong ko

"Lutang ka na naman. Yung ukalele saka yung flute." sagot niya

"Ah ok."

Pagpasok namin sa dating Music room ay agad ko nang dinampot yung Ukalele.

"Asan yung flute?" tanong ni Dk.

Habang hinahanap niya yung Flute ay marahan kong ini-strum ang chords ng Ukalele.

"... Yeah

Sunday morning, rain is falling

Steal some covers, share some skin..." napatingin naman si Dk sa akin saka sumayaw-sayaw ng dahan dahan habang iniikot ang paligid para mahanap ang flute. Parang sumabay siya sa tono ng Ukalele saka tinuro ang kinalalagyan ng flute.

"Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in...." itinuloy ko lang ang pagstrum habang pasayaw-sayaw na sumunod kay Dk palabas ng music room. Para kaming mga lasing na sumasabay sa tugtog.

"Hahahhaha!!" tawa niya pagkalabas namin.

"Hindi parin nagbabago boses mo hyung! Malamig parin. Ang sarap pakinggan."

"Kahit naman anong ganda ng boses ko, mas maganda parin yung sayo. Hindi ko parin kaya yung mga highnotes mo." sabi ko.

"Atleast may sarili kang kaya hyung. Hindi naman tayo pare-pareho eh." tumango nalang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos ng klase ay agad kaming pumunta ng rooftop.

"Seungkwan? Hindi mo ba pupuntahan si Jasmine?" tanong ko.

"Mamaya pa yung break time nila hyung." sagot niya. Tumango naman ako

"Huh? Nasan yung bracelet ko?" tanong ko habang hawak hawak ang kaliwang wrist ko.

"Hala. Hindi ko nga napansin kanina na may suot ka hyung." -Dk

"Baka nalaglag." -Seungkwan.

Baka nga nalaglag. Pero saan naman kaya.

"Gawa ka nalang ng bago hyung!" - Dk

Hindi nalang ako umimik.

PANGATLONG BRACELET KO NA YUN!

(. _.)

―--―--―--―

"Daanan ko lang si Jasmine ah. Mauna na kayo sa rooftop hyung." tumango nalang kami ni Dk kay Seungkwan.

"Oh diba! Mas magandang bracelet ang nagawa mo hyung! Pero sayang parin yung bracelet na nawala nung nakaraan." -Dk

"Oo nga eh. Pang-apat ko na tong bracelet. Sana naman wag nang mawala." sabi ko.

*kling*

"Uyy! Susi mo nalaglag." sabi ko sa kanya matapos malaglag yung susi mula sa bulsa niya pagkadukot niya nung panyo. Agan naman niya itong pinulot pero inagaw ko ito.

"Ba't ganto keychain mo? Diamond? SVT?" tanong ko nang mapuna ang keychain niya na hugis diamond at may nakaprint na SVT

"Ah ayan. Napulot ko lang yan hyung. Nagndahan din kasi ako eh. Matagal na to sakin. Ngayon mo lang nakita?" tanong niya

"Ngayon mo lang naman nailaglag yung susi mo." pabiro kong sabi.

"Teka? Si Shane ba yun? Anong nangyayari?" napatingin naman ako kung saan nakatingin si Dk. Doon ko nga nakita ang girlfriend ni Wonwoo na may kaharap na tatlong babae. May isang babae rin na nasa likod niya.

"Tara lapitan natin." hindi pa man ako nakakareact ay hinila na ako ni Dk.

"Get the hell out of here Shane." rinig naming sabi ng babaeng kaharap ni Shane.

"Why would I? Para i-bully ulit siya? No way Zandra. Bakit mo ba ginagawa to? Running for Queen bee? Does it requires you to bully students like her?" -Shane

"Ano namang pake mo? Why? Are you also running for Queen bee? At anong title mo? Generous Queen bee? Pathetic." -Zandra

"I don't need to do that Zandra. Because eventhough I don't have a title. I already look like a queen. And you. You're just qualified to be my maid." -Shane

"That's my queen." agad akong napalingon sa nagsalita sa likod ko.

"Wonwoo. Hindi mo ba sila pipigilan?"

"No need hyung. Shane can handle that." sagot niya.

"Hah! What did you just say--"

"Should I repeat? Aren't you listening? Queen bee should be alert." pagputol ni Shane sa dapat na sasabihin nung Zandra. Nang-aasar rin ang mukha niya.

Napatingin naman ako sa sinasabi ni Shane na binully ni Zandra. Tahimik lang siyang nasa likod ni Shane. Basang-basa siya at madumi. Chocolate milk tea yata ang itinapon sa kanya. Hindi siya naka-school uniform kaya siguradong college na siya gaya namin.

"Enough." pumagitna na si Wonwoo. Halata namang pikon na yung Zandra kaya naman ngingisi-ngising sumunod si Shane kay Wonwoo. Hinila niya rin sa braso yung babaeng binully kaya sumunod na rin kami ni Dk.

"Ang astig ni Shane." napatango nalang ako sa sinabi ni Dk.

Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Lalo na yung babaeng nabully. Hinubad ko ang jacket na suot ko saka ipinatong yun sa kanya. Ramdam ko naman na nagulat siya.

"Shane, siguro dumiretso muna kayo sa c. r." sabi ko.

"I agree. I'll join you." sabi ni Wonwoo.

Nag-iba na sila ng direksyon at kami naman ni Dk ay dumiretso na sa rooftop.

―--―--―--―

"Andyan na sila Wonwoo." -Dk

"Shaaaaannee!! Nakwento ni Dk kung anong nangyari. Sayang di namin napanood." -Mylene

"You don't need to watch it. I'm not an actress guys." -Shane

"Pero sayang parin. Hindi namin nakita yung kaastigan mo. Queen bee ngaaaa!!" -Ciarra

"Oh. Don't call me queen bee. 'Cause I'm not. In fact, I'm over with attention. I'm now happy with you guys." -Shane

"Yung babae? Kamusta na siya?" sabat ko

"She's good. She said na sanay na siya. Honestly, this isn't the first time that Zandra bullied her. Hanggang sa nasanay na siya. Duwag nga yang Zandra na yan eh. Kung sino yung alam niya kakayanin niya lang, yun lang ang kinakalaban niya." sagot niya

"Pero tumiklop agad sayo. Tsk tsk tsk." -Ciarra

"I just don't want to tolerate those kind of act. I'm a known bitch. But in a purpose." -Shane.

"Oh Seungkwan. Ba't ganyan yung mukha mo?" bungad ni Dk sa kararating lang na si Seungkwan

"Problem?" -Vernon

"Sinusungitan ako ni Jasmine. Pinaalis niya pa ako."

"Ano ba nangyari?" tanong ko

"Hindi ko nga alam hyung eh. Kanina naman ok siya." malungkot niyang sagot.

―--―--―--―

Faith's POV

Nakatitig lang ako sa Jacket na hawak ko. Kanino kaya to galing? Hindi ko na nagawang tanungin si Shane tungkol dito dahil halatang hinihintay siya ng boyfriend niya. Pagkalingon ko kasi ay dalawang lalaki ang kasama nila na kapwa nakatalikod na para umalis. Hindi ko na nagawang makita pa ang mukha niya.

Muli namang napadako ang paningin ko sa bracelet na nakapatong sa drawer ko. Kinuha ko ito saka pinagmasdan.

"Shua." banggit ko sa pangalang nandito. Hindi ko alam kung kanino to kaya nagkibit balikat nalang ako saka sinuot ito. Wala naman sigurong masama na isuot to diba?

―--―--―--―

Joshua's POV

Mukhang malapit na akong sumang-ayon sa sinabi ni Dk na paborito kami ng prof namin na utusan. Babalik na naman ako sa dating music room para kunin yung lumang libro na sinasabi ni Prof.

Bakit ba kasi hindi nalang ilipat lahat ng gamit dun sa bagong music room eh.

Pagpasok ko ay agad kong hinanap sa mga shelf ang librong pinapakuha sa akin. Tahimik lang ako habang naghahanap. Wala naman kasi si Dk para mag-ingay.

Nang makita ang hinahanap ay agad ko na itong kinuha.

".... I'm falling for you

I'm falling for you

I'm falling for you once again

I'm falling for you

Falling for you...." napahinto ako nang may marinig akong boses. Dahan-dahan akong pumunta sa harap ng malaking pulang kurtina. Sigurado akong sa likod ng kurtinang ito nanggaling yung boses. Marahan ko itong hinawi at sumilip ng kaunti.

".... I'm falling for you

I'm falling for you

I'm falling for you once again

I'm falling for you

Falling for you......" doon ko nakita ang nakatalikod na babae habang nakatayong nagbabasa ng libro. Patuloy lang siya sa pagkanta at inaamin kong maganda ang boses niya.

Pinagmasdan ko lang siya kahit na nakatalikod siya at nagulat ako nang makita kong suot niya ang bracelet na naiwala ko. Kumunot naman agad ang noo ko. Paano napunta sa kanya yung bracelet ko?

*Blag*

Agad kong naisara ang kurtina bago pa man siya lumingon. Napatingin ako sa librong nalaglag mula sa shelf.

"May tao ba dyan?" rinig kong sabi ng babae kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang lumabas sa kwartong iyon.

Habol hininga ako nang marating ang bagong music room. Pero bigla rin akong natauhan.

Bakit ako tumakbo? Dapat nga ay kinausap ko yung babae para mabawi ko na yung bracelet ko eh!

Hay lutang ka na naman Shua!!

―--―--―--―

"Joshua. Pinapabigay ni Faith." tinanggap ko naman ang inabot na jacket ni Shane.

"Faith?" tanong ko

"Mm. Faith. The girl you've given that jacket. Diba kasi basang basa siya dahil dun sa ginawa sa kanya ni Zandra." napatango naman ako. Faith pala ang pangalan niya.

"Thanks." sabi ko. Isinuot ko nalang ang jacket saka bumaba na. Balak kong pumunta ulit sa dating music room. Baka nandon yung babaeng nakakuha ng bracelet ko.

"Akala mo ba tapos na tayo?" napatigil ako sa paglalakad papasok ng music room nang marinig ang boses na iyon. Nang sumilip ako ay nakita ko ang grupo ni Zandra. At si Faith na ngayon ay hawak hawak sa braso ng kasama ni Zandra.

"Lumakas lang ang loob mo dahil pinagtanggol ka ni Shane. That bitch. Masyadong papansin. Tingnan ko lang ngayon kung makialam pa siya." sabi ni Zandra saka naglabas ng...... gunting?!

Agad niyang ginupit ang damit ni Faith kaya naman pumasok na ako para pigilan siya. Agad kong hinila papunta sa likod ko si Faith.

"Maybe Shane isn't here. But I do." sabi ko.

"Joshua?" hindi makapaniwala niyang sabi.

"We're not close. Don't call my name." sabi ko saka tinalikuran siya. Hinubad ko ang jacket ko at sa pangalawang pagkakataon ay ipinasuot ko ito sa kanya. Sandali lang akong napatigil nang makita ang bracelet na suot niya.

Bracelet ko to ah!

Ibig sabihin, siya yung babaeng nakita ko dito kahapon? Wala sa sarili akong napangiti. What a coincidence.

Sinamahan ko siya para magpalit ng damit. Pagkalabas niya ng c. r ay iniabot niya sa akin ang jacket ko.

"S-sayo pala galing yan. Salamat." nahihiyang sabi niya. Nginitian ko nalang siya at binigyan ng pansin ang bracelet na suot niya. Napansin naman niya ito.

"B-bakit?" tanong niya.

"Yung..... bracelet." sabi ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na akin ang bracelet na yun kaya naman pinakita ko nalang sa kanya ang suot ko.

"Shua." agad siyang napatakip ng bibig nang mabasa ang nakalagay sa bracelet ko.

"I-ikaw si Shua." hindi makapaniwalang sabi niya saka dali-daling hinubad ang bracelet saka iniabot sa akin.

"Nakita ko yan sa music room. Nalaglag mo ata." sabi niya. Tinanggap ko naman ito saka nagsimula nang maglakad. Sumunod din naman siya.

"Hindi ko namalayan na nalaglag pala." sabi ko.

"Ibig sabihin, ikaw yung narinig kong kumanta?"

"Ahm... yung sunday morning? Hahaha oo ako nga. Pasensya na. Narinig mo pa."

"Wala yun. Maganda naman ang boses mo eh." napangiti naman ako.

"Bakit nga pala nandun ka? Hindi kita napansin."

"Sa kabilang pinto kasi ako dumaan, sa likod ng kurtina. Doon ako napunta nung mga oras na yun kasi tinakasan ko sina Zandra." sagot niya

"Bakit ka ba nila binubully?"

"Hindi ko din alam. Siguro kasi wala akong pakialam sa kung anong gawin nila sa akin. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano ipagtanggol yung sarili ko." napatingin naman ako sa kanya. Halata nga sa kanya na wala siyang dinadalang kahit na anong saloobin. Parang kung titingnan mo siya, payapa lang ang lahat.

"Hindi ka dapat nila inaabuso."

"Hayaan mo na. Ang mahalaga, kahit na ako ang biktima, never akong naging suspect. Hahaha." bahagya rin akong napatawa. Sa tingin ko ay masaya siyang kasama. Na kahit anong problema. Magagawa mong tumawa.

―--―--―--―

"

Papunta na ko wag kang atat." sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya.

"Dalian mo naman kasi hyung. Lutang na nga ang bagal pa kumilos." nagrereklamong sabi niya.

"Hoy Dokyeom! Wag mo kong sabihan ng ganyan. Mas matanda ako sayo. Tapusin mo na tong tawag kung hindi ikaw ang tatapusin ko." sabi ko at agad naman niyang ibinaba ang telepono.

Pagpasok ko ng campus ay may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na tao. Kahit na nakatalikod siyang naglalakad ay madali ko lang siyang nakilala.

Nakangiti ko sana siyang tatawagin nang mamataan ko sa di kalayuan ang grupo nina Zandra. Sigurado akong siya na naman ang inaabangan nila.

Tumakbo ako papalapit sa kanya saka inakbayan siya. Ramdam ko ang gulat sa kanya saka ako binigyan ng nagtatakang tingin. Nginitian ko na lamang siya bilang sagot.

Kitang-kita ko sa mukha ni Zandra ang pagkapikon at pagkadismaya. Kung hindi nila titigilan si Faith, hindi ko rin hahayaan na malapitan nila ito.

"Pasyal ka naman sa rooftop." nakangiting sabi ko sa kanya habang nakaakbay parin sa kanya.

"H-hindi na, nakakahiya."

"Dali na. Para madagdagan ulit kami ng babaeng tropa." sagot ko at marahan pang idiniin ang pagkakaakbay ko sa kanya.

―--―--―--―

"Finals naaaaaaa! Next week bakasyon naaaaa!!" -Dk

"Finals na pero hindi parin ako kinakausap ni Jasmine." -Seungkwan

"Hindi pa rin ba niya nasasabi kung anong problema?" tanong ni Jeonghan. Tanging iling lang naman ang naisagot nito.

"You should ask her and fixed it right away." -Woozi

"Oo nga. Wag niyo nang hintayin na maghiwalay pa kayo gaya ng nangyari samin ni Woozi." -Ciarra

"Let's not bring back those. It's already a piece of past." -Woozi.

"Maayos niyo din yan Kwannie. Sa ngayon, pag-usapan natin kung saan tayo ngayong bakasyon!" -Dk

"Tara Japan!" -Jun

"Akita! Akita!" -Hoshi

"Akita Sound~" -Mingyu

"Anong gagawin niyo sa Akita? Hindi pa naman winter."-Jeonghan.

"Basta Japan!" -Dino

"Hindi ako makakasama."- Coups.

"Baket?" -Jeonghan.

"Uuwi kaming probinsya. Nagrequest si Lola na magbakasyon naman kami dun." -Coups.

Tumango-tango naman kami.

"Sayang naman. Pano yan, hindi tayo kumpleto. Bye Japan." -Dk

"Ano ba kayo. Ituloy niyo. Hindi naman ako kawalan. Saka isama niyo yang mga girlfriend niyo oh. Wala man ako, may pumalit naman." -Coups.

"I like the Idea." sabat ni Woozi saka humawak sa bewang ni Ciarra.

"I second the motion." -Wonwoo

"I--"

"Utang na loob Dk wag mong sasabihing I fourth the motion." sabi ko.

"I fifth the motion." napasapo nalang ako ng noo habang ang iba ay tawa nang tawa.

"Ikaw Faith. Sama ka." -Jeonghan.

Napatingin naman ako kay Faith na halatang hindi alam ang isasagot.

"Kaso dapat muna may boyfriend ka dito. Hahahaha." dugtong ni Jeonghan. Nahihiya lang na napatawa si Faith dahil don.

"Just kidding. You can join us. You're always welcome." ngumiti naman si Faith dahil don.

"Pano ba yan?! SEE YOU SOON AKITAAAAA!!" -Dk

"AKITA SOUND~" -Mingyu

―--―--―--―

"Hay salamat natapos na rin ang pinaka huling exam. Makakapagpahinga na rin yung utak ko. Natuyo ata eh." nakikinig lang ako sa himutok ni Dk. Pinagmamasdan ko lang ngayon ang bracelet na hawak ko.

"Mauna ka na sa rooftop. May dadaanan lang ako." sabi ko. Kahit nagtataka ay hindi nalang siya nagtanong.

Agad akong pumanhik sa lumang music room. Alam kong nandito siya dahil sa binilin ko sa kanyang oras na pagpunta dito.

At hindi nga ako nagkamali. Hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan ay narinig ko na ang magandang boses niya.

"... Yeah

Sunday morning, rain is falling

Steal some covers, share some skin...." dahan dahan akong pumasok sa loob at nakarating ako sa likod niya ng hindi niya namamalayan. Abala siya sa pagstrum ng Ukalele na sinadya ko talagang ilagay doon para gamitin niya.

"..... Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in....." napalingon agad siya sa gawi ko nang sumabay ako sa sumunod na pagkanta niya.

"Shua." nginitian ko lang siya saka kinuha ang kaliwang kamay niya. Doon ay sinuot ko ang bracelet na kanina ko pa pinagmamasdan.

"Wow."

"Nagustuhan mo ba?" tanong ko. Magiliw naman siyang tumango.

"Faith." basa ko sa nakalagay na pangalan rito. Ngumiti ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong music room.

"This is the place where we've met. I'm happy that this place will also witness this moment." sabi ko at halata sa kanya ang pagtataka.

"Remember what Jeonghan said last time? Yung saka ka lang pwede sumama kapag may boyfriend ka na sa barkada? Can I be that guy?"

"T-teka, Shua."

"Hahaha. I know it's too fast but, although it's all just started, I think I already found my sweetest thing. And it's you."

I mean it. Alam kong masyadong mabilis. Pero patatagalin ko pa ba? I know just like Hoshi, Woozi, Mingyu, Wonwoo and Seungkwan, I already found my sweetest thing. And we're just going to start it right away.

Starting here, In the Music Room

~End~