Chapter 1
Mariane/Ariane POV
Pagmulat ng pa lang ng mata ko nakakasilaw na liwanag na ang bumungad sa akin. Ina-adjust ko pa ang paningin ko hanggang sa bumungad sa akin ang mga puno at nagliliparang mga ibon.
Napabalikwas ako ng bangon dahil narin sa pagtataka, nasaan ako?
nilibot ko ang aking paningin sa paligid, hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. So nasaan ulit ako? Anong nangyayari? Sh*t.
Daglian akong tumayo sa pagka-kaupo at nag lakad patungo sa isang direksyon, sa palagay ko daanan ito dahil medyo masikip.
Ngayon ko lang napansin na sa tabi pala ako ng isang lake nakahiga at worst basang basa ako, alangan naman naligo ako dyan. Teka nga lang bakit buhay pa ako? Sa pagka alala ko nasagasaan ako ng ten wheeler truck, dahil nasa cellphone ko ang paningin ko. Nagbabasa kasi ako kaya hindi ko napansin yung truck, ang tanga ko talaga sa part na yun.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa bumungad sa akin ang isang napakalaking bahay.... o hindi, palasyo yata toh.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit nandito ako, napansin kung may tumatakbong babae palapit sa akin at nag aalala ako nitong tiningnan.
"Lady Mariane nandito lang po pala kayo, kanina pa po kayo hinahanap ng daddy niyo, atsaka bakit po kayo basang basa?" kumunot ulit ako sa tinawag nito sa akin, at kung makapagsalita sa akin akala mo matagal na kaming mag kakilala, blangko lang akong tumingin sa kanya.
"Wait miss hah? anong pinagsasabi mo, hindi nga kita kilala eh." blangko pa rin ang tingin ko sa kanya, pansin ko rin ang pagkagulat nya ng sabihin ko yun. Napalunok naman ito dahil sa sinabi ko.
"My Lady wag po kayong mag biro ng ganyan, ano po bang nangyari sa inyo akala ko----."hindi na natapos ang sasabihin nya ng may sumigaw. Isang matandang lalaki.
"Mariane, what is this again, gumawa ka nanaman ng gulo sa school nyo, you bully her again, kailan ka ba titigil ha?"anong pinagsasabi nito nababaliw na ba sya. Hindi ko alam kung anong pinag sasabi nya.
"Excuse me Sir, I don't know you and I didn't even bully someone so stop accusing me, cause I didn't do anything" it sounds rude because he's older than me but he pissed me off, because of his accusations, mukhang nagulat ito sa sinabi ko kaya napatawa naman ito ng sarkatiko at galit itong tumingin sa akin.
"You, nagpapanggap ka pang hindi mo ako kilala, what a great pretender and you didn't even respect me how dare you." bakit sino ba sya para respetuhin ko eh hindi ko nga sya kilala.
"Sorry sir but hindi po talaga kita kilala." i simply said.
"Hah! Hindi mo kilala ang sarili mo? Fine, sasabayan ko yang trip mo , Your MARIANE ROSE TRAVIS, your my youngest daughter and I’m your father LORENZO TRAVIS, ano hindi mo naaalala hah Mariane?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Pamilyar ang pangalan na yun. Teka lng hah! San ko nga ba narinig yon?
Huh?
teka teka!!?
Nanlaki ang mata ko sa gulat at hindi ko napigilang sumigaw.
"WHAT ARE YOU KIDDING ME?"
No this can't be........
Matamlay akong nakahiga sa kama ni mariane. Hindi pa rin ako makapaniwala na napunta ako dito. Sa librong toh. Umaasa pa naman ako nasa na panaginip lang ito.
Pero hindi.
Akala ko road to heaven na ako tapos malalaman ko na lang na may second life pa ako at sa katawan pa ng kontrabida sa kwento. Tsk.
She's MARIANE ROSE TRAVIS, in her 18th birthday, mamamatay siya.
Ngayon, 16 pa lang sya kaya may dalawang taon pa ako para paghandaan yun. Mamamatay siya sa kamay ng male lead na mafia boss. He's LUXURIOUS RYLE DEMON PHOENIX MONTEMAYOR, pansin kong ang haba ng pangalan niya and also pangalan pa lang nakakatakot na.
he's heartless, ruthless, and merciless. He's psychopath.
Naalala ko pa kung paano namatay si Mariane sa mga kamay niya. Geeeez!!
Pinagsasaksak niya sa sobrang galit tapos hindi pa nakuntento, pinugutan pa nya ng ulo, partida, kulang nalang chop- chopin nya. Kinilabutan ako ng maalala ko yun.
Napahawak ako sa leeg ko at iba pang parte ng katawan ko este sa katawan ni Mariane , baka nasa paligid lang siya at sunggaban ako ng saksak. Napaka-brutal niya.
He's really a demon.
Napaka-possessive din niyang tao, dahil nung nakilala niya si female lead, nahumaling agad siya dito dahil sa angkin nitong kagandahan, at kabaitan.
At dahil nga maraming inggetera, naiinggit si Mariane dahil matagal na niyang gusto si Luxurious simula pagkabata kaya ginawa nya ang lahat para mapansin nito, dumating din sa point na binully niya si female lead, kaya ayon nagalit si Luxurious dahil sinaktan ni Mariane yung kinababaliwan niya kaya nakatikim ng sampal si Mariane.
Hindi na ako magtataka kung bakit tinawag siyang heartless dahil pati babae pinapatulan niya.
Napahawak naman ako sa pisnge ko, buti na lang namgyari na yun, ayokong makatikim ng sampal galing sa kanya
hanggang sa pagtangkaan ni Mariane patayin si female lead sa mismong 18th birthday nito, pero nahuli siya ni Luxurious kaya ayon sa mismong birthday niya din siya namatay.
Kaya hangga't maaga pa didistansya na ako.
Kaya pala galit na galit yung tatay ni Mariane kanina dahil binully nanaman niya si female lead, swerte ko nga dahil pwede pa akong lumayo sa kanila dahil nung panahon na binully pa ni mariane si female lead.
Hindi pa siya pinapatay ni Luxurious dahil pinipigilan pa ito ni female lead kaya thanks to her, may panahon pa ako para hindi iyon mangyari at pwede kong nang itigil ang pagbully sa kanya dahil ako na ang nasa katawan ni Mariane.
Atsaka wala rin akong balak na makipag-kaibigan sa kanya para lang maiwasan ang kamatayan ko dahil posibleng baka mapaaga ang pagkamatay ko.
Napakahirap naman nito, hindi na ako magtataka kung makasalubong ko sila dahil hindi naman imposibleng mangyari yun.
Iisang paaralan lang naman ang pinapasukan namin kaya kung mag kakasalubong man kami iiwasan ko na lang sila.
Napahampas ako ng noo dahil papasok na ako bukas at naalala kong kaklase ko pala sila .
Nasaan na kaya yung tatay ni Mariane?
nagkibit balikat na lang ako.
Ayy ewan!!
Napatitig na lang ako sa pader ng kwarto ni Mariane, malaking pronlema toh, dahil napunta ang kaluluwa ko sa katawan ni Mariane,
Nakakapagtaka talaga kung bakit nandito ako, Nasaan kaya yung totoong Mariane?
Napasabunot na lang ako ng buhok dahil sa frustration na nararamdaman, ngayon pa lang kinakabahan na ako dahil ma-memeet ko yung mga main character's ng novel na ito.
Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko.