Chapter 23 Daate

SAVANA'S POV

Gusto kong umangal pero wala akong magawa. Ang katawan ko ay may sariling pag-iisip at hindi nito magawang sumunod sa aking utak.

Tahimik lamang ako sa loob ng sasakyan ni Altair kanina ay halos mapatay ko ito ng dahil sa ginawa nitong pagtapon sa aking mga instant noodles at mga de lata.

Ang kapal ng mukh nito para sabihin na kahit aso niya ay hindi ito kakainin.

Edi siya na! Siya na ang may pera at mayaman!

Nakaka inis talaga!

"Saan ba tayo pupunta ha?" Pambasag ko sa katahimikan.

Tiningnan naman ako nito saglit at muling bumalik ang tingin sa kalsada.

"At the market, i'll buy edible foods" ani nito.

Hindi ito nag mamayabang pero nayayabangan ako. Ganito ba talaga pag may pera? Waldas lang ng waldas? At walang pakealam sa pagkain na tinapon at nasayang?

"Kung hindi mo sana itinapon ang mga pagkain sa bahay edi sana hindi ka bibili at gagastos ngayon" mabaha kong lintaya at inikotan pa ito ng mata.

"Strop rolling your eyes on me, moya koroleva" ani nito.

Ayan na naman ang kakaibang salita na lagi kong naririnig dito. Ang sexy nitong pakinggan at ang sexy rin niyang tingnan habang binabangit iyon pero kahit ganon ay nababahala ako sa maaaring ibig sabihin nito.

"Ano ba ang ibig sabihin ng moya koreva na iyan?" Tanong ko dahilan para ito ay mapahalakhak na siyang ikina-kunot ng aking noo.

"Anong nakaka tawa?!" Muling tanong ko dahilan para ito ay mapa hinto mukhang nakaramdam ang hudyo.

"N-nothing" medyo utal nitong ani at tumikhim pa. "It's moya koroleva" dugtong pa nito.

"Parehas lang iyon!" Pangangatwiran ko pa.

Dumaan naman sa mga asul na mata nito ang pagka aliw at pagkamangha.

"Yeah yeah" ani nito habang nag pipigil ng tawa.

Lumapit ako dito at hinila ang iilang hibla ng buhok nito dahilan para ito ay mapadaing. Tiningnan ako nito ng masama ngunit nginisihan ko lamang siya.

Serves him right.

"What's that for woman?" Kunot noong tanong nito.

"Wala! Now answer my question" muli kong lintaya at umayos na ng pagkaka upo.

"It's a secret, i won't tell you" ani nito at ngumiti na siyang aking kina-inis.

Pambihira.

Akala ko pa naman ay sasabihin na iyon pala hindi pa.

"At bakit?!" Gigil kong turan.

"Because i say so. ty takoy milyy, moya koroleva" ani nito at ngumiti pa. (You're so cute, my queen)

Pambihira talaga! Kung noong nakaraan ay moya chuchu lang ang iniisip ko ngayon may nadagdag pa.

Mai-search ko nga iyon sa google. Tama! Dapat ko siyang i-search kaso lang ang problema ay wala akong data o kaya naman internet. Hindi ako nag papaload, gastos lang iyon sa totoo niyan ay wala rin akong selpon, nanghihiram lang ako kay Avelea kung may i-t-text ot tatawagan ako. And wala rin akong social media and others 'coz i don't find them useful at hindi ako yayaman sa kanila.

Makaraan ang ilang sandali ay tumigil na sila sa harap ng isang malaking pamilihan. Hindi makapaniwalang binalingan ko si Altair na ngayon ay naka ngiting naka tingin din sa akin.

Bumaba ito ng kotse at pagkalaon ay ako ay pinagbuksan kaya agad akong bumaba.

He's a gentleman indeed but still mali parin ang ginawa nito sa pagkain.

Iginayak ako nito papasok sa pamilihan habang nakahawak sa aking bewang. ang pamilihan na ito ay hindi lamang basta-bastang pamilihan sapagkat ang mga namimili dito ay halos mga mayayaman.

Pambihira anong lugar na naman kaya ito ng dahil sa lalaking ito ay kung saan saang lugar na ako napapadpad.

Pagka pasok namin sa loob ay tumambad sa akin ang napaka lawak na bentahan ng mga sariwang gulay, prutas, at karne at para bang isa itong sosyal na palengke at nakakalula rin ang presyo ng mga bilihin dito halos ang isang pirasong manok ay katumbas na ang tuition ko.

Nagsimula ng mamili si Altair, samantalang ako ay tahimik lamang na naka masid at naka sunod dito. Halos malula ako sa mga pinag kukukuha nito at mukhang hindi nito tinitingnan ang presyo at basta basta lang nilalagay sa pushing cart na hawal nito.

"M-masyado namang mahal dito Altair" wala sa sariling lintaya ko dahilan para mapabaling ito ng tingin sa akin.

"It's pricey because of it's high quality, don't worry moya koroleva i'm the one who's going to pay" mahaba nitong lintaya at muling bumalik sa pamimili.

At habang namimili ito ay pansin ko ang mga titig ng mga kababaehan sa lalaking kasama ko. Hindo naman kasi maipagkakailang saksakan ng kakisigan si Altair at kahit saan mo ito ipunta ay aangat ang ka-guwapohan nitong taglay.

Bigla akong napakapit sa bisig ni Altair ng makitang papalapit ang mga babaeng kanina ay naka titig lamang.

Hindi ko alam pero naiirita ako sa mga ito lalo na sa pag titig ng mga ito kay Altair. Maka tingin kasi ito ay para bang hinuhubaran ang lalaking kasama ko.

Nag seselos ba ako? Siguro.

"Hi handsome, I'm Felece what's your name?" Malandi nitong turan na siyang ikina-ikot ng aking mata.

Handsome daw

Binalingan naman ito ni Altair ng tingin at bahagyang nginitian dahilan para mas lalo akong mainis.

"Hi Felece, I'm Altair" ani ni hudyo.

Tangina ang sarap hilahin ng labi nitong dalawang 'to. Nakaka bwisit!

"Can you help me with my stuffs?" Malanding turan ulit ni Felece.

Humigpit ang gawak ko sa braso ni Altair dahilan para mapabaling ito ng tingin sa akin. Naka ngiti ito ng malapad kaya kinurot ko ito sa tagiliran dahilan para ito ay mapadaing.

Napabaling naman ang tiningin sa akin ng malanding si Felece, nong una ay naka kunot ito ng noo kalaunan ay ngumiti ito.

"Ow i see, kasama mo pala ang little sister mo" ani nito at bahagya pang dumungaw para maka pantay ako. "Hi there, i'm Felece what's your name? Ang cute mo naman" dugtong pa nito.

Namula naman sa inis ang mukha ko ng dahil sa tinuran nito.

Bumitaw ako mula sa pagkaka hawak ko kay Altair at namewang sa harapan ni Felece.

"Hoy babae! For your information hindi na ako bata" ani ko. "At lalong lalo ng hindi ko kapatid ang hudyong ito!" Dugtong ko pa at dinuro si Altair na nasisiyahan sa nangyayari.

Umayos naman ng tayo si Felece at tinaasan ako nito ng kilay.

"Then who are you? His nanny? Or perhaps you're his PA?" Nanunuyang tanong nito.

Mag sasalita na sana si Altair ng walang pag dadalawang isip kong hinablot ang mahabang buhok ni Felece at isinubsob ito sa isdaan at agad itong binitawan.

Sumilay ang isang napaka lawak na ngiti sa aking labi ng makita ang pandidiri nito.

"Y-YOU! DO YOU KNOW WHO I AM?!" Galit na sigaw nito dahilan para mapabaling ang tingin sa amin ng ibang naroroon.

Sinalubong ko ang matatalim na tingin nito at sinabing. "Hindi, sino ka ba?"

Nalaglag naman ang panga nito ng dahil sa aking tinuran at hihilahin na sana nito ang aking buhok ng bigla ko itong naunahan.

Sinampal ko lang naman siya ng talong sa mukha. Paniguradong masakit iyon at babakat sa mukha nitong nakaka irita.

"Ayan bagay sayo" ani ko at ngumiti pa. "Masakit ba?" Dugtong ko pa na siyang ikina-singhap ng mga naroroon.

Mangiyak ngiyak naman nitong binalingan ng tingin si Altair na ngayon ay naka tingin lang ng taintim sa kaniya na ani mo ay may iniisip.

"L-look what she did to me!" Atungal nito kay Altair.

"Ang walang class naman ng babaeng iyan"

"Ugaling palengke"

"Babae ba talaga iyan?"

"Diba iyan ang anak ni Governor?"

"Naku, mukhang may makukulong ng wala sa oras"

Ilan lang iyan sa mga bulongang aking naririnig, pero wala akong pakealam. Ito naman kasi ang nag simula at may karapatan akong ipagtanggol ang aking sarili.

Hindi ako pinalaking mahina. Pinalaki akong palaban kaya lalaban ako pag alam kong inaapi ako.

"Kasalanan mo" ani ko at inikotan pa ito ng mata.

Mag sasalita na sana ito ng may biglang nagsalita at doon nakita ko ang isang lalaking may grey-blue eyes. Ang ganda niyon at para ba akong kinakain ng mga mata nito.

"What's with this comution all about?" Ani nito. Ang boses nito ay malamyos ngunit malalim.

"She slap me!" Ani ni Felece the maharot.

"Siya ang nag simula" simpleng turan ko.

Bumaling ang mata ng lalaki sa kasama kong si Altair na tahimik parin at naka titig parin sa akin.

"So? What happened Altair" tanong nito.

So kilala nito si Altair. Are they friends?

"That girl started it" ani ni Altair at itinuro si Felece dahilan para malaglag ang panga nito.

Serves you right, bitch.

Hindi makapaniwalang tiningnan ng mga taong naroroon si Altair ngunit hindi ito nito binigyang pansin at bumalik sa pamimili na para bang walang nangyari.

"How about the damage here in my market?" Muling turan ng lalaking may grey-blue eyes.

"I'll wire you the payment later, Ziggy." Ani ni Altair at hinila na ako papalabas.

Ziggy huh? Nice name.

Pogi rin ito, pero mas pogi parin si Altair.