29

Nagpatuloy lamang na may nangyayari sa'min ni Lucas. Naging palihim niya akong secretary habang nag-aaral ako. Kinausap ko rin naman ang best friend ko tungkol sa bigla kong paglipat. Noong una ay hindi ito pumayag, pero kalaunan ay natanggap din nito ang paliwanag ko. Sana lang daw ay hindi ko pagsisihan pero naka suporta lamang daw s'ya.

Tumagal kami ng ilang buwan na walang nakakaalam sa relasyon namin sa side niya. Ipinakilala ko naman s'ya sa pamilya ko thru video call. Pero sa pamilya niya ay hindi ako pumayag na ipaalam. Pumayag naman ito, 'yon nga lang, hindi rin daw niya itatanggi kung may magtanong. Tss.

"Pauwi ka na?" Tanong sa'kin ni Travis habang kumakain kami nina Ces at Lani ng fishball.

"Oo e, anniversary kasi namin ngayon. Kailangan ko mauna sa kanya umuwi." Sagot ko. Oo, tumagal kami ng one year nang patago sa pamilya niya. Pero alam ng mga malalapit sa'kin ang tungkol sa'min.

"Taray ng bakla! Ganda ka?!" Pagbibiro ni Ces.

"Ganda 'yan bakla! H'wag mo okrayin, yummy ng jowabels!" ani Lani.

"True! Mesherep ba si pogi? Syempre oo! Jusko! Sarap luhudan!" Nabilaukan naman ako sa sinabi ni Ces.

"Tss." Rinig kong tinig ni Travis.

"Bakla ka! Ang balahura ng bibig mo!" Bulyaw dito ni Lani.

"Sige na! Una na ako! Ingat kayo!" Pagpapaalam ko.

"Hatid na kaya kita?" ani Travis.

Natigilan naman ako at naalala ang nakasimangot na mukha ni Lucas sa tuwing nakikitang kasama ko si Travis.

"Uh. H'wag na, may dadaanan pa ako e. Salamat na lang. Sige na! Bye sa inyo!"

"Bye Belle!" Sigaw ni Lani habang kumakaway.

"Bakla! Wit isagad ha! Tirhan mo akes!" Sigaw naman ni Francis kaya nakatikim ng batok kay Lani.

Natatawa na lamang ako sa kanila habang naglalakad paalis. Pumara naman agad ako ng taxi para makauwi na agad.

Balak ko kasi magluto para sa dinner date naming dalawa sa condo. May mga balloon na rin akong nabili at scented candles. Lagi na lamang kasi s'ya ang nagyayaya mag-date every month, kaya ako naman ngayong anniversary.

Pagkarating ko sa condo ay nagluto agad ako, habang hinhintay ang pagkulo ay nagpapalobo naman ako ng mga lobo sa sala.

Matapos ang lahat ng dapat gawin ay naligo na agad ako. Sinuot ko ang dress na regalo niya sa'kin na color red pati na ang red stilettos.

Sa sala ko nilagay ang mga balloons, inayos ko lamang ito at nilagyan ang center table ng scented candles. Hinayaan ang mga gold balloons sa sahig, at may number balloons din na number na nakalutang na nakatali sa table. Nilagyan ko lamang ng mga fairy lights ang mga sofa at pinatay ang mga ilaw.

Na-excite ako bigla sa pagdating ni Lucas dahil excited na akong makita ang reaksyon niya. Kaya naman ng may mag doorbell ay nagmadali akong tumayo palapit sa pinto. Bago ko buksan ay inayos ko muna ang sarili para hindi halatang excited. Huminga pa ako ng malalim bago binuksan ang pinto nang nakangiti.

Unti-unting nabura ang ngiti ko dahil sa dalawang taong nasa pinto. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ulit.

Tumaas ang kilay nito nang makita ako, tinignan pa nila akong dalawa mula ulo hanggang paa sabay ismid. Natigilan ako at hindi makakilos mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming muli.

"So, they're really together..." Maarting sabi ng isang babae.

"I guess, let me handle this iha." Sagot naman ng Mommy ni Lucas bago tumungin sa'kin at tinaasan na naman ako ng kilay. "Where's your manners? I'm the mother of the person you were living with. And you're not invited us inside?"

"She didn't have that, Tita..." Maarting sabat ng babae.

"I see... Let me in, I want to talk to you..."

Doon lamang ako natauhan at pinagbuksan sila ng pinto upang makapasok. Ang kaba ko ay hindi na nawala-wala, panay ang lunok ko. Panay din ang hiling ko na sana ay dumating na si Lucas. Dahil hindi ko alam kung paano pakikisamahan ang mommy niya.

"Wow! Ang sweet!" Sarkastikong sabi ng babae habang nakatingin sila sa hinanda kong dinner date. "Anniversary? Dito? Ang cheap ha!" dugtong pa nito.

Nainsulto ako sa babaeng ito pero pinigilan ko ang aking sarili dahil sa Mommy ni Lucas. Ayoko naman na maging bastos sa harap niya ngayong girlfriend na ako ng kanyang anak.

Umupo ang mga ito sa sofa kaya umupo naman ako sa tapat nila.

"Ahm... G-Gusto n'yo po ba ng juice o k-kape?" Kinakabahan kong tanong sa Mommy ni Lucas.

"No, thanks. Let's straight to the point here." Seryosong saad nito na lalong nagpakaba sa'kin. "Kulang ba 'yong binigay ko sa'yo para layuan ang anak ko?" Tanong nito sa'kin, hindi ako sumagot.

"Ako na lang magdadagdag, tell me your price." Sabi ng matapobreng babae.

"Hindi ko kailangan ng pera mo," hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumagot sa babaeng ito.

"Really? Pero tinanggap mo ang pera ni Tita? Then, hindi ka naman tumupad sa usapan n'yo. Kulang ba?"

Nagpapanting na kanina pa ang tenga ko sa babae na ito. Kung wala lang ang mommy ni Lucas, baka hindi ko na natantya 'to at binigwasan ko ng isa ang babaeng 'to.

"Kaya kong ibalik ang pera," sagot ko sa babae bago tumingin sa Mommy ni Lucas. "Ibabalik ko po ang pera n'yo, dahil wala naman po talaga akong plano na kunin 'yon." Magalang kong saad kahit naiinis na ako.

"Oh well, I don't care. Gusto ko lang ay layuan mo ang anak ko. See her?" Turo nito sa babaeng kasama niya. Agad naman nag inarte ang babae, nag krus ng paa at nag flip pa ng kanyang buhok. "She's my daughter-in-law, Lucas fiancè. And Lucas first love."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay hinahalukay ang tyan ko dahil sa narinig. First love? Fiance? Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga narinig. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Lucas.... Nasaan ka na ba? Bakit wala ka pa?

"They'll getting married soon, and you? Just leave for good. Gusto mo ba mag-abroad? Sige... Sagot ko lahat. Just stay away from my son. I told you before, you're not belong here, lalo na sa pamilya namin. Have you seen yourself?" Dire-diretsong pang-iinsulto nito sa'kin.

Masakit... Pero... Ayoko naman basta isuko ang lahat sa'min ni Lucas. Mahirap lang ako, pero hindi ako nabibili ng pera...

"Mawalang galang na po ma'am, kahit magkano pa po ang i-offer, o kahit ano pa po ang ibigay n'yo. Hindi ko po tatanggapin. Dahil hindi ko po iiwan si Lucas para sa pera. Hindi n'yo po ako mabibili ng yaman n'yo ma'am." Magalang kong sabi.

"You heard her?" Natigilan ako sa boses na 'yon. Nanlalaking mata naman akong napalingon sa pinto.

Kanina pa ba s'ya? Narinig ba niyang lahat?

Mabagal itong naglakad habang nakapamulsa ang isang kamay, ang isa ay may hawak na bouquet ng rosas. Gustuhin ko mang purihin ang ganda ng bulaklak ay hindi ko magawa.

Gulat na tumayo ang dalawa sa harapan ko.

"Son..."

"Stop this Mom, we will never leave each other no matter what you do. Is it hard to accept that I'm happy with her? That I love her and not her?!" Duro nito sa babaeng katabi ng mama niya. Lumapit ito sa'kin at hinalikan ako sa noo bago nilagay ang kanyang kamay sa bewang ko. "Happy anniversary babe, I'm sorry, I'm late." Bulong nito bago tumingin muli sa dalawa. "You two can leave now, you're not welcome here. We were celebrating our anniversary, so leave while I'm still calm." Seryosong utos nito sa dalawa.

Nakipagtitigan pa sila kay Lucas bago ako tinignan ng masama. Maya-maya pa ay padabog silang lumabas ng unit namin. Napahinga naman ako nang malalim paglabas nila.

"You okay?" Malambing na tanong ni Lucas habang hawak ang baba ko para mag tagpo ang mga mata namin.

"Hindi ka galit?"

"Why would I?"

"Narinig mo ba lahat?" Tanong ko.

"Yeah,"

"Hindi ka galit?"

"Dahil ba do'n sa unang pagkikita n'yo?" Tumango naman ako bilang sagot at nakaramdam ng hiya. "No, narinig ko rin naman ang sinagot mo. And, thank you for that babe. Thank you for not giving up. I promise, I will never leave you. Salamat kasi hindi mo ko binitiwan. I love you every second and every minutes of my life." Mahabang sabi niyo sabay halik sa tungki ng ilong ko.

Naiiyak ako sa mga sinabi niya, akala ko talaga magagalit s'ya kaya hindi ko sinasabi. Natakot ako na baka hindi niya ako paniwalaan dahil mommy niya 'yon. Nagkamali ako...

"Happy anniversary babe...."

"Happy anniversary, more years with you My Belle..."

Hinalikan ako nito nang mabagal at puno ng pagmamahal. Tinugon ko lang naman ito.

Thank you rin Lucas.... Thank you dahil hindi mo ko pinabayaan.....