27

Hindi na nga ako pinauwi pa ni Lucas, siguradong mahaba-habang paliwanag ang gagawin ko kay Rustom nito.

Nandito kami sa isang grocery store na katabi lamang ng condo. Mamimili raw kami ng kulang sa pagluluto, hindi ko alam kung ano pa yung kulang. E puno naman ang ref, ano pa kaya kulang sa kanya?

"Ano pa ba ang kulang na kailangan bilhin?" Tanong ko sa kanya habang tinutulak namin ang cart.

"Ingredients, hindi pa kumpleto ingredients sa pagluluto. Hindi ko na alam kasi ang iba," sagot nito sabay ngiti pa sa'kin. Nakatingala naman ako sa kanya dahil mas matangkad ito.

"Ah. Okay... Teka, anong oras ka uuwi?"

"Saan?" Tanong nito habang nakatingin sa mga nakapatas na bote ng toyo.

"Syempre sa bahay n'yo, o kung saan ka man nakatira."

"Sabay na tayo umuwi, 'di ba?" Sagot nito.

"Ha?"

"Tss. Hindi ako uuwi, do'n ako tutulog sa condo mo."

Natigilan naman ako sa kanyang naging sagot.

"B-Bakit?"

"Anong bakit? Bawal ba?"

"H-Hindi naman... K-Kaya lang..."

"Tss. Huwag kang matakot, dipende pa rin naman 'yon sa'yo kung gusto mo."

"Ang alin?" Naguguluhan kong tanong dito.

"Kung..." Yumuko ito at inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya bahagya pa akong napa-atras. "Gusto mo mag bahay-bahayan..." Bulong nito at bumaba pa ang tingin sa labi ko.

Itinulak ko naman ang kanyang noo ng aking hintuturo.

"Kung ano-ano naiisip mo! Hindi naman 'yon ang kinakatakot ko!"

"Weh? Hindi ka takot sa sausage ko?" Napalingon tuloy ako sa paligid dahil sa hiya. Mabuti na lamang at malayo ang mga tao sa pwesto namin.

"B-Bastos mo! Tara na! Magluluto pa!" Iniwan ko s'ya at nagmamadaling itinulak ang cart palayo sa kanya. Rinig ko pa ang halakhak nito.

Kung ano-anong kabastusan talaga ng utak! Hindi naman 'yon kinakatakot ko, kung hindi ang Mommy niya!

Matapos namin mamili ay bumalik agad kami sa condo. Hinugasan ko agad ang mga gulay bago ilagay ang iba sa ref, at ang iba ay iniwan ko para sa sahog.

"Ginagawa mo rito?" Tanong ko dahil pumasok na ito sa kusina matapos magbihis. Kumuha ito ng apron at lumapit sa gawi ko.

"Bawal? Tutulong," isinuot nito sa'kin ang apron na hawak niya. S'ya rin ang nagtali nito sa likod ko, pero imbes na pumwesto ito sa likod ko ay inilapit na lamang n'ya ang kanyang katawan sa akin. Para tuloy itong nakayakap sa'kin.

"Hindi naman," sagot ko.

Akala ko tapos na ito, pero pumwesto ito sa likod ko at inipon sa kanyang kamay ang buhok ko. Naramdaman ko na lamang na pinupusod na nito ang buhok ko.

"There, para walang sagabal." Kinindatan pa ako ng loko. Tss.

"Tama na harot Mr. Montemayor, magluto na tayo." Tinalikuran ko na ito at hinugasan ang bigas.

"Okay po Mrs. Montemayor," sagot nito na ikinatigil ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay niya na pumulupot sa bewang ko. Ang kanyang ulo ay ipinatong sa aking balikat.

"I'll turn you into Mrs. Montemayor, babe. Hindi na kita pakakawalan, promise. Hmmm.." Malambing nito sabi.

Napapikit na lamang ako at dinama ang kanyang magandang sinabi at ang pagkakayakap sa'kin.

Sana ganito na lamang kami palagi, sana ganito na lang hanggang sa huli.

"Lucas-"

"Babe.. I told you call me babe."

"Okay, b-babe... Hindi tayo makakaluto sa kaharutan mo," natatawang ani ko.

"Hmm. Pwede namang tayo na lang magkainan e." Hinalikan pa nito ang leeg ko.

"A-Anong tayo ang magkainan?! Aswang ka ba?!" Pinaling ko pa ang ulo ko paharap sa gawi niya.

"Hindi... Pero... Pwede kitang kainin..." Hindi pa rin ito natigil sa paghalik sa leeg ko.

"Tigilan mo ko! Dumudumi na utak ko dahil sa'yo! May lumot na ata 'to!" Tinuloy ko na lamang ang paghuhugas ng bigas kahit nakayakap pa rin ito sa'kin.

Kahit nang ilalagay ko na ang kaserola sa rice cooker ay nakayakap pa rin ito sa'kin. Pagkalagay ko at pagkasaksak ng rice cooker ay hinawakan ako nito sa magkabila ng bewang ko at iniharap sa kanya. Nakawahak ang magkabila kong kamay sa sinasandalan ko. Yumuko ito nang bahagya upang magpantay ang aming mukha. Halos maduling naman ako dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Babe...." Mahinang tawag nito sabay tingin sa labi ko.

"Hmmm?" Sagot ko. Bigla naman itong nagkagat labi.

"Sounds like moan.." Natatawang ani niya. "Babe..." Tawag ulit ni Lucas.

"Oh?"

"Still, sounds like moan babe..." Nakangiting pilyong sabi niya.

"Bakit ba?" Naiinis kong tanong.

"Ako magluluto," nagtaas baba pa ito ng kilay habang nakangiti ng matamis.

"Okay..."

"Pero..." Pambibitin nito.

"Pero ano?"

"May reward dapat ako," parang batang sabi pa niya.

"Reward?" Tanong ko at tumango naman ito habang nakakagat labi. "Sige, basta kaya ko.." Sang-ayon ko naman.

"Kayang kaya mo babe..." Ngiting-ngiting sagot nito.

Parang kakaiba ang ngiti niya ah!

"T-Talaga? Ano ba gusto mong reward?"

Mas inilapit pa nito ang kanyang mukha hanggang sa maglapat ang mga tungki ng aming mga ilong. Napapalunok na lamang ako dahil sa pwesto namin. Nasa bewang ko pa rin ang mga kamay nito.

"Bahay-bahayan tayo after, o pwede rin naman before ko magluto." Bulong nito.

Bahay-bahayan?

Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nangyari sa'min sa tent noong nasa resort nila kami. Napakurap-kurap naman ako bigla at napapalunok dahil sa gusto niya.

"W-Wala na bang ibang r-reward?" Kinakabahan kong tanong.

"'Yon po kasi ang gusto ko babe... Please...." Bigla ako nitong hinapit palapit sa kanya hanggang sa magkadikit na ang mga katawan namin. Inilock ni Lucas ang kamay niya sa likod ko at nakayuko ang ulo nito na nakatitig sa'kin. Ako naman ay nakatingala na sa kanya.

"Ahm...."

"Babe... Sige na po..." Pakikiusap pa nito at hinalik-halikan pa ang mukha ko habang nakatingala ako sa kanya. Hindi pa rin niya ako pinapakawalan.

"O-Okay..." Wala sa sariling sagot ko pero kinakabahan ako sa pag payag ko.

Natigilan ito sa paghalik-halik at tinitigan ako ng nakangiti.

"Sure? Kung ayaw mo talaga wala namang problema babe."

Wala? E bakit nag makaawa pa s'ya?! Sira ulo talaga!

"Sure na..." Sagot ko na lamang, naka okay na ko e. Tss.

"Bago ba ako magluto o pagkatapos na lang natin kumain?"

"P-Pwedeng pagkatapos na lang kumain?" Tanong ko.

"Sure babe!" Mabilis nitong sagot at inalis na ang apron sa'kin.

"Sa sala ka muna habang nagluluto ako. O kaya naman pwede mo naman akong panoorin."

"Manonood na lang ako sa'yo," sagot ko.

"Sige,"

Nakaupo lamang ako at nakapalumbaba sa mesa habang si Lucas ay ngiting-ngiti sa kanyang ginagawa. Pasulyap-sulyap pa ito sa'kin at magtataas-baba ng kanyang kilay.

Mukhang maganda ang mood ah!

"Ang saya mo ah!"

"Syempre! May reward ako pagkatapos e!"

Tss. Parang kailan lang noong hindi kami nagkita, nang magkita naman kami sobrang lungkot ng mukha niya. Madalang ko lang s'yang makita na naka ngiti ng ganito. At 'yon ay sa tuwing kasama lang niya ako.

Paano kung hindi pa kami nagtatagal ay bigla na lang malaman ng Mommy niya? Paano na kami?

Susundin ba niya ang gusto ng Mommy niya?

Ipaglalaban kaya niya ang relasyon namin?

Ano man ang maging desisyon niya para sa'ming dalawa, tatanggapin ko. Susulitin ko na lamang siguro ang mga araw na magkasama pa kami.

Piliin man niya ang iwan ako sa huli, hindi ko pagsisisihan na nakasama ko s'ya at naging masaya kaming dalawa.

Kahit panandalian lamang....