20
Binuhat pa ako ni boss pabalik sa rest house na tinutuluyan namin kinabukasan, dahil hirap nga ako maglakad.
Kasalanan ng jumbo sausage na 'yon e!
“Boss, saang lugar nga pala itong resort n'yo?” tanong ko habang buhat ako nito.
“Laguna,” simpleng sagot nito habang umaakyat ng hagdan patungo sa kwarto.
“Ahh...” sagot ko na ikinatingin nito. “Bakit?” tanong ko pa dahil tumigil pa ito kung kelan nasa tapat na kami ng kwarto.
“It sounds like moan,”
Hinampas ko ito sa dibdib, tumawa pa ang sira ulo at pumasok na sa kwarto.
“Pati sagot ko iba na naiisip mo, ang berde ng utak mo boss!”
“You can't blame me, we just did that, fresh na fresh pa sa pandinig ko ungol mo,” sabi nito at maingat akong inuupo sa kama.
“Tss.” Natawa na naman ito.
Masayang-masaya ah!
“Do you want me to join you?” tanong nito na ipinagtaka ko.
“Ha? Saan?”
“Shower,” turo nito sa banyo.
“Luh! At bakit naman kasama ka pa?!”
“Masakit pa hindi ba? Baka lang kailangan mo taga sabon ng katawan mo, at taga shampoo ng buhok mo?” Kung magsalita ito ay parang nag-aalok lamang na kumain.
“Sira ulo ka! Hindi ako paralisado—”
“Pero baldado,” putol nito sa sasabihin ko habang nakangisi, tumingin pa ito sa bandang tahong ko kaya tinakpan ko ito ng unan. Dumampot pa ako ng isa pang unan at ibinato ito sa kanya.
“Dahil sa'yo! Sira ulo ka! Labas!”
“Chill, okay? Just call my name if you need anything. Call not moan, my Belle,” pinanlakihan ko ito ng mata dahil sa kanyang mga sinasabi at lumabas habang tumatawa.
“Gagong 'yon! Pasalamat s'ya yummy s'ya. Hmmp!” pagkausap ko sa sarili ko.
Hirap na hirap akong naglakad upang makaligo, masakit at mahapdi kapag umiihi. Punyetang 'yan! Ayoko na!
Talaga ba?
Minsan gusto ko na lang yakapin ang konsensya ko, sa leeg kahit konting oras lang. Tss.
Monday ngayon pero absent ako dahil nandito pa rin kami, mamaya pa raw kami uuwi after namin kumain sa tanghali. Ayaw pa nga n'ya pumayag pero siyempre hindi rin ako papayag. Lunes na Lunes absent ako sa school at office, napakabait na bata hindi ba?!
Mga bandang three pm na kami nakaalis ng Laguna, kaya naman inabot na kami ng gabi dahil sa traffic. Nakatulog pa ako sa byahe at ginising lamang ni boss nang nasa tapat na kami ng aming bahay.
“We're here, bukas 'yong gate at pinto n'yo,” turo nito sa bahay kaya napatingin ako rito.
Bukas ang mga ilaw at gano'n din ang nga ang pinto. May sasakyan din sa tapat ng gate kaya malamang may bisita si Tita.
“May bisita siguro, may sasakyan oh. Nakalimutan siguro isara, tara na. Pasok ka muna,” bumaba kami ng sasakyan n'ya.
Nakahawak ito sa bewang ko upang alalayan ako dahil medyo masakit pa rin. Dala n'ya ang bag ko sa kaliwang braso.
“Why do you care?!”
Napatigil kami sa pagpasok dahil sa narinig na bulyaw ni Tita. Nagkatinginan pa kami ni boss dahil sa pagtataka.
Tutuloy na sana ako patungo sa sala para alamin kung sino ang kausap ni Tita para magtaas s'ya ng boses. Pero dalawang hakbang pa lamang ay napatigil na muli ako dahil sa pamilyar na boses.
“Ivory is my best friend, at ang pamilya n'ya ay hindi na iba sa'kin. Ikaw! Naturingan kang kadugo! Pero ano? Hindi mo pinagbigyan ang mga magulang n'ya na makadalo nang debut n'ya!”
Natigilan ako sa aking narinig mula sa kaibigan ko.
S'ya pala ang bisita ni Tita, pero bakit? At ano 'tong naririnig ko? Pero sabi nina Nanay iipunin na lamang daw nila ang ipamamasahe kesa ang pumunta sa debut ko no'n. Akala ko dahil nanghihinayang sila sa gastos, pero—
“Because they're not fit to that event, and I was the one who prepared all of that. Hindi naman sila nakatulong at wala naman silang maitutulong! Kung pupunta pa sila, magiging pabigat lamang sila!” Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa narinig ko.
“Pero sila ang magulang! Hindi ikaw! Tita ka lang! Hindi naman nila hiniling sa'yo na gawin mo 'yon. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa kanila na hindi nila nakasama o nakita si Ivory no'ng birthday n'ya. Na kailangan nilang magsinungaling kay Ivory para lamang hindi rin ito malungkot.”
Unti-unti akong naglakad palapit sa gawi nila habang nagpipigil na maluha.
Kaya ba gano'n na lamang kalungkot ang boses ni Nanay no'ng sinabi kong pumunta sila. Kahit tumanggi na s'ya, ramdam ko ang lungkot n'ya.
“Belle...” pinipigilan ako ni Lucas pero hindi ko ito pinansin.
“Hindi pa ba sapat na nagpapadala si Ivory sa kanila?! Ivory deserves to have a good life, and that life she was dreaming of, is what she already have with me. Because of me—”
“She's working on it! Kinupkop mo lang s'ya pero hindi mo na pinaalis sa puder mo. Tapos ngayon, daig mo pa ang sariling ina sa ginagawa mo sa kanya?!” pagpuputol ni Rustom sa sinasabi ni Tita Merly. “Tapos malalaman ko, kaya mo s'ya do'n pinag apply ay dahil naghahanap ang pamilyang 'yon na pwedeng ipakasal sa anak nila! At si Ivory ang naisip mo?!” doon na ako natigilan, sakto naman na tanaw ko na sila.
Ipakasal? Bakit? Bakit ipapakasal? Kanino?
Gulong-gulo na ako sa mga naririnig mula sa kanila. Pero nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Hindi pa rin nila ako napapansin na pinapanood na sila. Pareho silang nagsusukatan nang tingin at may malalalim na paghinga dahil sa sigawan nila.
“Para rin kay Ivory 'yon! And look, close na sila ng boss n'ya kaya wala namang problema na makasal sila soon. Pinag-aaral pa nga s'ya, kaya anong problema do'n?!” ani Tita Merly.
Nagsalubong ang mga kilay ko na napatingin kay Lucas. Mula kay Tita ay lumipat ang tingin nito sa'kin.
“K-Kasal?” tanong ko rito. “Planado ba lahat ng 'to?” doon na napatigil sina Tita.
“Ivory...” sabay na tawag nina Tita at Rustom, pero nanatili ang tingin ko kay Lucas.
“B-Belle...” Kinakabahan nitong bigkas sa pangalan ko.
“K-Kaya ba.... Hired agad ako noon? K-Kasi... Nalaman mo na... A-Ako yung ibinebenta ni Tita sa magulang mo—”
“Hindi kita binenta Ivory! Watch your words!” sigaw ni Tita. Tumingin ako sa kanya na walang emosyon.
“Hindi? Ano tawag doon Tita? Charity? Wala naman po akong hiningi sa inyo hindi ba? Wala naman akong ginawang mali. Pumunta ako rito para mag-trabaho para sa pamilya ko, hindi para maging laruan n'yo.” ang kanina ko pang pinipigilan na luha ay nag-unahan na sa pagbagsak.
“Makakatulong 'yon sa'yo at sa pamilya mo! Gusto mo maging maganda ang buhay n'yo hindi ba?”
“Pero hindi sa ganitong paraan! Hindi sa paraan na kailangan n'yong ipilit na ipakasal ako! Hindi sa paraan na ipagkasundo n'yo ko ng hindi ko nalalaman. Dahil pagiging makasarili ang ginagawa n'yo—ah!” isang malakas na sampal ang aking natanggap mula kay Tita.
“Belle!” “Ivory!” sabay na tawag sa'kin ni Rustom at Lucas.
“Wala kang utang na loob! Ginawa ko lang naman 'yon para tulungan kayo ng pamilya mo na maging maganda rin ang buhay gaya ko—”
“Kaya gusto n'yo rin gawin ko ang ginawa n'yo? Ang magpakasal sa mayaman?! Yun lang ba talaga ang sagot mo sa lahat Tita?”
Hindi ito nakasagot, hawak ko ang aking pisngi na namanhid dahil sa sampal n'ya. Tumingin ako kay Lucas, kinakabahan itong tinignan ako pabalik.
“Nakuha mo na ang gusto mo, pero hinding-hindi ako magpapakasal sa'yo! Siguro naman, sapat na sa'yo ang nakuha mo sa'kin? Dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal!”
“Belle... No, it's not what you think. H-Hindi ko alam yung usapan nila nina Mommy—”
“Hindi alam? Hindi nga ba talaga o kasama sa plano n'yo ang magaling mong pagpapanggap?” seryoso kong tanong dito. Umiling-iling ito.
“N-No... Lahat nang pinakita ko sa'yo totoo. Please Belle, believe me—”
“Tama na! Bakit hindi na lamang kayo ni Tita ang magpakasal?! Tutal naman magkakasabwat kayo! Para sure na sure na ang parents mo na may magpapakasal sa'yo! Tutal, nagmamadali silang magka-asawa ka!”
“Belle—”
“Tama na dude, pwede?” pigil ni Rustom sa tangkang paglapit sa'kin ni Lucas. “Tara na Ivory.”
Lumabas kami ng bahay ni Rustom, inalalayan ako nitong makasakay sa kanyang sasakyan. Walang tigil ang pag-iyak ko sa loob ng sasakyan n'ya.
“Ganito pala ang pakiramdam nang tinraydor 'no? Masakit pala talaga...” umiiyak kong ani.
Ngayon ko napagtanto ang mga nangyayari, kung bakit gano'n kabilis akong tinanggap sa trabaho. Kung bakit doon ako pinag-trabaho ni Tita, at kung bakit hindi ako masyado tinatawagan nina Nanay. Pero.... Pati ba ang pagsasabi ng boss ko na mahal n'ya ako ay planado rin nila? Kasi... Muntik na akong maniwala, muntik na kong mahulog.
“Nakakatakot na magtiwala, nakakatakot maniwala.”