18

Matapos namin maligo nang tanghali ay nag-lunch lamang kami bago kami nag banlaw sa mga kanya-kanya naming kwarto. Pagod na pagod ang pakiramdam ko kaya nakatulog na ako matapos ko magbihis.

"Belle..." isang mahinang tinig ang aking naririnig na tumatawag sa pangalan ko.

"Belle... Wake up..." tawag ulit nito.

Pupungas-pungas naman akong gumising at bumungad sa'kin si boss. Nakaupo ito sa sahig habang titig na titig sa mukha ko. Ako naman ay nakadapa pa rin habang nakaharap ang mukha sa gawi n'ya.

Ang gwapong nilalang naman ng isang ito. Kung araw-araw ba naman ganito ang bungad, kasarap.

Sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa gwapong nilalang na seryosong nakatitig lamang sa'kin.

"Mamaya na tayo magtitigan at mag bolahan sa mga isip natin. Dinner is ready, get up now, Belle." sabi nito sabay ngiti.

Tss! Pwedeng model ng toothpaste ah!

Tamad na tamad akong bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Nakakahiya naman, nandito yung mala model ng toothpaste, tapos ako yung tinga. Tss.

Nagsuklay lamang din ako bago humarap na muli sa kanya na naghihintay sa pintuan. Nakasandal ito patagilid sa hamba ng pinto habang naka-halukipkip at pinapanood ang bawat galaw ko.

"Tara na boss," mahinang sabi ko dahil parang pagod na pagod ang pakiramdam ko.

"Are you okay? You look tired, wala pa nga akong ginagawa sa'yo," sinamaan ko ito nang tingin.

"Tss. Bakit, may plano ka boss?" walang gana kong sagot at nilampasan s'ya palabas ng kwarto ko. Ramdam ko naman ang pagsunod nito, bigla ako nitong inakbayan.

"Meron sana..." sagot nito. Pagtingin ko sa mukha n'ya ay nakangiti na ito.

"Ano 'yon?"

"Basta, masarap," kinagat nito ang pang-ibabang labi. Kumunot naman ang kilay ko sa pagtataka.

"Masarap? Paanong masarap boss?" bumababa na kami ng hagdan at sa may dagat kami dumiretso.

"Hmm... Feels like heaven."

"Luh! Nakarating ka na sa heaven?!" tumigil pa ako at humarap sa kanya. Taka naman n'ya akong tinignan pabalik.

"Huh?"

"Sabi mo masarap, feels like heaven pa kamo boss. Ibig sabihin nakarating ka na sa heaven! Alam mo na 'yong feelings eh! Kuwento ka naman boss!" nakangiti ko pang saad.

Ilang segundo na naman n'ya akong tinitigan bago ito tumikhim na parang nagpipigil na matawa.

"You know what Belle, you are now my happy pill," saad nito nang nakangiti.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Nothing, let's go. Forget the feels like heaven thingy. Soon, you'll understand what I'm talking about. Because that time, you already experience the heaven."

"Ewan ko sa'yo boss, magulo ka kausap." Sabi ko na lamang at sumabay na sa kanya sa paglalakad papuntang tabing dagat.

"Ako pa ngayon ang magulo. Tss." Bulong nito na hindi ko na lamang pinansin.

Pagkarating namin sa tabing dagat ay walang ka tao-tao, pero may tent at may maliit na lamesa sa labas na may mga pagkain.

"Bakit may tent? Camping?" sarkastiko kong tanong.

"Tss. D'yan tayo mamaya pagkatapos kumain."

"Aano tayo d'yan boss? May bahay naman tayong tinutuluyan?" Takang tanong ko.

"Aano ba ang gusto mong gawin sa loob mamaya?"

"A-Ano... Aano... Ahh.. Ano ba?" naguguluhan kong sagot.

Aano ba kasi kami sa tent na 'yan?

"Mamaya mo na problemahin 'yan, come here." Hinila ako nito ng may pag-iingat at naupo kami sa sapin na nakalatag sa buhangin. Nasa pagitan namin ang maliit na lamesa na may mga pagkain.

"Luh! Boss!!! Boss!!" masigla kong tawag dito kahit na nasa harapan ko lang naman ito.

"Hey! What? What happened?" nataranta naman ito. Itinuro ko ang pagkain sa mesa. "What? What's wrong with the foods?" tanong nito.

"Tahong..." mahina kong sabi habang nakangiti, nagtaas baba pa ako ng aking kilay. Nawiwirduhan naman akong tinignan nito.

"Yeah... Tahong... I know."

"Naku! Ikaw boss! Hindi ka talaga papayag na hindi makakakain ng tahong bago tayo umuwi ha!" pangbubuyo ko rito.

"Tss. That's not what I meant, I mean the fresh one. And that fresh what I'm talking about is your tahong."

"Ha? Teka boss, tiga probinsya ako oo, pero hindi ako nagtitinda ng tahong. Ano ka ba?! Secretary mo ako hindi ba?!" naiinis ko namang sagot dito.

Parang tanga 'tong boss ko, saan ako kukuha ng tahong?! Atsaka bakit pa ako magtitinda no'n e nagta-trabaho na ako sa kanya?! Tss. Boplaks pala minsan si boss.

Bumuntong hininga ito at napahilot sa may ilong nito. "Nevermind Belle, let's just eat. Don't talk to me for a while," sabi nito.

Sinimulan na nga nito ang kumain kaya naman kumain na rin ako.

H'wag daw muna s'ya kausapin, gutom na gutom na siguro 'to? Tsk.

Kaya naman hanggang sa matapos kumain ay hindi ako nagsalita. Kahit sarap na sarap ako sa tahong, ito ata ang tinutukoy ni boss na luto ng tahong.

"Boss..." tawag pansin ko rito. Tapos na rin ito kumain.

"Hmmm?" sagot nito habang may tine-text at umiinom ng tubig.

"Ito ba yung luto ng tahong na gusto mo? Makatas s'ya e. Masarap pala talaga 'no?"

Napabuga naman ang iniinom nitong tubig. Buti na lamang at hindi sa'kin naibuga. Tsk.

"What the hell Belle?!" bulyaw nito habang umuubo pa.

"Oh? Inano na naman kita boss? Hindi pa kita ni aano ah?!"

"Hindi ba sinabi ko na kanina na hindi 'yang tahong na 'yan ang tinutukoy ko?"

"Luh! Malay ko ba na may ibang lahi pa pala ang mga tahong," naka-nguso kong sagot at kumuha ulit ng isang tahong.

"What? What lahi?" magkasalubong na ang mga makakapal nitong kilay.

"Tss. Akala ko matalino ka boss? Lahi pa hindi mo alam, boplaks ka pala eh! Tss!"

Akala ko pa naman matalino, hindi rin pala. Mas matalino pala ako kay boss. Tss. I'm proud!

"Lahi? Voplas? Where did you learned that? Is that really a words?"

Tumawa ako nang tumawa dahil sa pilipit nitong dila.

"Voplas amputa! HAHAHA! Ang arti ng boplaks! Pinaganda mo pa?! HAHAHAHA!" hindi ko mapigilan ang hindi matawa.

"Hey! Will you stop laughing?!" tumayo na ito at humawak sa bewang. Masamang masama na ang tingin sa'kin.

Tumayo ako habang tumatawa, lagi na lamang ako pinapatawa ng pilipit n'yang dila.

"Wait..." sabi ko habang sinusubukang pigilan ang pagtawa. Naghalukipkip ito at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"How long you make fun of me?"

"Konti na lang boss. HAHAHAH! Wait... Paubos na," at tumawa na naman nang tumawa.

Bigla na lamang ako iniwan nito at pumasok sa loob ng tent.

"Luh! Tampururot ang peg ni boss!" ani ko.

Uminom muna ako ng tubig at kinalma ang sarili bago sumunod dito pagpasok sa tent.

"Boss-"

Natigilan ako sa pinto ng tent habang nakayuko, na handa na sana pumasok. May nag play na movie sa may tent, may ilaw na nakatutok dito. Si boss ay prenteng nakahiga sa loob nito.

"Hey, come in," malambing nitong sabi sa'kin.

Tss. Bilis talaga magbago ng mood nito. Toyoin talaga!

Nakayuko akong pumasok sa loob, pagka-tapat ko sa sa kanya ay bigla ako nitong hinila.

"Kiking nalaglag!" bulyaw ko dahil sa gulat.

Napahiga ako sa tabi ni boss, nakaunan ako sa braso nito kaya rinig na rinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"Bastos mo talaga magulat! Hindi na nalilimot ang nalaglag na 'yan. Tss," nakangisi nitong sabi sabay tingin sa gawi ko. Napatingala naman ako na hindi ko na pala dapat ginawa.

Naglapat ang tungki ng aming mga ilong, ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa mga mata ko. Tumikhim ako at ibinaling muli sa harapan ang aking tingin.

"Anong movie 'to boss?" tanong ko para mawala ang ilang sa pagitan namin.

"After," simpleng sagot nito.

"Ah..." sagot ko na lamang.

Tahimik naming pinanood ang movie, kinumutan din nito ang aming mga sarili. Biglang naging awkward ang panonood namin nang biglang kissing scenes na. Napapalunok na lamang ako at hindi bumabaling ang aking tingin sa gawi n'ya. Lalong naging awkward ang panonood namin dahil sa bed scene.

Shemay! Bakit may ganito ang palabas na 'to?!

Hinapit ko ang kumot pataas hanggang sa matakpan ang aking bibig.

Kabado bente!

"Wanna play?" mahinang tanong nito.

"P-Play?" nagtataka kong tanong.

Ano naman naisip nitong si boss?! Naging isip bata at gusto maglaro.

"Yeah," tanging liwanag lamang ng aming pinapanood ang nagbibigay liwanag sa'min. Kaya hindi ko masyado makita ang ekspresyon nito.

"A-Anong laro B-Boss?" biglang tumaas ang kabilang gilid ng labi nito. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa ngiting ginawa nito.

Jusme! Kayo na po bahala sa'kin.

"Let's play..." pagpuputol nito sa sasabihin na tila sinasadya nito. Ako naman ay naghihintay sa susunod nitong sasabihin. "Bahay-bahayan." Nawiwirduhan ko s'yang tinignan.

"B-Bahay bahayan? Okay ka lang boss?"

"Yeah, bahay-bahayan. I'm the Daddy and of course you're the Mommy. And the baby? To follow na lang. Gagawin pa lang e."

"H-Ha?"