Chapter 6 - Taste of his sweetness/Her forgiveness

She's staring at the wall. Pilit na hinahanap ang sense niyang lumipad na sa kung saan dahil sa sarap na pinalasap sakaniya ni Haxon. She suddenly blushed at that thought. Ipinilig niya ang ulo at pinipigilan ang sariling mapaungol nanaman. Lecheng lalaking ito, walang kapaguran.

Masakit ang sa parteng baba ng kaniyang katawan at hindi niya maigalaw ng maayos ang sarili. Naluluha siyang napasulyap sa binata na busy kakahaplos sa hubad na likod niya. Akmang patungo sa parteng baba ng kaniyang katawan ang kamay nito ng tampalin niya 'yon. Napatingin ito sakaniya at agad na napangiti. Ang sarap bigwasan ng loko! Pagkatapos siyang saktan ng malaking sandata nito may gana pa siyang ngitian?

'Sus, kunwari pa pero nasarapan naman'

Agad niyang kinastigo ang utak niya. Nababaliw na siguro siya, nakakabaliw ba naman ang ginawa sakaniya ni Haxon. Mahina siyang napamura ng maramdamang hinawakan nito ang parteng sobrang sakit.

"Ouch! Tang*na mo Haxon. Ang sakit, huwag mo ngang hawakan nakita ng nasaktan ako eh." Kahit na hindi ito ang unang beses niya dito nasaktan parin siya dahil halos pitong taon na ang nakakaraan ng maramdaman niya muli ang damdaming ito. Yes, she's not a virgin anymore when Haxon took her now.

"Sorry baby, I just want to massage it baka sakaling mawala ang sakit." Niyakap siya nito at hinalikan ang ibabaw ng ulo niya. Lihim siyang napangiti dahil sa ka sweet-an nito. His sweet gestures made her heart fell all over again.

"I'm sorry Demi." Bulong nito sakaniya. Hindi niya alam kung bakit ito humihingi ng tawad. Nakaramdam siya ng lungkot dahil baka humihingi ito ng dispensa dahil nagalaw siya nito. But she liked it, no scratch that she loves what happened between them. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. Hinayaan niya nalang kahit na may munting takot at lungkot na namumuo sa dibdib niya. Baka kasi sabihan nanaman siya nitong malandi dahil hindi man lang siya nag dalawang-isip na ibigay ang sarili sa binata.

"I'm very sorry because of what happened before. Hindi agad kita napuntahan kahit na sinabi mong kailangan mo ng tulong ko. Binalewala ko lang iyon noon at pilit na isinawalang-bahala. Alam kong 'yan ang naiisip mo Demi. But, I have reasons. When you called God knows how much I want to answer your call and hear your voice. Dahil ikaw lang ang nag-iisang taong nagpapakalma sakin." Bumaba ito ng tingin at nakasalubong niya ang malungkot nitong mga mata. Ano nga bang tinatagong rason ng isang Kielle Haxon Villarreal? Mababago ba nito ang galit at hinanakit na matagal niyang itinago para sa binata?

He cupped her both cheeks and kissed her lips. Mabilis lang 'yon at agad din naman itong humiwalay. Titig na titig sakaniya't nangingislap ang mga mata.

"Ano nga bang rason mo para hindi ako puntahan Kielle?" Napa-awang ang labi niya ng makitang may tumulong luha sa mga mata nito. He chuckled and still intently staring at her.

"I hope before I tell you my reason you still talk to me like this, because I miss the old Demetria. I miss your sweetness." He caressed her cheeks.

"Nasa meeting ako with Dad ng mga oras na 'yon. Sinabi niyang importante ang pag-uusapan namin at dapat na makinig ako ng mabuti.

Ipinaiwan niya ang phone ko sa labas sa secretary niya. Kaya hindi ko agad nalaman na ilang beses kang tumawag. Around 7:30 ng may tumawag kay daddy kaya naman nagkaroon ako ng konting oras para silipin ang phone ko at i-check kung may tawag o text ka ba. "

"And I saw your missed calls. Itinext kita na maghintay dahil malapit na din naman ang meeting. When our meeting is over, agad akong bumaba at hinanap ang susi ng kotse ko. Pero palabas palang ako ng front door inatake na sa puso si mommy. We took her to the hospital. Nakalimutan kong naghihintay ka dahil sa sobrang taranta ko sa nangyari kay mom. Pilit akong nagpaalam sandali kay dad dahil nagbabakasakali akong baka naghihintay ka pa." She wiped his tears and held his hand. She mouthed 'continue'.

"But to my dissapointment, Selena texted me that you're already at home. Na hinatid ka na daw ni Iñigo." W-what? Gulat siyang napatingin kay Haxon. Nagsinungaling si Selena? Nalilito siyang humiwalay sa yakap nito at lumayo ng konti para makaharap ito mismo. Hindi niya na alintana ang hubad na katawan. And why Iñigo?

"She did? B-but I'm not. Hindi pa ako 'non nakakauwi samin. She lied Haxon! She lied! How she did all those things to me?" Hindi niya lubos maisip kung papaano 'yon nagawa ni Selena. Alam nito na wala pa siya at alam din nitong walang susundo sakaniya.

"Yes she did, kaya hindi na ako tumuloy na puntahan ka. And Selena called me to ask help. She's pregnant that time Selene. She had miscarriage dahil sa naaksidente siya pagkatapos ng ilang oras na text niya. Kaya hindi ko na sinigurado pa kung naka-uwi ka na nga ba talaga. Matatanggap ko kung magagalit ka. Pero sobra na talaga akong takot at taranta ng mga oras na 'yon. Sabihin ng nakakabakla pero 'yon ang naramdaman ko. Kahit na okay na si mommy at stable na din ang lagay ni Selena may takot pa rin ang dibdib ko. Then after two days I find out what happened to you." Mas bumilis ang paghinga niya dahil sa pagsambit nito ng nangyari sakaniya.

"I didn't mean to said all those things Demi. Nadala lang ako ng emosyon ko. Nalaman kong mga nangyari sayo, kinain ako ng guilt ng makita kitang nakahiga sa hospital bed at maraming pasa sa katawan. At nalaman ko pang buntis ka rin. Mahal na kita kahit noon pa. Simula palang ng maging kaibigan kita mahal na kita. Nasaktan ako sa kaalamang may ibang lalaki ng nakagalaw sayo. At si Iñigo pa ang boyfriend mo noon." Naguguluhan siya sa mga sinasabi ni Haxon, at kelan niya pa naging boyfriend si Iñigo? Hindi naman siya malapit kay Iñigo noon. Ni hindi niya nga binibigyan ng atensyon ang ibang lalaking nagpapalipad hangin sakaniya noong college tapos malalaman niyang may naging boyfriend siya at si Iñigo pa?

Saan ba ni Haxon nakuha ang mga ideyang ito? Naguguluhan man nakinig parin siya sa mga paliwanag nito.

"Nagalit ako Demi. Nagalit ako sayo, maraming sinabi sakin si Selena. Kini-kwento mo daw sakaniyang sobrang higpit ko sayo kaya hindi si Iñigo makalapit sayo. At sabi mo pa raw na bwiset lang ako sa buhay mo. Na sana hindi mo nalang ako naging kaibigan dahil ramdam mong may gusto ako sayo kaya gusto mo ng tapusin ang pagkakaibigan natin. Nasaktan ako ng sobra dahil hindi ko akalain na ang babaeng minahal ko kaya akong pagsabihan ng ganon at siraan sa iba. At 'yon ang pagkakamaling nagawa ko. Naging tanga ako ng hindi kita pinaniwalaan. Kaya ko nasabi sayong girlfriend ko si Selena at malandi ka dahil dalang-dala na ako sa sakit na nararamdaman." Hinila siya nito palapit at isinandal siya sa mabatong dibdib nito.

Hindi niya na namalayang umiiyak na pala siya sa mga paliwanag nito kung hindi pa ni Haxon pinunasan ang luha niya.

"Tinapos ko ang pagkakaibigan natin at sobrang sakit ng mga nasabi ko sayo. Nung sinabi mong mahal mo ako sobrang saya ko pero ng sinabi sakin ni Selena na nakipaghiwalay na sayo si Iñigo kaya gusto mong may sumalo sayo hindi ako naniwala sa nararamdaman mo. Ang tanga ko Demi! Sobrang tanga ko. Nalaman ko lang ang lahat ng ito ng sabihin sakin ni Zuri ang lahat ng pinagdaanan mo."

"K-kailan sinabi ni Zuri?" Tipid itong napangiti kahit hindi umabot sa mga mata nito.

"When you had a nightmare. Nalaman ko ang lahat." Pag-amin ni Haxon. Hindi niya na alam kung anong dapat na gawin. Sa ngayon galit ang nararamdaman niya. Galit na galit siya kay Selena.

"So nalalaman mo palang kaninang madaling araw?"

"Yes." Tipid na sagot nito. Kinurot nito ang tungki ng ilong niya na kinasimangot niya. Ang sakit kaya. Nasuntok niya ang balikat nito.

"Awww, that hurts Demi. Ang bayolente mo talaga." Napabungisngis siya at agad nagseryoso ng may maalala.

"So, mahal mo na ako noon pa. Ang sweet. And for your fvcking information Mr. Villarreal, I'm not into relationship with anyone that time. Lalong-lalo na kay Iñigo." Literal itong napanganga at hindi makapaniwalang nakatingin sakaniya. Kapagkuwan bakas sa mukha nito na naguguluhan at nalilito ito. She pinched his nipple and kissed his cheeks.

"Baby! Don't do that again. Stop teasing me." Banta nitong tinawanan niya lang.

"But, seriously? Eh kung ganon bakit ka buntis noon?" Kumirot nanaman ang puso niya ng maalala ang namatay niyang anak.

"It's for you to remember Haxon. Gusto ko maalala mo ang lahat ng sa gayon malaman mo kung kaninong anak ang dinadala ko noon." She wiped her tears and smiled weakly.

"Mahal na mahal ko ang anak ko. Alam mo bang may balak na akong sabihin sa ama niya na may nabubuhay na sa sinapupunan ko? Kaya lang ng sasabihin ko na natakot ako na hindi niya paniwalaan dahil sinalubong niya lang ako ng ngiti ng sumunod na araw dahil hindi niya naaalala na may nangyari samin. At nalaman kong bali-balita sa buong campus na may girlfriend na siya. And worst, with my twin sister."

Napakurap-kurap si Haxon at hindi makapaniwalang nakatingin sakaniya. Kusang nahulog ang luha nito. Tila naestatwa ito at hindi maka-galaw. Napapansin niya, masyado ng iyakin si Haxon this past few weeks.

"D-dont tell me it's me? Fuck! I'm so stupid! Ahhh! Fuck it! Why? Why you didn't tell me Demi? Anak ko 'yon? Shit! Shit! Shit! It's my fault, it's my fault. Ang gago ko! Ang gago-gago ko! I'm sorry, I'm so sorry baby." Naaawa siyang nakatingin sa binatang humahagulhol at tila wala ng pakealam kung ilang beses ng umiyak. Ramdam niya ang paghihinagpis nito. Anak nila ang nawala. Sobrang sakit isipin na ni hindi nito nalaman na may anak na sila noon pa.

Naaawa siya kay Haxon, alam niyang nasasaktan ito ng sobra dahil ngayon niya lang sinabi ang lahat. At nagiguilty na din ito dahil imbes na siya at ang anak nito ang tulungan si Selena ang naagapan nito at hindi siya.

Sagad na ang galit na nararamdaman niya sa kambal. Kahit na patay na ito hindi niya pa rin mapapalampas ang lahat ng kasinungalingan nito. Hinaplos niya ang umiiyak na gwapong mukha ni Haxon. Masuyo niya itong hinalikan at dinadama ang sakit na nararamdaman nito. Gusto niya itong damayan dahil matagal niya ring kinimkim ang sakit na nararamdaman. Sinarili niya at hindi niya naisip na hindi lang siya ang masasaktan sa oras na malaman ng binata ang totoo. He look miserable. His messy hair at namumula na din ang mga mata nito. Pareho silang namamaga ang mga mata.

Ilang sandali pa ang lumipas ng kumalma na ito habang yakap niya. Kumalas ito ng yakap sakaniya at pinakatitigan siya.

"I'm really sorry, sawang-sawa na akong marinig mismo sa bibig ko ang salitang ito pero hindi ako mapapagod humingi ng tawad sayo. Mahal na mahal kita Demi. Please, give us a chance. Gusto kong patunayan ang pagmamahal ko sayo. Give me one more chance and I assure you na hindi kita sasaktan... intensionally. Hindi ko maipapangako na hindi ka na iiyak muli pero alam ko lang na hindi kita papaiyakin ng sinasadya." She smiled sweetly and instead of answering she kissed his lips. Naramdaman niyang tumaas ang sulok ng labi ng binata at kapagkuwan tumugon na din ng halik.

"I love you, I love you so much Demi." He mumbled that makes her heart beat so fast. Pakiramdam niya sasabog na ang puso niya sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito. Oh, how she love this man. Alam niya sa sariling hindi niya na kaya pang magmahal ng iba. Happiness is not enough to describe how happy she is. Kung may mas lalala pa sa salitang happiness iyon na siguro ang nararamdaman niya.

Kay tagal niyang pinangarap na sana mahalin siya ni Haxon, romantically. Hindi bilang isang kaibigan and now her dream came true. Nagsisimula palang sila, alam niyang marami pa silang pagdadaanan na pagsubok ngunit isa lang ang sisiguraduhin niya, lalaban siya. She'll fight for their love, they will do this together.

"You deserve my forgiveness Haxon. And I love you too." She whispered. Haxon kissed her forehead and she closed her eyes.