Chapter 10
[Chapter 10]
𝐀𝐑𝐀𝐖 ng Linggo, matapos magsimba ay nagtungo si Carina sa ilog upang magpahangin.
Matingkad na ang sikat ng araw dahil tanghali na, malapit na ring mag-siesta ang mga tao. Naisipan niyang maupo at sumandal sa isang puno ng mangga malapit sa ilog, tinatanaw niya ang maingay na agos ng tubig mula rito.
Nais niyang mapag-isa, pagbulaybulayan ang suliranin sa kaniyang puso.
Lingid sa kaalaman ng dalaga ay pumunta si Lorenzo sa kanilang tahanan, labis siyang binabagabag sa nakita tatlong araw na ang nakararaan kung kaya't nais niyang dalawin at kamustahin si Carina, hindi man sila magkaibigan o labis na magkakilala.
Napag-alaman ni Lorenzo mula kay Ursula na pumunta si Carina sa tabing ilog upang magpahangin, itinuro rin ni Ursula ang direksyon papunta sa ilog dahilan upang hindi mahirapan si Lorenzo na marating ang nasabing lugar.
Mula sa malayo ay natatanaw niya na ang dalaga na nakahalukipkip sa sarili nitong mga paa, 'di niya tunay na batid kung ito ba ay nahihimbing o kaya nama'y humihikbi.
Nang marating niya ang kinauupuan ng dalaga ay inilahad niya ang isang panyo rito. Nakita ni Carina ang mga sapatos sa kaniyang harapan kung kaya't napatingala siya sa lalaking nakatayo sa kanyang harap, ito ay may hawak na puting panyo at inilalahad sa kaniya.
"Iyong kinikimkim ang mga suliranin ng mag-isa." wika ni Lorenzo, hindi naman mawari ng dalaga ang gagawin, kung kukunin ba ang panyo o hindi?
Walang nagawa si Carina kun'di kunin na lamang ang panyo, "Suliranin?" sabi nito. "Ako'y napuwing lamang." tumayo na siya saka pinagpagan ang magkabilang saya.
"Ito na yata ang pangalawang pagkakataon na makita kitang umiiya— napuwing." natatawa na ang binata sa palusot na mga tugon ng dalaga, pinagagaan niya rin ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibiro.
"Noong gabing iyon, bago namin lisanin ang inyong tahanan, nakita kitang umiiyak. Kung ano mang suliranin ang bumabagabag sa iyo, nawa'y mapanatag ka Binibini." humarap na si Lorenzo sa ilog.
Mas lalong nadurog ang puso ni Carina, naaalala niya, hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang nakita matapos silang maghiwa-hiwalay sa daan ng kaniyang mga kaibigan, noong hapon ding iyon, nang muntikan na siyang manakawan at saktan ng mga kawatan...
𝑀𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑘𝑖𝑝𝑠𝑖𝑙𝑖𝑚 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑠𝑖𝑦𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔ℎ𝑖𝑤𝑎-ℎ𝑖𝑤𝑎𝑙𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑎𝑡 𝑢𝑚𝑢𝑤𝑖, 𝑛𝑎𝑢𝑛𝑎 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎 𝐽𝑜𝑠𝑒𝑓𝑎 𝑎𝑡 𝐽𝑢𝑙𝑖𝑎𝑛𝑎 𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑖 𝐶𝑎𝑟𝑖𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑙𝑒𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑑𝑜 𝑠𝑎𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎.
𝑆𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑔-𝑎𝑎𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑦 𝑠𝑖𝑚𝑏𝑎ℎ𝑎𝑛, 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑎'𝑡 𝑛𝑎𝑖𝑠𝑖𝑝𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑙𝑎𝑘𝑎𝑑𝑙𝑎𝑘𝑎𝑑 𝑠𝑎𝑔𝑙𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑙𝑖𝑔𝑖𝑑 ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦.
𝐵𝑎𝑔𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑝𝑢𝑚𝑖ℎ𝑖𝑡 𝑝𝑎𝑡𝑢𝑛𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑛𝑜 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑎𝑏𝑜𝑡 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑟𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑚𝑏𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡𝑖 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠𝑖𝑙𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑦𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑖𝑏𝑎'𝑡 𝑖𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑢𝑙𝑎𝑘𝑙𝑎𝑘 𝑛𝑔𝑢𝑛𝑖𝑡 𝑏𝑖𝑔𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑤𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑛𝑔𝑖𝑡𝑖 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑏𝑖, 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑝𝑎ℎ𝑖𝑛𝑡𝑜 𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛. 𝑁𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛, 𝑠𝑖 𝐶𝑎𝑟𝑙𝑜𝑠 𝑎𝑡 𝐽𝑜𝑠𝑒𝑓𝑎 𝑎𝑦 ℎ𝑎𝑤𝑎𝑘 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑏𝑖𝑛𝑎𝑏𝑎𝑦𝑏𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑟𝑑𝑖𝑛.
𝑁𝑎𝑑𝑢𝑟𝑜𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎.
𝐿𝑖𝑛𝑔𝑖𝑑 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑖𝑚𝑘𝑖𝑚, 𝑠𝑖 𝐶𝑎𝑟𝑙𝑜𝑠 𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑖𝑠 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑖𝑛𝑡𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑦 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑝𝑢𝑝𝑤𝑒𝑑𝑒 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑛𝑖𝑦𝑎, 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑠𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛.
𝑆𝑖 𝐶𝑎𝑟𝑙𝑜𝑠 𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑏𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎 𝑛𝑖 𝐶𝑎𝑟𝑖𝑛𝑎, 𝑚𝑎𝑑𝑎𝑙𝑎𝑠 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎 𝑛𝑖𝑛𝑎 𝐶𝑎𝑡𝑟𝑖𝑛𝑎 𝑎𝑡 𝐶𝑎𝑟𝑖𝑛𝑎 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑜𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑠𝑙𝑖𝑡 𝑝𝑎 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑙𝑎, 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎 𝐸𝑠𝑡𝑟𝑒𝑙𝑙𝑎 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑎'𝑡 ℎ𝑎𝑙𝑜𝑠 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑟𝑖𝑛 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑟𝑖𝑡𝑜, 𝑚𝑎𝑏𝑎𝑖𝑡 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑚𝑜𝑟𝑒𝑛𝑜, 𝑖𝑠𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑒𝑟𝑝𝑒𝑘𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑖𝑛𝑡𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑎'𝑡 '𝑑𝑖 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑢𝑛𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑛𝑎ℎ𝑢𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑛𝑖 𝐶𝑎𝑟𝑖𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑦𝑎.
Agad na hinawi ng dalaga ang mga luhang balak magpumiglas sa kaniyang mga mata, samantalang payapang pinagmamasdan naman ni Lorenzo ang maingay na agos ng ilog.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Ursula, "Señorita, pinapatawag ho kayo ng inyong ama—" napatingin si Carina sa kaniyang likuran kung nasaan ngayon si Ursula.
"Ursula, hanggang kailan ko ba sa'yo ipaaalalang 'di ko ibig na tawagin mo akong señorita. Ito'y iyong labis na nakaliligtaan, ikaw ay para na ring kapatid saakin." wika ng dalaga sa malumanay na pamamaraan, araw-araw niya itong ipinaaalala kay Ursula ngunit sa pakiwari ng katulong ay wala siyang karapatang tawagin ang señorita sa mismo nitong ngalan.
Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig si Lorenzo sa kanilang usapan, natutuwa siya na sa kabila ng pagiging asal maldita ni Carina ay mayroon din pala itong mabuting puso.
"Paumanhin po." napayuko si Ursula.
"Oh siya, ano nga pala ang iyong pakay? Ako'y ipinatatawag ni ama dahil..?" patuloy naman ni Carina.
"Dahil dumating ho si señorito Carlos, wala ang inyong kapatid at paalis naman ang iyong mga magulang kung kaya't ikaw raw ho ang sumalubong sa inyong panauhin." mahabang tugon naman ni Ursula, nag-iba ang reaksyon ni Carina.
Hindi pa niya ibig na makita ang kaibigan.
Napansin ni Lorenzo ang pag-iba ng reaksyon ni Carina, kung kaya't imbes na umuwi na ay mas ninais niya munang tagalan ang pamamalagi sa bahay nina Carina.
"Iyong sabihin na wala ako sa bahay." muling wika ni Carina.
"Ngunit nasabi na ho ng inyong ama na narito lamang kayo sa ilog. Akin ho bang papupuntahin na lang din dito si Señorito Carlo—" naputol sa pagsasalita si Ursula.
"H-Huwag, pakisabi na masama ang aking pakiramdam. Hindi ko siya mahaharap." pamimilit pa ni Carina. Napapakibit balikat na lamang si Lorenzo sa kaniyang naririnig.
"Mag-aalala ho ang Señorito. Inyo hong nalalaman na nag-aaral siya bilang isang doktor, higit na maaari ay pwede ka namang magpasuri sa iyong kaibigan, Señorita." pagpapaliwanag pa ni Ursula, napahawak na lamang sa kaniyang noo si Carina, napatikhim naman si Lorenzo.
Napatingin sa kaniya ang dalawang dalaga, kanilang nakaligtaan na narito pa pala ang binata.
"Oh siya sige, ako'y susunod." iyon na lamang ang kaniyang nasabi, saka mabilis na bumalik si Ursula sa bahay.
Napatingin si Carina sa kinaroroonan ni Lorenzo, payapa pa rin itong nakaharap sa ilog.
"Ako'y mauuna na ginoo." akmang ipipihit niya na ang mga paa patalikod nang magsalita ang binata.
"Lorenzo." napatingin ang dalaga sa tinuran ni Lorenzo.
"Lorenzo na lamang ang iyong itawag saakin." napaharap muna siya sa binata, nakita niyang inilalahad nito ang kaniyang kamay.
Bilang paggalang ay nakipagkamay siya rito, "Kung gayon ay maaari mo rin akong tawaging Carina." matapos iyon ay nauna nang umalis si Carina sa ilog, saka naman sumunod si Lorenzo.
𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 metro mula sa ilog ay narating na ni Carina ang kanilang tahanan, malayo pa lamang ay naabot na ng kaniyang balintataw ang isang binatang nakatindig sa tapat ng hardin ng kaniyang ina. Lumapit siya rito saka nagwikang, "Ano ang iyong pakay, Carlos?" napatingin naman si Carlos sa kaniyang likuran kung saan narinig niyang nagsalita ang kaibigan.
"Magandang hapon Carina, ako'y napadaan lamang 'pagkat ako'y nagtungo sa aming sakahan." sagot naman ni Carlos.
"Ako'y mangungumusta lamang..." patuloy niya ngunit napatingin siya sa likuran ni Carina kung saan naglalakad si Lorenzo. "Sino ang lalaking iyan? Tila ngayon ko pa lamang siya nakita rito." tanong niya sa kaibigan.
"Anak ng kaibigan ni Ama." walang ganang tugon ni Carina. Napatango naman si Carlos.
"Señorita, handa na ho ang mesa sa azotea." magalang na wika ng kasambahay, sumenyas lamang si Carina gamit ang kaniyang kamay.
"Huwag na kayong mag-abala pa 'pagkat ako'y mauuna na, paano ba 'yan ikamusta mo na lamang ako sa iyong kapatid." ibinaba na ni Carlos ang kaniyang sombrero bilang paggalang sa dalaga, siyang sakto namang paglapit sa kanila ni Lorenzo.
Nagkatinginan silang tatlo, "A-Ah siya nga pala Carlos, si Lorenzo anak ni Don Santiago Alonso. At Lorenzo, si Carlos ang aking kaibigan." nagkamay ang dalawang binata.
"Masaya akong makilala ka, Lorenzo." ani Carlos, ngumisi lamang ng marahan ang binata bilang tugon.
"Oh siya, Carina ako'y mauuna na, 'pagkat ako'y tutungo pa sa tahanan ng pamilya Fernandez." pagpapaalam ni Carlos, saka itinapat ang sombrero sa kaniyang dibdib.
"Ako'y tutungo na rin Carina. Nawa'y maging payapa ang iyong isipan." pagpapaalam din ni Lorenzo. Ngumiti lamang si Carina at sabay pinagmasdan ang dalawang binata na kapwa nakasakay sa kani-kanilang kabayo papalabas sa kanilang hacienda.
Nakita niya ring papasok na sa kanilang hacienda ang kalesa kung saan nakasakay ang kaniyang kapatid na si Catrina. Malayo pa ay kumakaway na ito kay Carina.
Nang makababa ay agad siyang lumapit sa kapatid na ngayo'y nakasandal na parang pagod sa kanilang tarangkahan.
"Tila kaaalis lamang ng iyong mga panauhin kapatid." tumango lamang ng marahan si Carina saka tumalikod na.
Agad siyang hinabol ng magiliw na si Catrina, "Ano sa iyong palagay si Ginoong Lorenzo?" napatingin sa kaniya si Carina.
Kunot-noo itong sumagot sa kapatid, "Ano ang iyong nais iparating?" sabi nito.
"Hmm. Tila nakapagluto na agad ng meryenda si Manang Rosing." napailing na lamang si Carina ng ibahin ni Catrina ang usapan, umakyat na siya sa kaniyang kwarto.
𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍, pagpasok ni Carina sa paaralan ay masaya siyang sinalubong ng kaniyang mga kaibigan. Halatang iba ang kaniyang naging pakikitungo kay Josefa dahilan upang labis na magtaka ang kaibigan.
Masakit man ngunit pinilit niya na lamang na unawain ang sitwasyon. Ayaw niyang parehong mawala ang pinagsamahan nila ni Josefa at pati na rin ni Carlos.
Tulad ng dati ay nagliwaliw na muna sina Josefa, Juliana, at Carina bago magsiuwian at gaya ng hapon ding iyon ay nagpaiwan uli si Carina sa tapat ng simbahan kung saan niya aantayin ang kaniyang kutsero.
Natagpuan niya na lamang ang sariling naglalakad patungo sa hardin ng simbahan, sa 'di malamang dahilan ay tila may nag-uudyok sa kaniyang lumapit dito.
Tila lumamig ang pagdampi ng hangin, pumipiit na parang naiipit ang tunog ng mga kawayan at kapwa naglagas ang iba't ibang dahon mula sa mga puno. Nadurog ang kaniyang puso ng masaksihan ang isa na namang labis niyang kinatatakutan.
Sa isang sulok ng halamanan ay waring magkayakap si Carlos at Josefa. Kapwa dinadama ang pintig ng puso ng bawat isa, at masayang nagsasalo sa tamis ng tunay nilang pag-ibig.
Samantala, napahawak na lamang si Carina sa tapat ng kaniyang puso, mula sa pagkadurog ay ganap na itong nawasak ng poot. Unti-unting pumapatak ang luha na kanina pang pinipilit na takasan, napapaatras ng dahan-dahan ngunit makailang hakbang pa lamang paatras ay tahasang may humarang ng kaniyang palad sa mga mata ng dalaga dahilan upang hindi niya na makita ang magsing-irog na mga kaibigan.
Nakatapat ang palad ng isang lalaki sa kaniyang mga mata, siya ay nagimbal ngunit 'di man lamang nakaramdam ng takot.
"Ang pag-ibig ay hindi matatawag na pag-ibig kung hindi naman tugma tulad ng isang tula." napaharap na lamang si Carina nang makilala ang tinig ng binata.
—
rieteratura