Southland Club Series 1: Lovers

Southland Club Series 1: Lovers

By: Rosenbloom1995

5.0K
views
10
Chapters
Completed
Status

Southland Club Series 1: Lovers is a completed urban novel by Rosenbloom1995 with 10 chapters, available to read online on Daisy Novel. Latest chapter added September 14, 2022.

Synopsis

Marina Kendrick the ultimate Emperador Queen, the hottest Playboy model, Kusinera, Labandera, Plantsadora, Flight Attendant sa NAIA. She was athlete but single since break to Anthony Andrade.

Isang gabi isang lalake ang nagpaiba ng pananaw niya tungkol sa pagibig. Noong una hindi pa niya maamin ang mumunting pagtingin sa binata. Pero habang magkasama sila ay unti-unting umuusbong ang nararamdaman niya para dito.

Facundo Gutyerrez, no boyfriend este girlfriend since birth. Sa kisig at kagwapuhan ng binata hindi mo aakalain ang kalamyaan nito hanggang sa makilala niya si Marina. Lahat nagbago. Pati ang status nito. Unidentified to Male Gender.

Pero paano nalang ang buhay kong mawawala si Marina. Ano na lamang ang kahihinatnan ng buhay ni Facundo Delrosario Gutyerrez kung ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso’y mawawala nalang na parang bula.

Read the first chapter

Chapter 1: Facundo Delrosario Gutyerrez

"Yes, Mr. Gutyerrez. What can I do for you."

Sabi ng receptionist kay Cundo. Ito ang araw na kaniyang pinakahihintay. Sa wakas miyembro na siya ng Southland.

"Gusto ko sana magstay ng 14 days sa bungalow ko."

Yes. Bawat miyembro mamimili ng titirhan nito. At napili niya sa bungalow. Halos lahat kasi iyon ang pinipili dahil presko. At talagang maeenjoy mo ang view.

"Sir, may kasama ho ba kayo?".

Medyu tumaas ang kaniyang kilay.

" Sorry sir."

Alam na agad ng receptionist kung anong ibig sabihin ng pagtaas ng kaniyang kilay. Alam niya na madalas siyang magtaray kaysa magpakita ng ikakikilig ng mga kababaihan o ikatutuwa ng kaniyang kapwa.

"14 days lang ako. At please lang wala akong magiging guest in 14 days kaya pakiusap ayokong masira ang pagiistay ko dito."

Pagsusungit niya. Umalis na siya agad-agad. At dumiretso sa kaniyang kotse papasok ng Southland. Halos malaki na ang pinagbago ng lugar simula nang official na nagbukas ito.

"Southland, bakit lalo ka pang gumaganda habang tumatagal."

Paghanga niya sa lugar. Iilan pa lamang ang bahay na alam niyang mayayaman talaga ang miyembro. Manghang-mangha siya sa galing nang pagkakadesinyo ng mga bahay sa club na ito. May mga member na din siyang kilala. Wala pa lamang silang official na members.

Siya, ang una. Isa siyang artista at the same time model ng mga sikat na brand ng damit at sapatos, at may sariling factory ng mga damit para sa artista at kilala sa lipunan. 

Ikalawa si Zanne, CEO ng BPO Company. Actor and Model.

Ikatlo, Drew Perri Christian. Isa siyang Captain. Sa basketball at sa air force. Piloto din at the same time.

Ikaapat, Jamesy Pavel Tirosi Novotny. Singer, Model, at Mekaniko.

Ikalima, Denis Felipe Tirosi Gusev. May-ari ng Bar, Nightclub. Photographer at pinsan ni Jamesy. Magkapatid ang mama nila.

Ikaanim. Hedge Leaguer London. Gym lover. Chef.

Ikapito, Andrei Claude wala siyang middle initial kasi apelyedo ng mama niya ang gamit niya isa siya magaling at sikat na pintor. Isa din siyang piyanista. Doctor ng club.

Ikawalo, Paul Harrison Christian Wayne. Dakilang Businessman, CEO ng sikat na mga Gudget sa Moscow, Spain at England.

Lahat ng miyembro ng club ng ito mga gwapo. Hindi ko lang alam kung lahat tunay na lalake. Dahil ako until now unidentified pa din ang kasarian ko. Sige tumawa kayo. Di ko naman kayo naririnig. Hindi ko pa kasi nararanasan magmahal. Unlike the other playboys of this club. Ako yata ang pinakatigang. I'm already 30 years old. Ever since hindi pa ako nagkakagirlfriend. Wala hindi ko kasi type. Spell choosy F-A-C-U-N-D-O, yeah it's me. Cundo for short. Gutyerrez in formal. Ayoko sa lahat yung slow. Yung aanga-anga.

"Woahhh I miss this room".

Before kasi hindi pa siya official na member. Pinatry na sa kanilang walo ang bawat unit na mapipili nila. And he miss his room so much. Walang nagbago sa lugar. Malinis na malinis pa din at sobrang elegante ng bawat detalye ng unit niya. Napakaganda, at napakalamig ng paligid.

" Nakakapagod ang buong taon ko na bahay, negosyo, bar, shooting at pictorial. Sa wakas. Nagkaroon na din ng bakasyon. Masosolo na kita."

Sabay yakap sa throw pillow. Hindi niya malaman kung paanong pagsasaya ang gagawin niya. Dahil biglang may babaeng pumasok sa bungalow niya. May hawak pa itong long neck.  At nakaswim suit attire ito habang basang-basa ang katawan. Hindi niya malaman kung paanong nagkaroon ng babaeng walwalera sa club nila. Dahil ang club na ito official lamang para sa mga lalake. Liban na lamang kung may asawa na. Maniwala pa siya na may babae na nga sa club.

"Anthony. Ano bang ginawa ko saiyo? Bakit mo ko niloko. Binigay ko naman lahat ng best ko para lang mahalin mo ko. Bakit naman ganito. Pinagpalit mo pa din ako sa walang kwentang kaibigan ko. Dingdong  mo kilala mo ba parents ko papashut-gun kita sa tatay ko hayop kang kumag ka. Huhu namimiss na kita kahit kupal ka mahal pa din kitang Dingdong-ina ka".

More by Rosenbloom1995

View all

You may also like

Urban

Sign in to join the discussion