Chapter 4: The Mansion

“I’ll be away for a week, don’t try to escape again” ani Thao bago talikuran ang dalaga at magsimulang maglakad.

“Sandali” pagtawag nito sa atensiyon ng lalake. Huminto naman ito at nilingon si Celine.

“Pwede ba ako maglibot dito?” tanong ni Celine habang nakatingin kay Thao. Hindi maipagkakaila ng dalaga that she feels intimidated by Thao ngunit kahit ganoon ay sinusubukan niya pa rin ipakita that no one can intimidate her.

Thao knows this, he knows that Celine is struggling to look him in the eyes. He was impressed by this.

“Pwede naman, but you still can’t go out of the mansion kung binabalak mo nanaman tumakas” Thao said before turning his back on her again and walking away.

Celine was left there, staring at Thao’s back until it had vanished and was replaced by a big door. Mukhang nabasa ni Thao ang nasa isip ni Celine kaya inunahan na niya ito.

Celine also feels tired of constantly trying to escape. It has been a week nang makauwi sila ni Thao galing sa probinsiya. At sa isang linggo na ‘yon ay paulit-ulit siyang tumatakas.

“Ms. Celine, kumain na po kayo. Nakahanda na ang pagkain ninyo” Celine turned her attention to her side.

A maid who looks like in her mid 30s came for her. Nakatayo ito at nakangiti na nakatingin sa kaniya.

“Tara na po” pag- aaya nito at hinaya ang dalaga papunta sa dining area.

“Kakain din ba kayo?” tanong ni Celine sa mga nakatayong katulong.

“Hindi po, ipinahanda po ito ni Sir Thao para sa inyo” sagot ng babae na nasa gilid niya.

Tinignan ng dalaga ang nasa lamesa, sobrang daming pagkain ang nakahain sa lamesa. Halata na hindi niya ito makakain lahat. Mabuti sana kung itatabi ng mga ito ang pagkain na hindi niya naubos.

Magsasalita pa sana ang dalaga ng umalingawngaw ang isang pamilyar na boses sa kwarto. Lahat sila ay napatingin sa kakapasok lang na si Phoenix. Sa likod naman nito ay si Eden na halatang iritado sa boses nito.

“I really missed you” ngiting aso na bati nito kay Celine.

Phoenix extended his arm to hug Celine ngunit may humila mula sa likod nito.

“Hands off” simpleng sita ni Eden mula sa likod nito.

Naglakad ito papunta sa harapan ni Celine, with Phoenix glaring beside him.

“Have you eaten already?” tanong ni Eden nang makaharap nito ang dalaga.

“Kakain pa lang” ani Celine bago maglakad sa mahabang lamesa.

“Sabay na ako, nagugutom na rin ako” Phoenix said in a joyful tone before following Celine and sitting beside her.

“How’s your wound?” pagkumusta ni Eden.

The servants starts to place different kind of food sa plato ng tatlo. Celine find it unusual and uncomfortable dahil sanay ito sa buhay na siya ang gumagawa ng lahat para sa sarili niya.

“Medyo gumagaling naman na” sagot ni Celine at tinignan ang balikat na nadaplisan ng bala.

“Good to know” Eden paused.

“Phoenix already shop for your clothes while the two of you were away” pag-imporma nito.

“We’re really alarmed nang mawala ka sa mall when the shoot out happened” Phoenix said, referring the scene from the mall.

“I really thought we’re going to die” dagdag pa nito and chuckled on his own.

“Phoenix, the only reason that you’ll die is you touching Celine” ani Eden kay Phoenix at sumubo ng pagkain.

“Wala naman akong balak kay Celine” Phoenix said in an almost child’s tone.

Eden sighed in annoyance before averting his gaze on Celine na ngayon ay tahimik na kumakain.

“Celine, you’re safe here. Mas mapanganib sa labas ng mansion” saad ni Eden, dahilan para mapatingin sa kaniya ang dalaga.

“How can I be safe when the owner of this mansion killed people infront of me”

After Thao informed her indirectly that he killed the loan sharks infront of her, she feels unsafe dahil pumapasok sa isip na ‘to that Thao can kill her anytime.

She wants to take her own life noon when Thao and Thao’s men were chasing her but she doesn’t want to die sa kamay ni Thao. She’d rather die on her own, ngunit ngayon ay hindi niya ito maisip na gawin.

She felt a sudden shift of aura sa dalawang lalake na kasama niya.

“Thao kills cruel people, not good ones” saad ni Phoenix sa tabi niya. Phoenix tone became serious nang sinabi niya ‘yon.

“Celine, believe us kapag sinabi namin na ligtas ka rito” Eden said in a serious yet gentle tone, careful to not intimidate Celine.

“Hindi naman ako kilala ng kung sino man and Thao already killed the loan sharks that had been chasing me. I can live peacefully” Celine said.

“Lahat ng mukha na nakikita ng mga kaaway na konektado kay Thao ay pinaghahanap at pinapatay” Phoenix said casually.

Nakaramdam nang kaunting kaba si Celine ngunit pinipilit nito na baka tinatakot lamang siya ni Phoenix para lamang hindi ito magtangkang tumakas.

“I’m not scaring you, no one is allowed to go out carelessly sa mansion aside from the body guards and us” dagdag pa ni Phoenix

She glanced at Eden, Eden just gave her a nod. Telling her that Phoenix is right.

Bago pa man muling makapagsalita si Celine ay tumunog ang cellphone ni Phoenix.

Phoenix leaned on the chair as he answers the phone.

“Chill, alright. Will be there” Phoenix said while chuckling before hanging up.

“We need to go” Phoenix informed Eden.

Tumayo na ang dalawa at inayos ang mga polo na suot. Phoenix looked on her and smiled.

“You’ll be safe here, Princess” he said before patting Celine’s head and turning to walk away.

“We’ll see you later” paalam ni Eden bago sundan si Phoenix na naglalakad na paalis ng dining area.

Nang mawala ang mga ito sa paningin ni Celine ay ibinaling ng dalaga ang tingin sa mga pagkain sa lamesa. Kahit pa na sumabay sina Eden at Phoenix sa pagkain ay marami pa rin ang natira. Busog na rin ang dalaga ngunit nasasayangan naman ito sa mga pagkain na nakalatag sa hapag kainan.

“Hindi po masasayang ang mga pagkain” the maid informed as if she can read her mind

Celine felt a sigh of relief. Nag-aalala ang dalaga na baka pati ang pagkain ay ipilit na ipaubos sa kaniya and that Thao will be mad at her kapag hindi niya ito inubos lahat.

“Pakilinis na ang lamesa, ihahatid ko na si Ms. Celine sa kwarto niya” mula sa gilid ay lumabas ang ‘tila mayor doma ng mansion.

Iba ang uniform nito kaysa ibang katulong. Hindi ito ganoon katanda, mukha nga na matanda lamang ito ng kaunti sa katulong na sumama kay Celine kanina papunta sa dining area.

Tumayo na si Celine at sumabay sa katulong na naglalakad na palabas ng dining room.

“Tawaging mo na lang akong Mai” the maid said in a soft tone.

Bahagyang nagulat si Celine sa pag-iiba ng tono nito. Parang kanina lamang ay may awtoridad at nakakatakot ang tono ng utusan ang mga katulong ngunit ngayon ay para itong isang mahinhin na babae.

“Maniwala ka sa sinasabi nina Sir Eden at Sir Phoenix” salita nito bago pa man muling makapagsalita si Celine.

Habang umaakyat ang dalawa ay hindi mapigilan ni Celine na mapatingin sa nakasabit na malaking portrait sa gilid.

It’s a picture of Thao and an older guy. Mukha tatay ito ni Thao. May katandaan nang tignan ang lalake na katabi ni Thao. Hindi magkamukha ang dalawa ngunit malakas ang kutob ni Celine na mag-ama.

“Hindi ka makakaalis ng mansion unless kaya mong ipagtanggol ang sarili mo” muling nagsalita si Mai, dahilan para tignan siya ng dalaga.

“Ano po ang ibig niyong sabihin?” nagtatakang tanong ni Celine.

“Sa oras na lumabas ka ng mansion at nakita ng mga kalaban ang mukha mo, hindi sila magdadalawang isip na patayin ka” pareho ang sinasabi nito sa sinasabi ni Phoenix.

Ngunit hindi nagsalita si Celine, bagkus ay hinayaan nito na magsalita lamang si Mai.

“Walang pakialam si Sir Thao kung lalabas kami ng mansion o hindi. May mga ibang nakalabas nang nakatakip ang buong katawan para hindi makita ng mga kalaban. Ngunit ilang araw lamang ay namatay ang mga ito” she paused

“Sa pagpasok dito ay pinili namin na itanim sa utak ng mga maiiwan namin sa labas na patay na kami. Ang mga sahod ay ipinapadala namin gamit ang cellphone. We just accepted the fact that our lives will rotate here”

Bahagyang nalungkot si Celine at nag-alala para sa sariling buhay at buhay ng mga tao sa mansion.

“Pero kahit na ganun, nagpapasalamat pa rin kami. Dahil kahit na may umatake rito ay protektado kami ni Sir Thao. Sir Thao won’t let anyone die sa loob ng mansion niya. Mabait siya but he’s cruel when it comes to his enemies” dagdag pa ni Mai.

“Alam mo ba nang gabi na umuwi si Sir Thao rito na basang-basa, puro mura at halos magwala na siya” Nangunot ang noo ni Celine sa narinig.

Iniisip nito ang gabing sinasabi ni Mai ay ang gabi na tumalon siya sa bangin and it’s a miracle that she survived. Is it because she almost die sa harap ni Thao? Or is Thao frustrated because of her?

“Bakit?” simpleng tanong ni Celine.

“Aksidente kong narinig ang pinag-uusapan nila” lumingon muna ito, as if she was making sure that no one is around.

“Ang sabi niya ay habang hinahabol nila ang babae ay may nakakitang kalaban sa mga ito, hindi lang si Sir Thao ang nakita ng mga ito ngunit pati ang mukha nito. Doon ko nalaman na ikaw ‘yon dahil nabanggit ni Sir Thao ang pangalan mo. You were all stopped by the enemies as they were escorting you to the car. Napatay ang ilan sa kanila ngunit may isang nakatakas, and Sir Thao knows that your face have been reported to their boss” mahabang litanya nito.

Celine can’t believe what she just heared. Iyon pala ang ibig sabihin ni Phoenix sa kaniya kanina.

“At ‘yung shoot out na nangyari sa mall noong nakaraang linggo, it’s not just an ordinary robbery and hostage. Isa sa kanila ay parte ng kalaban ni Sir Thao at natunugan nito na kasama ka nina Eden sa mall kaya gumawa ito ng plano para magkagulo ang nasa mall at paalisin sina Eden at Phoenix sa tabi mo” dagdag pa nito.

Celine feels scared for her life. Natatakot ito na baka isang tapak niya lamang sa labas ng mansion ay bumaril sa ulo niya.

“Hindi kita tinatakot, but in Sir Thao’s mansion. You’re safe” bahagyang ngumiti si Mai bago ito talikuran nang marating nila ang pinto ng kwarto ni Celine.

Tinignan ni Celine ang pinto ng kwarto bago tumalikod at naglakad sa kung anong direksyon.

She needs to clear up her mind sa mga narinig. Nawawalan na siya ng plano dahil sa mga narinig.

Ilang minuto rin itong naglakad hanggang sa makadiskubre siya ng hagdan na pababa. Buong akala ng dalaga ay patungo ito sa kusina. Ngunit habang bumababa ay may liwanag itong nakikita.

Nang makababa ay doon niya lang napagtanto na daanan pala ito papunta sa likod ng mansion.

Binuksan niya glass door, tumambad sa dalaga ang mataas na pader na siyang nagpoprotekta sa mansyon.

Kahit ganoon ay maganda pa rin ang likod ng mansyon, puno ito ng mga bulaklak. Sa may bandang kaliwa ay may fountain, nakalagay ang isang mahabang upuan sa harapan nito.

Naglakad si Celine sa labas habang banayad na hinahawakan ang mga bulaklak. Maaraw at banayad ang simoy ng hangin. Celine feels at ease nang madama ang simoy ng hangin at tama ng araw sa kaniyang katawan.

Naalala nito ang mga araw na ipinapasyal siya ng ina sa parke, lalo na sa garden. She feels comfortable in her mother’s presence at ngayon niya lang iyon muling naramdaman.

Ngunit napatigil ito sa paglalakad nang may mapansin na lalakeng nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. Iisipin niya sana na isa ito sa mga body guards na nakabantay sa mansyon ngunit nakita nito na kaswal ang suot ng lalake at may hawak na baril sa gilid.

Unti-unting naglakad palapit sa kaniya ang lalake, nagsimulang umatras si Celine nang maaninag nito ang ekspresyon ng lalake. ‘Tila isang demonyo itong nakangiti sa kaniya habang naglalakad papalapit. Mabilis ito maglakad dahil ilang segundo lang ay nasa harapan na ito ni Celine.

“Ikaw pala si Celine” nakangiting panimula nito.

Hinawakan nito si Celine sa braso at hinigpitan sapat na para mapangiwi ang dalaga sa sakit.

“Base sa suot mo, hindi ka katulong dito” saad nito ng pasadahan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Nakasuot ng puting bestida ang dalaga na lagpas tuhod at malayong-malayo ito sa uniporme ng mga katulong.

“Ngayon ko lang nakitang nagdala ng babae si Thao dito kaya sigurado ako na importante ka sa kaniya” saad muli ng lalake na animoy may balak na hindi maganda.

“Bitawan mo’ko” seryosong utos ni Celine dito habang sinusubukan alisin ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso.

“Ano kaya ang magiging reaksyon ni Thao pag nakita niyang duguan ka sa bakuran niya?”

Itinaas nito ang baril na hawak niya at itinutok sa mismong ulo ni Celine.

“Hindi ko na patatagalin”

“Bye-bye” pang-aasar nito.

Ipinikit ni Celine ang mga mata ng makarinig ito ng putok ng baril. Nakakabingi ang putok ng baril na malapit sa kaniya.

Kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagbagsak ni Celine sa semento nang may tumutulong dugo mula sa mukha nito.