Chapter 23: Older brother?
CELYN'S POV:
--
IT'S been a week since I woke up and Liezel didn't leave my side even if my Mom tried to shoo her away but I didn't allow it.
"Mom walang kasalanan si Liezel sa mga nangyari sa akin kaya pwede po bang tantanan niyo ang kaibigan ko? Her and Kasti is the only treasure I have even you so please understand me, okay?" wika ko kay Mommy na tila stress na nang madatnan nito si Liezel sa kwarto ko dito sa ospital.
Okay na rin naman ako at walang bakas ng kahit anong tahi ang katawan ko. Maganda ang facility ng L. A Hospital maging ang way ng pag gagamot ni Doc Gun - sobrang high tech.
"Minsan na akong nagtiwala sa mga itinuring kong kaibigan pero sila lang rin ang nagpahamak sa akin. Tignan mo ang nangyari sa amin ng Daddy mo!?"
Tinignan ko si Mommy at ang lalaking katabi nito na pinipigilan siya sa galit nito sa kaibigan ko. Mom introduced him to me as my father at masasabi kong siya nga ang Daddy ko dahil magkahawig kaming dalawa.
"Your story and mine are different. Labas ang mga kaibigan ko sa mga nangyari sa inyo ni Dad kaya huwag mong idadamay ang kaibigan ko dahil ako ang higit na nakakakilala sa kanila. Araw-araw ba natin itong pag-aawayan Ma?" naiinis na wika ko.
Lumapit sa akin si Liezel at hinawakan ang balikat ko. "Tama na Celyn, okay lang naman ako eh. Tyaka thank you for trusting me kahit na tinataboy ako ni Tita, bestfriend pa rin tayo." ani ni Liezel.
Padabog na naglakad si Mommy palabas ng kwarto ko at hinayaan naman ito ni Dad.
"Your Mom suffered a lot because of me." panimula ni Dad bago isinuksok ang kamay nito sa sariling bulsa habang nakatingin sa amin ni Liezel.
"I do understand your situation Dad pero hindi naman pwedeng itulad ni Mommy ang mga kaibigan ko sa mga taong nakakasalamuha niya. Ngayon na lang rin kayo nagkasama ulit." sagot ko.
"You're not mad at me for leaving you behind?" bakas sa boses ni Dad ang hiya pero nanatiling seryoso ang mukha nito. He's like Calvin everytime he did that kind of gestures.
"Hindi po. Though I wanted to know behind the story of the both of you but I have lots of works to do na naiwan ko po sa CDC."
A smile formed on his lips as he sat down at the edge of my bed. "Kapag nakalabas ka na dito sa ospital, I will introduce you to the world as my daughter and the only heir of my properties. You don't have to beg of your Mom inheritance at Bautista state. I have lots of it with the help of my son."
Kumunot ang noo ko.
"May kapatid po ako?" usisa ko.
"He's years older than you though you meet him already. Hindi siya dumadalaw dito right?"
Dinamba ako ng kaba at excitement. Matagal ko ng pangarap na magkaroon ako ng kapatid and it turns out na magiging Kuya ko siya.
"When should I met him?" bakas sa boses ko ang pagka-excite.
"After your discharge. I talked to Doc Gun and he says you can go home anytime you want."
"Gusto ko na pong umuwi sa bahay Dad."
Lumapat ang kamay ni Daddy sa ibabaw ng ulo ko at ginulo ang aking buhok.
"I know. We'll be back later so fix yourself."
Tumayo na si Dad mula sa pagkakaupo sa dulo ng kama ko at naglakad palabas ng kwarto ko at kami na lang ni Liezel ang naiwan.
Napalingon ako nang biglang bumagsak sa sahig si Liezel.
"Hoy anong nangyari sayo!?" usisa ko kay Liezel at nagmamadaling bumaba ako ng kama ko para alalayan si Liezel na makatayo.
"Nakakatakot si Tita. Hindi ko alam kung bakit ang lalim ng galit niya sa amin ni Kastiel though I understand her naman kung may malalim nga siyang pinanghuhugutan." wika nito bago nagpaubayang dalhin ko siya sa kama ko at magkaharap kaming nakaupo sa ibabaw nun.
"Secretive masyado si Mommy, kahit ako ay naguguluhan sa kanya. Bumalik na si Dad sa amin at sa tingin ko sa pamilya ni Mommy siya namomroblema."
"Bakit naman?"
"Sa pagkakaalam ko tinakwil si Mommy ng sarili niyang pamilya nang mabuntis siya ni Dad. Ang masaklap pa si Mommy lang ang mag-isang nagtaguyod sa akin at lagi siyang ginugulo ni Tito Cecillion sa ibang bagay lalo na kung tungkol sa pamilya nila."
"Darating naman ang panahon na magkakaayos sila eh. Pero masyadong mataas ang pride ng mga Bautista." makahulugang wika ni Liezel habang nakatingin ito sa akin.
Lumagapak ang kamay ko sa braso niya dahilan para humalakhak ito ng tawa. "Alam ko ang ibig mong sabihin pero wala sa dugo ko ang pagiging prideful. Oo, Bautista ako pero hindi ko sila tinuring na kapamilya kundi si Mommy lang."
"Aray ko! Ang sakit nun ha!?"
"Siraulo ka kasi."
Lalong humalakhak si Liezel at nag-asaran kaming dalawa.
Sa mga ganitong pagkakataon, silang dalawa ni Kasti ang nalalapitan ko pero sa panahon ngayon hindi namin mahagilap si Kastiel.
"Bored na ako. Manuod na lang tayo ng tv." ani ni Liezel bago tumalon mula sa kama at kinuha ang remote control ng tv at binuksan yon pero ganun na lamang ang gulat namin nang bumulaga ang bulto ni Kastiel na nakasuot ng hindi pangkaraniwang kasuotan.
"Tama ba yong nakikita ko?" wika ni Liezel habang nakapako ang paningin nito sa tv at bumalik sa tabi ko at naupo.
Breaking News...
'Ipapakilala ngayon sa buong mundo ang nawawalang Prinsesa ng Bhutan na si Prinsesa Kastiel Devouncourt. Abangan ang pagkokoronasyon sa nasabing bansa sa susunod na linggo.'
Nagkatinginan kaming dalawa ni Liezel.
"Hindi ba tayo namamalikmata lang?" wala sa sariling wika ko.
"Tignan natin sa social media!"
Sabay naming kinuha ni Liezel ang sarili naming cellphone at laman nga ng kaliwa't-kanang balita si Kastiel maging ang pagpapakasal nito sa business tycoon na si Reiden Grei Montenegro - na minsan lang maging laman ng mga business magazine - sa susunod na taon.
"Shet!" sabay naming bulalas ni Liezel habang nagi-scroll sa sarili naming social media.
Literal na Prinsesa nga ng Bhutan si Kastiel though maliit lang na bansa ang Bhutan pero hindi namin aakalain na merong ganitong pagkatao si Kastiel. Akala namin isa lang siyang ulirang anak na naglayas dahil sa pagiging sugarol ng kanyang Ama. Pero ang ipinagtaka namin kung paano niya nakilala ang isang Reiden Grei Montenegro?
"Hindi ba't kapatid ni Ernaline ng BlackHand si Reiden Grei?" usisa ko kay Liezel.
"Oo pero hindi ko akalain na ikakasal si Kastiel sa tulad ni Reiden, I mean wala namang masama dahil gwapo at mayaman ang Montenegro. Shet! Ang haba ng buhok ni Kastiel!" sagot ni Liezel.
"Parang bet ko siyang sabunutan! How come na meron tayong bestfriend na dugong bughaw?"
"Mysteries cannot unfold until the time has come... I mean gaano kayaman ang isang Kastiel Devouncourt?"
Para kaming tanga ni Liezel sa paghuhukay ng buhay ni Kastiel kahit na matagal na namin siyang nakasama pero nakakabigla ang ganitong balita. Ilang taon rin kaming walang contact sa isa't-isa tapos biglang magkakaganito?
"Tanungin na lang natin siya kung dito sa Pilipinas gaganapin ang kasal nila ni Mr. Montenegro." saad ko.
Sumang-ayon si Liezel sa akin at pinagpatuloy ang paghahalungkat namin sa mga articles. Marami na palang ganap sa labas ng ospital. Ang sunod-sunod na concert ng BlackHand, bagong usbong na grupo na nagngangalang LawLess, ang achievements ng CDC at kung anu-ano pa.
Isang article ang nakakuha ng atensyon ko at pinakita ko ito kay Liezel.
"Sky Fall movie will start its shoot after hiatus... said the owner of CDC Entertainment and one of its main character." malakas na basa ni Liezel.
Pinindot nito ang isang video clip at tumambad sa amin ang gwapong mukha ni Calvin pero bakas sa mga mata nito ang pagod.
'Totoo po ba na magkakaroon kayo ng sarili ninyong movie?' tanong ng isang reporter.
'Yes. Though its already in a half pace of our taping but because of uncertain incident I decided to put it into hiatus.'
'Sino po ba ang magiging leading lady ninyo?'
'Well, that's a surprise so abangan na lang sana ang movie namin na Sky Fall.'
'Sir Calvin tanong pa po-'
Naputol ang video nang umalis si Calvin sa grupo ng mga reporters.
"Mukhang kailangan mo ng magtrabaho ulit pagkalabas mo dito sa ospital." baling sa akin ni Liezel.
"Miss ko na rin naman ang spotlight." sagot ko.
"Sus! Baka yong may-ari ng entertainment ang namimiss mo? Ni hindi ka nga magawang dalawin."
"Shut up!"
Inirapan ko si Liezel at humalukipkip ako sa kama ko bago sumandal sa head rest nito.
Nakakabagot dito sa ospital, gusto ko ng umuwi pero may kailangan pa daw tapusin si Doc Gun baka mamayang hapon pa ako makakauwi sa bahay namin.
Pagdating ng hapon, sinundo ako ni Mommy at Daddy dahil pumayag na si Doc Gun na pwede na akong umuwi.
"Thank you for taking care of our daughter." wika ni Daddy kay Doc Gun at nakipagkamay pa ito sa lalaki.
"No worries Mr. Dodd." sagot naman ni Doc Gun. "Though hindi naman talaga ako ang nag alaga kay Miss Bautista." makahulugang bumaling ng tingin si Doc Gun sa pwesto ko na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Loko ka talagang bata ka." sagot naman ni Dad.
"Masanay ka na sa akin Tito. Anyway, mukhang hindi kayo maihahatid ng uliran ninyong anak dahil busy ito sa sarili niyang mundo. Actually I didn't tell him that Celyn already woke up. I'm sure he will be surprise."
"He told me he's in Egypt right now together with your friends. Maybe I can tell him those good news later."
"Don't do that Tito. Let him discover it in his own."
Napairap na lang ako sa kawalan dahil hindi ko masundan ang pinag-uusapan nilang dalawa. Niyaya na ako ni Mommy na mauna sa sasakyan kaya naman sumama na ako dito. Pagkapasok namin sa sasakyan, nagsalita si Mommy.
"Stay away from your friends, Celyn." seryosong saad ni Mommy.
"Pagtatalunan na naman po ba natin tu? Liezel and Kastiel is innocent. Labas kami sa kung anong isyu ang meron ka."
"Hindi mo sila kilala kaya ngayon pa lang umiwas ka na!" pagalit na wika ni Mommy.
Humalukipkip ako sa upuan. "Ano po bang problema niyo sa mga kaibigan ko?"
Hindi umimik si Mommy. "Kung wala po akong makuhang sagot sa inyo, tigilan niyo na po ang mga kaibigan ko." dugtong ko pa.
Hindi ko na hinintay pa si Mommy at Daddy dahil nauna na akong lumabas ng ospital. Nakita ko si Liezel na maghihintay sa akin kaya naman nilapitan ko ito.
"Paano ba yan girl, babalik na ako sa sarili kong mundo. Balitaan mo na lang ako kapag umuwi si Kastiel nang makatikim sa atin ng sabunot." wika ni Liezel pagkalapit ko.
Pagak na natawa ako sa sinabi niya. "Siraulo ka. Sa GMHB ka pa rin ba magtatrabaho?"
"Malaki ang kitaan dun. Hindi ako lugi lalo na kay Sir Glyden."
"Puro mayayaman lang yata ang pwedeng pumasok dun eh."
"Exclusive nga kasi, malamang mayayaman lang talaga ang pwede kaya nga ayokong bitawan ang trabaho na yon."
"Hay naku, oo na! Siya, lumayas ka na sa harap ko at baka pag-initan ka na naman ni Mommy." pagtataboy ko kay Liezel.
Tumawa naman ang babae sa sinabi ko bago ito nagbeso at nagpaalam.
Pagkaalis ni Liezel ay agad naman akong sumampa sa loob ng sasakyan na pagmamay-ari ni Daddy. Lulan nito ang butler ni Daddy na nasa driver seat, ni hindi man lang ito lumingon o bumati sa akin pero ayos lang. Ayoko rin naman ng kausap lalo na kung hindi tungkol sa mga kaibigan ko o trabaho.
Makalipas ang ilang segundo, natanaw ko na si Mommy at Daddy. Walang salitang sinalpak ko sa aking tenga ang earphones sa tenga ko at pinakinggan ang bagong single ng BlackHand na 'Before You Go'. Sumakay sila sa kotse at hindi na pinansin kung ano man ang pag-uusapan nila. Ipinikit ko na lang ang aking mata at dinadama ang musika na nagmumula sa earphones ko.
Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa byahe kung hindi pa ako ginising ni Mommy.
"Wake up, Celyn." rinig kong wika ni Mommy na nakatingin sa akin nang alisin nito ang earphones sa tenga ko.
Kunot noong napatingin ako sa labas ng bintana pero ganun na lamang ang pagtataka ko na hindi ito ang bahay namin.
"Where are we, Mom?" usisa ko kay Mommy. Nakababa na si Dad kasama ang butler nito. Nakita ko itong may kausap nang sabay kaming bumaba ni Mommy mula sa kotse.
"Its fine Dad, I was busy lately because Aqueros needs my help. He's always neglecting his health. Kulang na lang bugbugin namin siya araw-araw para lang makatulog siya or turukan ng sedative." rinig kong sabi ng kausap ni Daddy.
Kunot noong inaaninag ko ang bulto ng lalaking kausap ni Daddy hanggang sa makalapit kami ay tila binuhusan ako ng malamig na tubig.
It was Calvin.
"Being healthy is important son, tell that to him. Isa pa stable naman ang business ninyo diba?"
"Yes Dad. But he's too hard headed. Kung hindi lang namin siya nirerespeto ng sobra baka binatukan ko na siya but I can't do that to him since I am also scared everything he changes his mood."
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kaya naman nakisali na ako.
"Teka lang Calvin, anong ginagawa mo dito?" singit ko sa usapan nilang dalawa dahilan para mapatingin si Dad at Calvin sa akin.
"Celyn!?" bakas sa boses ni Mommy ang pagbabanta pero hindi ko siya pinansin. Kay Calvin at Daddy lang nakatuon ang atensyon ko.
"Uhm, because this is my house?" sagot naman ni Calvin.
"Huwag mo akong pinipilosopo Calvin. Bakit Dad ang tawag mo sa Daddy ko?" pang-uusisa ko.
Lumingon si Calvin sa pwesto ni Dad pero si Daddy ay nakangiti lang at nagkibit-balikat habang si Calvin naman ay napapabuntong-hininga na lang.
"Ano?" dugtong ko pa. "Don't tell me magkapatid tayong dalawa?" walang prenong wika ko.
Ganun na lamang ang pagsinghap ko nang mapagtanto ang mga bagay na ginawa sa akin ni Calvin.
That kiss!
Tanginang kiss yan sa elevator!
"Well," hindi mahapuhap ni Calvin kung paano niya ako sasagutin habang ako ay unti-unti nang nawawalan ng dugo sa katawan dahil sa kahihiyan na naranasan ko mula sa kamay niya.
Akala ko, pwede ko siyang mahalin pero sa ibang paraan pala!?
"He's the one who donated a blood for your blood transfusion during your medication, Celyn." napalingon ako sa pwesto ni Mommy.
"What?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"We can talked about it later, baby. I am starving, please let us have a family dinner inside." sagot naman ni Daddy at inaya kami papasok ng bahay ni Calvin.
Ni hindi ko na napagmasdan kung ano ang itsura ng bahay ni Calvin dahil pinoproseso ng utak ko na magkadugo kaming dalawa.
Ito ang unang beses na magkagusto ako sa lalaki at sa kapatid ko pa talaga? How should I face him everday as my older brother? Parang gusto kong iumpog sa pader ang ulo at mawalan na lang ng dugo kesa maging kapatid ang isang Calvin De Chavez!
--
AN: Hey guys, what's up? This is your author LutherOppa. Sorry for not updating the chapters daily because of my hectic schedule. I will try my best to update the story every friday so please bear with me and continue support Sky Fall and my other stories. Thank you assassin. Lovelots and sending hugs to all of you. ❣️