Chapter 1: Pull-off
CELYN'S POV:
--
BUSANGOT ang mukha ko habang nakatitig kay Mommy na kanina pa ako sinsermonan nang matapos ang photo shoot ko sa isang brand ng commercial.
Naririndi ako sa pagbubunganga ni Mommy pero hindi ako makareklamo dahil siya ang manager ko.
"Hindi ba napapagod si Mother kakadada sayo?" bulong sa akin ni Peri - ang make-up artist ko mula pa noong tumapak ako sa mundo ng modelling at commercial.
"Let her be, she's like that everytime na hindi nasusunod ang gusto niya sa magiging output ng pictorials ko."
"Hindi naman pwedeng siya lagi ang masusunod lalo na't manager mo lang naman siya, at isa pa ang management pa rin ang magdedesisyon sa output ng photos mo."
Hindi na lang ako umimik sa sinabi ni Peri. Mula pagkabata ay sinabak na ako ni Mommy sa iba't-ibang audition, mapa-tv commercials man 'yan, drama, acting, at kung anu-ano pa na pwedeng gawin sa telebisyon.
Pero isa sa mga paborito ko ay ang magpa-cute sa camera. Hindi ko gusto ang pag-aartista pero 'yun ang gusto ni Mommy.
Noong bata pa lang si Mommy ay pangarap nitong maging artista pero nabigo ito ng ipinagbuntis niya ako sa edad na dese-sais at takbuhan siya ni Daddy sa responsibilidad na dapat ay sabay nilang haharapin.
Kaya naman nagpursigi si Mommy na mapalaki ako ng maayos, pinagsabay niya ang pag-aaral, pagtatrabaho at pag-aalaga sa akin. Itinakwil rin siya ng kanyang pamilya dahil sa kahihiyan na dinala niya pero para kay Mommy isa akong blessing na dumating sa kanya. Umabot pa nga sa puntong ipapalaglag sana ako ni Mommy pero hindi niya itinuloy kaya naman andito ako sa mundong ibabaw para ipagpatuloy ang naudlot na pangarap ni Mommy.
Hindi ko naman masisisi si Mommy kung attitude siya masyado sa staff at crew ng production team pero para sa akin maganda naman ang kinalabasan ng photo shoot ko.
Matapos akong ayusan ni Peri, agad itong umalis sa harapan ko. Samantala, nanatiling nakatitig lang ako sa salamin na laging dala ni Peri para sa pag-aayos ng mukha ko tuwing my photoshoot ako.
Pupunta kasi kami sa susunod na venue ng isang brand na kumuha sa akin kaya naman inayusan muli ni Peri ang mukha ko.
Hindi naman nagkakalayo ang mukha ko sa ibang talent ng management bilang commercial model nila - namana ko ang magandang mukha ni Mommy at ang balingkinitang katawan nito na nagbigay sa akin ng perfectly body shape.
Sa edad kong bente ay lalong nahubog ang katawan ko hindi dahil sa nagda-diet ako pero natural na sa akin ang magkaroon ng pinagpalang katawan.
"Let's go home Celyn. Hindi ko gusto ang ugali ng mga tao dito." biglang hinablot ni Mommy ang braso ko at hinila ako patayo mula sa kinauupuan kong silya.
"Madam, pwede naman nating pag-usapan ito." pigil sa amin ni Kuya Archie - ang photographer ko.
"No! Kung ganyan rin lang kayo ipupull-out ko ang kontrata ng anak ko at ihahanap siya ng magandang kompanya na bibigyan siya ng importansya!"
"Hindi naman po namin tatanggalin si Celyn, ilalagay lang po namin siya sa ibang brand as team ambassador-"
"Po? Ililipat niyo ako?" takang tanong ko kay Kuya Archie. Okay lang naman sa akin na ilipat ako pero bakit ngayon pa na namamayagpag ang pangalan ko sa industriya?
Lumingon sa akin si Kuya Archie. "Ano kasi Celyn, hindi naman ako ang nagdesisyon nito at isa pa ang management ang nag-utos na ilipat ka muna pansamantala sa Safe and Sound team."
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Mommy at hinarap si Kuya Archie.
Ang Safe and Sound na sinasabi ni Kuya Archie ay laman ng mga bagong commercial model, hindi ko sila ka-level kaya bakit nila ako itatapon sa ganung cheap na team?
"Mga baguhan ang nandoon Kuya, nag-iisip ba sila?"
Ilang taon ang sinakripisyo ko para mapabilang sa mga profesional model tapos sa isang iglap itatapon na lang nila ako basta-basta?
Napakamot si Kuya Archie sa sariling batok nito at hindi makatingin ng deritso sa pwesto ko. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang staff na naiwan dito sa venue dahil na rin sa pagiging eskandalosa ni Mommy.
"Nagsisimula na naman sila." rinig kong bulong-bulungan ng ibang staff.
"Manahimik ka."
"Hindi naman kagandahan si Maam Alarie, tyaka bagay naman siya sa S. S para magsimula ulit sa umpisa."
"Hoy! Tumigil nga kayo."
Hindi ko pinansin ang bulong-bulungan sa paligid. Sanay ako sa ganito sa tuwing binunungangaan sila ni Mommy. Sa mata nila, kami ang kontrabidang mag-Ina.
"Kaya nga ang sabi ko kausapin na lang ng Mommy mo si Boss Maverick kasi siya ang nagsabi nito sa akin. Gusto niya na i-guide mo 'yong mga baguhang model. Matagal na namin itong gustong ipaalam sa Mommy mo pero dahil sa hectic ang schedule mo, natagalan bago naiparating kay Mrs. Bautista."
Nasapo ko ang sarili kong noo.
Hindi ako sumabak sa iba't-ibang workshop para mapaghusay ko ang sarili ko bilang model. Pero ang magturo sa iba para sa ikakaangat nila ay hindi ko kaya.
"Mag-usap na lang tayo sa susunod, Kuya Archie, pagod na ako." Iniwan ko si Kuya Archie at naglakad ako palabas ng venue kung saan ginanap ang commercial para sa isang brand dito sa Pilipinas.
Ayokong makipag-away kay Kuya Archie dahil matagal ko na siyang nakatrabaho, at isa pa kung si Boss Maverick nga ang may gusto noon, dapat siya ang harapin ko at hindi si Kuya Archie.
Naiintindihan ko naman ang gusto nilang managyari, pero bakit sa mga rookie at baguhan pa nila ako itatapon? Iginapang ko ang sarili kong pangalan para maabot ko ang tugatog kung saan ngayon kilala ang isang Celyn Alarie Bautista sa mundo ng modeling.
Pagkasakay ko sa van na una kong naipundar dahil sa pagmomodel, sumalampak ako sa upuan at doon ipinikit ang aking mga mata. Masyado na akong pagod sa nangyaring photoshoot kanina pero dinagdagan pa ng problema.
"Bukas na bukas din ay hahanap ako ng ibang agency para ipriority ka Celyn." rinig kong sabi ni Mommy ng sumakay ito sa passenger seat ng van.
Naiinis na bumangon ako mula sa kinauupuan ko bago inabot ang cellphone at headset ko. Makikinig na lang ako ng music kaysa marinig ang rants ni Mommy sa management na may hawak sa akin.
Naramdaman ko na lang ang pag-andar ng sasakyan kaya naman muli akong nahiga sa upuan at hinayaan ko ang sarili kong lamunin ng musika na kinanta ng isang banda na nagngangalang BlackHand.
Isa sa mga pahinga ko ang pakikinig ng music at nangunguna sa playlist ko ang kanta ng BlackHand.
Gusto kong magpahinga mula sa bunganga ni Mommy, sa toxic company na may hawak sa akin. Gusto kong magpaka-layo layo pero hindi ako makaalis sa anino ng Mommy ko.
Gusto ko na ako mismo ang gagawa sa sarili kong pangalan, walang impluwensya ng kahit sino, walang mangingialam sa lahat ng gusto ko.
Nasapo ko na lang ang sarili kong mukha bago ko iminulat ang aking mga mata at tumingin sa labas ng bintana habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay namin.
Matutulog na lang ako kesa makipag-argumento kay Mommy lalo na't hindi naman ako mananalo kapag pinilit ko ang gusto ko.
"Mom paki-cancel na lang 'yong photoshoot na gagawin mamaya, pagod na po ako." pakiusap ko kay Mommy.
"Mabuti pa nga. Sandali at tatawagan ko si Lea at mai-cancel ang letseng photoshoot na yan. Hindi kita pinasok sa management nila para pagpasa-pasahan lang sa kung ano ang gusto nila. Kapag nagkrus talaga ang landas naming dalawa ni Maverick makakatikim siya sa akin."
Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi ni Mommy. Gustuhin ko man magreklamo pero hindi ko magawa.
Naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng phone ko kaya binuksan ko ito at tinignan kung sino ang nag-message. Nag-pop up sa notification ko ang pangalan ni Kastiel at Liezel kaya binuksan ko ang message nila.
"Free ka ba this weekend @Celyn?"
Mention sa akin ni Kastiel.
Hindi ko alam kung anong trip na naman ng mga babaeng ito kaya umayos ako ng upo para replyan si Kastiel.
"Depende sa schedule ko, bakit?"
"Wanna hang out sa coffee shop sa isang mall?" suhestiyon naman ni Liezel.
Napaisip ako bigla.
Si Kastiel at Liezel lang ang itinuturing kong kaibigan na labas sa trabaho ko. Hindi naman ako choosy pero ako mismo ang pumili sa kanila bilang bestfriends ko. Noong una ayaw ni Mommy kay Liezel dahil ordinaryong tao lamang ito, hindi sikat ang pangalan at sakto lang ang pamumuhay. Samantalang si Kastiel, anak-mayaman pero down to earth ang ugali, hindi rin sikat pero matapang na babae.
Muli kong tinaponan ng tingin ang aking cellphone at sinimulang magpindot doon.
"Beep me up kung kailan, pagod na rin ako sa mga nangyayari sa career ko. I need to freshen up, gusto ko rin humiwalay sa anino ni Mommy pansamantala."
Tanging emoji na lang ang natanggap kong reply mula kay Kastiel at Liezel.
Siguro nagtatampo na sila sa akin dahil sa hectic ng schedule ko, photoshoot dito, commercial doon, travel dito sa Pinas at maging sa labas ng bansa.
I feel like I'm suffocating to this kind of life.
Pero sarili kong kalayaan ay hindi ko hawak.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba at dumiretsong pumasok hanggang mapadpad ako sa sarili kong kwarto. Matapos kong mai-lock ang pinto ng kwarto ko, pasalampak akong bumagsak sa kama.
Ramdam ko ang pagod ng katawan ko sa maghapong babad sa harap ng camera para lang matapos ang isang photoshoot na pinaghandaan ng buong team.
"Kailan ba ako magkakaroon ng sariling desisyon sa buhay? Pagod na ako sa takbo ng career kong wala namang patutunguhan."
Dala ng pagod mula sa trabaho, nakatulog ako ng hindi ko namalayan. Nagising na lang ako sa kumosyon na naririnig ko mula sa labas ng aking kwarto kaya naman naiinis na bumangon ako mula sa aking kama at padabog na naglakad patungo sa pinto at lumabas ng aking kwarto.
"Wala kang karapatan sa mga bagay na naipundar ko!"
Kumunot ang noo ko nang umalingawngaw ang boses ni Mommy na galit na galit.
Sumilip ako sa barandilya ng aming hagdan at nakita ko si Mommy na may kausap na lalaki.
"Naipundar mo? Ang lakas ng loob mong sabihin na sarili mong pera ang ipinangbili mo sa luho mo ngayon kung si Celyn naman talaga ang nagpapakapagod sa luho mo."
Dali-dali akong bumaba ng hagdan at nadatnan ko si Mommy na kuyom ang mga kamay habang nakaharap sa lalaking kausap nito.
"Anong nangyayari dito Mommy?" usisa ko.
Napalingon si Mommy sa akin at ang kaninang galit na mukha nito ay napalitan ng pangamba.
"G.. gising ka na pala, anak." nauutal na wika ni Mommy at hinawakan pa ako nito sa kamay bago iginiya papunta sa kanyang likuran.
Napatingin naman sa akin ang lalaking kasing edad lang din ni Mommy. Hindi ko siya kilala at isa pa anong ginagawa niya sa bahay namin?
"Sino siya?" tanong kong muli kay Mommy.
"Anak kasi.."
"Naniningil lang ako ng utang ng Mommy mo." mabilis na sabi ng lalaking kausap ni Mommy.
Kumunot ang noo ko.
"Ano pong utang?"
"Anak, kami na lang mag-uusap. Hindi naman 'yun tungkol sa pera." pigil sa akin ni Mommy pero hindi ako nakinig sa kanya.
"Mom anong utang? Kailan ka pa nagkautang?"
"Anak kasi--"
"Your Mom did a horrible thing to me."
"Pwede ba Cecilion manahimik ka!"
"Anong manahimik Lynzi? Ginagawa mong robot ang bata dahil dyan sa pesteng pangarap mo!"
Sigaw ng lalaking nasa harap namin.
"Ano po bang nangyayari?" wala sa sariling sambit ko.
Hindi ko kilala kung sino ang kausap ni Mommy.
"Huwag ngayon, Cecilion!" bakas sa boses ni Mommy ang pagmamakaawa sa lalaki.
Nakita kong nanunubig na ang mga mata ni Mommy pero sagot ang kailangan ko hindi ang luha niya.
"I am your Mom's older brother Celyn, and your life as a model is her plans to use you as a bait to lure out your father. Sumama ka sa akin Celyn kung ayaw mong tuluyang sirain ng Mommy mo ang buhay mo."
Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Mommy sa kamay ko. "Hindi ko kailangang pumili sa inyong dalawa dahil may sarili po akong buhay. Kung ano man po ang pinag-aawayan ninyo ni Mommy labas po ako dun."
Matapos kung sabihin ang saloobin ko, agad akong lumabas ng bahay ng walang pag-aalinlangan.
Rinig ko pang tinatawag ni Mommy ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Gusto ko munang huminga, gusto kong magpaka-layo layo.
Naguguluhan ako masyado sa mga nangyayari sa buhay ko - from career, even personal matters and my own life.
Gusto ko na ng pahinga.