DIANA’S POV
“OH, hi baby, akala ko ba isang beses lang tayo dapat magkita sa isang buwan? Bakit ka napadalaw ngayon ha? Na-miss mo ba ako?” sambit at tanong kaagad at yakap ni Daniel sa akin nang makita niya ako sa harapan ng condo unit niya. Siya nga pala ang ex-fiancé ni Leysa, ang kapatid ko sa papel lang at ang tunay na heredera ng mga Frank. At si Daniel nga pala ay ang kababata ko sa ampunan noon at yumaman lang dahil naswertehan siya sa mga umampon sa kaniya, namatay ng walang naging tunay na anak –unlike me, ilang taon palang akong inampon ng mga Frank ay nalaman naman nilang buntis si mommy at iyon nga ay si Leysa.
“Nakakabwesit ‘yong kapatid ko! Kailan mo ba planong akitin ulit ‘yong bruhang iyon, Dan?” naiinis kong sambit sa kaniya sabay pabagsak na umupo sa sofa habang sumunod ding umupo sa tabi ko si Dan at patuloy sa paghalik sa balikat ko.
“Kailangan pa ba? Hindi ko naman mahal ang kapatid mo dahil ikaw ang mahal ko talaga, Diana! Oo nga at sobrang ganda ni Leysa pero ikaw naman ang unang taong nagbigay sa akin ng pag-asa para ipagpatuloy ang buhay noong mga panahong iniwan ako ng mga magulang ko sa ampunan,” sagot niya sa akin na nagpa-init ng ulo ko. Tinabig ko nga siya at nanlilisik ang mga matang humarap sa kaniya.
“Tanga ka ba talaga Dan? Kaya ka lang naman magpapakasal kay Leysa ay para magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ng mga Frank. Alam mo naman ang sitwasyon ko 'di ba? Kahit ‘di man nila sabihin sa akin, alam ko na wala akong mamanahin. Kaya nga ikinasaya nila na ikinasal ako kay Fred, which is ikinasaya ko rin dahil sobrang yaman ni Fred at mahal na mahal namin ang isa't-isa,” paliwanag ko sa kaniya na nakitaan ko naman ng bakas ng kalungkutan at sakit sa kaniyang mga mata.
Hindi ako manhid para ‘di iyon ma-gets. I know, mahal ako ni Daniel kaya nga niya ginagawa lahat ng iniuutos ko sa kaniya dahil sa pagmamahal niyang iyan. Sabihin n’yo ng bitch ako, user, at gold digger –wala akong pakialam, basta ang gusto ko lang ay makuha ang dapat para sa akin. Kahit gamitin ko si Daniel sa mga plano ko, anyways, may nakukuha rin naman sa akin si Daniel, so quits lang.
“Sa tingin mo ba, papatol pa sa kin si Leysa? Ni hindi nga natin alam kung bakit hindi siya sumipot sa supposedly wedding namin last year,” matigas naman na tugon sa akin ni Daniel. Lumapit ako sa kaniya at hinimas-himas ang kaniyang balikat to calm him down sa inis na nararamdaman niya sa akin o sa nangyaring pang-iiwan sa kaniya ni Leysa noon.
“Kaya nga susubukan mo 'di ba? Mukha namang walang pinagbago si Leysa, gumanda at sumeksi lang siya pero deep inside, siya pa rin ang Leysa na madaling utuin at pasunurin. Atsaka baka nagkaroon lang siya ng anxiety that time. Di naman kayo nag-formal breakup 'di ba. Go talk to her, make an appearance!” Tudyo ko pa sa kaniya, at wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa mga plano ko. And being a good dog for me, I gave him a mind blowing reward.
LEYSA’S POV
“Hey brother-in-law!” tawag-pansin ko kay Kuya Fred na busy sa kaniyang laptop.
“Oh? Nginangawa mo riyan, sister-in-law? ‘di ka pa ba nabusog sa pinakain ko sa’yo kanina?” tugon naman niya na busy pa rin ang mga mata at kamay sa pagtitipa sa kaniyang laptop. At gumana naman ang green minded kong utak dahil sa mga binanggit niyang salita.
“Hindi nga eh, cake lang kasi ang kinain ko kanina, pero baka pagpinakain mo ako ng sayo talaga –baka mabusog nga ako at manahimik pa rito.” At pagkasambit ko nun, bigla namang napatingin si kuya sa direksyon ko na sinalubong ko naman ng isang matamis na pagkakangiti, na may halong simpleng pang-aakit. At napansin ko ang paggalaw ng adams apple niya, which is a good sign –he’s affected.
Di pa ako nakuntento, napasulyap din ako sa namumuong umbok sa kaniyang maselang bahagi. At sinundan din niya ng tingin ang tinititigan ko, na nagpa-uneasy pa sa kaniya lalo.
“At mukhang gusto niyang magpakain sa akin Kuya Fred,” mahinahong dagdag ko pa habang nakangising sumilay ako sa hindi mapakaling mukha ni kuya.
Napatikhim ito, at napaayos nang pagkaka-upo sabay dampot ng kaniyang cellphone sa side table.
“Ehem. Ah -ahm. Gusto mo bang umorder ako ng pizza at pasta?, o kaya mango-flavored ice cream? Total magga-gabi na at hindi rin naman uuwi si Diana ngayon.” Medyo nautal na offer sa akin ni kuya. Para siguro mawala yung awkward at libog feeling na nararamdaman niya, which is okay lang naman sa akin. ‘Cause I am trained to this kind of stuff –the reactions, the feelings, and such.
At oo nga pala, after the incident "talk" namin ni ate kanina sa pool na nagpa-walkout sa kaniya, hindi na siya nag-appearance ulit, sabi nga ni Kuya Fred, nagpaalam daw iyon na pupunta lang sa kaibigan at baka ‘di makauwi ngayong gabi. Sus, kaibigan nga ba? Sabagay uso naman ang what they call, "Friends with benefits" sa panahon ngayon.
Oh well, pabor na rin sa akin ang mga ganitong chances na naiiwan kaming dalawa ni kuya sa iisang lugar, just the two of us. Mas magagawa ko ang mga dapat kong gawin na walang hahadlang na makating higad.
“Oh well! That's a great idea kuya, damihan mo na ang oorderin ha, para mag-movie marathon tayo! Wala ka namang pasok bukas 'di ba. Magdamag tayong magsasaya, kuya. Wait up, maglinis lang ako ng katawan ko at ang init,” sabi ko at itinaas ko pa ng kaunti ang t-shirt ko, indicating na naiinitan nga talaga ako. Sinigurado kong nakikita ni kuya ang maputi at taba-free na tiyan ko, tamang pang-akit lang sa kaniya. Natatawa na lang tuloy ako sa mga naiisip ko, hays.
Napansin kong magsasalita pa sana si kuya nang tumalikod na ako at umakyat sa kwarto ko, to take a bath. Ang init naman kasi rito sa Pinas eh, kahit naka-aircon na ang buong bahay nila, ang init pa rin.
FREDERIK’S POV
Inayos ko na ang mga paper works ko dahil natapos ko naman ito kaagad gawin. I don't know what happened to me, at ang bilis kong natapos ang mga reports na needed sa company ko. Para kasing na-excite ako bigla sa ideya na magmo-movie marathon kami ni Leysa at magpupuyat, to think na kami lang dalawa ang nandirito sa bahay ko. Hindi naman siguro masama itong feeling na nararamdaman ko, 'di ba.
Dahil wala naman kaming ginagawang masama, “wala pa” shit! dugtong naman ng demonyo kong ego. Sakto pa at wala ang asawa ko ngayon, sa kaibigan na lang daw niya siya mag-sleepover dahil ewan ko, pinayagan ko na, hindi naman kasi ako mahigpit na asawa kay Diana, I let her, I always let her do her own thing.
Mga kalahating oras din nang inorder ko ang mga pagkain at dumating ang mga ito, pero mag-iisang oras na, na hindi pa nalabas sa kwarto niya si Leysa.
Na ready ko na ang mga pagkain at ang entertainment room, kung saan kami manonood ng movies. May mga tapes na rin doon, bahala na si Leysa pumili, naka-sort naman na ang mga iyon eh. Nakaligo na rin ako ulit, oo ulit kasi nang inistorbo ako kanina ni Leysa sa sala habang nagawa ako ng paper works ay kakaligo ko lang nun. Ewan ko ba ba’t naligo pa ako ulit, to look and feel fresh siguro?
Pumasok na nga lang ako sa entertainment room at napagdesisyunang doon na hintayin si Leysa. Tinignan ko naman ang cellphone ko, at wala man lang text galing sa asawa ko. Ano na kaya ang ginagawa ng babe ko na iyon ngayon, baka siguro nagka-catching up talaga sila ng long time friend niya.
At dahil ayaw ko rin istorbohin ang asawa ko sa mga extra-co niya ay di ko na rin siya tinext at nagtitingin na lang ako ng mga photos na puro mukha ni Leysa.
Ang sister-in-law ko talaga na iyon, hiniram niya lang kanina ang phone ko, at andami na niyang mga litratong naka-save rito.
“Ang ganda niya rit–” sambit ko na naputol nang may magsalita sa likuran ko.
“Yeah! Ang ganda ko riyan. Sabagay always naman.” Pagkatingin ko ay si Leysa pala na nagpatuyo na naman ng lalamunan ko, I don't know what to say.
“Oh napatanga ka na naman diyan kuya,” sambit niya na nagpabalik ng huwesyo ko, at sabay upo niya sa tabi ko.
She's hot! Ang sexy niya sa suot niyang nightgown. And I don't know, kung may bra ba siyang suot… o wala.
At hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa mahabang gabing pagsasaluhan namin sa maliit na kwartong ito.