LEYSA’S POV
INABOT ko uli ang cellphone ko na nasa drawer, at binasa ang mensaheng natanggap ko kanina. Actually kanina pa ako gising, nagising na ako habang nakatulog si Fred sa upuan sa tabi ng higaan ko. At iyon ang mga oras na natanggap ko ang mensahe.
10 PM sharp sa dating bahay natin sa Bulacan. Just you, kung hindi ka sumunod. I'll kill this beautiful princess you have. -Unknown number
Pero alam ko kung sino ito, noong una hindi ko alam kung paano makakaalis nang hindi nila nalalaman. But then, dumating sina Eddy at naiwan pa ako sa pangangalaga ni Hana, Eddy's wife and my dearest friend from Spain. I checked the time –alas otso palang. Sakto, makakarating ako roon bago ang nakatakdang oras. I need to save my daughter.
I looked at Hana, and she grinned at me. She really knows me well. Siya nga rin pala ang nagturo sa akin on how my revenge plan will work before.
“But I need to check my son, first...” yun lang ang nasabi ko at inakay niya naman ako kaagad papunta sa ICU kung nasaan naroroon si Leyson, my baby boy.
Nakita ko sina Mommy and Tita Rizza doon, at lumapit naman sila kaagad sa akin.
“Okay ka na, anak?” tanong ni Mommy, tumango lang ako at inakay niya naman ako papalapit sa salamin na bintana ng ICU. Bawal kasi ang tao sa loob para na rin maka-iwas sa ano mang impeksyon na baka makuha ni Leyson. Nakatingin lang ako sa anak kong mahimbing na natutulog.
“Magpalakas ka lang, baby boy. Mommy will save your little sister, first... hmm. So that we will have a happily ever after together with your papa,” sambit ko sa aking isipan na para bang kausap ko lang ang anak ko.
Nagpaalam naman akong babalik na muna sa kwarto ko na ihahatid pa sana ako ni Mommy pero I refused, sabi ko bantayan na lang nila ang anak ko.
Nang makalayo-layo na kami sa parteng iyon ay palihim naman akong hinatid ni Hana sa fire exit ng Hospital.
“Be careful, Ysa. And be back, alive... you know! Kung hindi, patay ako sa jowa mo. Gosh he is freakingly handsome, no doubt. But shit, his creepy. Parang handa siyang bugbugin ako kapag may nangyaring masama sayo kahit buntis pa ako. Basta take care, and may ibibilin ka ba sa akin?” sambit at paalala naman ni Hana. Ngumiti lang ako, and gave her instructions na kapag mag-iisang oras na akong wala. Tell Fred and the others my location –sa dating bahay namin sa Bulacan.
At umalis na ako, baka kasi hindi ako makaabot sa ibinigay na oras ni Diana –my psychotic bitch of a sister.
Nakarating ako sa lumang bahay namin sa Bulacan, nasa dulo ito ng malawak na palayan. Madilim ang paligid tanging mga poste ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa daanan.
Tatlong-pong minuto na lang at mag-aalas dyes na. Kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko. I stopped my car in front of an old mansion, wala itong kailaw-ilaw.
Maliban sa ikalawang palapag na may mumunting ilaw roon na nanggagaling ata sa isang lampara.
Matagal na kasing abandunado ang bahay na ito simula ng masunog ito noon dahil sa kagagawan ni Diana. She really wants me dead, since then.
Dahan-dahan akong pumasok sa bahay nang biglang sumara ang pinto, ang creepy. Mas natatakot tuloy ako sa multo kesa kay Diana. Naglakad ako paakyat sa ikalawang palapag kung saan may ilaw akong natanaw kanina.
I am about to open the door of one of the rooms dito nang biglang may naramdaman akong kung anong tumama sa batok ko. Shet!
Napamulat ako –kung saan nakagapos na ako sa isang upuan. Damn it. Diana tricked me. Nagpakita naman ito sa harapan ko. I hate her devilish smile that fixed in her ugly face.
“Where's my daughter?!”
Tumawa ito. Baliw!
“I don't know. I don't know. HULAAN MO KUNG SAAN. HAHAHA!” paulit-ulit na sambit neto, baliw na talaga siya. Kaya tinignan ko lang ito ng masama at nanahimik, and I tried to move the chair hanggang natumba ito. Damn! Ang sakit, dahil nakagapos ako rito kaya sumalampak talaga ako sa sahig.
Lumapit naman siya at itinayo ulit ito. And she pulled my hair. Ouch! Napailing ako sa sobrang sakit nang pagkakahila niya sa buhok ko.
“Alam mo ba. Okay sana kung hindi ka na pinanganak. T*ngina mo! Sinira mo ang magandang buhay ko. I have the perfect life, but then—”
Mas hinila pa neto ang buhok ko at pinisil ang baba ko. Ang sakit nang pagkakahawak niya. Damn it! Pag ako nakaalis sa pagkakagapos na ‘to. Fuck niya lang. Ingungudngod ko siya sa sahig.
“—sinira mo ‘yun. Inagaw mo ang lahat sa akin, si Daniel, I loved him once pero shinota mo siya. I have him first pero nang nakilala ka lang niya, nakalimutan niya na ako. Pakshet, Leysa! Ano bang meron ka na wala ako.”
Galit siya! Galit na galit. Binitiwan niya ako at parang baliw na umikot-ikot sa akin. Habang binabanggit ang lahat ng hinanakit niya sa akin at sa lahat. Sinampal niya ako. I can feel her pain sa bawat pangungusap na kaniyang binabanggit. Kaya hinayaan ko lang siyang ilabas lahat-lahat ng sama ng loob niya. Dahil kahit ano mang inis ko sa kaniya, still she’s my sister, may pinagsamahan kami.
“At nang dumating sa buhay ko si Fred. I am willing to give up Daniel to you. Kinasal kami. I am the happiest person that time, pero shet! Akala mo ‘di ko pansin? Ha? Akala mo ba na di ko napapansing gusto ka niya? Damn it, Leysa! Bat ganun? Bat ikaw lagi. Kaya nilandi ko ulit si Daniel. Ginawa ko siyang asong sunud-sunuran sa akin. Hindi siya makatanggi sa akin, dahil din sa’yo. He loves you more than anything else, more than how he loved me once. At dahil sa lintik na pagmamahal na ‘yan, di niya ako kayang iwan dahil pinoprotektahan ka niya. Grabe ang ganda mo, Leysa. T*ngina mo! Hayop ka. Kinuha mo sa akin lahat, lahat-lahat. Pero t*nginang Fred na ‘yan, he deceived me! Akalain mo ‘yun? Akala ko may karapatan ako sa kanya. But damn it! Niloko niya ako. Binigay ko ang lahat. Pero nagawa niya pa rin akong lokohin…” litanya niya habang tatawa at bigla rin siyang iiyak.
Baliw –‘yan siya ngayon. She's really crazy. I looked at her straight in the eyes. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Ang gaga mo kasi, masyado kang nagpabulag sa pera. Sa yaman. hindi ka naman pababayaan nina Mommy. At papaano ka nga naman mamahalin ng mga taong nasa paligid mo, ni hindi mo nga kayang mahalin muna ang sarili mo. Kaya wag kang magtaka kung bakit –bakit hindi ka nakakaramdam ng totoo at buong pagmamahal sa iba. At akala mo di ka na mahal nina Mom and Dad kasi dumating ako, pero hindi... minahal nila tayo ng pantay, walang totoo, walang ampon. Kasi mahal nila tayo dahil anak nila tayo. But then here you are, nagpakabaliw. Ate, may anak ka! Sana man lang inisip mo muna ang kapakanan ng anak mo, bago ka nagkaganyan, so please. Where's my daughter?” litanya ko sa kanya. Natawa lang ito.
Tawa lang siya nang tawa –na halos maubusan na siya ng hininga kakatawa. Hindi ko alam, malala na pala talaga siya.
“Anak? Mas masaya sana kung anak namin yun ni Fred. PERO HINDI –HINDI LEYSA, isang pagkakamali ang batang iyon. KAYA HINDI KO IBABALIK SA’YO ANG ANAK MO. I ALSO KILLED YOUR SON. YOU KNOW THAT?!” nababaliw na litanya neto. She even jumped with joy, wala akong ibang nararamdaman sa kanya kundi simpatya, awa at lungkot dahil sa nangyayaring ito sa kanya.
“Please, Ate Diana. Ate—” Naputol ang pakikiusap ko nang sumigaw ito, na parang baliw na nakatakip ang mga palad sa kanyang taenga, pero bigla rin siyang napatigil at masamang tumingin sa akin. Lumapit pa ito….
“Stop it! STOOOOP. DON’T EVER CALL ME THAT! WALA AKONG KAPATID NA MALANDI. MALANDI KA. (And she slapped me hard.) MALANDI KA. (Sinampal niya ulit ako. Tang*na! Nakakarami na siya ah.) KINALANTARI MO ANG ASAWA KO. AT NAGPABUNTIS KA PA. PERO HINDI KO NGA PALA ASAWA YUN. NILOKO LANG PALA NIYA AKO. PERO ALAM MO KUNG ANONG DAPAT SA MGA BATANG HINDI DAPAT NABUHAY SA MUNDONG ITO? PATAYIN. KAYA PAPATAYIN KO ANG ANAK MO LEYSA! PAPATAYIN KO SIYA. ISA SIYANG PAGKAKAMALI.”
Parang baliw na pahayag neto, at bigla akong natakot nang maglabas siya ng baril. Damn it.
A crazy holding a gun? –you gotta be kidding me. Paniguradong no hesitations, she will pull the trigger, kapag napagtripan niya ako.
Hinimas-himas niya ang baril sa mukha ko. Baliw na talaga to. Kapag ‘yan pumutok. T*ngina niya talagang baliw siya.
“Pero bago ko ‘yun gawin. Ikaw muna ang uunahin ko. Dahil wala kang kwenta. Malandi ka –you should be put in a coffin alive!” sambit niya at tumawa nang tumawa.
Tinanggal niya ang pagkakatali ko sa upuan, at ginawa ko iyong pagkakataon para maitulak siya. At makalabas ng kwartong ito. I need to find my daughter.
Pero bago pa ako makalabas, nahila niya na naman ang buhok ko. Kaya sinipa ko siya.
“T*ngina mo, Leysa. Saan ka pupunta?”
“Mas t*ngina mo. Saan mo dinala ang anak ko!” Sinipa ko ulit siya.
Akala niya ha. Kanina pa ako nagtitimping saktan siya. Dahil kanina naaawa pa ako sa kanya at syempre nakagapos pa ako, pero ngayon –wala na akong nararamdamang awa. Pakshet siya. Ang sakit ng sampal at sabunot niya sa akin.
Nang nakahiga pa rin ito ay kinuha ko yung chance para makatakbo palabas. Pero bigla akong napatigil nang marinig ko ang pagkasa niya ng baril.
“Sige subukan mong humakbang. Sisiguraduhin kong sabog ang bungo mo pag nagkataon. Mamamatay ka na hindi mo pa naililigtas ang anak mo.” Hindi ako humahakbang –hindi dahil takot akong mabaril niya kundi natatakot akong hindi ko mailigtas ang anak ko. Naramdaman kong nasa likuran ko na siya… and again, she pulled my hair.
“Pero mas masaya ata kapag nakikita ng anak mo kung paano mamatay ang Mama niya. Isn't it great? Oh... how about –ulitin ko ang ginawa ko sa bahay nato noon? Huh?” Nilingon niya ako at mas hinila pa ang buhok ko, at binalik ang tingin sa harapan. At nagsimula na naman siyang magsalita.
“—Nahh! Huwag mo akong sagutin. I don't need your opinion. Ako ang hahatol sa pagiging makasalanan mo!”
Hila-hila niya pa rin ako sa buhok nang tumigil kami sa isang pintuan. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. At bigla naman akong nakaramdam ng pang-iinit. It feels like I am burning. Damn!
“No. Huwag. Please.” I begged her not to put me inside. I cried, but she just laughed it out.
“Bakit? Hindi mo ba namimiss ang kwartong ito, Leysa? Hmm,” sambit neto pero hindi ako nagsasalita... tanging pag-iling lang ang nagiging tugon ko. Ang init –para akong sinusunog sa lugar na ito. Inaalis ko ang pagkakasabunot niya sa buhok ko na mas lalo niyang hinigpitan. Damn it! Ayoko sa lugar na ito.
Nilingon niya ako. Ngumisi siya.
“Aba! Ayaw mo talaga sa kwartong ito, Leysa? Baka kapag nalaman mo kung sino ang mahimbing na natutulog sa loob niyan. Baka ikaw mismo ang magpumilit pumasok dyan,” sambit neto.
No. Hindi. What did she mean by that? No! Nagpumiglas ako sa kanya at walang anumang pumasok ako sa loob. Damn. Ang init. Ramdam ko ang pagkasunog ng buong kwarto.
“No. Hindi Leysa. Pakiramdam mo lang yan. Dahil sa nangyari noon sa lugar na ito. Labanan mo, para sa anak mo.” Paulit-ulit na sambit ko sa aking sarili.
Napahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang aking anak na nakahiga sa isang upuan doon. Agad akong lumapit at binuhat siya. Alam ko, walang ginawa sa kanyang masama pa si Diana. Ginigising ko ito. Hanggang mapamulat siya at tinignan ako, nang mapagtanto niya kung sino ako ay ngumiti ito ng kay tamis.
“Mama. You're here. Kanina pa po kita hinihintay,” sambit neto. Niyakap at hinagkan ko lang siya.
“Sorry, baby. Na-traffic lang si Mama. But you are safe now, that I am already here,” tugon ko.
Bigla namang may tumatawa sa harapan namin, pumalakpak pa ito... like she's enjoying the show.
“Wow naman. Sigurado ka bang safe na kayo, Leysa?” sambit niya at inikot ang paningin sa loob ng silid na ito. Ito ang kwartong kinulungan niya sa akin noon, when she set the house on fire. Kaya ayaw ko sa lugar na ito. I feel burning. Muntik na akong masunog noon kung hindi lang kaagad naapula ang apoy.
“–Naaalala mo ba ang kwartong ito, mahal kong kapatid? Sayang nga at hindi ka nasama sa pagkasunog ng lugar na ito. But don't worry. Itutuloy ko ang plano kong sunugin ka noon, ngayon! Well hindi pa naman huli ang lahat. Tama ‘yan. Hindi ka naman malulungkot. Kasama mo naman ang anak mong napaka-cute,” sambit at halakhak pa neto. May hawak-hawak itong lampara kung saan nanggagaling ang nag-iisang nagbibigay liwanag sa loob.
“Stop this now, ate. Hindi pa huli para magbago at magsisi ka. Pakiusap. Let us go.” Yakap-yakap ko ng mahigpit ang anak ko habang nakikiusap sa kanya na palayain na kami.
“Mama,” mumunting sambit lang ng anak ko.
“No! It’s now or never, Leysa. It’s either you burn or you survive,” sambit neto at lumabas na ng kwartong kinaroroonan naming mag-ina. Ni-lock niya iyon at nilamon naman ng kadiliman ang buong paligid. Kaya bigla akong natakot. Damn this phobia and trauma of mine, pero dapat ko ‘tong labanan. Hindi pwedeng manghina ako sa mga oras na ito. Kaylangan kong maging matatag para sa mga anak ko.
Lumapit ako sa pintuan, habang buhat-buhat ko ang anak ko. Kinalampag ko ito. I shouted her name, begging her to release us. Pero halakhak niya lang ang maririnig sa labas, at pagsasaboy ng kung anong tubig. No! Hindi ito tubig –I could smell it. Gasolina. Shet, we need to get out here.
FREDERIK’S POV
9:00 PM
We are all gathered here sa kwarto ni Leysa, nang matanggap ni Edward ang tawag ni Hana kanina. Andito kaming lahat maliban kay Mommy at Tita, dahil binabantayan nila si Leyson.
Ang sama ng tingin ko sa asawa ni Edward. Dahil hinayaan niyang umalis si Leysa mag-isa. Damn this woman. Baliw rin ba ito.
Inirapan niya lang ako, at lumingkis na parang sawa kay Ed. Kanina ko pa tinatawagan si Leysa but I couldn’t reach her. Ang stubborn talaga ng babaeng yun. Lagi niya akong sinusuway.
“Ano na? Ano na? Tutunganga lang kayo rito? Gooo! Save my best friend. Kaya nga tinawagan ko kayo kaagad, para maabutan niyo pa sila sa Bulacan eh. Kilos na --tiktok tiktok!” biglang sambit ng asawa ni Edward.
“Kung hindi mo hinayaang umalis ‘yun, edi sana andito pa siya, at safe. Argh! Pasalamat kang buntis ka,” inis kong tugon.
“Tanga ka ba? Eh kung mapahamak ang baby Freda ko? Ha? Ano? Bobong hayop to. Ikaw nga di mo magamit-gamit ang kayamanan mo sa tama. Katigasan lang kasi ng ulo mo d’yan (sabay turo sa ibabang parte ko) ang pinapairal. Stupido. Di ko alam bat ka nagustuhan ni Leysa eh. Boba rin kasi yun.” Damn this woman! Gusto ko na siyang itulak, kung di lang ako pinipigilan ng mga kaibigan ko. Pasalamat talaga siya at asawa siya ng best friend ko.
Ilang pagpaplano pa ay umalis na nga kami. Kasama ko sina Dad, Tito, at mga kapulisyahang nagtungo sa lumang bahay ng mga Frank sa Bulacan. I checked the time, mag-aalas dyes na.
We need to hurry kaya halos liparin ko na ang kotse ko sa bilis nang pagpapatakbo ko. Ilang minuto pa ay narating din namin ang lugar, sobrang dilim dahil walang kailaw-ilaw at ang tahimik din. Pero natanaw ko kaagad ang sasakyan ni Leysa.
Mabilis na pumwesto ang mga pulis at swat sa buong paligid. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan ng lumang mansion, andito rin sina Dad at Tito. At kaya hinarap ko si Tito John.
“What happened to this house?”
“We need to abandon it after this house was set on fire... by Diana.” Nagulat ako. So noon palang, she's aiming to get rid of Leysa. Damn!
“I think, nasa lugar sila kung saan nagsimula ang sunog, Tito...” out of nowhere na sambit ko, na tinanguan naman ni Tito. Kaya mabilis itong tumakbo sa kung saan na sinundan naman namin ni Daddy.
And there... she is! Parang baliw na tumatawa habang may sinasaboy na kung ano sa labas ng isang silid.
“DIANA!” I shouted kaya napalingon naman ito sa direksyon namin.
Bigla niyang nabitawan ang hawak-hawak na galloon na naglalaman ng gasolina. She looked terrified.
Humakbang ako, dahan-dahan nang magsalita siya,
“So? Anong ginagawa mo rito. Ah! You want to save your family, as if i'll let you,” sambit neto, sabay labas ng posporo. Damn it. Parang bigla namang tumigil ang galaw ng mundo. Maling galaw lang namin ay siguradong sisindihan niya yan.
“Please. Stop this now, Diana...” I tried talking again to her.
“HUH? SERIOUSLY? T*NGINA MO RING HAYOP KA EH. ANO BANG KULANG SA AKIN HA! BAKIT MAS PINILI MO PA RIN ANG BABAENG YAN.” Hinanakit niya sabay turo sa pintuan ng kwartong kinalalagyan ng mag-ina ko. Bigla naman itong napaluhod. She was crying at tumingin sa akin. I felt pity on her. “–Tell me, Frederik. Please tell me –what to do? I am begging you. Please, love me back. I love you so much.” At tumawa na naman siya, nagbago na naman ang mood niya. Kung kanina umiiyak ito, ngayon naman ay bigla itong tumatawa at tumayo. Ibubuka ko palang ang bibig ko upang magsalita nang kaagad din itong magsalitang muli.
“Damn it! Don’t you dare say any words. Lolokohin mo lang ulit ako. Doon ka naman magaling, manggamit para sa ikakasaya mo, ‘diba. You just used me. Kaya ito ang dapat sayooo! Makita kung paano masunog ang mag-ina mo. This will be my greatest revenge to all of you!” sambit neto at sinindihan ang hawak-hawak niyang posporo at inihagis ito sa kwartong kinalalagyan ng mag-ina ko. I heard Leysa's shouts. She's shouting for help.
Bigla namang sinugod ng mga pulis si Diana, at dinakip nila ito at pinusasan. Pumapalag pa siya, ngunit hawak-hawak na siya ng mga kapulisyahan. And as if on cue. Tumakbo ako agad. I heard them shouting to make me stop. But I need to save my family. Sinipa ko kaagad ang pintuan ng kwartong iyon –sobrang lakas para masira ang pintuan kaagad.
And there I saw, Leysa while hugging a small little girl in her arms. Nasa pinakadulo sila ng madilim na kwarto. She's protecting our child. Damn it! Sisiguraduhin kong mabubulok sa kung saan dapat na kulungan si Diana. Lumapit ako sa kanila. Dahil kailangan na naming makalabas hanggat hindi pa natutupok ng apoy ang daanan palabas.
“Hey, baby. Com'on, you two are safe now. Let's get out of here.” Bigla namang tumingin sa direksyon ko si Leysa. She's crying, pero sumilay ang mga ngiti neto nang makita ako. Nakita ko naman ang magandang mukha ng batang babaeng karga-karga niya. Nakatingin din ito sa akin kaya I smiled at her and hugged them both –so tight. At mabilis na inakay sila palabas ng kwartong iyon.