WELCOME TO ILOCOS NORTE!
Tanaw ko sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan ko. Iniwan ko si Kuya Fred, sa hostel na nirentahan namin sa Baguio.
Hindi kasi ako makatulog ng maayos, ayaw akong patulugin ng mga worries ko. That's why I decided na mauna na sakanya, to ride a bus sa dis oras ng gabi, dahil hindi ko rin kasi alam ang ire-react ko pagkagising niya, lalo na at mahaba-haba pa ang byaheng pagsasamahan namin pagnagkataon. Mabuti na lang at nakisama ang panahon sa akin, dahil nong time na umalis ako, umaliwalas na ang kalangitan. Pero syempre madilim pa rin dahil hating-gabi pa lang, buti na nga lang at may bus pa akong nasakyan eh.
Siguro, tinatamaan na ako ng pagsisisi at takot sa mga ginagawa kong pagkakamali.
Yes! Tanggap ko naman, I am a bad bitch for sleeping with my sister's husband—
To enjoy every sexy moment we shared.
To claim him as mine sa bawat pagniniig namin.
Pero kahit anong siksik ko sa utak ko na tama lang ang ginagawa kong ito, nakakaramdam pa rin ako ng pangamba. Pero kasi siya –sila naman ang nauna, niloko ako ng supposedlybe husband ko na sana ngayon.
They cheated on me –he slept with my sister sa mismong gabi bago ang nakatakda naming kasal.
They planned to use me, to take advantage of my love for him para kunin ang lahat ng akin. Pero malas lang nila dahil nahuli ko rin sila sa sarili nilang kalibugan.
Pero naguguluhan na ako, hindi na kasi tama... hindi na tama itong nararamdaman ko –wala ito sa plano, ayoko nitong emosyon na ito, tatraidurin at sasaktan lang din ako nang umuusbong na damdaming ito para sa kaniya –sa taong ginagamit ko lang dapat sa paghihiganti ko.
Pero kailangan kong iparamdam kay Ate Diana, 'yong sakit na andirito pa rin hanggang ngayon sa akin, sakit na dinulot nila ni Daniel sa buong sistema ko. Ang bigat na, sobrang bigat, gusto kong ilipat sa kaniya ang pagkakabaon ng kutsilyong isinaksak nila sa puso ko, na kahit anong hila ko paalis, kahit anong hugot ko nito, ayaw matanggal.
It's killing me slowly, pinapatay nito ang natitirang pagmamahal ko para sa kanila, ang natitirang bait na meron sa aking pagkatao. Sabi ko nga wala na akong pag-asang gumaling sa sakit na idinulot sa akin ng tinuring kong parang tunay na kapatid.
Punong-puno na ako ng galit at paghihiganti, kaya tama... wala ng lugar sa puso ko ang salitang pagmamahal. I will never ever feel that kind of soft emotion, again.
‘Cause love will be just a foolish thing for me, from now on! Kaya nakapag-decide na talaga ako, I need to end this. I need to do what is already planned. Kailangan ko iyon magawa para siguro kahit papaano mawala ng paunti-unti ang sakit...
--pero mawawala nga ba?
FREDERIK’S POV
“F*ck! Where is she?!” Galit na galit ako, she left me –iniwanniya ako pagkatapos naming magpakasasa sa isa't-isa.
How dare she!
“Kalma ka lang, babe, 'di ko rin makontak ang kapatid ko. Even Eddy can't reach her phone. Kasi ano bang nangyari, akala ko ba kayo ang magkasama. And then here you go... took a plane, at dumating dito na walang Leysa na kasama.” Nag-aalala ring litanya ng asawa ko.
Yes. I took a helicopter ride, buti na lang at may taga-Baguio akong business partner, kaya nakahiram ako ng helicopter para makarating ako kaagad dito sa Burgos... pero f*ck it! Walang Leysa akong nakita pagkadating ko sa resort namin.
I calmed myself, mukha kasing nagulat sila sa naging reaksyon ko nang malaman kong wala pa ang hipag ko rito. I saw how Eddy's doubtful stares reached me.
“I am just worried, babe. Ako kasi ang kasama niya and then in just a split of seconds --she's gone!” sambit ko na lang at napasabunot sa buhok ko, hindi naman ako sa galit kay Leysa –I am just freaking worried, baka napaano na iyon. Shit lang! Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniyang masama.
“I know her. Minsan hindi lang talaga nag-iisip ng tama iyon bago gumalaw. But most of the time, tama naman ang mga nagiging desisyon niya sa buhay. Let's just wait a little longer, siguro nag-commute iyon kaya wala pa siya hanggang ngayon,” kalmadong sambit din ni Eddy habang walang emosyong nakatingin sa direksyon ko.
Alam ko, may alam na tong gagong best friend kong ito. He will not be called as my best friend kung hindi niya alam ang mga galawan ko, ang pag-iisip ko. Anyway, I will deal with him next time, kapag naklaro na ang lahat between me and Leysa.
Ano nga ba ang plano? Wala... oo, wala pa akong plano pero isa lang ang sigurado, I can't just let go of my wife... not now.
DIANA’S POV
“What? Nagkita kayo?” Napangiti ako sa tinuran ng kausap ko sa kabilang linya. Andito ako ngayon sa loob ng kwarto namin ni Fred sa resort.
“Tama yan... chance mo na yan, para makuha ulit ang loob niya. Kailangan na nating magmadali, lalo pa ngayong nagkakasakit na si Daddy. I am sure, inaayos na niya ang last will, in case.” Dugtong ko pa sa aking sinabi at pinatay ko na ang tawag.
******
Andito kaming lahat sa restaurant ng resort kung saan tanaw ang mga taong dumarating dito.
“Tumawag si Daniel...” panimulang sambit ko, kaya nagtinginan sila sa akin lahat.
“What? May connection pa rin kayo ng ex-fiancé ng kapatid mo?” turan ng asawa ko, alam ko hindi niya talaga gusto si Daniel para sa kapatid ko kahit noon pa man. Pero di siya kumikibo tungkol dito ngunit napapansin ko lang sa mga galaw niya noon.
“A-ah. Nagtatanong pa rin naman iyon sa whereabouts ni Leysa and he just informed me na kasama raw niya ang kapatid ko ngayon,” sambit ko sa kanila.
“Seriously, Diana? You let my friend with that damn ex of hers?” Biglang pagsasalita ni Monica, kaibigan ni Leysa na asawa na ngayon ng isa pang kaibigan ni Fred na si David Falcon. Naiirita man sa patutsada ng babaeng ito, I stayed calm, and smiled.
“Of course, ‘cause as far as I can remember, Daniel was a good guy... so kung ano man ang dahilan ni Leysa, bakit di siya sumipot sa kasal nila ay siguradong kasalanan na iyon ng kapatid ko, buti nga nagre-reach out pa rin 'yung tao para magkausap sila ng kapatid ko,” sambit at pagtatanggol ko kay Daniel. Kaya binigyan niya lang ako ng masamang tingin at inismiran.
Bruha!
LEYSA’S POV
“So kumusta ka na Leys?” tanong ng katabi ko kaya I looked at him and smiled.
“I am fine...” sagot ko naman ng walang pag-aalinlangan at binalik ang tingin ko sa labas ng bus.
“A-ah. Anong nangyari, Leys?” tanong niya, out of nowhere. I looked at him again.
“Ano nga bang nangyari sa atin, Dan?”
Yes. I unexpectedly meet my ex-fiancé rito sa bus na sinasakyan ko.
How coincidental...
“Di ko rin alam, but why you left me hanging there?” sinagot din niya ng tanong ang tanong ko. I smirked.
“I just realized na hindi pala talaga kita mahal. That's it!” simpleng sagot ko lang, na nagpayuko naman sa kaniya.
“Hmm. Sorry...” he said, out of nowhere. Kaya napakunot-noo ako.
“Bakit ikaw ang nagso-sorry, ano ka ba!” sagot ko sabay tawa at hinampas ng 'di kalakasan ang balikat niya. Kaya napatingin siya sa akin.
“Ako dapat 'di ba, I should be the one saying that –I ditched you, Dan... so, I am sorry, really sorry,” sambit ko na lang din.
“Can we start again, Leys?” tanong niya sabay ngiti.
And I remembered the first time –we meet. Dahil sa mga inosenteng ngiti niyang iyan ako napaibig noon. Sayang, naging tuta lang siya ng bitch kong kapatid.
“Sure... as friends maybe,” sambit ko naman.
Ito naman ang gusto nila then I'll gave it to them.
“Thanks, Leys...” tugon niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko.
Kung noon sa mga gestures niyang ganyan sobrang tumitibok na ang puso ko, pero ngayon wala... as in wala. But I am willing to be friends with him again... hmm.
Bibigyan ko ng magandang palabas si Ate Diana...
“So total friends naman na tayo. Come with me, nasa resort sina ate together with kuya and our friends...”
Paanyaya ko sa kaniya sabay ngiti ng matamis.