Chapter 12: Outing Part Two

MAINGAY ang mga pinsan ko ng makarating kami sa falls. Naghihiyawan sila nang makita ang mataas at magandang falls sa hindi kalayuan.

Masarap ang simoy ng hangin sa lugar dahil medyo nasa mataas na bahagi ang falls. Nasa bundok na.

Ayon kay Limuel, wala raw nagmamay-ari ng falls kaya binili nang mga Santiago at ginawang private property.

Napapailing na lang talaga ako kapag may nalalaman ako na binili, nirentahan o ano pa man nang mga Santiago. Tatawa-tawa si Limuel kapag nagku-kwento, aniya'y parang gusto na raw angkinin nila James ang buong probinsiya.

“Tara na! Let’s swim!”

Hindi na nakapag-pigil si Luna. Hinila na si Levy at Amaris na lumusong sa tubig. Nanatili naman ako sa lilim ng puno kung saan nakalagay ang mga gamit namin.

Kaniya-kaniya na sila nang ginagawa. Ang mga kaibigan ni Limuel kasama ang mga pinsan kong lalaki ay nagtungo sa taas ng falls at nagbabalak na tumalon mula doon.

Naghihiyawan naman ang mga pinsan kong babae na nasa tubig na.

“’Wag niyo kaming babagsakan, ah!” sigaw ni Selena.

Nagtawanan muna ang mga lalaki sa taas bago isa-isang tumalon. I feel like having a heart attack when its time for my cousins to jump.

“Careful!” I can’t help but shout at them. Nagthumbs up si Den, kumaway si Aerol, si Lester naman ay walang pakialam na tumalon.

Bumagsak siya sa harap ni Amaris na nagulat kasunod si Den na agad na humawak sa balikat ni Lester at hinila palayo sa babae na tumatawa na dahil natamaan ng paa ni Den sa likod nang bumagsak ito.

Nanatili akong nanunuod sa kanila. Mamaya na siguro ako magsu-swimming kapag hindi na gaanong masakit sa balat ang araw.

Nag-phone na muna ako. Nag-open ako ng instagram. At nang makitang online si Kuya Jed ay mabilis akong nag-DM. Akala ko aabutin pa ng ilang minuto bago siya magreply tulad ng nakagawian niya pero agad siyang nagreply ngayon.

@EulaBQ: Kuya.

@JEmman: Yes

@EulaBQ: Woah? Nagreply agad. Hindi ka pa-important ngayon?

@JEmman: Hindi masyado. Bakit? May kailangan ka?

Kailangan agad? Hindi ba pwedeng nami-miss ko lang siya.

@EulaBQ: Miss you.

Sabi ko with matching crying emoticon. At ang magaling kong kapatid nagreply lamang nang tumatawang emoticon saka naglog out.

Sumandal ako sa puno sa likuran saka nagselfie at ipinost sa IG. Nag-i-scroll ako sa feed ng sunod-sunod na tumunog ang notif ko.

Kunot-noo kong binuksan iyon at napanganga nang makitang puro si Kuya Jared at Kuya Jed ang nagpapalitan ng comments sa post ko.

@JEmman: Sino 'yang nasa likuran mo @EulaBQ? @jaredemmanuel.

@jaredemmanuel: Baka boyfriend o kaya engkanto na naki-selfie kay @EulaBQ.

@JEmman: Haha. Sa engkanto na lang ba ang kapatid natin @jaredemmanuel? Kawawa naman pala @EulaBQ.

Binalikan ko ang picture na ipinost ko at oo nga may lalaki sa malayong likuran ng puno. Naka-peace sign at nakatingin sa gawi ko.

Mark Limuel Reverente.

Bakit hindi ko muna chineck bago ipinost? Letse! Mabuti sana kung maayos ang damit niya, nakisali pa sa selfie ko, e naka-shorts lamang siya at topless.

Bumaling ako sa likod para hanapin at sikmatan si Limuel pero nagkusa na siyang lumapit. Tumatawa siyang umupo sa tabi ko tila alam na kung ano ang ikinakukunot ng noo ko.

“Hi!”

I glared at him. “Hi mo mukha mo!”

Malakas siyang tumawa saka nakisilip sa cell phone ko na nasa aking kandungan. “Oh?” aniya nang makita ang post ko, “malay ko ba naman na ipo-post mo pala?”

“Dapat kasi hindi ka nakikisama!” singhal ko.

Malakas lamang siyang tumawa. “Sinong may kasalanan na hindi muna chineck bago i-post? Hindi mo man lang ba naisip na i-edit muna?”

“Bakit ko pa i-edit, hindi ko na kailangan ng filter, 'no!”

Tila nagulat siya sa sinabi ko kaya napahawak siya sa kaniyang dibdib. “Wow! Sana all na lang.”

I can’t stop myself from laughing because of his reaction. Parang bakla naman.

“Eh, bakit ba?”

Umiiling-iling na lamang siya saka humiga.

Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Huni ng mga ibon at hampas ng hangin ang siyang musika sa aming katahimikan. Hanggang sa dahan-dahan siyang humimig ng isang kanta.

Why don't you tell me where it hurts now, baby

And I'll do my best to make it better

Yes, I'll do my best to make those tears all go away

Just tell me where it hurts, now, tell me

And I love you with a love so tender

Oh, and if you let me stay

I'll love all of the hurt away

Humilig ako sa puno saka ipinikit ang mga mata at pinakinggan siya. I want to cherish this moment. Hanggang sa tumahimik na rin siya ulit. A moment of silence, though medyo naririnig ko ang hiyawan ng mga kasama namin sa hindi kalayuan.

That silence last for just a short period of time because our companions' voices are getting closer and closer to where we are. Pero hindi ko iminulat ang mga mata ko.

“Ehem!” narinig kong tikhim ni Aerol, base on the voice.

“Hayaan mo na, Ae. Natutulog 'yung dalawa e.”

Well, hindi naman talaga ako natutulog pinapakinggan ko lang sila.

“Sweet,” komento nang isa sa barkada ni Limuel.

“Hayaan niyo na nga kasi.” Muli ay rinig kong saway nang isa pa.

Hanggang sa makarinig ako ng sunod-sunod na pagclick ng camera. Doon ako napamulat. And I was right. Denmark is holding a camera pointing at us.

“Den!” sikmat ko.

“What? I am just capturing the moment. Malay niyo, 'di ba?”

Limuel chuckled beside me. “Damihan mo 'bro, ah.”

Akala ko ba natutulog din 'to?

“Of course!” mayabang na sagot ni Denmark saka muling itinutok sa amin ang camera.

Mabilis akong nagtakip ng mukha upang hindi makilala sa picture.

“Wag mo ng takpan ang mukha mo, Beiah!” natatawang ani Selena na abala na sa pagkuha ng pagkain sa dala nming basket. Pasulyap-sulyap siya sa amin kaya kita niya ang nangyayari.

“Wag nga!” tumayo na ako saka nagtangkang agawin ang camera kay Den pero dahil matangkad siya hindi ko rin nakuha. Inirapan ko na lang siya saka tumabi kay Selena na abala na sa pagkain.

NANG magdapit-hapon saka ako nagpasiyang maligo. Ako na lang mag-isa ang lumusong dahil nasawa na ang mga kasama ko. Nakahilata na sila sa sapin doon sa lilim ng puno.

Tiningnan ko ang umaagos na tubig mula sa taas. Dahan-dahan akong lumangoy papalapit sa binabagsakan nito saka tumapat doon at tumingala.

Hinayaan kong pumatak sa mukha ko ang tubig, hindi naman kasi gaanong masakit ang pagtama nito sa aking mukha.

Nakapikit ako kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. I want to cherish this moment dahil baka matagal na naman bago ko maranasan ulit.

Mabili akong nagmulat ng may marinig na kumilos sa unahan ko, ramdam ko rin ang presensya.

I almost shout my heart out ng mamulatan ko ang nakangising si Limuel.

“The fuck!”

Dahil sa gulat ay napahawak ako sa aking sentido ng bigla iyong kumirot. Damn it! Di ba dapat sa puso ang reaksyon, bakit diretso sa utak?

Muli ako napapikit habang sapo ang aking ulo.

“Hey, are you alright?” naramdaman ko ang paglapit ni Limuel. Masuyo niyang sinapo ang aking pisngi. “I’m sorry kung ginulat kita. Pero di ba dapat sa dibdib ka hahawak dahil sa gulat?”

Letse 'to!

Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakapikit habang hinihilot ang sintido ko. Nagulat lang ako ng bumaba ang kamay ni Limuel sa balikat ko saka mahigpit akong hinawakan.

May pinahid pa ang isang kamay niya sa ilong ko kasabay ng malutong niyang mura.

“Putangina!”

“W-what?” medyo groggy na ang pakiramdam ko.

Hindi siya sumagot. Inaalalayan niya ako sa paglangoy patungo sa pampang saka binuhat patungo sa mga kasama namin.

“Uy ano 'yan?” salubong ni Luna.

“Damn it!” hinablot niya ang tuwalya na nakasampay sa balikat ni James saka ipinahid sa ilong ko.

“Ano ba 'yan, Lim?” tanong nang isa sa kaibigan niya.

“Dumugo ilong?” kuryoso namang usisa nang isa pa.

Inagaw ko na kay Limuel ang towel na ipinapahid pa rin niya sa ibaba ng ilong ko hanggang sa panga at leeg. “Kaya ko na.”

Pero hindi niya ako pinansin. “Tara na.” seryoso na ang mukha niya.

“Dumugo lang ang ilong niya, Mark. Baka dahil sa init kanina ng sikat ng araw.” Ani James.

“No.” seryoso pa rin siya. “Let’s go home.”

“Oo nga,” sang-ayon na rin ni Lester. “Tara na. Hindi naman dudugo ang ilong kung sa simpleng init lang ng araw.”

Nagsimula nang magligpit ng mga gamit si Amaris at Denmark.

“Saka parang ang dami naman. Your clothes are soak of blood, Eulabeiah.” Wika ni Cynthia na seryoso na rin ang mukha.

Bakas naman ang takot sa mukha nang ilang babae ko pang pinsan. Namumutla na sila. Hindi naman kasi natural sa amin na bigla na lang dudugo ang ilong o kaya mahihilo or kahit ano pa.

***

Song title: Tell me where it hurts by MYMP