Chapter 14 Be Her Prince (Mia’s POV)

NAGISING na lang ako na isang umaga, gusto ko na talaga si Summer. Na hindi ko nakikita ang sarili kong wala siya sa tabi ko. Na nakikita ko ang sarili kong kumpleto kapag hawak ko na ang kamay nila ni Cornelia.

Ang kailangan ko na lang gawin ay ligawan siya and prove that I'm not playing around. Pero paano ko gagawin iyon? Never ko naranasan ang maligawan!

I sighed. I went to sites that offer advises about relationships, and all they tackle about were signs of falling in love, falling out of love, if they still love you and red flags. Wala bang advise kung paano manligaw?

The classic bouquet of fresh flowers maybe the best as it symbolizes the love so pure, pero sa nakikita ko, hindi iyon papasa kay Summer. They don't have fresh ones in their unit. More on plastic flowers ang display nila.

A date in a restaurant—wala kaming maiiwanan kay Cornelia. And of course, priority ng single mom ang anak nila, not their own happiness and romantic desires.

A date to an amusement park, pwedeng-pwede ito kaso baka may nakabuntot na camera, at hindi rin nila ma-enjoy ang paggala.

Life of a celebrity is a hassle.

When I was the hot topic, wala akong pakialam dahil nakaalalay sina Tita Rose at Brix. Pero hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong sa kanila ngayon. Summer is stranger to them. Bakit ba kasi hindi pinakilala sa akin ni Dad ang mga bantay niya? Oh well, they were useless. Kung wala si Kuya Brian, matagal na ring nabuking si Dad.

Patay na't lahat-lahat ang dalawa, dinadamay ko pa.

Pero Dad, ito ba ang best na sinasabi mo para sa akin?

I let out a sigh. Tumayo na ako at naghanda para sa pagpasok.

I AM BUSY flipping through the pages of the patient’s file when Nanette knocked. She looked tired.

“Anong nangyari sa iyo?”

Hindi siya sumagot, bagkus lumapit siya sa akin at yumakap. She acts like sister asking for a baby rub. Wala akong ginawa kung hindi ang hagurin ang kanyang buhok.

“Napuyat ako kaka-away sa mga basher ni Rain. Ayaw ko naman i-share iyong speculation ko, kawawa si Cornelia.”

Tumango-tango ako at inalalayan siya na umupo sa table niya. “You’ve done a good job, Nette. Ngayon, bumalik ka na sa trabaho.”

Namayani ang katahimikan, and suddenly, I feel empty.

“Nette, magkwento ka nga,” sabi ko.

These passed few days became loud to me, and a minute of silence is a nightmare. Tanungin ko nga si Summer kung pwedeng magpa-ampon.

Tumikhim si Nanette bago magsalita, “Miss, alam mo ba na love knows no boundary?”

Napangiwi ako sa tanong niya. Everyone believes that.

“And love knows no gender,” patuloy niya pa.

“Ok?”

“Kapag nagmahal ka, hindi mo alam na mahal mo iyong tao until you look deep in their eyes. As if you wanted to know kung may lugar ka ba sa mata niya. And if it wasn’t enough, kasi naroon na ang doubt mo eh, you will seek answers through quotes and advices ng love experts and psychologically proven na mga signs.

“Naroon iyong maniniwala ka, fifty-fifty. Pero simple lang naman talaga ang dapat gawin, confess. Itu-turn down ka? Good. At least, sarili mong judgement ang pinaniwalaan mo. Hindi iyong maniniwala ka sa mixed signals kuno na binigyan ng kung ano-anong paliwanag ng internet at majority.”

After her long speech, pinagmasdan ko siya. Ang seryoso niya at tila hindi makabasag-pinggan ang awrahan niya ngayon.

At kung ganitong seryoso siya, I can talk to her.

“Nette, naranasan mo na ba magmahal ng same sȇx?” Tumango siya bilang sagot. “Bi o lesbian ka?”

“Lesbian.”

“I see.” I grabbed my pen and spinned it on the table.

“Mia—“

“May gusto kasi akong babae. Hindi ko alam kung paano siya haharapin, at liligawan.”

Hanggang sa matapos umikot ang ballpen, hindi ako nakatanggap ng kahit anong tutol o angal man lang mula kay Nanette. Pagtingin ko sa kanya, namumula ang mata niya at tila iiyak na.

“What? Why are you crying?” Tumayo ako para lapitan siya.

“I’m rooting for you, Miss Mia. I’m sure, kung sino man ang babaeng iyan, ang swerte niya. May isang Mia Dizon na nagkakagusto sa kanya.”

What the heck? She’s over-flattering me. However…

“Tell me, what is it about Mia Dizon?”

“I can guess that no one told you this, but Miss Mia, you…” Umayos siya ng upo at diretsong tumingin sa akin.

Sinalubong ko naman ang mata niya at humalumbaba sa table ko.

“You’re voice enough is comforting. Your touch is enough to say you’re there. Your hug is home. You have every aspect a lost soul will never get tired pursuing.”

A long pause of silence enveloped us. Like what was that? Hindi naman ako angel, ano?

“Ok!” I clapped once to break the silence. “Treat kita ng lunch. My gosh, masyado mong pinapangiti ang matanda.”

“But I only said the truth. Hindi rin kita binobola. Ligawan kita eh!”

“Fuvk off, Nette.”

“Boring ni Miss Mia.”

LATER that night, I went to Summer’s unit. Doon na rin ako nag-dinner, nagkulitan din kami ni Cornelia. Tinuruan ko rin siya sa mga homework niya habang abala sa kusina ang mommy niya. Nang matapos ay nag-bonding kami sa mini-studio nila.

Magkatabi kami ni Summer na nakaupo sa floor, habang pinapanood si Cornelia.

Binida ni Cornelia sa akin ang gitara niya na binili lang nila kanina. Sabi niya, nag-aaral siyang maggitara at ang mommy niya ang tutor.

“Kapag natuto ka, si Tita Mia naman ang turuan mo,” sabi ko kay Cornelia habang nag-strum siya sa gitara.

“Sabay na lang po tayong magpaturo kay Mommy. Tapos gawa tayo ng banda,” sagot ni Cornelia na binuntutan ng tawa.

Natawa na lang din kami ni Summer.

“Banda rito at banda roon ang tambay ba, Cornelia?”

Hindi nagtagal ay nag-message si Ellyna kung maari kong dalhin si Cornelia sa birthday ni Raizel. Palagi kasing hinahanap.

“Summer…” bulong ko habang abala si Cornelia sa gitara niya.

“Hmm?”

Pinakita ko na lang sa kanya ang message.

“Who’s this?” kunot-noong tanong niya.

“A good friend of mine. Actually, sa songs mo pinaglihi si Raizel, and he’s turning four this September—”

“Ok.”

“G-Galit ka ba?”

Fuvk! Pinangunahan ko siya, malamang galit siya.

“Kilala ba ni Cornelia ang Raizel na iyan?”

I bit my lip and shook my head no.

Mayamaya ay bumuga siya ng hangin at bumaling sa anak. “Cornelia, time to sleep.”

“Dito po matutulog si Tita Mia? Sa room ko?”

“Mamaya, tatabi sa iyo si Tita. Matulog ka na.”

Nang makatulog na ang bata, pumunta kami sa sala. May nakahanda na rin na pamalit ng benda niya.

Walang nagsasalita sa amin. Ayaw ko rin buksan ang topic dahil alam kong mali ang ginawa ko. Ayaw ko rin mag-sorry dahil sa tingin ko, hindi rin one-hundred percent na mali iyon.

“Thank you,” sambit ni Summer kahit hindi pa ako tapos.

“Para saan?” nagtatakang tanong ko.

She chuckled. “You never failed to make my daughter live an ordinary life.”

“Pumapayag ka? Sasama kayo?”

I am so excited to hear her say yes, pero nang humarap siya, malungkot na mata ang ipinakita niya.

“Kung gusto ni Cornelia.”

Suddenly, the thought of asking Cornelia’s help para mapaglapit kami ni Summer ay sumagi sa isip ko. Am I allowed? Bakit parang mali?

“Don’t worry, mga mababait na bata ang anak ng mga kaibigan ko. Hindi nila nakuha ang ugali ng magulang nila.”

“Why does it feel like you resented them?”

“Mga bully kasi iyon. Akalain mo iyon? Ako lang ang babae sa lima, and they always say na lahat kami ay prince. Like hello?!” I rolled my eyes when I remembered my childhood days. “They weren’t wrong, though,” sabi ko sa mahinang boses.

Sana marinig niya. It was a simple sentence at sana maintindihan niya. From this day on, I will be her prince.