Ang buhay ay punong puno ng patung patong na sorpresa. May mga bagay na inaakala natin ay magtatapos na, ngunit biglaan na lang nating malalamang magsisimula pa lamang pala.
Habang nakatayo ako ngayon sa harap ng simbahan ay labis kong inaalala kung paano nagmula at paano magtatapos ang kwento ng buhay ko.
Bigla akong napangiti ng masilayan ko si Kael. Kumaway siya sa akin.
Nang tumakbo ako sa pagiging Supreme Student Government President ay inaasahan ko na talagang ako ang mananalo. Wala ng iba pang kakalaban sa akin, dahil nasa akin na ang lahat. Tapos biglaan ko na lamang nalaman may kakalaban pala sa aking mula sa kabilang section. Hindi ko lubos akalain na padadapain niya ako. Siya ang pinili ng mga estudyante.
Iiwasan ko na siya. Ngunit, buhat sa mesteryosong nakabalot sa aking panaginip ay kailangan ko siyang iligtas mula sa kamatayan. Naging isang gabay ito upang lalo kaming mapalapit sa isa’t isa. Isa siyang bully, basagulero, tambay sa kanto at mangagamit ng babae but, he change a lot for me. Nalaman ko na lamang na ang mga pagbabago sa buhay niya ay dahil sa kanyang nararamdamang pagmamahal sa akin.
Huminto ang isang napakagandang sasakyan sa aking likuran kaya agaran ko itong tinanaw. Nakangising lumabas sa mamahaling sasakyan si Chalmer.
Isa pa ito. Akala ko ay kung sakali mang bumalik si Nerdy Tabatchoy sa buhay ko ay paghihigante ang mamamayani sa puso niya. Pero, hindi. Hindi siya nagpakain sa galit niya dahil mas nanaig ang pagmamahal na nararamdaman niya sa akin. Nagbago siya. Sobrang laki ng pagbabagong ginawa niya sa sarili niya upang makabagay man lang sa akin. Sobrang bait niya. Akala ko ay pagpapanggap lang ang tanging magagawa namin sa isa’t isa pero nabuo ang pagsasamahan namin. Nakilala ko pa siya ng husto.
IIwasan ko na sana siyang muli. Subalit, dahil sa mesteryosong nakabalot sa aking panaginip ay hindi ko siya malayuan. Kailangan ko rin siyang protektahan. Ang masaya akong sa dami ng pagsubok ay nagawa ko siyang iligtas.
Napaharap akong muli sa harapan ng simbahan ng marinig ko ang bungisngis ni JM.
Isang lalaking kahit ilang beses ko ng pinagtabuyan ay nananatili pa rin sa aking buhay. Siya iyong hindi man lamang sumuko sa akin. May mga bagay na ginawa niya para sa akin na hindi ko man lamang alam. Labis din ang pagmamahal na nadarama niya sa akin dahil nakagawa siya ng isang napakagandang libro.
IIwasan ko na rin sana siya ngunit hindi ko magawa. Maging siya ay napapasama na rin sa mesteryosong dala ng aking panaginip.
Napatingin ako sa katabi ni JM, si Jeany.
Ang bestie ko. Katulad ni JM ay isa rin siya sa nanatili sa akin. Ilang beses na kaming nag-away pero sa huli mamamayani pa rin sa puso namin ang pagkakaibigan. Marami mang pagsubok na dumating. Marami mang tampuhan ang naganap. Narito pa rin kami para sa isa’t isa.
Ipinagpatuloy ko ang pagpasok sa simbahan. Sumambulat sa akin si Kuya RIcxian at Ate Cristel.
Si Kuya Ricxian talaga e. Akala ko ay magiging bakla na talaga siya forever. Ngunit, sa isang iglap lang biglaan na lang siyang nagbago. Iba pala ang nagagawa ng pag-ibig no. Nagagawang palambutin at baguhin ang isang tao.
Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid ng simbahan. Lahat ng tao ay nakakulay itim. Nakikiramay para sa huling hantungan nina Mommy at Daddy. Habang nasisilayan ko ang kabaong nina Mommy at Daddy ay nanumbalik sa akin ang huling araw nila na humihinga pa.
–
“Mommy! Daddy!” Buhat sa tawag ay biglaan kaming nagsisakayan nina JM at Kael papunta sa lugar na sinabi ng tumawag. Nanikip ang dibdib ko ng masilayan kong duguan sina Mommy at Daddy. Nabundol sila ng isang rumaragasang sasakyan.
“Mommy!” Nilapitan ko si Mommy. Gumagalaw pa ang kanyang kamay.”Daddy!” Tiningnan ko naman si Daddy. Ang kanyang isang kamay ay nakahawak kay Mommy. May namumuong luha na rin sa kanilang mga mata.
“Tumawag kayo ng pulis!” sigaw ni JM.
“Tumawag kayo ng ambulansya!” sigaw naman ni Kael.
“Humihinga pa sila ng kaunti,” wika ni Kael. Balak ni Kael na maging isang doktor kung sakali mang hindi niya matapos ang kanyang ibang ninanais na trabaho.
“M-mommy! D-daddy! Makinig kayo!” Humahagulgol ako habang pinapahiran ang mga luha sa aking mga mata. Sobrang dami ng dugong nagkakalat. Kung sakali mang dalhin pa sila sa ospital ay baka hindi ko na sila makausap pa.
“Gawin mo na!” magkasabay na sambit ni Kael at JM.
“N-naginip akong hinihingal na tumatakbo dahil sa isang rumaragasang sasakyan.” Hinawakan ko ang mga kamay nina MOmmy at Daddy, Sa kaliwa ko ay si Mommy at sa kanan naman ay si Daddy. Nararamdaman kong gumagalaw pa ito. “B-biglaan na lamang akong nadulas dahil sa sobrang dulas ng daan.” Lumalakas ang ihip ng hangin.
“P-Pagtingin ko ay may isang kahoy na nadadapuan ng isang itim na paru paro.” Humihigpit sa pagkakahawak sa akin si Daddy. “Nang umalis ang itim na paru paro ay nilapitan ko ang kahoy at ginawang tungkod dahil sa sakit ng aking tuhod.”
“A-anak!” Biglaan akong napaharap kay Daddy. “M-mahal na mahal kita!” nahihirapan niyang wika habang nagsisilabasan na sa kanyang bibig ang dugo.
“K-Kapiit ka lang, Daddy.” Kinapitan ko siya ng mahigpit. “Muli na naman akong nadapa at nanginginig kong tiningnan ang aking kamay. Kitang kita ko ang tatlong itim na paru paro.”
“S-swetie…”
“N-nakalimutan ko.” Sobrang basa na ako dahil sa tuluyang paglakas ng patak ng ulan. “K-kaya pala ako nadulas kasi may…” Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng magkasabay na kumawala sa pagkakahawak ng aking kamay sina Mommy at Daddy. Wala na akong magawa kundi humagulgol dahil nahuli na ako.
Hindi ko man lamang nailigtas ang pamilya ko. Wala na sina Mommy at Dadddy.
—
“Nakikiramay ako!” biglaang nagsalita si Cliff kaya nabalik ako sa realidad. Nandito rin pala siya. Ginawa niya ang lahat upang makatulong sa akin pero hindi ko pa rin nagawang iligtas sina Mommy at Daddy.
Ayaw ko na sa hayop na sumpang nakabalot sa aking panaginip. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat. Kaya, sinamahan na niya ako mula sa isang albularyo. Doon, tuluyan ko ng ipinaubaya ang bangungot na dala ng sumpang nakapaloob sa aking panaginip.
Mahirap tangapin ang mga nangyari pero wala na akong magagawa. Nawala na nga ng tuluyan ang sumpang nakabalot sa aking panaginip pero kasabay naman nito ay ang pagkawala ng magulang ko.
Ngayon, patuloy kong hinahakbang ang aking mga paa upang harapin ang bagong umagang kasama si Kuya at Ate Cristel. Nandiyan pa rin naman ang aking mga bagong tropa na sina Kael, JM, Jeany, Chalmer at si Cliff.
—--
#BOOK2 SOON.