Kabanata 69: Cancelled Flight

“SWEETIE! Saan na ba kayo?” untag ni Mommy. Hindi ko agad nasagot si Mommy dahil abala ako sa paghila sa akin ni JM. “Sweetie? Bakit hindi ka sumasagot?”

“Jeany! Ikaw na ang bahala kay Tito. Sabihin mong mauna na kayo kina Tita.” Agaran kasi akong hinila ni JM papasok sa isang taxi. Tumango naman agad si Jeany.

“Mommy!” wika ko.

“Nasaan ang daddy mo?” tanong ni Mommy. “Mommy, papunta na sina Daddy diyan. May pupuntahan pa kami ni JM. Huwag kang mag-alala. Ayos lang kami.”

“Mag-iingat ka. Malakas ang daloy ng ulan.”

“Opo, Mommy.” Ibinaba ko na ang tawag. Kailangan na naming mahabol si Chalmer.

“Saan po tayo?” untag ni Manong Driver.

“Sa tingin mo saan kaya pupunta si Chalmer?” tanong sa akin ni JM.

“Hindi ko nga rin alam e.” Saan nga kaya? Biglaang huminto ang sinasakyan namin.

“Umayos kayo. Saan kayo bababa? untag ulit ni Manong Driver.

“Sa airport!” bigkas ko. “Sa may malapit na airport!” Siguro roon pupunta si Chalmer. Iyon ang schedule niya e. Matapos lang ang program ay aalis din siya para samahan ang kanyang daddy na magpagaling sa ibang bansa. Kung hindi ako nagkakamali ay roon nga siya pupunta.

“Okey!” wika ni Manong Driver at malakas na pinaandar ang taxing sinasakyan namin.

“Manong, huwag naman lakasan ng sobra. Ayaw pa naming mamatay!” pagsuhisyon ni JM sa kay Manong Driver. Nagsisipatakan na ang malakas na ulan. Ang hangin ay sobrang lamig ang dala. Nakakapanindig balahibo ang tinig na nabubuo.

“Huwag kang mag-alala. Mahahabol din natin si Chalmer sa airport!” Hinawakan ni JM ang aking dalawang kamay dahil sa sobra kong pagkataranta. Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Nakakapanghinang hawak at kaharap ko na sana siya kanina subalit hindi ko naman nasabi ang mga nais kong sabihin. Kailangan kong siyang mahabol/

“Sana nga!” wika ko. “Kung hindi ay…”

“Huwag kang magsalita ng tapos. Masi-save natin si Chalmer. Tandaan mo iyan!” Hinipan niya ang aking mukha. Ang bango ng kanyang hininga. Amoy kending may flavored na apple.

“Nandito na tayo!” Biglaang nagsalita si Manong Driver. Mukhang umabot na nga kami. Agaran akong lumabas sa taxi at tumakbo sa loob ng airport,

“Chalmer!” nagsisigaw ako habang tumatakbo.

“Ma’am! May nakalipad na bang eroplano?” untag ko sa isang flight attendance na aking nakasalubong.

“Oo,” sagot niya. “Nakakaawa nga ang eroplanong sinasakyan e. Bago kasi naglabas ng memo ay nakalipad na ang eroplano. Sana lamang ay safe ang lipad nila. Balita ko ay bumabagyo.”

“Bumabagyo? Bakit ninyo hinayaan?” naiinis ko siyang sininghagan.

“I’m sorry. Huli na dumating ang memo.” Iniwan ako ng flight attendance.

“Ano ang nangyari?” untag ni JM nang masilayan niya akong malungkot na nakaupo sa may kilid ng sementong dingding.

“Nakalipad na raw!” Nanghihina akong napapaupo. Sobrang sakit na hindi ko man lang siya maililigtas. Nakalipad na sila.

“Subukan nating tawagan. Baka pwedeng sabihin na lang sa tawag. Kung hindi pwede ay baka pwedeng i-mensahe na lang sa kanya. Kung hindi niya maririnig ay kanyang mababasa.” Nawawalan na ako ng pag-asa.

“Mahal mo nga siya!” Napatingin ako kay JM nang biglaan niya itong ibinulalas. “Kasi kung hindi mo siya mahal ay baka hindi ka magkakaganyan.”

“JM, hindi.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Maski sino pa ang nasa peligrong buhay ay ganito ang magiging reaksyon ko. Maski ikaw, si Jeany at si Kael. Ganitong ganito din ang nararamdaman ko noong kayo ang inililigtas ko.”

“BREAKING NEWS: SUMABOG ANG ISANG EROPLANO DAHIL SA BAGYONG MADI.

Matatandaang nagbigay na ng memorandum ang PAG-ASA na kansilahin na muna ang mga paliparan. Ngunit, biglaan na lamang ikinagulat ng lahat na may isang eroplanong sumabog. According sa mga napanayam namin ay may sakit ang isa sa pasyente ng eroplano. Minamadali nila ang paglipad dahil na rin sa kailangan na itong operahan. Hindi pa rin naglalabas ng mga pangalan ng apektadong taong sumakay ng sumabog na eroplano. Patuloy pa rin ang pag-iimbistiga sa totoong nangyari!”

“JM! Sila na nga iyon!” Halos mapanis na ang mga luha sa aking mga mata. Grabing araw naman ito. Puro na lang ako iyak. Sobrang pasasalamat ko noong malaman kong nakaligtas si Chalmer doon sa unang pagsabog. Hindi ko lubos akalain na sa isang eroplano pala siya mawawala. Nakakasawa na ang umiyak. Pero, si Chalmer ito. Si Chalmer na naging isang magandang parte ng buhay ko. Ang nagbago at lumaban para lang patunayang kaya niyang makipagsabayan. Ang lalaking hindi lang mukha, talino ang dala kundi pati ang puso.

“Baka naman hindi,” wika ni JM. Hindi ko na siya sinagot pa at pinagpatuloy na lamang ang paghagulgol. Kung sana sinabi ko na lang agad sa kanya kanina. Baka nailigtas ko pa siya. Kaso, wala e. Wala akong nagawa.

“Babe!” Napaharap ako sa babaeng umiiyak at nagsisisigaw na nasa harapan namin. “Babe!” muli itong nagsasalita. “Babe! Sabihin mo sa aking nandito ka lang! Babe! Sabihin mo sa aking hindi ka kasama sa sumabog na sasakyan. Babe! Ang sabi mo ay magpapakasal pa tayo pagbalik mo! Babe naman e!” Lalong nagsipatakan ang mga luha sa aking mga mata nang marinig ko ang babaeng nagsisasayaw na sa iyak dahil sa kanyang iniibig na sa wari niya ay kasama sa sumabog. “Babe! Marami pa tayong pinapangarap sa buhay. Marami pa tayong tutuparing magkasama! Babe!” Naiinis ako dahil sa aking naririnig. Hindi naman ako nagagalit sa umiiyak pero kasi. Maging ako ay nadadala sa kanyang ipinapakitang emosyon. Sobrang nasasaktan siya. Mahirap naman talagang maging mag-isa. Lalo na kapag nakasanayan mo nang kasama siya.

“Babe!” biglaan akong napatingin sa babaeng umiiyak, nang may isang lalaking lumapit sa kanya. “Bakit ka umiiyak?” Biglaan na lamang tumalon ang babae sa lalaking nasa harap niya.

“Babe naman e. Akala ko wala ka na. Akala ko ay iiwan muna ako. Akala ko…” Hindi na natuloy ng babae ang kanyang mga ibig ilabas na mga salita nang tuluyan ng naglapat ang mga labi nila ng kanyang iniibig.

“Tahan na. Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon! Ikakasal pa nga tayo e.” Kung sana lang katulad ng lovestory ng magkasintahang iyon ay walang mawawalan ng makakasama e. Kaso, hindi. Hangga’t may sasabog, may mawawalan ng minamahal.

Biglaan ko na namang nasilayan ang itim na paru paro. Lumilipad pa rin. Kanina pa akong palaging sinusundan. Nakakapanghina talaga kapag biglaan ko na lamang siyang nasisilayan. Lumipad ang paru paro at biglaan na lamang lumapit sa akin. Dumapo siya sa hawak kong cellphone. Sa isang iglap lamang ay biglaan na lamang tumunog ang hawak kong cellphone.

“Bestie! Hindi nakalipad si Chalmer.” Sa isang iglap lamang ay parang nabuhayan ako ng pag-asa. “Kaya siya nagmamadali kanina kasi inataki raw sa puso ang daddy niya. Kaya sinugod nila sa ospital!”

“Ano ang balita?” untag ni JM.

“Hindi raw nakasakay si Chalmer sa sumabog na eroplano.” Tumayo ako at hinila siya papalabas ng airport. “Hali ka na! Puntahan na natin siya sa ospital!”

Diyos ko! Maraming salamat at dininig mo agad ang dasal ko. Salamat at kaya ko pang iligtas si Chalmer. Alam kong ginawa mo ito upang mailigtas ko pa siya.

“Sabi ko naman sa iyo. Nagsayang ka lang tuloy ng luha.”

“Ano ba ang sinabi mo?” untag ko sa kanya.

“Baka naman kasi…”

“Baka naman kasi hindi siya nakasakay. Dapat kasi kinompleto mo!” sigaw ko. “Manong, bilisan po ninyo. Sa may malapit na ospital po tayo! Bilis!”

“Yes! Ma’am!”

Kabanata 75 Special Chapter

—-

Inilagay ko ito upang inyong maintindihan ang kwentong binasa ng guro at binasa ni Jam para kay Kael

__

Have You Back (Bumalik Ka Na!)

By Cupid Wizard.

Umuulan na naman, tila bumabalik ang kahapon kung kailan masaya tayong buong pamilya na nagkakasama. Kung kailan kahit isang lata ng tinapa lang ang ating pagkain ay nakangiti pa rin tayo at ito'y pinagkakasya.

Kahit malakas ang ulan ay masaya tayong naglalaro sa ulan kasama si Papa, at Bunso Rona. Subalit hindi ko akalaing ang araw na iyon pala ang araw na huli nating pamilya na buo at masaya. Ang araw na iyon pala ang huling araw ni Papa.

Tandang-tanda ko pa kung paano ako yakapin ni papa, kung paano napapangiti niya ako sa kanyang mga tawa, at kung paano niya ako bigyan ng mga salitang magbibigay sa akin ng pag-asa sa tuwing nasa mahirap na hinaharap sa buhay. Magkahawak kami ng kamay ni papa ng bigla na lang bumagsak ang isang puno sa akin banda subalit naitulak ako ni papa na naging dahilan ng kanyang pagkawala.

Ilang ulit kong sinisisi ang aking sarili, ilang ulit kong pinagsisihan na sana hindi ko na lang kayo pinilit ni papa na maglaro at maligo sa ulan, at sana ako na lang ang nawala nang ang ating pamilya ngayon ay hindi nahihirapan.

"Nay, tay! Sumali na kayo! Hali na at maglaro tayo sa ulanan." mga ngiti ko ay halos 'di maipinta sa mga araw na 'yon.

"Anak, matatanda na kami ng papa mo para maglaro saka pumasok na nga kayo at baka lalakas pa ang ulan at mahulugan pa kayo ng mga bunga ng kahoy. Magkasugat pa kayo." bigkas mo noon. Sa mga oras na 'yon sabi ko sa sarili ko. Ang KJ naman ng mama ko. Ayaw ba niyang maglaro kaming magkakapamilya?

"Papa! Bunso! Ang Kj ni mama," malungkot kong ani noon. Bigla na lang kumuha ng timba si papa at itinapon ang laman na tubig sa'yo.

"Sige na nga." nakangiti mong ani saka tumakbo papunta sa akin.

Naghabulan tayo sa ulanan, naglaro at masayang nagtatawanan. Nang

bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin, ang patak ng ulan ay unti-unting lumalakas at ang kalangitan ay unti-unting nagdidilim.

"Papa, umuwi na tayo." bigkas mo iyon ng maramdaman ang pag-iba ng panahon habang kayakap si Bunso Rona na nauuna ng naglakad patungo sa daan pauwi.

"Mama, huli na talaga 'to. Habulin mo 'yong bola papa." sambit ko saka pinakawalan ang bolang hawak ko.

"Mauuna na kami at giniginaw na si Bunso." huling bigkas mo pero hindi na kami nag-atubiling sumagot kasi nawili na kami sa pagkuha sa bola.

"Kuya, uwi na tayo." sambit ni papa ng mapansing wala na kayo sa daan at maaaring nakauwi na kayo. Natatawa talaga ako kapag tinatawag niya akong kuya kasi parang mas

matanda pa ako sa kanya kung ganoon. Iyon pala ang paraan niyo para si Bunso ay masanay na tawagin akong kuya.

"Sige na nga." Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kaliwa niyang kamay habang ang kanang kamay naman ay hawak ang bolang aming pinaglaruan.

"Masaya ka ba Kuya?" tanong niya sa akin. Alam mo ba, totoo pala na namamanhid ka sa tuwing kasama mo ang nagpasaya sa'yo kasi sa mga oras na 'yon kahit ang malalakas na buhos ng ulan at malalamig na simoy ng hangin ay 'di ko naramdaman. Tanging kasiyahan lang ang bumabalot sa aking buong katawan.

"Oo! Papa, sana maulit pa ito. Mahal ka namin." Kinusot ko pa nga ang kamay naming dalawa eh.

"Mahal ka rin ni papa. Mahal ko kayong lahat. Tandaan mo 'yan.” Pagpisil ni papa sa mukha ko.

"Eh papa 'di ba sabi niyo ni mama bibilhan niyo ako ng bisikleta?" naisawika ko na lamang. Ewan ko ba sa sarili ko at bakit ang kulit ko sa mga araw na 'yon.

"Oo, kaso anak 'di pa kasya ang naitabi naming pera ng mama mo eh. Huwag kang mag-aalala

makokompleto rin namin 'yon," sambit ni papa.

"Hoy! Magbihis na kayo." Nahinto kami ng marinig ang boses mo. Pagtingin namin ay saka lang namin napansin na nakalampas na pala kami.

"Kuyaaaaaa!" malakas na sigaw mo na nagpataranta sa akin. Bigla nalang may malakas na nagtulak sa akin. Napapikit ako at nakaramdam ng sakit ng matungo ang aking buong

katawan sa lupa.

"Papaaaaa!!" sigaw mo ulit na nagpabukas sa aking mga mata. Napamulagat ako sa aking nakita, nakita ko ang isang malaking puno na natumba kay papa.

Halos basag ang katawan niyang naka-ipit at dumudugo na dahil sa sanga ngpuno. Nakita ko ang pagluha ng iyong mga mata. Nakita ko ang sakit sa iyong mukha. Nakita ko ang iyong pagluluksa. Naisugod pa natin siya sa ospital subalit dahil din sa wala tayong pera eh pumanaw rin siya.

Ganyan talaga eh. 'Yang mga ospital na 'yan na hindi man lang tutulong kung walang pera. 'Yang mga doktor na 'yan na nangakong gagamot pero 'di naman ginagawa kung walang

pera. Sana lang mabuhay sila na walang kunsensya.

Simula ng pagkawala ni Papa ay ikaw na ang bumuhay sa amin. Simula ng mawala siya ay unti-unti na nating nadarama ang sakit ng pagiging mahirap. Noon, nadarama naman

natin iyon pero dahil sa ang iniisip natin na masaya tayo, buo at magkakasama kaya ito ay

nababalewala.

Minsan naisip ko talaga bang may Diyos? Bakit tayo pinapahirapan? Bakit sila masaya at nakakaangat sa buhay habang tayo, ito, nakatira lang sa ilalim ng kalsada? Naging masama ba tayo at sa lahat ng pahihirapan tayo pa? Pwede ko siyang sisihin pero kahit gawin ko 'yon wala pa rin namang pagbabago eh. Mahihirapan at mahihirapan pa rin tayo.

Ngayon narito ako sa bahay kasama si Bunso Rona habang umuulan. Gabi na pero 'di pa kami nakakain at dinadalaw ng antok. Ang ginaw ay halos 'di na namin kaya kasabay pa nito ang tawag ng aming tiyan.

"Kuya, gutom na ako." sambit ni Bunso. Alam ko at nararamdaman ko

ang kanyang dinaramdam na sakit. Kaninang hapon pa kami walang makain at tanging hinihintay ang iyong muling pagbalik. Mama, gutom na kami. Bumalik ka na.

"Hintayin na muna natin si Mama.

Uminom ka muna ng tubig." Pagbibigay lakas ko na lamang. Wala na kaming makain. Hindi mo naman ako hinayaang magtrabaho kasi gusto mo matupad ko ang pangarap kong

maging doktor. Biglang lumakas ang ulan kasabay nito ang malakas na tinig na mula sa

langit na tinatawag nilang kidlat.

Natatakot na ako pero kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko. Iba ang ihip ng hangin para bagang may mangyayaring masama.

Mama, bumalik ka na. Nagmamakaawa ako. Mama sana ligtas ka pa rin. Naniniwala akong di mo kami iiwan. Alas-9 na pero 'di ka pa rin dumarating.

"Mama!" isang masayang wika ang naibulalas ng bunso kong kapatid ng makita ang katawan mo sa harap ng pinto. Dali-dali siyang lumapit at kinuha ang dala mong pagkain.

"Mama, buti naman at nakabalik

kayo." Nakangiti kong ani at niyakap ka.

"Kuya, nabili ko na ang bisikleta mo. Nasa labas sana maging masaya ka at natupad na ang hiling mong bisikleta." buong puso mong bigkas.

"Salamat mama. Teka, halika na kumain na tayo." pinaupo kita sa sahig at nakiupo na rin ako. Sa bawat nguya mo ay parang may kakaiba, sa bawat bigkas mo ay parang may patama, at sa bawat kilos mo ay may pinagbago pero hindi ko na lang sinabi at baka pagod ka lang galing

sa trabaho mo.

Natapos ang pagkain natin ay nagkwento ka pa ng kwento. 'Di ba nga tungkol 'yon sa batang kalye na nawalan ng ina at ama pero patuloy pa rin na nabubuhay para sa mga kapatid niya. Naiyak pa nga ako sa kwento na 'yon eh, nadala ako sa bawat emosyonal mong pagbigkas ng mga salita.

"Matuto kang lumaban, ipagpatuloy ang nasimulan at harapin ang bukas na masaya. May mga problema ka mang haharapin, bumangon ka at ito ay gawing rason para lumaban." Mga huling linyang bigkas mo saka ako nakatulog.

"Tao po! Tao po!" nagising ako sa isang malakas na sigaw mula sa

labas ng ating bahay. Iniisip ko nasaan ka na kaya? 'Di ba kadalasan ikaw ang bumubukas sa bintana pero bakit hindi pa rin ito nakabukas?

"Mama, puntahan mo nga 'yong nasa labas," sigaw ko.

"Tao po! Tao po!" Ilang minuto pa ay bumalik ang boses ng kanina pa sumisigaw. Inaantok akong binuksan ang bintana at hinarap ang tao.

"Ano po 'yon?" tanong ko habang pumipikit-pikit pa ang mga mata.

"Kilala mo ba si Maya Manan?" pagtanong nito.

"Mama, hinahanap ka!" sigaw ko at baka marinig mo.

"Mama mo siya?" nagtatakang tanong nito.

"Oo, bakit?" sagot ko ulit.

"Patay na ang mama mo. Kahapon mga bandang alas-nwebe ng gabi nahulog ang sasakyang sinasakyan niya. Marami silang nadisgrasya dahil sa malakas na buhos ng ulan at pagkidlat." Biglang tumulo ang aking luha pero alam ko sa sarili ko na

hindi 'yon totoo.

"Nagpapatawa ba kayo? Huwag kayong magbiro ng ganyan sa akin. Nakarating si mama rito kagabi. Buhay at humihinga kaya imposibleng wala na siya. Umalis kayo." pagtataboy ko sa taong nagtatanong.

"Nasa St. Jude Hospital ang katawan niya. Maniwala kayo o hindi pero 'yan ang totoo." sambit nito.

Patakbo akong tumungo sa higaan at hinanap ka. Patakbo akong hinihingal na hinahanap ang iyong katawan. Patakbo akong pasigaw na sinasambit

ang iyong pangalan.

"Mama! Saan ka na? Mama!

Magpakita ka naman. Mama!

Nagmamakaawa ako sabihin mo sa aking nandito ka lang. " para akong baliw na sinasambit ang iyong pangalan. Hindi ko na alam ang gagawin kaya pinuntahan ko si bunso

at ginising.

"Bunso! Bunso! Bunso! Rona Manan! Saan si mama?" tatlong beses kong ibigkas ang pagtawag ko kay bunso pero di pa rin siya nagigising kaya isinigaw ko na ang buo niyang

pangalan at saka tinanong.

"Kuya, hindi ko alam. Ang sabi niya sa akin kagabi. Magpapakabait daw ako sa'yo pagkatapos noon sabi niya. Mahal na mahal niya tayong dalawa." sagot niya na naiiyak ng maramdaman niyang galit na ako.

"Ang daming satsat. Sabi ako nasaan si Mama?" siguro dala na rin sa galit kaya nainis ako.

"Kuya, hindi ko alam." ang pagbuhos ng luha sa kanyang mata ay biglang nagpataranta sa akin. Hinagkan ko siya at sumabay na lamang kaming dalawa doon sa taong nagsabing nasa hospital daw ang labi mo.

"Mama, bakit mo kami iniwan? 'Di ba sabi ko sayo magdodoktor pa ako para magamot ka namin kung magkasakit ka? 'Di ba sabi mo walang iwanan? Ang daya daya mo naman eh. Paano na kami ni Bunso? Paano na kami?"

Halos magunaw ang mundo ko at 'di makapagsalita ng pagbukas ko sa tela na nasa isang kama ay ang iyong mukha. Bakit mo kami iniwan mama? Bakit?

Tiningnan ko si Bunso at mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata ng magtimpasaw siya sa lupa at lumuluha.

"Kuya, paano na tayo?" sambit ni Bunso na mas lalong nagpasakit sa aking dibdib. Hinagkan ko na lamang siya at sabay kaming nag iyakan. Bumalik kami sa bahay kasama ang katawan mo. Subalit bigla akong napamulagat ng biglang magtanong si Bunso.

"Kuya, kanino kaya 'yong bisikleta sa pintuan natin?" Bigla ko na lang na alala ang nangyari kagabi kaya pinuntahan ko ang nasa pintuan. Labis akong namangha kung paano nakaukit ang aking pangalan sa parte ng bisikleta.

Ngayon ko lang napagtanto. Siguro sa sobrang pagmamahal mo sa amin ng kapatid ko ay pati kaluluwa mo ay nakiayon. Siguro dahil alam mong maaari rin naming ikamatay kung wala kaming nakain kagabi kaya pumunta ka gamit ang kaluluwa mo. Siguro gusto mong matupad 'yung hiling ko bago ka mawala sa mundo. Siguro gusto mong normal na magpaalam kagabi subalit nahihirapan kang sabihin.

Mama, hindi ko na kailangan ng bisiklita! Mama! Mas kailangan ka namin kaysa sa ibang materyal na bagay. Mama bumalik ka na! Mama ko sa langit mahal ka namin. Huwag kang mag aalala babantayan ko si Bunso at tatapusin ko ang pangarap ninyo ni Papa para sa aming dalawa. Sana maulit muli ang dati.

Mama! Bumalik ka na.