Kabanata 66: At One Mistake

“NASAAN ang cellphone ko?” Agaran akong nataranta ng mapansin kong wala sa aking bulsa ang aking cellphone na ginamit ko pagkuha ng larawan nina Kuya at Ate Cristel, kanina. Pinagkakapa ko na ang aking mga bulsa ngunit wala talaga. Muli, hinalungkot ko ang mumunti kong bag, pero hindi ko mahagilap. “Teka, JM?” tinutukan ko sa aking dalawang mata si JM.

“Anong ako? Nahawakan ko iyon kanina pero ipinasa ko iyon kay Tito.” Nalipat ang tingin namin kay Daddy na nagmamaneho. Uminom ng malamig na mismo si JM saka umiwas ng tingin.

“Daddy? Cellphone ko?”

“Wala sa akin iyon.” Tumahimik si Daddy at seryosong nagmamaneho. Tila ba ay mayroong iniisip. “Teka, ipinasa nga iyon sa akin ni JM, kanina. Tiningnan ko kung pogi pa rin ba ako sa picture. Matapos noon ay hinablot ng Mommy mo, kasi nakita niyang aganda raw ng kuha mo sa kanya! Kaya, ayon.”

“Ibig sabihin nandoon lang iyon kay Mommy?” Ayos na rin naman iyon. Kaysa malaman kong nawala na ang cellphone ko. Naisip kong balikan na lang kaya namin? Kaso, malayo layo na rin ang byenahe namin.

“Wala iyon kay Tita. Nasa bag iyon ng Kuya mo!” napatingin kami kay Cristel na nagsalita. “Hawak niya kasi ang cellphone, tapos naalala ninyo nagbanyo siya. Inilagay muna niya ang cellphone mo sa bag ng kuya mo.”

“Kailangan na kailangan ko ang cellphone ko, ngayon!”

“Balikan na lang kaya muna natin!” saad ni JM.

“Nagmamadali tayo. May speech pa ako sa program sa atin. Ako ang tatawag ng Honor Student sa Third Year. Baka mahuli tayo!” bigkas ni Daddy na labis kong ikadismaya. Akala ko pa naman may pag-asa pa. “Kung gusto mo ay. Ikaw na muna ang gumamit ng cellphone ko!” Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. Ayos na rin ito. Pwede ko ng ma-contact sina JM at Jeany rito.

“Bestie! Pakilagay naman ang number mo, ni Chalmer, JM, Yaya ni Chalmer at sa iyo.” Ipinasa ko agad ang cellphone kay Jeany. “Time to time ko kayong iko-contact. Kailangan ko kayo.”

“Sige ba!” Mabilis na pinindot ni Jeany ang hawak na niyang cellphone.

“Anak, Ano ba ang meroon at mukhang aligaga ka? Kanina ko pa napapansin na para kang tuliro at hindi mapakali.” Patay na! Mukhang napapansin na ni Daddy ang mga galaw ko. Hindi niya pwedeng malamang may panaginip na naman ako at baka mag-alala siya ng husto. Baka pati siya ay magsasayang ng oras upang tulungan lang ako. Baka hindi pa niya gagawin ang mga pinag-uutos sa kanya dahil lang sa akin. I’m sorry, Daddy. Ayaw kong madamay ka pa.

“Tito! Excited lang iyan tumuntong ng stage!” biglaang saad ni Jeany. Tumango na lamang ako.

Isang itim na paru paro ang biglaan na lamang sumambulat sa aking mukha nang buksan ko ang sinasakyan namin dahil umabot na kami sa aming destination. Agaran naman akong tumakbo ng masilayan ko ang nakatalikod na lalaki. Si Chalmer iyon. Sure ako. Suot niya ang couple shirt namin? Grabe naman siya kung ganoon. Baka wala na siyang ibang masuot. Wala na siyang choice kundi suotin ito.

“Bestie!” sigaw ni Jeany pero hindi ko na siya pinansin

“Chalmer!” agaran kong hinawakan si Chalmer at tinawag. Subalit, labis kong ikadismaya ng masilayan kong hindi ito si Chalmer. DIyos ko. Bakit ba iniisip kong susuotin niya ito? Hindi ko man lang ba naisip na hindi lang kaming dalawa ang may couple shirt na ganito? “Sorry!”

“Babe? Sino siya? Bagong babae mo na naman ba?” wika ng babaeng biglaan na lamang umusbong sa likuran ko. “Nawala lang ako ng isang iglap, may kausap ka ng iba?”

“Babe! Hindi!” Kitang kita ko sa mukha ng lalaki ang takot. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko hindi ba?”

“Pwes! Sino siya?!” sigaw niya. Kitang kita ko ang suot ng babae. Parehong pareho noong couple shirt namin ni Chalmer talaga. Ang suot ng babae ay iyong akin na may nakasulat na He’ Mine.

“Ate! Huwag po kayong magagalit.”

“Paanong hindi ako magagalit? Inaahas mo ang boyfriend ko!” Sinampal niya ako. Ano ba? Nang dahil sa maling akala ay nasampal pa ako. Teka nga, parang kilala ko ang boyfriend niyang ito. Familiar ang mukha niya e. Para siyang isang sikat na artista.

“Miss! Nagkakamali ka,” kahit na nasaktan ako sa sobrang lakas ng pagsampal niya sa akin ay kalmado ko pa rin siyang sininyasan. Nakikikita ko kasi sa likuran ko ang mga kamera, at cellphone. Mukhang vinivideohan kami. Kakalat ito sa social media at manunumbalik na naman ang mga bashers ko. Hindi ito pwede.

“Nagkakamali ako?” Tinuro niya ang kanyang sarili. “Mang aagaw ka! Porket, artista itong boyfriend ko ay aagawin muna!” Nagulat ako at muli niya akong sinampal. Totoo nga? Siya iyong artistang sikat ngayon sa TV. Hindi ko naman alam e. Nagkamali nga lang ako. “Pwes! Gusto mong sumikat? Hali ka!” Mariin niyang hinawakan ang aking buhok. Ibinandera niya ang aking mukha sa mga taong may hawak ng cellphone. “Ito! Itong babaeng ito, ang ahas na umagaw sa boyfriend kong artista!” Biglaan akong napahiya. Hindi ako makapagsalita. Binitawan niya ang aking buhok at humarap sa boyfriend niyang artista at nagwika, “Let’s break up! Magsama kayo ng babaeng maharot na iyan!” Bigla akong nagugulat sa mga nangyayari. “Ikaw naman babae! Ito, barya! Pakikiramay sa sinira mong relasyon!” Nakakapang init ng ulo. Wala man lamang akong magawa habang unti unti siyang lumalayo. Naiiyak ako sa sobrang sakit. Itinapon niya lamang sa akin na parang pulubi ang isang barya.

“Jam!” biglang nagsalita si Daddy. “Ano ang nangyayari?”

“Sorry!” dedepensahan ko sana ang sarili ko kay Daddy ngunit biglaan na lamang nagsalita ang lalaking artista. Artista siya pero hindi ko talaga alam kung ano ang pangalan niya. Iniabot niya sa akin ang isang panyo. Hindi ko ito tinanggap. Labis kong ikinagulat ng siya na mismo ang lumapit sa akin at gamit ang panyong hawak niya ay pinahiran niya ang mukha ko. “Patawad kung nasira ang maganda mong mukha. Maganda ka pa rin naman.” Nang iinsulto ba siya?

“Habulin mo iyong girlfriend mo! Huwag mo ng dagdagan ang issue!” sinigawan ko siya at tinulak. “Ayusin mo ang gulo ng girlfriend mo! Ayaw ko ng gulo!” muli akong nagpatutsada at tumatakbong iniwan siya papunta sa banyo. Habang tumatakbo ako ay nakita ko si Chalmer. Nakapolo siya at slocks. Mukhang pinaghandaan niya ang kanyang pag-apak ng stage muli. Ngunit, hindi ko magawang lumapit dahil sa kahihiyang nangyari. Dagdag pa at mukhang nasira pa ang mukha ko dahil sa aking mga luha.

“Bestie! Ano ang nangyari sa iyo?” Pagdating ko ng banyo ay nandoon din si Jeany. So sad. Hindi niya nakita ang mga nangyari. Siguro, kung nandoon siya ay siya pa ang sasampal sa babaeng iyon. Kaso, wala siya e. Wala man lamang tuloy akong magawa. Isa lang naman ang pagkakamali ko e. Ang mapagkamalang si Chalmer ang lalaking iyon pero humantong pa sa ibang tagpo. Nakakapanghina.

“Ayos lang ako!” Agaran akong naghilamos. Sobrang sakit pa rin.

“Bestie! Bakit ka umiiyak?” untag niya.

“Wala lang napuying lang ako,” ngumisi ako at humalakhak ng pilit. Bahagya lamang ito upang ma-convince siyang ayos lang ako. “Nakita ko na pala si Chalmer kaso ihing ihi na ako e!” Mula sa may salamin ay nagbukas ako ng isa sa silid upang umihi.

“Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?”

“Oo nga!” sagot ko.

“Jam! Jam!” naririnig kong sigaw ni JM mula sa labas ng banyo. “Nandiyan ba si Jam?”

“Oo!” sagot naman ni Jeany na lumabas at sinalubong si JM.

Ang buhay talaga ay parang isang baso. Isang maling galaw mo lamang ay mababasag ito. Isang maling disisyon mo lang may maapektuhang ibang tao. Sa isang pagkakamali, may mawawasak na damdamin.