Kabanata 64: I SURVIVE FOR YOU
“I survive for you!” napaiwas ako ng tingin kay Kael matapos niya itong ibulalas sa akin. Matapos kasi ang usapan namin kanina ni Jeany ay agaran niya akong sinamahan pupunta kay Kael. Gusto kong makita kong ayos lang ba ang kalagayan niya. Mukhang hindi na pala ako dapat mag-aalala kasi basi sa mga ngiti niyang salubong sa akin ay mukhang wala na siyang iniinda o baka itinatago niya lang.
“You survive because you want to…” bigkas ko. “Maaga pa para sa mga ganoong bagay. Sayang kung kunin ka agad ni Lord no. Ang daming babaeng iiyak at…”
“Selos ka na niyan?” Sinamaan ko siya ng tingin. Tumatawa lang siya. Hindi ko tuloy natapos ang sasabihin ko.
“Ang daming babaeng iiyak at magpapakamatay makasama ka lang.” Sa pagkakataong ito ako naman ang humalakhak sa tawa.
“Sorry…” biglaan siyang naging seryoso. “Sorry kung nadamay ka na naman sa mga kagaguhan ko.” Hinawakan niya ang aking mga kamay. “Believe me! Hindi ko inaasahan hahantong sa ganito ang lahat. Hindi ko aakalaing may maagpapakamatay dahil sa mga pinagagawa ko.” Tinitigan niya ako sa mga mata at labis akong nasasaktan at nakikita ko siyang ganito. May namumuong luha sa kanyang mga mata. “I’ve change a lot. Believe me! But, maybe…” Nasapo niya ang kayang ulo. “Maybe, it’s too late.”
“Hindi!” maikling saad ko.
“Biruin mo! May baby na pala sana ako.” Humahagulgol siya. Isang bagay na hindi ko lubos akalaing gagawin niya. “But, pinatay ko siya.”
“Kael, Huwag kang agad na susuko. Isipin mo na lamang na nanunuod siya ngayon at binabanatayan ka.” Hinagod ko ang kanyang likuran. “Kaya, kailangan mong ipakitang nagbago ka na upang, kung sakaling may magtanong man sa kanya kung anong klaseng tao ang tatay niya. Ang maisasagot niya ay ang mga magagandang bagay na nakikita niya!” Kailangan ko siyang bigyan ng word of wisdom. Nang sa ganoon ay hindi niya sukuan ang buhay. Baka, imbis na nailigtas ko siya ay gagawin niyang impyerno ang buhay niya. Baka magrebelde siya dahil sa mga bagay na mga nalaman niya. Nakikita ko naman ang mga pagbabago niya. He deserve to stay away from the past self of him.
“Pinapagaan mo lang yata ang sarili ko e.” limitadong hagikhik ang nagawa niya. “Baby! Kung nandito ka man, ngayon. Patawarin mo si papa. Ang bad boy niya e. Sana… sana kung magre-reincarnate ka man. Huwag na huwag mong gagayahin si Papa!” Inilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng silid. Animo ba ay may kaharap siyang kinakausap.
“Naniniwala ka sa reincarnation?” natatawa kong saad sa kanya. “Scientifically, walang ganoon.”
“Bakit? May mga bagay na hindi kayang sagutin ng Science, kaya huwag mo akong lekturan.”
“Gusto ko lang na huwag mo na sanang intindihin ang mga nangyari. Hindi sana ito maging hadlang upang tuluyan kang magbago.” Tinitigan ko ang mukha niya. May nakalagay na bandage. May sugat talaga sa kanyang mukha.
“Natatakot ako!” Tinaasan ko siya ng kilay. “Natatakot ako na baka mamaya, baka bukas, baka sa susunod na mga araw. Naglalakad lamang ako tapos biglang may babaril sa akin. Mga taong tulad ni Cliff ay naging biktima ng dating ako.” Pinapahiran niya ang mga nagsisilabasang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko siya masisisi kung naiisip niya ito. “Ang dating ako na pinipilit ko ng kalimutan. Siguro, ito na ang karma ng buhay ko.”
“Hindi naman siguro!”
“T-tama nga sila!” Kumuha ako ng bote ng tubig at binuksan ito. “Nasa huli nga ang pagsisisi! Hindi ko na tuloy alam kung kakayanin ko pang mabuhay kung ang dami ko na pa lang naagabyadong tao.”
“Uminom ka muna!” Ibinigay ko sa kanya ang bote ng tubig. “Kaya mo ito. Sasamahan ka namin!” Nagsisipasukan na rin kasi sina JM, Jeany at ang kapatid niyang si Chariss.
“Tama ka! Hindi ko deserve ang pagiging Supreme Student Government President, kasi wala akong kwentang tao. Ano naman ang magagawa ko sa paaralan? Paano ko ihihinto ang pambubully at mga gulo ko ako mismo ay parte ng mga ito?”
“You deserve to be the Supreme Student Government President, kasi may puso ka.” Nagulat siyang tumingin sa aking mukha. “Gamitin mo ang posisyon mo upang ipakita sa mga naagabyado mo na, you are sorry. Humingi ka ng tawad sa kanila at himuking huminto at sumama para sa pagbabago! You have the power, now! Kung ano man ang sabihin mo, asahan mong susunod kami!” Itinaas ko ang aking kamay at ipinakita sa kanya ang approved sign. “Ikaw ang aming bagong…” pagsisimula ko.
“Supreme Student Government President!” magkasabay kami nina JM, Jeany at Chariss na binigkas ito.
“Kuya, nag-alala ako sa iyo, kagabi!” Tumakbong lumapit si Chariss sa kanyang kuya. “Akala ko kung napano ka na!” Niyakap niya ang kanyang kapatid.
“Hindi mangyayari iyon!” Nakangiting humarap sa akin si Kael habang yakap ang kapatid. “Hinding hindi hahayaan ni Kuya na mag-isa ang kanyang nag-iisang kapatid!”
“Kuya! Paano ko isasabit sa iyo ang ribbon mo?” Oo nga pala.
Kaya wala sina Mommy at Daddy kasi tinutulungan sina Kuya at Ate Cristel para sa graduation nila.
“Hindi pa makakalabas ang kuya mo dahil sa sugat na natamo niya. Kailangan niya munang magpagaling!”
“Sayang naman! Excited pa naman akong maglagay ng ribbon at tumuntong ng stage.”
“Hayaan mo! Sa susunod na taon. Aakyat ka na sa stage. Hindi lang ribbon ang ilalagay mo sa akin, kundi pati certificate at medal!”
“Ang pangit pangit mo, Kuya!” Kinuha ni Chariss ang kanyang panyo at ipinahid sa mukha ng kanyang kuya. “Kaya ka siguro hindi sinasagot ni Ate Jam Bie e!”
“Jam!” Ibinigay sa akin ni Jeany ang kanyang cellphone. Agaran ko namang binasa ang nakapaloob sa cellphone.
~
Mamaya pang alas tres ang flight ni Sir Chalmer. Kailangan dalhin sa ibang bansa ang kanyang daddy para sa mabilisang recovery. Bago iyon ay dadaan pa siya sa eskwelahan para sa graduation. Balita ko ay may certificate si Sir. Pogi na nga, matalino pa!
~
Binasa ko rin ang pangalan ng nag-text.
“Yaya?”
“Oo. Yaya iyan sa bahay ni Chalmer. Pinuntahan ko kasi siya sa bahay nila kahapon kaso tanging yaya lang ang nakasulobung ko. Kaya humingi na lang din ako ng numero at ibinigay ko na rin ang sa akin!”
“JM at Jeany. Tulungan ninyo ako. Kailangan makausap si Chalmer bago siya makalipad! Kailangan natin siyang iligtas sa kapahamakan! Hayaan ninyo at huli na ito. Kapag walang bulilyaso at matapos ang araw na ito. Maghahanap na ako ng solusyon upang mawala ang sumpang nakabalot sa panaginip ko!”
“Sali ako!” sigaw ni Kael mula sa kanyang hinihigaan. Hindi pala kami nakalabas ng silid.
“Bro, magpahinga ka na lang muna! Kami na ang bahala. Ililigtas namin si Chalmer!”
Tumunog na lamang bigla ang aking cellphone. Mag-aalas 8. 00 na pala. May tumatawag?
“Tumatawag ang pulis!” saad ko sa kanila upang huminahon muna.
“Ma’am! Pupunta kami diyan para tanungin kayo tungkol sa nangyari, kahapon. Kaso, may gustong kumausap sa iyo! Importante daw.” Sino naman kaya? Gaano ba ito ka-importante?
“Jam!” Hindi ko alam kung kaninong boses ang nagsasalita sa kabilang linya? Anong importanteng sasabihin niya kung hindi ko siya kilala?
“Ako ito si Cliff. Iyong taong dumukot sa inyo!” Bakit naman siya tatawag sa akin? Ano naman kaya ang kailangan niya? Baka gusto niyang humingi ng tulong upang makalaya?
“Tumawag ka ba para makalabas sa kaso? Cliff, may kasalanan ka. Huwag kang mag-aalala kasi maliit lang naman ang kaso mo kaya maaari ka pang makalabas!” Masasama ang mga matang nakatingin sa akin. Siguro, nagugulat sila sa mga salitang binitawan ko sa taong muntikang pumatay sa amin ni Kael.
“Hindi iyon!” Tumahimik siya ng biglaan. “Pareho tayo.”
“Ano?” untag ko.
“Habang maaga pa ay humingi ka na ng tulong para mawala na ang sumpang dulot sa mga panaginip mo! Pareho tayong binabangungot sa panaginip! Kailangan mo ng makawala, bago pang may mawala.”