CHAPTER 1: First Encounter
CINDY
“ gaga bilis maabutan pa tayo sa ginagawa mo eh” eto kasing si amanda ayaw pa tumigil sa kakakuha ng gamit, ang usapan namin ung mamahalin lang tapos alis na.
Ay oo nga pala ako si cindy ventura isang college student, napaka sipag kong mag aral at napaka sipag ko din mag trabaho sa gabi. Isa pa pala running for magna ako sa school kaya matic na scholar ako at pati narin sa gabi ay magna ako, magnanakaw hahaha.
“ tara na” may nakita kasi akong anino at nakita na din ni amanda iyon kaya mabilis kaming gumalaw.
Malapit na kaming makaalis sa mala mansyon na bahay ng natabig ni amanda ung paso, kung kailan naman malapit na kami. Biglang umilaw ang buong bahay kaya kinabahan na kaming dalawa, mabilis kaming tumakbo at pinauna ko ng umakyat si amada baka kais tatanga tanga pa.
Sumunod akong tumaas ng may humawak sa paa ko, niligon ko at shet!!! Nag panic ako kaya sinipa ko pero ayaw bitawan aag paa ko pero hindi ako nag patalo at malakas kong hinila ang paa ko hanggang naka akyat kami.
Nilingon ko ung humawak saakin at nakita kong may hawak siya, shet! Ung anklet ko, paborito ko pa naman iyon at pang pa swerte ko din iyo pero napansin ko din ung itsura niya kahit madilim. Natauhan na lang ako ng sinigawan na ako ni amanda kaya bumaba na ako at malaya kaming nakabalik sa bahay nila amanda.
“ muntik na tayo doo, sabi ko kasi sayo tama na” reklamo ko, inilabas na ni amanda ang lahat ng nakuha namin.
“ ano ka ba, matagal uli tayong magnanakaw kaya sulitin na natin” sagot niya, may tama naman siya kasi malapit na exam namin.
“ grabe ung mga nakuha natin oh, tiba tiba tayo ngayon” tinignan ko ung mga alahas na nakuha namin, puro pang lalaki ang nakuha namin, may tinignan akong bracelet na may nakaukit pang pangalan.
“ conrad” basa ko, tinignan ni amanda.
“ gwapo ng pangalan pero panigurado ay matanda na iyan kasi tignan mo naman puro pang lalaki ito at ni isang walang pang babae, mga mayayaman talaga ayaw I share ung yaman kasi takot silang maubusan pag nag asawa na” pangatwiran ni amanda.
“ ay may nakuha akong diary” itinabi lang kaya kinuha ko.
“ paano ibibigay ko na ito kay juaqin” tumango ako at inilagay niya na lahat ung mga alahas at mga relo sa bag para dalhin kay juaqin.
“ sasamaka o maiiwan kana lang diyan, baka dayain kita” sinamaan ko siya ng tingin, inilagay ko ung diary sa bag ko at sumama na kay amanda.
Matapos namin na ipalit ung mga nakuha namin ay dumiretso palengke na ako dahil madaling araw naman na at hindi ko itatanggi na malaki ang pera na nakuha namin sa gamit, nagulat kami ni amanda na ganun kamahal ang bawat alahas.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa bahay, gising na pala si mama. Inilagay ko lahat ang pinamili ko sa mesa.
“ andami naman niyan anak, kumita ka ba sa bar??” ngumiti ako at nag mano.
“ opo ma, malaki ang tip ko ngayon kaya ipinangbili ko na lahat para may abasto na din tayo” sagot ko, umupo ako at sumandal.
“ kape?” tumango ako, tinimplahan ako ni mama.
“ mama kunin niyo nga po pala ito, pang bayad sa gastusin sa bahay at sa skwelahan nong kambal na bunso” inilapag ung kape ko at kinuha ung pera.
“ ang laki naman neto baka wala kana baon niyan” ngumito ako.
“ ma chill meron ako dito, pa check niyo na rin pala ung likod niyo na laging sumasakit baka kasi kung ano na iyan” humigop ako ng kape.
“ wag kang mag alala, dadaan ako mamaya” sagot niya.
“ wala kang klase ngayon?” umiling ako, kaya sakto lang ung ginawa namin ni amanda kagabi para maka pag pahinga ako mamaya.
“ good morning ate, wow puto” ung kambal kong kapatid gising na.
“ akin ung walang cheese”
“ akin may cheese” sabay nilang sabi, tiniplahan na din sila ni mama ng gatas.
“ mag luto ako ng breakfast natin, ano gusto niyo?” tanong ni mama.
“ fried chicken mama, akin mama pork chop na fried” sabi nong kambal, kahit kambal sila lagi namang iba ang gusto nila.
“ naku mabuti na lang at may binili si ate niyo kasi kung wala baka itlog lang muna” sagot ni mama, lumiwanag ung mbga mukha nila.
“ ikaw anak ano gusto mo?” tanong saakin.
“ adobong chicken ma ung malapot ang sabaw” paborito ko kasi iyon, kung alam niyo araw araw kami ganito ay hindi kasi minsan lang namin makain ung gusto namin pag may pera lang ako at ung huling may pera ako ay dalawang buwan ng nakakalipas.
“ adobo na din saakin” sabi ni mama, sabado ngayon kaya walang pasok ung kambal.
“ mag luluto si mama ng mga gusto niyong ulam, ano naman ang gagawin niyo para makabawi kay mama?” tanong ko sa kambal.
“ ako mag wawalis”
“ ako mag aayos ng kalat” tumango ako.
“ ikaw ate ung mag lampaso” utos naman nila, natawa na lang ako kaya gumalaw na kaming tatlo habang nag luluto si mama ng agahan namin.
Ginaganahan ung kambal lalo pat naamoy nila ung ulam nila, hindi kasi pwedeng mag trabaho si mama kasi may asthma siya. Baka pag nag trabaho ay lumala pa at mag ka problema pa kami lalo kaya saakin lahat ang bagsak, kinakaya ko naman at naiintindihan nila minsan kong wala akong maiuwing pera at minsan ay kailangan namin mag tipirin ung tuyo at itlog sa isang buwan.
“ wow mama ang sarap!” nag fried din si mama ng kanin na may halong mga gulay, iyon ang gutsong gusto kasi nila ung may gulay ung kanin.
“ oh kain na tayo” nag pasalamat muna kami bago kumain, guilty ako minsan kasi ung kinakain namin ay galing sa nakaw pero kailangan eh. Ayoko namang makitang sobrang hirap ang pamilya ko kaya pinag bubuti ko ang pag aaral ko.