Chapter 13: Slap

Elora Amore Point of View

“Hindi niyo maalala ang ginawa nitong pagpapahiya sa anak ko kanina kahit wala siyang ginagawang masama sa inyo?”

Bigla naman pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Inalala kung paano namin pinahiya si Laila. Pero kahit anong pilit, hindi ko maalala kung saang parte napahiya ang anak niya.

“Talagang nagsumbong pa ang anak mo sa ‘yo. Pero mali naman ang sinumbong,” umismid si Klofie sa kaniya. Sinuway naman siya ng ina dahil sa pinapakita nito.

“See, Adel? Sa sinabi ng anak mo, parang inamin na niya rin na ginawa nga nila ‘yon.”

“Walang galang na po, pero mali yata ang nasagap niyong sumbong. Sa pagkaka-alala ko, kami, ako ang napahiya at hindi ang anak mo dahil sa mga pinagkakalat niya. Kaya hindi alam kung saang parte na pahiya ang anak mo,” mabilis na pagtatanggol sa sarili. ‘Yon din naman ang totoo.

“Ngayon, babaliktarin mo ang sitwasyon. Kunwari ka pang pa-victim. Sa ginawa mong pagsigaw-sigaw sa anak ko kanina, pinahiya mo na siya. ‘Tsaka walang pinagkakalat ang anak ko, huwag kang gumawa ng kuwento.” Nagsilapitan ang mga kapit-bahay sa pagtaas niya ng boses. Namumula na ang mukha at nagtatagis na ang baba.

“Hindi ako gumagawa ng kuwento. Baka kayo mag-ina, oo. Sa pagkaka-alala ko, kami ang sinigawan ng anak mo at hindi namin siya sinigawan.”

“Isa pa po, mas napahiya ang kaibigan ko dahil sa bigla niyang pagsampal kay Elora habang naglalakad kami.” Lumipat ang tingin ni Klofie kay Laila at minamaliit na tiningnan ito.

“Ang tapang magsimula ng gulo pero naduduwag kapag natalo. Seriously, magsusumbong sa ina? Mahina ka pala,” pang-iinsulto niya dahilan para mag-angat siya ng tingin.

“Hindi ako mahina. Hindi ako nagsumbong. Na-ikuwento ko lang ang ginawa niyong pagpapahiya sa akin na ngayon pilit niyong binabaliktad at sa akin binabato ang sisi,” tahimik lang si ninang. Hindi alam kung anong sasabihin. Naguguluhan sa nangyayari.

Tumawa ako ng mahina pero nakaagaw pa rin ‘yon sa atensyon nila

“Biruin mo ‘yon. Kahit pala sa mama mo nagkukuwento ka ng walang katotohanan. Kung sabagay sa kaniya mo naman naman ‘yon,” napasinghap sina Ninang Adel at Klofie sa biglang paglapat ng kamay ni Aling Carmen sa pisngi.

“How dare you to accuse us like that? Walang patunay. Ang kapal ng mukha mo,” hindi ko alam kung ang pamumula ng mukha ay dahil sa galit o kahihiyan.

“How dare you also to slap my daughter?” Seryosong boses ang nagpalingon sa amin. Papalapit si mama sa akin ngunit ang mga mata ay matalim na nakatingin kay Aling Carmen.

“Buti naman dumating ka na, Serene. Para naman ma-disiplina mo ‘tong anak mo sa mga maling pinaggagawa niya. Lalo na ang pagpapahiya sa anak ko sa harap ng tao. Alam....”

“Hindi ba dapat ang anak mo ang kailangan ng disiplina dahil sa maling ginagawa niya? Sa mga pagpapahiya niya sa anak ko? O baka naman kahit ikaw, kailangan disiplinahin dahil diyan sa bunganga mo na walang ibang lumalabas kung hindi kasinungalingan at maling kuwento na pinagkakalat?” Nagulat kami sa seryoso at galit na boses ni mama.

Anong ibig niyang sabihin? May alam na ba siya sa pinaggagawa nina Laila?

“Ano bang pinagsasabi mo riyan, Serene? Bakit binabaliktad mo naman ang pangyayari? Alam naman natin na...”

“Alam natin na kayo ang may maling ginawa. Kaya kung may kailangan ng disiplina, kayo ‘yon at hindi ang anak ko.” Hinawakan ko si mama at pinapakalma.

“Ano bang ibig mong sabihin, mama?” Mahinang bulong ko sa kaniya. May ideyang ng pumapasok sa isip ko pero kailangan kong marinig sa kaniya.

“Akala mo ba hindi ko alam ang pinaggagawa niyo mag-ina? Kahit kanino nagkukuwento kayo tungkol sa akin at dinadamay niyo ang anak ko. Mga maling balita na pilit niyong pinapaniwala sa iba. Pero ‘yong pinaggagawa niyo ngayon, ibang level na. Anong karapatan niyong ipagkalat na kabet ako? Wala kayong katibayan. Hindi ako kabet. ‘Yan ang itatak niyo sa utak niyo.” Dinuro sila ni mama. Hinawakan ko siya para kumalma.

Mukhang sa kaniya yata ako nagmana. Kalmado pero kumukulo na pala ang dugo sa loob.

“Totoo naman. Kabet ka. May relasyon kayo no’ng lalaki kahit na may fiancée siya. Hindi ba?” Gulat ang unang nakita ko na reaksiyon ni mama. Umarko ang kilay ko sa pagtataka.

Bakit ganiyan ang reaksyon niya? Totoo ba ang sinasabi ni Aling Carmen? May relasyon siya at no’ng lalaki?

“Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi ng anak mo na personal assistant ka lang? May amo bang hinahawakan ang assistant niya sa bewang? Hinahalikan sa pisngi at todo aalay sa ‘yo?” Lahat kami ay nagulat sa sinigaw niya. Walang imik si mama at nakatingin lang sa kaniya.

“Ngayon mo sabihing hindi ka kabet.”

“Sabihin na nating tama ka. May relasyon kaming dalawa at hindi niya ako assistant. Pero hindi pa rin ako kabet,” hindi ako sigurado kung sinabi niya lang ba ‘yon dahil ‘yon ang gustong marinig ni Aling Carmen o totoo lahat ‘yon.

“Kasi may fiancée siya sa Manila,” taas noo niyang sagot. Tumawa ng pagak si mama. Mas lalo akong nagtataka sa nangyayari.

“Kahit kailan hindi naging kabet si Serene. Totoong may relasyon kami at may fiancée ako sa Manila. Pero hindi siya kabet,” isang baritonong boses ang nagpatahimik sa amin. Bumaba siya mula sa isang pamilyar na sasakyan. Casual lang ang suot niya ngunit nakakaagaw ng pansin. Naglakad siya papalapit sa amin at lumapit kay mama. Do’n na namin nakikilala ng tuluyan kung sino ang lalaki. Siya ang kasama ni mama lagi sa sasakyan. Hinapit niya ang baywang ni mama at hinawakan ito.

Lumingon ako kay Ninang Adel at Klofie. Ngunit tanging si Klofie lang ang nagtataka. Si Ninang Adel ay nakangiting napako ang tingin kina mama. Parang kilala na niya ang lalaki at kampante siya.

“Excuse me, pero sino ka po?” Nabaling ang tingin sa akin. Bigla siyang ngumiti ng matamis sa akin na siyang pinagtataka ko lalo.

“See? May fiancée ka sa Manila tapos may relasyon kayo rito. Indikasyon na ‘yon na kabet ‘yang babae na ‘yan,” akmang susugurin niya si mama pero pinigilan ko siya agad.

“Aling Carmen, mabuti pa umuwi na lang po kayo. Nakakagawa lang kayo ng gulo rito,” pero tinulak niya lang ako. Mabuti na lang mabilis nakalapit si Klofie sa akin kaya hindi ako tuluyang natumba.

“Uulitin ko, hindi siya kabet. Dahil siya at ang fiancée na tinutukoy mo ay iisa,” nanlaki ang mata at umawang ang labi. Walang salita na lumalabas sa bibig. Ganiyan ang naging reaction namin maliban kay mama at Ninang.

Pero may mas ikakagulat pa pala kaysa sa sinabi niya. Mga salita na parang nagpalutang sa akin at nawala sa katinuan. Mga salita na hindi ko inaasahan na marinig at malaman sa ganitong oras at pagkakataon.

Kahit si Klofie ay napabitaw sa akin dahil sa narinig. Gulat at hindi makapaniwala sa narinig. Kahit ako ay gano’n din. Parang isang palabas lang ang lahat para ipagtanggol kami.

Tumingin ako kay Ninang Adel. Tanging matamis na ngiti at marahan na pagtango lang ang binigay sa akin. Paglingon kina Aling Carmen at Laila, gulat na gulat sila at hindi rin makapaniwala. Parang tinubuan ng hiya sa nalaman. Para silang sinampal ng limang beses at biglang napipi.

Habang si mama, her smile assuring me that everything is real. Dapat akong maniwala. Ang mga sumunod niyang mga salita ang nagbigay ng pagkakataon sa akin para balikan ang sinabi ni mama sa’kin.

“Sasabihin ko rin sa ‘yo ngunit hindi pa ngayon. Malalaman mo rin sa tamang pagkakataon ang tunay na rason.”

Ito na ba ang tinutukoy niyang tamang pagkakataon? Kaya nasagot ang mga katanungan at nawala ng tuluyan ang pagdududa ko kay mama? Totoo nga ba ang lahat ng ito? Hindi ba ito isang panaginip o palabas lamang.

His another voice shattered me at the same overwhelmed and bring lulaby in my soul.

“By the way, let me introduce myself first. I’m Khaizen Grench the fiancee of Serene Villacorta and the father of Elora Amore Villacorta.