Chapter 14: Revelation
Elora Amore Point of View
Tahimik ang buong bahay. Walang gustong magsalita. Walang gustong gumawa ng ingay at umagaw ng atensiyon.
Natapos ang komosiyon sa labas sa biglang pag-alis ng mag-ina. Hindi na nakabawi pa at nakasagot sa binitiwang salita ng lalaki na ngayon ay katabi ni mama. Basta-basta na lang itong tumalikod at hinila ang anak na parang kinaladkad sa bilis ng kaniyang hakbang. Nahihiya sa ginawang gulo. Sila rin naman ang napahiya.
Magkahawak ang kamay ni mama at no’ng lalaki na nagsabing ama ko raw. Naharap ko sila at tahimik lang kaming nakaupo habang nakatingin sila sa akin at palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ang dami kong gustong sabihin. Ang daming nais na lumabas sa bibig ko. Pero.. Pero wala akong sapat na lakas para gawin ‘yon. Parang nakakahiya kong ako ang unang magsasalita; kung ako ang unang babasag sa katahimikan.
Gusto kong gayahin ‘yong nakikita ko sa iba o sa mga palabas tuwing may nalalaman silang katotohan. Pero pinigilan ko ang sarili. Hinding tamang gawin ‘yon. Higit sa lahat, wala akong karapatang gawin ang bagay na ‘yon.
Suddenly, mom hold my hand using her free hand. Malamlam na tiningnan ako. Hindi ko kayang basahin ang ekspresyon. Magkahalong tuwa, lungkot, and guilty.
“I’m sorry, anak,” bahagyang pumiyok pa ang boses niya. Tumikhim bago nagsalita ulit. “I’m sorry kung tinago ko sa ‘yo ang totoo. I’m sorry kung naglihim ako sa ‘yo,” the man caress her back smoothly.
“Kasalan ko ang lahat kung bakit ito nangyayari ngayon. Kasalanan ko kung bakit nalayo kayo sa ‘kin. Kung may dapat mang humingi ng patawad, ako ‘yon at hindi ang mama mo,” mababa ang boses na salita niya. Saglit lang akong tinapunan ng tingin at nagbaba na rin ng tingin. Pakiramdam ko parang nahihiya siya sa akin.
Humarap si mama sa kaniya at umiling. “No. Mas malaki ang kasalanan ko kaysa sa ‘yo. Masiyado akong nagpadala emosiyon. Masiyado akong nagpadala sa galit.” Tumingin ulit si mama sa akin at ngumiti ng tipid. “Kaya patawarin mo ko. Patawarin mo ko sa ginawa ko, anak.”
Makita sila na pilit inaako ang kasalanan, para akong sinaksak. Nakikita ko na mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman sa mga mata ni mama kaysa tuwa. Ngayon ko lang siyang nakita na nasasaktan ng harapan.
Hindi niya man sabihin; hindi niya man aminin, ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang bigat at sakit ng kaniyang kalooban sa bawat paglipas ng gabi at araw. Kahit pilit niya mang itago sa akin ang tunay na nararamdaman, pero ramdam ko pa rin kung totoo sa hindi ng pinapakita niyang emosyon.
“Hindi ka naman namin minamadali na kausapin kami. Naiintindihan namin kung ayaw mo kaming kausapin at may galit ka sa amin, sa akin, dahil sa ginawang paglilihim. Pero anak, nandito lang si mama, nandito lang kami,” her fulfill in regrets, guilt, and something that I can’t name.
“Bibigyan ka namin ng oras para makapag-isip. Alam namin na masiyado kang nabibigla sa oras. Don’t rush yourself, Mi Amore. You have your time to accept things,” his voice, his voice somehow comforting me. A foreign emotion arise inside of me. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong emosiyon. Dahil ba ngayon ko lang naranasan na may ama akong kaharap at kausap ngayon?
“Kung may gusto kang sabihin; kung may gusto kang itanong, sabihin at ilabas mo sa amin ‘yon, Amore. Hindi kami magagalit at matatanggap namin ang lahat. You can say or express your real emotion right now.”
Parehong mukha nila, sumisigaw ng kapatawaran. Both of them feel guilty. My father eyes longing for something. Something that I know na kaya naming ibigay ni mama.
But wait! Akala ba nila galit o nagtatampo ako sa kanila dahil hindi ako nagsasalita? Are they expecting me to shout at them and makes them feel more guilty?
Bumitaw na sa pagkakahawak sa kamay ko si mama. Parehong nagdaan ang sakit sa kanilang mga mata nang hindi pa rin ako nagsasalita. Sa tingin talaga nila ay gagawin ko ang madalas ginagawa ng iba tuwing may nalalaman silang totoo. Lalo na kung tungkol sa tunay nitong ama o ina.
Tatayo na sana sila ngunit napahinto nang magsalita ako. Mas lalong bumagsak ang kanilang balikat. Parang inaasahan na nila na ‘yon ang bibitawan kong salita.
“Siguro nga po, tama kayo. Kailangan ko ng oras para tanggapin ang lahat; kailangan ko ng oras para iproseso ang nangyayari; kailangan ko ng oras maging maayos ang lahat,” ngumiti ang matamis na nagbigay sa kanila ng pagtataka.
Ang mga sunod na binitiwan kong salita ang nagpagulat sa kanila. Parang nakakita ng multo at na-estatwa sa kinauupuan dahil sa gulat. Tila hindi nila inaasahan ang susunod na lalabas na salita.
“Pero hindi ako gano’n kasama para sigawan kayo at magwala. Oo, nasaktan ko. Nasasaktan ako. Kasi kalahati ng buhay ko ang involve. Kasi malaking parte ng buhay ko ang tinago niyo sa akin. Pero ano bang magagawa ko kung uunahin ko ang galit na nararamdaman? Mababawasan ba nito ang samo’t saring emosyon na nararamdaman ko? Magiging maayos ba ang lahat? May magbabago ba?”
Alam kong sa ganito kung edad, madalas sa iba pinapangunahan ng emosyon kaya nakakagawa ng maling bagay. Lalo na kung malaki ang epekto ng tinagong katotohanan. Pero sa pamumuhay namin ni mama; sa lahat ng pinagdaanan namin, may mga bagay akong natutunan.
“Kaya hangga’t maaari, ayaw kong pangunahan ng emosyon ang gagawin kung desisyon. Hindi ako galit sa inyo. Siguro nagtatampo lang dahil sa ginawa niyo. Pero hindi ako galit. Wala akong karapatang magalit, mama... papa,” nakita ko na mas lalo pang nagulat ang aking ama sa huli kong binigkas na salita.
“Siguro, para tuluyan kong matanggap ang lahat ng ito. Puwede po bang malaman ang dahilan kung bakit.... kung bakit niyo itinago sa akin ang mga katotohanan na ganito?” Malumanay ang bawat salita na lumalabas sa bibig ko. I’m proud to myself na nagawa kong kalmahin ang sarili. Nagawa kong kontrolin ang emosyon ko.
“Pero kung hindi pa kayo handa na sabihin sa akin ngayon ang rason, ayos lang. Katulad ng sinabi mo mama, baka may tamang pagkakataon at panahon para malaman ko ang bagay na iyon,” ayaw kong maramdaman nila na parang minamadali sila na sagutin ako. Gusto kong dahan-dahanin ang lahat. Kung ang kalalabasan din naman ay kaginhawaan at tunay na kasiyahan para sa aming lahat.
“No. I mean, puwede namin i-kuwento sa ‘yo ngayon. Hindi ba, Khai?” Parang natatarantang sagot ni mama. Wala sa sariling tumango naman si papa.
“Of course. Mas mainam nga kung ngayon na natin pag-usapan,” may halong galak ang kaniyang boses. Kapuwa nasisiyahan sa nangyayari.
“Sigurado po kayo? Hindi rin naman ako nagmamadali,” pero pareho silang tumango. Siguradong-sigurado na sa ginawang desisyon. Tila hindi na magbabago pa. Tumango na lang ako. Umayos sila ng upo. Nangangapa ng salita kung paano sisimulan ang usapan.
“Don’t feel pressure po. Hindi muna ako magsasalita para masabi niyo lahat,” giving them a warm and assuring smile.
Nagtuturuan kung sino muna ang mauuna. They unison take a deep sigh and clear their throats.
“Iniwan ko ang papa mo, buntis pa lang sa ‘yo. Iniwan ko siya sa mababang dahilan at maliit na hindi pagkakaintindihan. Hindi ko siya pinakinggan; mga paliwanag, salita, at paghingi ng tawad. Masiyado akong nagpalamon ng emosyon; sa sakit at galit na nararamdaman. Pakiramdam ko niloko at pinagkaisaha ako,” naluluha na ang mga mata ni mama na binalikan ang nakaraan. Makita na nasasaktan siya ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Nasasaktan din ako na makita siyang ganiyan.
“Kahit sarili kong pamilya, nilayasan ko. Pinilit kong lumayo at iwan ang lahat para lang makalimot at maghilom ang sakit na nararamdaman. Akala ko magagamot ang lahar ng sakit at galit kung magpapalayo ako. Iniisip ko kasi, nandiyan ka naman; nandiyan ang anak ko. Kaya ko. Kakayanin ko kahit kaming dalawa lang,” may ilang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mga mata. Dad try to wipe it away pero pinigilan siya ni mama. Sa halip, siya na mismo ang nagtuyo ng mga luha. Ngumiti ng mapait at nagpatuloy.
“Pero hindi pala. Hindi ko pa rin pala makakalimutan ang lahat. Hindi pa rin pala naghihilom ang sugat. Sa bawat araw, buwan, at taon na lumilipas, mas lalo ko lang naaalala ang dahilan kung bakit ako umalis. Sa tuwing tiningnan kita, mas lalo ko lang naalala ang isang tao. Isang tao na naging dahilan kung bakit ako nasasaktan.”
Hindi ko alam pero sa binitawan na salita ni mama, hindi ko maipagkakaila na nasaktan ako. Pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya. Parang ako ang dahilan kung bakit hindi naghihilom ang sugat niya at nasira ang buhay niya.
“Pero hindi sa paraan na sinisisi kita. Sa paraan na naaalala ko kung gaano ko kamahal ang ama mo. Sa paraan na nagsisisi ako sa ginawa kong desisyon. Kasi ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Paano kong nakinig ako? Paano kung naniwala ako sa paliwanag niya? Paano kung hindi ako umalis? Paano kung mas pinili ko kung ano ang tama kaysa magpadala sa tunay na nararamdaman? Sana naging mas maayos ang buhay ko, natin. Sana naging kompleto tayo at hindi naging komplikado ang lahat tulad ngayon,” tuluyan na siyang napaiyak. Pumipiyok at paulit-ulit na sinasambit ang katagang, ‘patawad’.
Lumapit ako kay mama at hinawakan ang kaniyang kamay. Pilit naman siyang pinapatahan ni mama sa pamamagitan ng pagsasalita ng mga magagaan na salita.
“You don’t to feel sorry, Serene. Kung Hindi ko nagawa ang bagay na ‘yon, hindi ka aalis. Hindi nangyari ‘yon, hindi ka magagalit at masasaktan. Kung may dapat mang humingi ng patawad, ako ‘yon.”
Nararamdaman ko na parang maiiyak na rin ako. Seeing them both in pain, parang sinasaksak na rin ang buong katawan ko. Hindi ko inaasahan na masiyado na pa lang mabigat ang dinadala ni mama. Hindi ko man lang napansin kung ano ‘yong kulang o mali sa kaniya.
Siguro masiyado lang akong kampante at kuntento. Kuntento na ganito na lang talaga ang lahat. Kami na lang ni mama ang magkasangga sa lahat. Siya na lang ang tanging makakapitan ko maliban kina Klofie.
Masiyado akong nasasanay sa presensiya. Sinanay na siya lang sapat na. Hindi ko na kailangan maghanap pa ng iba para maging kompleto at lumawak ang saya. Pero si mama. Hindi pala. Nagkamali ako. Akala ko masaya na siya at kuntento na kami lang talaga dalawa. Hindi pala. May hinahanap pala siya.
“Kung siguro nakinig ako sa’yo, hindi matutuloy at magtatagumpay ang plano nila. Plano nilang sirain tayo; planong masira ang pamilya natin. I’m sorry. I’m sorry for everything, my love, mi Amore.”
Hearing those words fulfill in my heart. Ang daling tinanggap ng sistema ko ang lahat. Paliwanag lang nila sapat na para matanggap ko ang lahat.
Pero sa mga sunod na salitang binitiwan, mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko. Tuluyan ng sumaya ang buo kong sistema. Kampante na magiging buo na ang pamilya namin. Kampante na maabot na ang matagal ko ng pangarap. Masaya at kumpletong pamilya.
“Pero ngayon, sisiguraduhin kung babawi ako. Babawi ako sa inyo. Hindi na tayo maghihiwalay pa. Gagawin nating masaya ang bawat araw na magkasama tayo.”