Chapter 12: Confrontation
Elora Amore Point of View
Pagkagising namin kaninang umaga, maaliwalas ang mukha niya at masaya. Walang alam si mama sa pinagkakalat nina Laila tungkol sa kaniya. Kahit papaano nakaginhawa ako ng maluwag. At least hindi masisira ang magandang mode ni mama. Kagaya kahapon, nauna siyang umalis ng bahay.
“Anong plano mo? Tiyak akong naniniwala ang iba sa pinagkakalat nila,” tahimik ang daan na naglalakad kami. Wala akong planning sumakay kaya sinamahan niya na lang akong maglakad.
“Ewan. Bahala. Tingnan na lang natin,” hindi siguradong sagot ko. Kahit ako naguguluhan sa gagawin at sa kung anong mangyayari.
Pagkapasok namin sa school, mga kakaibang tingin agad ang pinupukol nila. Tinging may pandidiri at tila ba ako ang pinaka-makasalanan na tao.
“Huwag mo na silang pansinin pa. Palibhasa mga tanga at uto-uto ang mga ‘yan. Kaya madaling mabilog ang utak at mabilis na naniniwala sa mga chismis at fake news.” Tinapik-tapik niya pa ang braso ko. Ngumiti siya ng malawak ba agad ko rin namang ginantihan.
“Gusto mo bang ihatid kita sa upuan mo?” Napasimangot ako sa tanong ni Klofie. Ano ba ako bata para ihatid pa hanggang upuan?
“Huwag na. Hindi ako bata,” natatawang kumaway siya at pumasok sa room nila.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila. Kagaya nga ng sinabi ni Klofie kanina, may pagka-tanga o uto-uto sila dahil mabilis na naniniwala sa sabi-sabi ng iba.
“Hey, cheer up, Elora. Huwag kang mag-alala, hindi kami kagaya ng iba riyan na makitid ang utak. Naniniwala kami sa’yo,” nakangiting Aida at Messi ang lumapit at umupo malapit sa akin.
“Salamat. Akala ko lahat kayo nalason na ng babae na ‘yon. Teka nga lang, paano niyo nalaman na alam ko na?” Hindi ko naman sila sinabihan. Tiyak akong sina Laila, inakala nilang wala pa rin akong alam.
“Sinabi ni Aiden sa amin kanina.” Napatango na lang ako. Nagpalit kami ng topic at nag-usap ng ibang bagay
“Iba na talaga ang panahon ngayon ‘no? Hindi ba tinatablan ng hiya ang tao. Masiyado ng makapal para mawala na sa katawan nila ang hiya.” Natigil kami sa pag-uusap tatlo nang lumakas ang boses ni Laila. Halos lahat ng kaklase tumingin sa kaniya. Mabilis naman na nag-agree ang mga peke niyang kaibigan.
“Agree ako riyan. Isipin mo naman, may lakas pa rin siya ng loob na ipagyabang ‘yong bago niyang gamit na galing naman sa masama,” I want to ignore them pero parang ayaw nila. Wala mang sinasabi na pangalan pero alam ng mga student na naririto na ako ang pinaparinggan nila
“Huwag mo na lang pansinin ‘yan. Kulang lang ‘yan sa aruga at pansin,” nakahawak sa kamay ko si Messi na ngayon ay nakakuyom.
“True. Hindi worth it kung papatulan mo siya,” malumanay na ppagsang-ayon ni Aida. Naiintindihan ko sila at kahit papaano may punto. Pinigilan ang sarili na huwag silang pansinin at bumalik na lang sa sarili naming usapan.
“Mga ganiyan kasing klaseng tao, sobrang cheap. Kaya madalas ‘yong hiya? Balewala na lang sa kanila,” pero masiyado nilang sinasagad ang pasensiya ko.
“Paano ba naman tatablan ng hiya ang ganiyang klaseng ka-cheap na tao kung mas mataas pa sa pader ang tingin niya sa sarili, hindi ba?” Nakangiting baling ko kina Laila. Tumango ako at lumapit sa kanila.
“Balita ko kasi, mga ganiyang klaseng tao, akala mo kung sino sila. Tutok ‘yong buhay nila sa mga nangyayari sa ibang tao. Kaya naman sariling buhay nila, hindi napapansin at nabibigyan ng attention. ‘Di ba, Laila?” Maarteng nilayo niya ang kamay ko sa balikat nang ipatong ko ‘yon.
“Magkaiba yata tayo ng pinapatamaan, Elora. Ibang-iba,” may diin niyang pahayag.
Nalulungkot na humawak ako sa bandang dibdib ko. “Ay magkaiba ba? Sorry, ah. Akala ko kasi same lang tayo ng pinaparinggan. Iba pala ‘yon?” Bahagyang tumawa ako at napa-iling. “May iba. Sige. Tuloy niyo na ‘yang usapan niya. Mali pa ako,” smile sweetly then wave my hand. Mataray na tumalikod ako at bumalik sa upuan.
Walang salita na nag-apir sina Messi at Aida sa ginawa ko. “Savage ‘yon.”
“Ayos ka lang ba? Wala ba silang ginawa sa’yo?” Overacting na sinuri ni Klofie ang katawan ko pagkalabas ko ng room.
“Huwag ka ng mag-alala riyan, Klofie. Walang masamang nangyari kay Elora,” proud na sagot ni Messi. Magkakilala rin sila tatlo. We used to be classroom before. Tanging si Klofie lang talaga ang naiba ng room this year.
“Buti naman,” nakahinga siya ng malalim. Nagpaalam na sina Messi at Aida. Nag-umpisa na rin kaming maglakad ni Klofie. Palabas na sana kami sa gate ng biglang may humarang na tatlong student. Hindi ako familiar sa name nila pero kilala ko sila.
“Ang ganda naman ng shoes mo. Mukhang mamahalin. Saan mo pinabili? Puwedeng bilhan din ako ng ganiyan?” May lahing pang-uuyam na tanong niya. Maamo ang kaniyang mukha, hindi pa rin nakatakas sa akin ang tingin niyang may pandidiri.
“Tigilan nito nga ‘yong kaibigan ko. Ang panget niyo. Alis,” pagtataboy ni Klofie sa kanila. Pero hindi sila natinig. Tumingin kay Klofie at umiling sa kaniya. Hinawakan ang kamay niya at bahagyang hinila para magpatuloy na kami sa paglalakad.
“Ano ka ba naman. Nagtatanong lang kami. Bastos niyo naman,” umismid siya at mukha ng naiirita. Tahimik lang ang dalawa niyang kasama sa likod.
“Ikaw ‘yong bastos. Bigla-bigla na lang manghaharang at hindi kayang rumespeto,” galit na sabi ni Klofie. Diniinan pa ang huling sinabi.
Pinigilan ko siya at humarap sa babae. “Balita ko, parehong sa capitolyo nagtatrabaho ang magulang mo. May sariling negosyo na rin ang ate mo. Kaya bakit hindi ka sa kanila magpabili? Mukhang afford niyo rin naman.”
Akala ko kinabukasan, huhupa na ang pinagkakalat ni Laila tungkol sa ina ko. Pero hindi pala. Mas lalo lang lumala.
“Bago ‘yong bag niya at mukhang mamahalin din.”
“Baka binilhan siya ng mama niya.”
“Tapos ang gamit na pera hindi sa kaniya kung hindi sa lalaki niya.”
“Parang sugar daddy na rin.”
Every words na naririnig ko sa kapuwa student, nakakaramdam ako ng galit at inis. Kahit si klofie gano’n din ang nararamdaman.
Pero turo sa akin ni mama, hindi ako bababa sa lupa para lang pantayan sila. Hindi ko sasayangin ang oras at atensiyon sa mga tao na ang kitid ng utak.
“Kalmahin mo, Klofie. Isipin mo na lang, uto-uto sila,” sa aming dalawa, si Klofie ang madalas hindi kayang magtimpi. Kaya panay ang awat ko sa kaniya. Lalo na at may pagka-war freak siya.
Habang tumatagal mas sumasakit ang salitang binibitawan nila. Kaya naman ng mag-dismissal, unang lumabas ang grupo nina Laila. Hinintay ko muna si Klofie.
“Saan tayo pupunta? Hindi pa ba tayo uuwi?” Hinigit ko siya papunta sa garden. May bagay lang akong gustong marinig at taong kokomprontahin.
“Hindi pa,” tipid na sagot ko. Huminto kami sa may halaman. Mula rito makikita namin sina Laila at maririnig ang usapan nila.
May kaharap silang magbabarkada na babae. Mukhang mas bata sa amin.
“Totoo po ba ‘yong sinabi niyong kabet ang mama ni Ate Elora?” Mahinang tanong no’ng babae na nasa gitna.
Ngumisi si Laila at tumango. “Tama ‘yon. Kabet ang mama ni Elora. ‘Yon naman talaga ang tawag sa isang tao kung saan nakikipag-relasyon sa isang tao na may karelasyon na rin hindi ba?” Tumango ang mga kausap niya.
“Kaya nga may mga bago at mamahalin na siyang gamit. Lahat ng ‘yon mula sa lalaki ng mama niya. What a shame,” hindi na ako nakapagtimpi pa at lumapit na sa kanila. Tahimik lang sa tabi ko si Klofie. Pinipigilan ang galit.
“Mas lalong nakakahiya ka. Kahit ano na lang ipagkakalat kahit hindi naman kayang patunayan,” nagsiyuko ang mga junior students at nagsialisan. Nakangising humarap si Laila sa akin.
“Excuse me? Ako nakakahiya? Mas nakakahiya ang mama dahil kabet siya at kaya ko ‘yon patunayan,” proud niyang pahayag. Taas noo na nakatingin sa amin.
“Tsaka kung hindi totoo bakit parang galit at affected ka? Masiyado kang halata na guilty, Elora,” gatong ng isa niyang kaibigan.
“Kahit Sino magagalit sa ginagawa ng kaibiganmo. Hindi ba naman ang matutuwa kung naninira siya ng ibang tao?” Tumaas ang boses ko. Muling humarap kay Laila.
“Patunayan mo. Ipakita mo sa akin ang katibayan mo na kabet nga ang mama ko. Isampal mo sa’kin ang patunay mo,” mapanghamon na pahayag ko. Kung totoong kaya niyang patunayan, pwes ipakita niya sa akin ‘yon.
Matagal bago siya nakapagsalita. “Talagang isasampal ko sa ‘yong patunay na kabet ang mama mo,” marahas siyang tumalikod at umalis na. Mabilis naman nagsisunod ang mga kaibigan niya.
“Hoy grabe ka. Kalmado lang pero matapang. Kaibigan nga talaga kita,” proud na pahayag ni Klofie. Naka-cross arm siya na nasa harap ko.
“Kaya nga lagi kitang inaawat. Walang magandang idudulot kung masiyadong magpapakain ng galit at padalos-dalos. Baka mauwi lang sa panibagong problem,” payo ko sa kaniya. Kailangan niya ang ganiyang salita lalo na at minsan hindi niya kayang magtimpi. Kung hindi ko nga lang siya naaawat, ewan ko na lang.
“Tatandaan ko ‘yan. Pero grabe ‘yong words mo, ‘isampal mo sa akin ang patunay mo’. Iba ang confident mo sa parte na ‘yon. Nakakatakot naman ‘yon,” ako naman ang napatawa sa sinabi niya. Umakto pa siya na parang natatakot talaga.
“Siraulo ka talaga. Syempre confident ako, dahil alam kong wala siyang patunay na maisasampal sa akin. Pustahan pa tayo.”
“Kahit kailan, sa lahat ng mga pinagkakalat nila, wala silang patunay o katibayan na naipakita para patunayan na totoo ‘yong pinagkakalat nila. Sila lang din ang masasampal ng kahihiyan.”