Chapter 56 (Black)
"Shit!" Mura ko ng natalsikan ako ng mantika. God, mabuti pang magbake nalang ako kesa magprito! Ang hassle.
I love cooking, but cooking don't love me! Paano nalang kapag magluluto ako para kay Rad? At paano kung pangit ang lasa??
Tila kay bilis ng araw nang maengage kami ni Rad nakilala ko ang parents niya. His is Tita Aurora sa isang tingin akalain mong maldita pero mabait. Malamig nga lang ang expression tulad kay Rad . Ang dad niya naman ay si Carlos Montemayor.
Kapag makikita ang dalawang iyon parang mga diyos. Sa damit, sa tindig, sa boses, at kahit paglakad ay maiintimidate ka.
"Hija, lower the temperature of it's heat. Mas lalo lang masusunog pero hindi luto."
Nataranta ako ng biglang sumulpot ang mama ni Rad sa likod ko. My god!
"Ah! E, hindi pa po kasi ako marunong nagpapractice pa po ako."
"Stop that. You dont have to do much effort with it. I know my son wont let you work. Especially pag naka bahay na kayo." Napadako ang tingin niya sa kamay ko.
Nahiya tuloy ako sa ayos ko. I'm haggard. Habang siya ay napaka ayos at fresh.
"Napaso ka." Aniya.
"Oo nga po. O-okay lang." I smiled.
She smiled back. Gosh, ang creepy pero ang ganda niya.
Dito kasi nag umagahan ang mama at papa niya. Kaya halos buong oras akong hindi makahinga ng maayos.
Suminghap ito.
"I'm going to be late! By the way, I have to go. And dont call me tita. Call me mama. I smiled at nabigla ako ng halikan ako nito at yakapin.
Napangiwi ako. Damn, ang baho ko po.
"My son is really crazy over you. I know you love each other. Gustong gusto kita para sa kanya." Aniya sa akin ng marahan.
Parang kumislap ang mga mata ko sa sinabi niya. She really mean it. Ang iba ay nakakaranas pa ng kung ano ano sa magulang ng mapapangasawa ako hindi eh. Sobrang welcome ako.
Mukha nga silang ka respe-respeto pero hindi masama ang ugali kahit sobrang angat na.
Simula noong naengage kami ay dito na ako nakatira sa condo niya lahat ng gamit ko nandito na rin.
Hindi na rin siya masyadong naghihigpit sa akin.
"Aack~" nasapo ko ang bibig ko ng maamoy ko ang amoy garlic na niluluto ni Aling Martha.
Parang kinakalikot ang sikmura ko.
Kakagising ko lang. Kung tatanungin niyo kung nasaan si Rad. Pwes, wala siya dito . Hndi lang sa unit ko kundi dito sa bansa.
Trabaho daw kasi. May kailangan daw siyang ayusin doon sa isang Casino na pinapatayo nila doon sa US.
Rad already talked to my dad through face time. Si Rad ay proud pa talaga na ipagmalaki ang kanyang achievements at ari arian sa ibang bansa.
My dad really like him.
Uuwi daw iyon dito para maka-usap ng personal si Rad.
"Aling Martha!" Sigaw ko kay Manang.
Nang hindi ko na makayanan ay tumakbo na ako sa banyo. Lumuhod sa harap ng inodoro at nagsuka!
Kasalanan ko. Allergy ako sa bagoong pero kumain parin ako kagabi! Pinares ko iyon sa mangga!
Kahit gabi ay kumain ako ng mangga!
Humihingal ako at parang nagkasugat yata ang lalamunan ko sa kakasuka.
Namawis ako ng malamig at parang nanghihina ako na umupo sa gilid ng inodoro.
Wala akong gana. Hindi ko alam.
Napasabunot ako sa buhok ko.
"R-Rad.." Humikbi ako ng parang bata.
Namimiss ko na siya dalawang araw palang siya doon pero parang dalawang taon na.
Matamlay man ay pero nagawa kong magligo at mag ayos ng sarili.
Ayoko nang kumain ng bagoong. Mula pa kaninang umaga ay dalawang beses na akong sumuka.
"You look pale." Aniya ni Cassy sa akin na hinarap ako habang ako ay nasa counter ng dining area at nakapangalumbaba.
"Hindi ko alam.." I shrugged.
"Pumayat ka rin." Puna din ni Loisa at nilapag ang baso at gamot na pinabili ko sa kanila.
Kinuha ko iyon at iinomin na sana pero pinigilan ako ni Cassy.
Wala kasi dito sa Aling Martha, pinabili ko ng ulam para mamaya. Siya iyong isang katulong namin dito sa unit. I think she's in her forty's.
"Dont drink it." Aniya ni Cassy at kinuha ang branded at mamahaling gamot sa kamay ko.
Nanliit ang mata niya.
"What?" I hissed.
"You look pale, and different. Niregla kaba ng buwan na ito?''
Napaayos ako ng upo sa tanong niya.
"Oo naman! Tanda ko pa, niregla ako!"
"Nagtry ka nang PT?" dagdag na tanong ni Loisa.
Kinabahan ako. What are they trying to point out? That I'm pregnant?
"Puwede ba? Hindi ako buntis! Niregla ako!"
"Porke niregla ka e hindi kana buntis? Meron parin yon Frix!" Sabi ni Cassy at kumagat sa apple sa kamay niya.
Wala akong iniinom na pills kahit na proteksyon ay wala. Hindi naman sa ayokong magka anak kami pero wala naman akong ibang nararamdaman.
"You should visit an OB. Frix! Or try the PT." Suggest ni Loisa.
I nodded.
"Okay, wag lang ngayon. Masama ang pakiramdam ko. Inaantok ako." Walang ganang sabi ko. Silang dalawa naman ay nagkatinginan na tila ang mga mata nika ang nag usap.
They really exaggerated.
Nag aayos ako ng kwarto ko at handa ng matulog ng magring ang cellphone ko.
Woah, si Kurt.
"Kurt!" I exclaimed as I answered his call. "It's been a long time!"
"Grabe kang demonyeta ka! Engage kalang kay Papa Rad e hindi mo na naalala ang birthday ko!"
I really forgot!
"God, Kurt I'm sorry! Hindi ko naalala! Where are you?" Tanong ko.
"That's why I call you! Samahan mo ko dito sa Alcobar! Emoticon ako ngayon dito! Mag isa lang ako! Ikaw lang ang bestfriend ko! Pero nilimot mo naman!" Tunog tampo na sabi niya.
Nataranta ako na napatingin sa oras. Alas otso ng gabi. Umaga sa US. May trabaho si Rad. Hindi yon makakatawag sa akin.
"Okay, wait me there."
Sabi ko at nag ayos na. Nagsuot ako ng puting sweetheart top at short shorts. Medyo labas pa ang pusod ko dahil medyo maiksi ang top.
Pinuyod ko ang mahaba kong buhok. Maglalagay pa sana ako ng pabango ng nabahuan ako sa bango. Nagtaka ako na ito naman ang palaging perfume ko ah. From Paris pa ito e.
Binalewala ko nalang at tumuloy na.
Pagkapasok ko ng bar ay agad na usok agad ng sigarilyo ang pumasok sa ilong ko. Gosh! Medyo nahilo ako sa baho ng alak at pag gagalaw ng neon lights.
Napahawak ako sa ulo ko at timigil sandali. Parang lasing ako pero hindi naman.
Sa bandang pinakagilid ay nakita ko doon si Kurt. He's alone nga.
Nilalaro niya ang cellphone niya.
"Happy birthday!" Sigaw ko sa kanya at niyakap siyaHe hugged me back.
Hanggang ngayon ay walang may nakakalam ng sekreto namin. He's a gay!
"Mabuti dumating ka! Akala ko iindianin mo ako eh!" Sabi niya at pinaupo ako sa tabi niya..
He looked at me intently.
"May bago sayo Frix." Nanliit ang mata na sinuri niya ako.
"Ano naman yun?" Natawa ako sa sinabi niya.
"You look , different and blooming! Ganda mo talaga! Halika picture tayo!"
Sabi niya at nagpose sa tabi ko . I rolled my eyes on him.
Itinutok niya sa tamang anggulo ang camera at nagclicked iyon ng ilang beses at nagpose kami ng maraming beses.
"Ayan! Pang facebook." Natawa ako sa kuha namim dahil lalaking lalaki ang tindig niya.
"Pinose mo?" Tanong ko.
Pumili ako sa inumin sa mesa pero wala akong magustuhan sa alak kaya lemon juice ang kinuha ko.
"Syempre no!" Sagot niya.
Umismid nalang ako at luminga linga. Nahihilo ako sa mga tao sa dance floor parang masusuka na naman ako.
"Are you okay Frix?" Tanong ni Kurt sa akin. I managed to smile.
"Oo naman , just enjoy! It's your day!" Sabi ko nalang.
He smiled at luminga para siguro makakita ng lalaki.
Maraming nakatingin at napapatigin sa mesa namin like may nagawa akong kasalanan sa mata nila.
Ilang sandali pa ng pag-uusap ay nag ring ang cellphone ko . Kakatapos lang naming sumayaw.
Nag-excuse ako kay kurt dahil nahihilo na naman ako. Fuck. Hindi naman ako uminom a.
Fuck , ang malas ko. Si Radleigh ang caller.
Lumayo ako sa dancefloor at tinungo ko ang Exit ng bar papuntang likuran. Kung saan may parang garden at waterfalls.
Kung hindi ko sasagutin mas lalong magdududa siya.
Kaya sinagot ko sobrang kabog ng dibdib ko . Mas lalo lang yata akong nahilo e.
May nakakasalubong din naman ako.
"H-Hello, R-Rad?" Napangiwi ako ng sabihin ko iyon.
"Where are you?" He asked hoarsely on the other line tila isang kulog iyon na nakakatakot.
Agad akong kinabahan at napahilig sa dingding dahil parang mabubuwal na ako.
Gosh, I need help.
"R-Rad.. I-I"..
"What Frix huh? Are you drunk?" Inis na tanong nito. "Dont fool me, Frixxie. I know you're with that fuckin Kurt! Ilang beses ba kitang binalaan huh?"
Nagmura siya na nagmura sa kabilang linya. "Dapat dinala kita dito e." Gitil niya.
Pero kahit ano pang sinabi niya ay wala na iyon sa akin dahil nabuwal na ako at wala na akong lakas. Ang lamig ng pakiramdam ko.
"R-Rad.." My last words and everything went black.