Chapter 48(Manyak Talaga Ako)

Minsan pala sa sobrang kaba ay mas pipiliin mo nalang ang manahimik.

Nakikisabay ang ihip ng hangin at ulan sa labas kaya hindi masyadong kita ang daan. Dahilan kung bakit mabagal ang pagtakbo ng sasakyan ni Rad.

He's just silent the whole time. Wala kaming imikan.

  Ang ulan sa labas ay nakikisabay din sa dagundong sa tibok ng aking puso.

  "Saan ka pupunta?" Suddenly he broke the silence.

Kung ano man ang plano niya kung bakit niya ito ginagawa ay wala akong ediya. Alam ba ni Pia ang mga ito? Kawawa ang anak nila pag nagkataon. Naiinis akong maisip ang ginagawa ni Rad at pinapakita sa akin habang naiisip ko rin ang anak niya.

Ayoko nang maulit ko ang minsan nang naging kasalanan ng magulang ko noon. Dahil sa huli ang anak ang kawawa. Kagaya ko, may magdurusa parin sa huli.

"Pwede mo na akong ibaba sa Jolibee." Sabi ko sa marahan na paraan.

  He took a  glance of me bago ibinalik sa kalsada ang tingin.

"Hihintayin kita, iuuwi kita."

  Tinignan ko siya ng masama agaran ang pagtingin ko sa kanya.

Iuuwi saan?

"Kaya kong umuwi mag-isa." Mariin na sabi ko.

"Malakas ang ulan."

"Mabasa man ako ng ulan o hindi, ano man ang mangyari sa akin wala kang pake." I said irritatedly. Magtatalo paba kami? Bakit kasi hindi niya nalang ako pabayaan?!

"Ano man ang sabihin mo may--" I cut him.

"Puwede ba?! Ayaw ko sayo! Ayaw kitang---"

"Putang ina! will you shut up?!" Sigaw niya pabalik sa akin na halos kulog sa loob ng kotse. Agad na namuo ang luha sa mata ko sari saring emosyon.

"Shut up your ass Rad! Hindi na ako ang dating Frixxie na mapapasunod sa gusto mo!" Himutok ko pabalik at hindi nagpatinag sa galit niya.

His jaw clenched with anger. His brows furrowed na lalong nagpadilim ng mukha niya.

  Marahas siyang bumuga ng hangin at hindi na sumagot pa sakin. Na parang ayaw na niyang pahabain ang away namin. Na ikina pasalamat ko naman.

"Just for now Frixxie, pagbigyan mo ako. Hihintayin kita . Iuuwi kita." He said with full with authority na tila ba hindi ka puwedeng tumanggi man lang.

Napasinghap ako sa ginawa niya kaya na titigan ko siya ng matagal.

He is wearing a black sando and rugged pants. Kaya kita ko ang kakisigan ng katawan niya. His perfect angle of jaw na nakapapanindig balahibo. Ang napakatangos na ilong niya. Makapal na kilay na tila hinulma sa ka perpektohan na pag kurba. Ang mapupulang labi niya. Ang pisngi niya na halos walang porce.

Napaiwas ako at napapikit ng mariin.

Why  am I still fantasizing him?

Hininto niya ang sasakyan sa gilid ng Jolibee at agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. He eyed me from head to toe.

Napatingin ako sa labas. Nakita kong hindi na umuulan.

"Ako nalang ang bibili." Aniya sa akin.

Umiling ako.

"Ako na. Hintayin mo nalang ako." I said in a low tone at bumaba na.

Nag take out ako ng dalawang french fries, dalawang large coke, dalawa ding spaghetti at chicken joy. Hindi pa ako nakontento ay dinagdagan ko ng dalawang burger.

Of course I dont want to be rude kaya binilhan ko din si Rad. Kahit hindi ko alam kong nakakain na ba siya o hindi pa. Mas mabuti na iyong may mabigay.

Nakatayo ako sa pila at hinintay ang pagbalot sa aking order.  Konti lang ang tao halos hanggang tatlo lang ang nandito sa loob. Alas nuwebe na rin kasi ng gabi at alas diyes ang close dito.

Napanguso si Rad ng makita ang aking dala.

Hindi ko nalang iyon pinansin. Agad siyang napa ayos ng tayo. Dahil nakahilig siya sa nguso ng sasakyan niya at nilalaro ng kamay ang kanyang susi.

Pinatunog niya ang sasakyan at binuksan ang pinto sa frontseat.

Nang makaupo ako ng maayos ay sinarado niya na iyon at umikot patungo sa driverseat.

Mabuti naman tumila na ang ulan. Medyo natuyo narin ang damit ko na medyo nabasa kanina. Ewan ko lang ang kay Rad.

"Andami naman yata. Really hungry huh?" He asked ng binuhay na niya ang sasakyan.

I pouted and nodded.

"Medyo, sayo ang iba. Binilhan kita." Wag mo naman sanang lagyan ng malisya.

"Saan mo gusto kainin yan?" Suddenly he asked. Na hindi ko inasahan. Fuck. Hindi ko naisip. Yun ba ang iniisip niya? Hindi ba pwedeng kainin habang sa biyahe?

  Alangan naman kumain siya habang nag da-drive? Hindi naman pwede sa condo ko. Hell No! BIG NO.

Tumikhim ako. "Um, ikaw nalang ang bahala." Sabi ko sa maliit na boses.

I heared him chuckled in a low tone.

Assumero ka!

  Ilang sandali pa ay hininto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada na parang cliff yata. Nasa mataas pala kami na bahagi dahil  kita ko mula dito ang nag iilawan na gusali at building sa baba ng Maynila.

  May mga bench sa ilalim ng puno at ilaw sa nakahilerang poste ang nakailaw sa amin. Sapat lang para makita ng maayos.

  Kusa na akong bumaba ng sasakyan dala ang dalawang supot at nilapag sa bench.

  Kumalabog ng husto ang puso ko ng mapagtanto ang sitwasyon ko.

  Dont worry Frix. Kakain lang kayo. Walang ibang malisya yun.

I tried to cheer up myself.

Kinuha niya ang supot at siya na mismo ang nag ayos nun para makain namin.

Umupo ako sa bench at tumingin sa harap kung saan kita ang nag iilawan na gusali sa ibaba. Hindi ko siya matignan.

Ang awkward. Lalo na rinig ko ang crickets sa sobrang tahimik namin. Ingay lamang ng styro ng pagkain at plastic ng jollibee nag maingay dahil sa pag aayos ni Rad.

Halos malagutan ako ng hininga ng tumabi siya sa akin. His arms almost touched mine.

Agad akong napainom sa coke.

Siya naman ay kinuha ang burger at dalawang kagat niya lang doon ay halos wala nang matira. Uminom siya agad sa kanyang coke at halos maubos na iyon.

Hindi ako makatingin sa kanya sa gilid ko. Dahil alam kong nakatingin siya sa akin.

"Damihan mo ang kain Frixxie, you're so thin." Aniya bigla na halos napakalapit sa akin. Nakaakbay na ang kamay niya sa likod ko.

Hindi ko nalang pinansin ng kilos niyang iyon.

"Hindi ako thin, sexy lang ako." I said sarcastically at kumagat sa chicken joy.

He chuckled sexily.

"Yeah. Alam ko na yan noon pa man." He said in malicous way na parang may ibang meaning yun.

I looked at him and raised my brow.

Only to find out that he is biting his lips.

He's playing my hair and he sniffed it.

Napaiwas ako at mas lalo lang binilisan ang pagkain. Gusto ko nang umuwi.

Pero, sa gitna ng pagkain ko ay tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Daimos.

Fuck!

Napaayos si Rad ng upo. Ako naman ay sinagot na iyon.

"H-hello?" I startled.

"Hello. I'm sorry hindi ako nakapagreply." Aniya ni Daimos at the other line.

I feel Rad's arms snake on my small waist. Napaigtad ako ng amuyin nito ang balikat ko.

Hell. He's distracting me.

"Ah! Okay l-lang!" Fuck nautal ako ng kagatin ni Rad ang tainga ko.

He's now hugging me with his both arms. He burried his face in my neck.

"I have something to--"

Naputol ang sasabihin ni Daimos. Nang kunin ni Rad sa akin ang cellphone ko ang bastos na ini off iyon.

Damn it!

Agad niyang itinago sa bulsa niya iyon.

"Bastos ka! Akin na nga!" Pilit kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa niya. Pero iniwas niya iyon kaya ang umbok sa  zipper niya ang nahawakan ko.

My eyes widened and my face blushed.

What the fuck! Agad kong inalis ang kamay ko at matalim siyang tinignan pero nakangisi lang ang putangina!

"Manyak ka!" Sigaw ko sa kanya.

He leaned closer and bit his lips.

"Manyak talaga ako." He smirked. "Ikaw at ako, sa madilim. What do you think?" He smirked again.

  Nakangisi na siya ngayon kaya tinampal ko ang bibig niya.

"Tigilan mo ko Rad! Mahiya ka! Hindi mo ako makukuha sa ka gaganyan mo!" Sigaw ko sa kanya at padabog na tumayo para makabalik na sa kotse niya.

Nang nabuksan ko na at papasok sana ng marahas niya akong pinaharap sa kanya at hinalikan ng mariin.

Kumalabog ang dibdib ko at lumaki ang mata. Damn shit! Sabi ko na e. Hindi na sana ako pumayag e.