Chapter 44 (Tuso)

"Tangina mo naman Frixxie ! Miss na miss kana namin! Birthday ko ngayon! Mamayang gabi may party dito sa bahay."

Cassy keeps on calling me. Kinukulit ako kung dadalo ba ako.

I chuckled.

"Oo na! Sige na! Dadalo ako! Nandito na ako sa Manila! Balak sana kitang isurprise! Pero ang kulit mo."

Nagtitili siya sa kabilang linya. Fuck! Sakit sa eardrums. Kaya napalayo ko ang cellphone sa tainga ko.

"Really!? Nasurprise nga ako!" Humalakhak siya.

"So puntahan kita diyan? I'm sure gumanda ka lalo!"

Ininom ko ang juice ko bago nagsalita nasa veranda ako ngayon. Boring kasi, ayoko namang lumabas baka ano ano pa ang makita ko.

Tanaw ko ang mga nagliliitang sasakyan sa baba at mapaliit man at malaking gusali.

Nakahilig ako sa railings at nakayuko na tumitingin sa gusali ng kamaynilaan.

"Wag na! Ako nalang pupunta diyan mamayang gabi. Wag excited masyado Cas."

"Akala ko hindi kana dadalo e. Madami pa naman akong bisita." She said na parang may ibang kahulugan sa tinig niya.

Tinitigan ko ang mga maliit na gusali sa baba at sinukat ko ng mga daliri ko.

"Puwede ba yun? Dalawang taon na hindi ako nakadalo sa birthday mo kaya babawi ako." Sabi ko at umupo ulit sa upuan. Paharap sa railings.

Napapikit ako ng umihip ang panghapon na hangin at humampas sa mahaba kong buhok.

Ang boring mag-isa. All my life palagi akong nag-iisa. May daddy nga ako pero may sarili ng pamilya ito. Hindi naman siya nagkulang pinansyal pero kulang na kulang sa oras at pagmamahal.

Ayoko namang maging sampid pa sa kanila. Okay na akong makitang masaya sila.

Gustong gusto ko na hanapin ang mama ko. But how?'saan ako magsisimula? Sa pera palang ay kapos na ako.

Kahit kailan ay hindi na din ako nagtanong kay papa. Alam kung wala na siyang pakealam pa.

Alam ko din na pwedi niyang ipahanap si mama pero hindi na ako nag atubiling sabihin pa.

Para akong tangang naghihintay at umaasa na magkikita kami ulit.

Fuck.

Kumirot ang dibdib ko sa mga naiisip ko.

Suminghap ako at tumingala para pigilin ang luha ko.

Life is so unfair...

Hindi ako masamang tao para magdusa ng ganito. I' m tired of being alone. I'm tired of my life.

Pagkatapos ng tawag ay umidlip ako sa kwarto. Nakatulogan ko ang pag-iisip ng ganon.

Wala akong magawa. Pinagkaitan ako ng pagmamahal ng magulang. Pinagkaitan din ako ng pagmamahal sa lalaking mahal ko. Fuck right?

Nagising ako sa ingay ng aking cellphone sa gilid ng unan ko.

Tinignan ko ang oras bago sinagot.

Seven-sixteen in the evening. Heck! Ang tagal ng tulog ko!

Napabangon ako at sinagot ang tawag ni Daimos.

"Hello?" Sagot ko.

"Hi..." He said huskily. "I miss you."

I smiled. "I miss you too."

He chuckled. "Akala ko pupunta ka sa birthday ng kaibigan mo?"

" Damn.. Oo nga. Kakagising ko lang. Buti nga tumawag ka kaya nagising ako.." I chuckled.

"Sige, just call me later okay? Baka malate kapa."

" Okay." Binaba ko na ang tawag at tumayo para magshower.

Pagkatapos kong magshower ay sinuot ko ang dress ko. Hapit na hapit sa katawan ko, at maikli. Hanggang kalahati ng hita ko ang haba.

Pinaresan ko iyon ng silver stilletos at nude din na pouch.

Medyo kinulot ko ang buhok ko na mahaba.

Sumakay lang ako ng taxi patungong SouthVille.

Tumunog ang cellphone ko. Kaya sinagot ko.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay naunahan na ako ng kabilang linya.

"Gosh, Frixxie asan kana? Eight-thirty na ang tagal mo." Himutok ni Loisa.

I rolled my eyes.

"I'm on my way, chill." I chuckled.

"Chill my ass. Ilang taon din! Miss na kita!"

"Me too. Okay, I'll hung up. Malapit na ako." Nakita kona na papasok na kami ng SouthVille kaya binaba ko na ang tawag.

Sobrang kaba ko. I' m excited. Gosh!

Dala dala ko ang isang maliit na box na regalo ko kay Cassy. Lumabas na ako ng taxi nang huminto na kami sa tapat ng mansyon.

My God. Andaming sasakyan na nakaparada sa labas. Halos hindi magkasya. Dinig na dinig ko dito sa labas ang ingay ng sound sa loob na sa tingin ko ay nasa pool side.

Pumasok ako sa loob at nalula ako sa dami ng tao. What the heck! It's not a simple party. Madami akong nakitang mayayaman.

Ang iba ay napapalingon pa sa akin.

"Shit!" Mura ng isang waiter ng mabangga at mabasag ang kanyang dalang tray na may inumin. Dahil sa kakatingin sa akin.

May dumi ba ako sa mukha?

Puro mga nakaformal ang lahat. Sa pool side ay madaming nakahilera na mesa at grupo grupong mga bisita ang mga nakaupo sa bawat mesa.

"Frixxie!" Napalingon ako sa sumigaw sa kanan ko. Ang iba ay napatingin na din.

I smiled widely as I saw Cassy with her red dress na labas ang likod. Ang sexy niya. Gumanda siya lalo.

"Cassy!" Tili ko ng yakapin niya ako.

"Oh my God! Walang hiya ka Frixxie bakit gumanda ka lalo!?" Napalingon ako ulit sa nagsigaw sa likod ni Cassy.

Humalakhak ako. Fuck! Sobrang nakaka miss sila!

"Your Ass Loisa! Ang ganda mo nga eh!"

"Naku! Nainsecure na naman si Loisa!"

Umirap lamang sa amin si Loisa at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang sexy mo' Frixxie! Lumala na yata ngayon."

Inabot ko kay Cassy ang regalo ko ''Happy Birthday!"

Pagkatapos ng tsikahan , purihan at batian ay ginaya na ako nila Cassy sa mesa.

"Woah, atlast Frixxie is back!" Napatingin ako sa nagsalita sa harap ko. Nakaupo na ako sa puwesto namin ni Cassy. Pinakilala niya din ako sa mga kaibigan at pinsan niya.

Sa kabila ay mga nagraramihang lalaki na hindi ko masyadong mamukhaan. Maingay sila may mga ibat ibang alak sa mesa nila , pagkain at pulutan.

"Sebe?" I'm shocked! He's here?

"The one and only." He answered.

Sumingit naman si Cassy.

"Oh! Sorry Frix. Hindi ko pala nasabi sayo. Naimbitahan ko din pala ang mga magpipinsan na Montemayor." Tinuro niya ang mesa sa kabila na puro lalaki.

What the heck! Nakita ko si Clinton doon! At katabi niya ang nag pa kabog sa puso ko.

"Fuck!" Mura ko at yumuko.

Sumipol si Sebe.

Hindi ko expect ito!

Umirap si Cassy.

"What's with the face Frix?" Loisa said while grinning.

Heck! I'm sweating bullets! My stomach's trembling bigtime!

"Rad is here?!" I whispered sneeringly.

"Oh! He's invited." Inosenteng sabi ni Cassy.

Ininom ko ang vodka sa mesa.

Hindi ko mabilang ang namura ko sa isip ko.

"Dito ka matulog mamaya. May kuwento ako sayo. Ang tagal mong nawala e. Hindi ka updated sa nangyari." Aniya sa akin ni Loisa at nilagyan ng pagkain ang pinggan sa harap ko.

Hindi ko alam na ganito!

Gusto kong umiwas.

"Wala naman akong pakealam sa nangyari noon e! Okay na ako, masaya na ako kay Daimos."

Tumalikod ako sa banda ng mga lalaki at tinakpan ang mukha ko.

"Ewan ko sayo Frix. Alamin mo muna kasi. Wala namang mawawala." Aniya ni Loisa.

Hindi ako kumain tinungga ko ulit ang bagong salin na vodka.

Uminit agad ang sistema ko. Wag naman sana akong malasing.

"Putragis! Kung makatunaw ang mata ni Rad.. Tunaw kana Frix! God! Ang guwapo!" Hagikhik ni Loisa.

Ngumiwi lamang ako.

Gusto ko ng umuwi!

Kilala ko si Rad. Tuso siya! Ewan ko lang!