Kabanata 7
“No offense meant ha? Naitanong ko lang kasi, hindi ba parang mahirap 'yong maraming anak tapos hindi naman kalakihan 'yong sinasahod ng asawa mo. But— I'm sorry. Kalimutan mo na lang na naitanong ko. Pasensya na.”
Yumuko siya. Makailang ulit ko pa siyang tiningnan bago ako nagpasyang umalis tumayo at magtungo sa kusina upang uminom ng tubig.
Eksakto ring natunugan namin ang pagdating ng sasakyan ni Spike.
“Are you done?”
“Yes po, Sir Spike. Nai-email ko na po sa inyo 'yong gown na napili ni Ma'am Serra. Pwede na po ba akong umalis?”
“Yes. Thank you, Rynette.”
Yumuko si Rynette kay Spike, ganun din sa akin. Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng bahay. Yakap-yakap niya ang tote bag niya, tinatakpan ang tiyan niya, pinoprotektahan ang bata sa loob. I think I offended her.
“Magbibihis lang ako,” pagpapaalam ni Spike.
Tumango lang ako. Nanatili ang mga titig ko sa pintuang nilabasan ni Rynette at saka ako napabuga ng hangin.
Bakit ko ba kasi nagawang sabihin 'yon? Of course, mahal niya 'yong anak niya. Hindi niya basta-bastang ipapamigay 'yon. Naisip ko lang naman na what if mag ampon na lang kami? Para hindi na kailangang sirain ni Spike ang katawan ko bilang kabayaran sa utang namin sa kanya.
“What's your dream wedding?” tanong ni Spike sa kalagitnaan ng byahe namin papunta sa place kung saan namin ime-meet ang wedding coordinator.
“I don't have one. Niminsan hindi ko pinangarap ikasal. Ayaw kong matali sa kahit na sino. Gusto ko 'yong malaya ako sa kahit na anong gusto kong gawin.”
Hindi siya sumagot. Hindi na rin ako nagsalita. Mula no'ng araw na kinuha niya ako hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isipan ko kung anong pwede kong gawin para mapa-konsensya ko siya. Should I kneel and beg?
“But any wedding will do. Ang importante lang naman ay ang maikasal tayo 'di ba? Civil wedding is fine also,” dagdag ko.
“Civil wedding can't be fine, Serra. My family won't let us get married in that kind of wedding.”
“So you're saying na dapat grand wedding 'yong mangyayari?”
Hindi na naman siya sumagot. Feeling ko tuloy, mahal ang bawat laway niya.
“Ayos lang din naman if grand wedding. Kayo naman ang gagastos. Oo nga pala at pinirmahan ko na 'yong kontratang ibinigay mo kagabi. Pero bago ako pumirma ay may mga idinagdag ako.”
Isang beses niya akong nilingon bago siya muling humarap sa kalsada. Sports car ang gamit niya ngayon dahil kaming dalawa lang naman. Sobrang yaman niya nga. Kita naman 'yon sa magagarang sasakyan na pagmamay-ari niya. Kung ako rin siguro sa posisyon niya ay talagang hahanap at hahanap din ako ng paraan para maipamana sa akin ang karangyaang ito at hindi masayang ang lahat ng pinaghirapan ko. Naiintindihan ko naman siya. Hindi ko lang talaga matanggap na ako ang gagamitin niya para makuha ang kayamanang 'yon.
“What is it.”
“That if I ever get pregnant with your child. Pagkatapos na pagkatapos ko itong ipanganak ay tapos na rin ang utang ko sa 'yo. And you won't let me see the child. I don't wanna see it. I don't even want to remember it. Ayaw ko ring makilala niya ako . . . Be it its mom or your wife.”
Umayos ako ng upo bago humarap sa bintana at itinuon doon ang lahat ng atensyon. Biglang bumigat ang dibdib ko. Ngayon pa lang kasi ay hindi ko na maiwasang masaktan. I know exactly how it feels. Alam na alam ko kung anong pakiramdam ng iniwan ng nanay. It's a childhood trauma. That is why dati pa lang nakatatak na sa isip ko na hinding-hindi ako mag aasawa. Hinding-hindi ako mag-aanak. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano pang plano ng tadhana sa akin. Lahat kasi ng plano ko, pumalpak.
Hindi nagsalita si Spike. Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating sa paroroonan.
“Spiiiiike!”
Pagkapasok na pagkapasok namin sa isang hall ay may agad na sumalubong sa amin at diretsong yumakap kay Spike na babae.
I stepped back. And that was my initial reaction.
“Merila!” maliliit na tawa ni Spike ang sunod kong narinig habang niyayakap niya pabalik ang babae.
Namataan ako ng babae at agad itong lumayo sa magiging asawa ko.
“Oops, sorry!”
Doon lang din ako nagawang lingunin ni Spike at tila ba sa mga oras lang din na 'yon niya ako naalala.
Wow! Just wow!
Nahuli ko pa ang ngiti ni Spike bago siya biglang sumeryoso at lumapit sa akin, iniyakap ang isang braso sa bewang ko, at iginiya ako palapit sa babaeng nagngangalang Merila.
“This is my fiance . . . Serra,” pagpapakilala niya sa akin.
Malawak akong nginitian ni Merila bago siya naglahad ng kamay.
“I'm Merila, Spike's bestfriend and your wedding coordinator. Nice to finally meet you, Serra.”
Tinanggap ko ang kamay niya at nginitian ko na rin pabalik. “Nice to meet you too.”
Wow! So his girl bestfriend. Interesting!
“Kailan nga ulit 'yong kasal?”
Nag angat ako ng tingin kay Spike. Oo nga pala at hindi ko pa alam 'yong mga details ng kasal namin.
“By the end of this month,” si Spike ang sumagot since siya naman ang nagplano nito.
Napataas ang dalawang kilay ni Merila sa naging tugon ni Spike.
“What? Bakit parang minadali? Are you pregnant?” sabay lingon nito sa akin.
Kapag ba minadali ang kasal, ibig sabihin no'n ay buntis ang babae? Hindi ba pwedeng mahal na mahal lang nila ang isa't-isa and they can't wait another year to get married kaya rush? Bakit lahat na lang sila itinatanong kung buntis ba ako?
“Yes. She is, Merila,” si Spike na naman ang sumagot.
Namilog pati bibig ni Merila. The first reaction I saw in her face was dismayed. At agad niya 'yong pinalitan ng pagiging excited. Buti na lang at mabilis ang mga mata ko kaya ko nakita 'yon.
“Omg! Magiging daddy ka na! Congratulations to the both of you! Matutupad mo na 'yong pangarap mong makabuo ng isang basketball team, Spike!” sabay hagalpak niya ng tawa.
“Yeah! You should get pregnant too, so my boys can have their cheerleaders like how you used to cheered me back then,” natatawa ring tugon ni Spike.
Ang kaninang pilit na ngiti sa aking labi ay unti-unti na talagang naglaho. Bakit parang may nakikita akong iba? Bakit parang may nakikita akong dalawang nagmamahalan sa aking harapan? Am I hallucinating? Or they really are in love with each other?
What the heck?! Kahit hindi ito totoong marraige, I still didn't want to be cheated on!