Chapter Eight-Veronica Jane Sanchez

"ui !! natulala ka dyan!!" si Josie..

bakit sila magkasama??? at bakit nagwawala yung puso ko?? parang gustong pumatay ng tao... tzk.. abnormal na siguro ako...

"wala ah!! anong natulala?"

"eh kung makatitig ka sa kanila, kulang nalang, lamunin mo sila ng buo eh!!" si Ruby..

Veronica's POV

first time bang POV? oo ata.. ^__^ ako nga pala si Veronica Jane Sanchez... nakatira malapit lng naman sa University.. you knew me as the one who confessed to Gab claiming that i like her.. well, di ko naman kasi ineexpect na mag kakagusto ako dun eh.. i have a boyfriend, but not all knew it, not even Gab.. pano pag nalaman nya yun? baka layuan nya pa ako.. ayoko ..

niyaya ko si Gab na mag mall.. sabi ko sa kanya, may bibilhin lang ako kaya ako magpapasama, pero ang totoo, gusto ko lang syang makasama..

"ano ba yung bibilhin mo Ron?"

bibilhin ko sana yung puso mo, kung pwede....

pero syempre, hindi yan yung sinagot ko...

"uhm.. bibili ako ng.... uhm.... ng ano.... uhm... d-damit... ta-tama.. bibili ako ng damit.. tara ! dun tayo sa isang botique..." agad ko na syang hinila at baka magtanong pa.. ^__^

pagkatapos naming bumili, niyaya ko syang kumain sa foodcourt.. my treat. aba, syempre.. nag enjoy ako eh..

nakahanap na kami ng upuan malapit sa isang food stall..

"ano gusto mong kainin Gab?"

"uhm.. kahit ano lang.. bahala ka na dun.."

"hmmn, okay :)"

pagkatapos kumain, nagyaya na syang umuwi... ansaya ko talaga ngayon... umuwi akong may napakalapad na ngiti sa aking mukha...

pag pasok ko sa bahay..

"bakit ngayon ka lang?"

si Red.. boyfriend ko.. andito sa bahay...??? ang alam ko, nasa Australia sya nag aaral kasi dun sya pina aral ng mga magulang nya...

"anong ginagawa mo dito Red?"

pinipilit kong wag syang tingnan sa mga mata..

"wala na ba akong karapatang pumunta dito, ronnie? kelan pa naging kwestionable ang pagpunta ng sarili mong boyfriend sa pamamahay mo? "

napatigil ako at yumuko.. naglakad sya papunta sa harap ko at pinaangat yung mukha ko para kami ay magkaharap...

"sagutin mo ako, Veronica.. may pinalit ka na ba sakin?"

"ano ba pinagsasabi mo... nasaan sila mama?"

"wala pa sina tita, kaya solo natin ang bahay ngayon..."

lumapit pa sya sakin at dahil sa takot , napa atras ako..

"bakit mukhang takot ka? may tinatago ka nga !! sabihin mo sakin!! sino ang punyetang lalaking yan?! HA?!! " hinablot nya yung braso ko ng marahas....

"ano ba Red!! nasasaktan ako!!" hinihila ko yung kamay ko pero, sadya syang malakas... nang maubos na yung pwersa ko, i gave up tugging my arm..

hindi pa rin nya kinukuha yung kamay nya at mas lalo pa nya itong hinigpitan..

"RED!!! tama na!! wala naman akong pinalit sayo eh!! ikaw pa rin !! ano ? masaya ka na????"

marahas nyang binitawan yung braso ko at galit na nakatitig sakin... pag ganitong nanlilisik yung mga mata nya at di sya nagsasalita ay nagiging halimaw sya sa paningin ko...

aakyat na sana ako ng bgla nya akong halikan ng marahas..

"uhmf... hmmn.. red!! hmf... ano ba-ah..."

pero patuloy parin sya sa paghalik sakin.. sa tingin ko dudugo na yung mga labi ko..

"haa... haa.. haa..."

pareho kaming hingal na hingal pagkatapos mag hiwalay yung mga labi namin...

*paaaaaaakkkkk!!!!!!!!*

"bakit mo ko sinampal Veronica?!!"

"dahil napaka gago mo!!! "

dali dali akong umakyat sa kwarto ko at nagkulong.....